Tải xuống ứng dụng
87.96% I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 115: He Loves You

Chương 115: He Loves You

Ayradel's Side

Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya. This isn't real... isang taon? Isang taon na wala siya? Hindi ko kaya 'yon! Agad akong umiling-iling sa kanya upang pigilan siya.

"Hindi... wag... please." Tumulo na ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin para kumbinsihin siyang huwag sundin si Mama.

Paano kung may makilala siya sa loob ng isang taon? Paano kung marealuze niyang hindi niya ako mahal?

"I love you... so much, Ayra." aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Binitawan niya ako at saka ko naramdaman ang mahigpit na kamay ni Mama sa braso ko.

"Tara na, Ayra."

"Ayoko! Mama! Richard please! Huwag ka na lang lumayo! Huwag gan'ong katagal!" sabi ko habang kumakawala kay Mama.

Sina besty, Ella, Suho, Jayvee at Papa ay walang magawa. Lahat sila ay may awa lang na nakatingin habang nilalayo ako ni Mama kay Richard.

"Richard umalis ka na! Kung totoo ka sa sinasabi mo ay ikaw na mismo ang umalis!" sigaw ni Mama saka ko nakita ang pagkislap ng luha sa mata ni Richard. Kumurap siya at tumalikod para itago ang kanyang mukha, saka unti unting naglakad palayo sa akin.

Sa ikalawang pagkakataon ay tinalikuran niya ako.

May mga bagay talagang minsan ay hindi kayang bitawan nang dahil lang sa pag-ibig. We chose to be matured enough... ang magkalayo ngayon para maging mabuti para sa kasalukuyan.

"Nakita mo na, Ayra. Hindi ka mahal ng lalaking iyon dahil biruin mo? Kaya niyang malayo ka ng isang taon? Kalimutan mo na ang lalaking iyon!" komento ni Mama nang pasukin namin ang kwarto.

"Hindi kita maintindihan Ma! Hindi ba para sa 'yo ay duwag siya kapag hindi niya tinaggap ang hamon mo? Ngayong tinanggap niya ibig sabihin ay hindi niya ako mahal? Ano ba talagang plano mo!"

Nagtiim bagang ako nang maramdaman ang kanyang sampal. Pero wala na akong pakialam. Wala na akong nararamdaman.

"Huwag mo akong sagut-sagutin ng ganyan!" galit na galit at nanginginig na ang kanyang boses.

"Sabihin mo, Ma... hindi mo naman talaga kami matatanggap kahit lumipas ang isang taon diba? Hindi mo talaga kami planong tanggapin!"

"Oo!" aniya kaya nalaglag ang panga ko. "Mahaba ang isang taon! Gagawin ko ang lahat para makalimutan mo siya! Gagawin ko ang lahat huwag ka lang mapunta sa anak ng Dianne na 'yan!"

Hindi ako nagsalita at nanatili lang ang matalim na tingin sa kanya.

"Subukan mo ako Mama..." madiin kong sabi. "Subukan mo ang pagmamahal ko dahil sigurado akong hinding-hindi ako magmamahal ng iba. At kung galit ka kay Richard dahil lang masama ang ina niya, then I should hate myself too. Kung malas siya sa naging ina, mas malas ako dahil ikaw ang Mama ko."

Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Mama. Hindi na siya muli pang nagsalita. Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mga mata ko at saka nagmartsa palabas. Tinitigan ko ang pintuan ng unit ni Richard at inisip na baka wala siya sa kwarto niyang iyon.

Tumakbo ako papunta sa elevator at nagtungo sa parking area at nagbakasakaling nandoon pa ang sasakyan niya... pero wala. Malungkot na ang buong lugar. Maging ang lobby kung saan niya ako madalas hinihintay papasok ay napakalungkot.

Inilabas ko ang cellphone ko para itext siya...

: Nasaan ka? Please, you don't have to do this. Magkita tayo.

Muling kumirot ang puso ko  pagkasend ko nito. Napahawak ako dito saka nanghihinang napaupo sa isang inclined plane na malapit sa akin. Sinubukan kong humikbi para maibuhos ko lahat ng kirot, para hindi ko na maramdaman iyon, pero kahit gaano karami na ang inihikbi ko  ay hindi pa rin nababawasan ang sakit. Nakatakip ang palad ko sa mukha, nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Besty..." aniya at hinaplos ang likuran ko. Muli akong bumalik sa pag-iyak.

"Anong gagawin ko?" sabi ko habang humihikbi. "This is unfair for him."

"Besty, desidido si Tita para paglayuin kayo ni Richard pero umiiyak siya kanina dahil sa naging sagutan ninyo..."

Kumirot din ang puso ko nang marinig ko iyon. Ayokong saktan si Mama, pero ayoko ring layuan si Richard.

"Sabi niya... susubukan niya raw na tanggapin kayo balang araw. Hindi niya raw kasi talaga matanggap. Tingin ko naman kailangan lang ni Tita ng panahon para matanggap kayo."

"Pero ang tagal ng isang taon, besty. Paano kung... pano kung tanggapin na kami ni Mama pero huli na ang lahat?"

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa pagmamahal sa iyo ni Richard?" aniya at hinaplos ang aking buhok. "Ako, para sa akin, kayang-kaya niyo 'yon. Kahit gaano pa katagal ulit kayo bago magkita, sa inyong dalawa walang magbabago."

Hindi ko na alam kung anong dapat sabihin. Nabablanko ang utak ko. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang magdamdam at magkulong sa kwarto. Iyon nga lang ay ayoko munang makita si Mama ngayon.

"You know, besty, hindi ito katulad ng sa mga movie... sa tunay na buhay you can't really choose love over family. Are you willing to lose your mom para kay Richard? Are you willing to lose Richard just for your Mom?"

Tumingin ako kay besty. Hindi man ako sumagot ay alam kong alam niya ang iniisip ko.

"Hindi diba? But you can have both, and in order to have that, kailangan ng sakripisyo. Tingin ko iyon ang inisip ni Richard. Alam niya noon pa man na hindi ka makakapili between sa kanya at kay Tita. Ito ang pinili niyang laban. He rather wait that long, than to not have you at all."

Doon lang nalinawan ang utak ko. Tama siya, kung kaya ni Richard na lumaban para sa amin, kung kaya niya maghintay ay kakayanin ko rin.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi saka tumayo kasama si besty. Ngumiti siya sa akin kasabay ng pagbeep ng cellphone ko.

Richard: Kailangan kong lumayo. I can't cheat, Ayra. I can't risk the only chance that I have. Baka sa tuwing nakikita kita ay mas lalo lang akong matuksong i-takas ka. No... I'll have you in a legal way... I'll have you my way.

After 2 months...

Tinotoo ni Richard ang pangako niya sa kondisyong ibinigay sa kanya ni Mama. Nagpalipat siya ng mga subjects kung saan magkaklase kami, hindi na siya umuuwi sa unit niya sa tabi ng room namin, at higit sa lahat, palagay ko ay hindi siya pumapasok dahil hindi ko nakikita kahit anino niya.

Naging kalat na sa buong BSE ang pagkawala ni Richard, at isa sa mga dahilang iyon ay ang pagbe-break daw namin. Tumutungo na lang ako habang pinagchichismisan ako ng mga taong nadadaanan ko.

"Bakit kaya sila nag-break ni Richard Lee?"

Dalawang buwan na ang lumipas mula noong hindi ko na nakita si Richard, dalawang buwan na mula noong kumalat ang tsismis na naghiwalay kami, pero hanggang ngayon ay kalat na kalat pa rin iyon.

"Sheena, what do you think?"

Tahimik kong inilapag ang bag ko sa usual naming upuan. Wala pa sina Lea, Rocel at Blesse kaya naman ako lang ang mag-isa sa hanay namin. Marami na namang alagad si Sheena na umaaligid sa kanya, nagsibalikan sila sa kanya 2 months ago at hindi sila nagsasawang pagusapan ako.

"Syempre, ano pa ba?" sabi ni Sheena. "Baka nagsawa?"

"OMG, do you mean, nagsawa kasi araw-araw nilang ginagawa 'yong...?"

Napapikit ako sa inis nang magtawanan sila ng sabay-sabay. Ibinuhos kong lahat ng iyon sa papel na sinusulatan ko.

"Tss, bait-baitan pero deep inside gamit na gamit naman na pala at pinagsawaan."

"Mabuti ka pa Sheena!"

"Of course, hindi naman ako malandi kagaya ng isa dyan." tatawa tawang sabi ni Sheena.

"By the way, Sheena, kamusta na kayo n'ong Chinese na kausap mo recently? I heard he's really into you, huh?"

"Hmmm. Ayun, we are good naman. Titignan ko pa kung hanggang saan ang kaya niya sa panliligaw niya."

Natigil lang sila sa paguusap at pagtatawanan nang nagsipasukan na ang iba naming kaklase, kasama na doon sina Lea. Umupo agad ang mga ito sa tabi ko upang haplusin ang likod ko.

Hindi ko na pala namalayan na umiyak na ako.

"Pinagusapan ka na naman ba nila?" ani ni Lea na nanghahamon.

"Shh, huwag kang maingay. Mas lalo lang silang sasaya kapag nalaman nilang naapektuhan nila ako." sabi ko. "Hindi naman ako nagpapaapekto. I just miss him so much."

"Matatapos rin 'to, beh. Alam mo naman kung anong totoo diba?"

Tumango na lang ako kay Lea. Panay rin ang ngiti sa akin nina Rocel at Blesse para palakasin ang loob ko.

Lumipas ang maraming araw at naging maganda pa ang standing ko sa school. Noong matapos ang first sem ay isa ako sa naging President's Lister. Dean's Lister naman ang nakuha ni Sheena kaya todo na naman ang pagpaparinig niya sa akin. Hindi na talaga siya magsasawa sa pakikipagkompetensya.

"Congrats, ate!" ngiting ngiti si Papa nang iabot niya sa akin ang regalo niyang palagay ko ay kwintas. Pumunta sila dito sa Maynila para i-treat ako sa labas. Bahagya akong ngumiti pabalik.

"Salamat Papa."

"C-congrats, anak." mahina ang boses ni Mama nang sinabi niya iyon sa akin. Nilingon ko siya at bahagya ring ngumiti.

Hanggang ngayon ay hindi kami okay ni Mama. Hindi kami nagpapansinan kung hindi kailangan, at kapag naguusap kami ay mahahalagang bagay lamang.

I know it's wrong to hate my mother, but I just want her to know na mali ang ginagawa niya. Yes, may kasalanan si Dianne Marcaida sa nakaraan ni Mama pero ibang tao naman si Richard at inosente ito pagdating doon.

Hindi siya nararapat na madamay sa galit ni Mama.

Napangiti ako habang tinitignan isa-isa ang mga litrato naming dalawa sa Cloud 9. It's been three months and I miss him damn much. I wonder kung ano bang ginagawa niya ngayon?

I opened our message conversation at binasang muli ang mga huli naming pinagusapan. Hindi na siya nagreply pa sa mga huli kong tinext. Palagay ko ay nagpalit na rin siya ng numero.

"Kamusta ka na, Ayra?" tinanong sa akin ni Jayvee isang araw nang maisipan naming kumain ng lunch ng sabay kasama syempre sina Rocel, Blesse at Lea. Magkatabi kaming dalawa samantalang 'yong tatlo ay busy na naman sa pagchichikahan.

"Okay lang." I smiled a bit.

"Hmm. Hindi pwedeng iyan lang ang isagot mo," aniya bago uminom ng kape. "Anong irereport ko kay Richard Lee niyan?"

Humalakhak siya nang makitang nag-iba ang ekspresyon ko. Bigla akong nabuhayan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Halatang-halata ang kislap sa mata mo." aniya nang nakangiti.

"N-nakausap mo siya? Kamusta siya? Nasaan siya ngayon?"

"He can't tell me where he is, basta ang alam ko lang ay nagaaral siya sa ibang university ng pansamantala. He said he's not okay, he missed you. Kahit nga hindi niya ako pinagkakatiwalaan, pinababantayan ka pa rin niya sa akin."

Sumakit ang tibok ng puso ko. Masaya akong makarinig ng tungkol sa kanya pero nasasaktan ako kasi sobra ko rin siyang namimiss. Parang gusto kong maiyak ngayon rin dahil sa kaba.

"Can I see him? Can you ask him to see me?" bulong ko at hinawakan ko na ang braso ni Jayvee. "Please?"

"And now I'm jealous..." ani ni Jayvee pero tatawa-tawa.

"Jayvee..."

"Okay, huwag ka nang malungkot. Ayokong nalulungkot ka," aniya and pats my chin. "I'll tell him to see you."

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Gusto kong tumalon at gusto kong yakapin ang mga taong nakikita ko, but I let myself composed para walang makahalata sa akin. I smiled at Jayvee.

"Thank you, Jayvee! Thank you talaga!"

"Basta mag-ingat na lang kayo, Ayra. I don't want you to get caught again... I can't see you crying again. Kapag nahuli na naman kayo, sige ka. Aagawin na talaga kita." aniya at humalakhak. Napangiti na lang rin ako. "And... I'm also sorry, tungkol kay Jae Anne. Hindi ako aware na siya pala ang mata ni Tita Myra kahit noong nasa Tirona High pa lang tayo. Kaya nagtataka ako noon kung paano nalaman ni Tita Myra ang tungkol sa inyo, iniisip ko nga baka ako ang pagbintangan mo."

Unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Paano pala si Jae Anne? Paano kung makita niya kami?"

"Kaya nga mag-ingat kayo. Pero ngayon ay busy pa rin sila sa college nila."

Natahimik na lang kaming dalawa. Pansin ko ang bigla niyang paglungkot, kaya naman ay inopen up ko na ang bumabagabag na tanong sa utak ko.

"A-ano palang nangyari sa inyo ni Jae Anne?" panimula ko. "Kung hindi mo mamasamain... is it... really because of me?"

Sandali siyang ngumiti,

"Kind of," aniya sabay halakhak. "But not really. This is really about me and her." dugtong niya. "You know, we really love each other since 1st year highschool. Bawal pa siyang magboyfriend kaya naman naging sikreto ang relasyon namin. Iyon rin ang kagustuhan niya. Naging sikreto ito hanggang sa ngayon, kaso nga lang sa haba ng mga taong iyon ay on and off na kami. Madalas siyang mang-away at madalas makipagbreak, pero kapag lumaon ay makikipagbalikan. Mahal ko siya kaya naman tiniis ko 'yon ng gan'on katagal."

Nanatili lang ako sa pakikinig. Sa tagal ko silang kaklase ay ngayon ko lang 'to nalaman. Sabagay, ngayong 6th year ko lang naman naging kaclose si Jayvee, noong naging seatmate ko  lang siya.

"Kaya lang habang tumatagal, lalo siyang lumalala. She's seems okay outside, pero kapag magkasama kami ay lagi siyang napaparanoid tungkol sa mga bagay-bagay. She's crying herself out kahit wala namang dahilan... hindi ko maintindihan e. Ang alam ko lang, may problema siya sa pamilya, but I don't know well kasi sa tagal ng relasyon namin, hindi niya pa ako napapakilala sa kanila."

Nalungkot naman ako dahil parang napakahirap pala ng naging relasyon nilang dalawa. All this time, akala ko ay napakaswerte ni Jae Anne, pero may itinatago rin pala talaga siyang problema.

Sa isang iglap ay natunaw ang puso ko para sa kanya.

"N'ong nakilala kita... siguro nasanay lang ako sa gaan ng pakiramdam tuwing kasama kita. You're always happy, at kapag may problema you deal it with yourself, hindi mo ito ipinapasa sa iba." aniya, "Unti-unti kong ginusto na, sana ganito kadali kasama si Jae Anne. Sinubukan kong ipakita sa kanya na mali na ang ginagawa niya. The next time na nakipagbreak siya sa akin ng walang dahilan at nakipagbalikan... hindi ko muna tinanggap."

Nanatili lang akong nakikinig dahil wala akong masabi.

"Then Richard Lee came. I thought pupuntiryahin niya si Jae Anne kasi baka napansin niyang may namamagitan sa aming dalawa kaya naman sinabi ko kay Jae Anne na ililigaw ko ang atensyon ni Richard... sorry, pero ikaw ang nagamit ko, kasi ikaw lang naman ang malapit sa akin. Sorry, Ayra."

Ngumiti ako. "Ano ka ba, alam ko na 'yan. It's okay."

I think it is also a blessing in disguise dahil kung hindi ako ang ginulo ni Richard, baka hindi kami maging malapit sa isa't isa.

"Pero nagkamali ako... Hindi niya kailanman pinuntirya si Jae Anne kahit nahuli niya na kaming dalawa na lihim na magkasama. Nalaman kong ikaw talaga ang pakay niya. Akala ko balak ka lang niyang paglaruan at saktan, but all I can see in his eyes is desire for you... he really loves you."

Matapos marinig ang lahat ng iyon ay nagkabuhay ako. All I want right now is to see him. I badly want to see him.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C115
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập