Chapter 994: Halimaw Ka!
"Ahhhhh, multo!"
Agad na naghiyawan ang mga babae. Halos mahimatay na si Lu Xinyan at namutla. Sobrang gulo ng nangyari.
"Hoy...anong multo…?" Sa sandaling iyon, may isa pang kamay sa bato sa gilid ang lumitaw. Ang sumunod ay isang itim na anyo ang gumulong mula sa gilid at humandusay sa harap nila…
"Ano iyan?!"
"Ano iyang gumugulong? Ahhhh!"
"Diyos ko!"
"Si...Ning Xi! Si Ning Xi nga! Aah!!!"
…
Oh my God! Ano itong nasaksihan nila? Argh!
NingX i!?
Si Ning Xi nga talaga!
Anong nangyayari?
Paani niya kinayang umakyat ng sarili lang niya???
Magulo ang buhok ni Ning Xi at sobrang dumi ng puting sports outfit na suot niya. Puno ng putik at lumot ang mga kuko niya. Nakayuko siya at hinihingal. Pagkatapos niyang gumapang at makalanghap ng hangin, ang una niyang sinabi ay, "Hoy...hindi niyo sinabi kay Lu Tingxiao, ano?"