Chapter 23: Ang mapait na pagtatapos.
NAKATULALA lang si shakira habang nakatitig sa papalubog na araw.
Hindi niya na napigilan pa ang mga luhang patuloy na dumadaloy pababa ng kaniyang pisnge.
Wala na siyang ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso.
Sobrang sakit.
Hindi niya inaakalang mas masakit pa pala ang magpaalam sa mga taong mahal niya kesa sa sakit na naramdaman niya noong panahong pinatay siya.
"Wala nang mas isasakit pa dito.. Walang wala na" bulong niyang ani.
Ilang araw na ang nakalipas simula nung naglagay sya ng spell para makalimutan siya ng lahat.
Gusto niya nang tapusin lahat lahat pero heto siya tila isang natutuyong dahon na bumagsak sa lupa at hindi na muling gumalaw pa.
"Nandito kalang pala." mabilis siyang napalingon nung biglang may nagsalita sa likuran niya.
At literal na nanlaki ang mga mata niya nung makita kung sino ang lalaking yun!
"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Para kang nakakita ng multo." natatawang ani pa nito.
Pinagmasdan niya ito habang naglalakad patungo sakaniya at naupo pa sa tabi niya.
Ngumiti ito nang hindi lumilingon sakaniya.
"Ang hirap ng mag-isa ano?" anito habang nakatingin din sa araw kung kaya't napaiwas siya ng tingin at tumingin nalang din sa araw.
Nakatulala lang siya一hindi niya alam kung ilang segundo o minuto na ang nakakalipas nung namayani ang katahimikan sakanilang dalawa.
Pero maya maya rin ay pinutol ng lalaking katabi niya ang katahimikang iyon.
"Ang ganda ng araw. Maganda rin ang dagat at masarap sa tenga ang tunog ng pagpagaspas nito.. Masarap din sa balat ang preskong hangin kaya nagtataka ako kung bakit may isang binibining umiiyak sa harapan ng mga ito?" kunware pang tanong nito.
Naramdaman niya ang paglingon nito munit hindi niya ito nilingon pa.
Totoo ang sinabi ng lalaking ito.
Maganda ang nasa paligid niya一nakakarelax, iyon nga lang hindi niya magawang iappreciate ito dahil sa sitwasyon niya.
Nanatili lamang siyang tahimik nung magsalita na naman nito.
"Hindi ko man alam ang nangyari sa'yo, Alam ko naman ang nararamdaman mo.." Ani na naman nito na siyang ikinalingon niya. Lumingon dito ito sakaniya at ngumiti bago muling ibinalik ang tingin sa araw habang siya naman ay nanatili pa rin ang tingin dito. "Kasi tulad mo nalulungkot at mabigat din ang nararamdaman ko.." may bahid na ng lungkot ang boses nito.
Lumamlam ang mga mata nito at dun niya lang napansin ang mga hiwa sa mga braso nito.
Gulat siyang napatingin dito na hindi niya namalayang nakatingin din pala sakaniya.
"Tulad mo dito rin ako umiiyak na para bang walang makakapigil sa luha ko." mapait na ang mga ngiti nito at halatang pilit.
Napaiwas na siya ng tingin at napagdesisyunang magsalita rin.
"Mabigat at malungkot ang puso ko dahil na rin sa kagagawan ko." panimula niya. "Nagdesisyon kasi ako kahit na hindi pumapayag ang puso ko.. Gumawa ako ng desisyon na bagaman di pumapayag ang puso ko, alam naman ng utak kong maproprotektahan ang mga ito ng desisyong ginawa ko."
"So, lumayo ka para lang iligtas sila o lumayo ka para iligtas ang sarili mo sa pangyayaring ayaw mo ng maulit uli?" natigilan siya sa tanong nito. "Ang paglayo kasi ay hindi lang para sa mga taong mahal mo kun'di para rin sa'yo. Lumalayo ang mga tao para maprotektahan ang sarili nila sa anumang pangyayaring makakasakit sakanila.."
"Pero hindi ako tao." Gusto niyang sabihin yan munit pinagdesisyunan niya nalang na sarilinin nalang.
"Alam kong wala ako sa posisyong sabihin 'to pero alam mo ba kung gaano kasakit ang layuan ng tao nang hindi man lang sinasabi kung ano ba talaga ang problema?" tanong na naman nito, napalingon na naman siya rito munit hindi ito lumingon bagaman nakangiti ito at sa ngiting iyon.. masasabi mong ngiti ng malungkot na puso iyon. "Ang taong nilayuan mo.. Magtataka sila, doon sila magsisimulang sisihin ang sarili nila. Mapupuno ng mga tanong, alaala ang mga utak nila.. Ang mga tanong na magsisimula sa May ginawa ba 'kong mali para lumayo siya? At ang mga alaala ng huli niyong pagkikita. Mahilo man sila kakaalala ay pipilitin pa rin nilang alalahanin iyon para makita kung may mali ba silang ginawa para lumayo ka." mahaba nitong ani.
Bumaba ang mga mata niya. "Iyon ay kung naalala pa nila 'ko.." hindi niya na naiwasang makaramdam ng lungkot.
"Nagka amnesia ba sila?" Mabilis siyang umiling. "Matagal na ba ang nakalipas?" muli siyang umiling. "Kung gayon paano mo nasabing hindi kana nila naaalala pa?"
"May ginawa ako sakanila na hindi mo rin naman maiintindihan." simpleng sagot nya.
"Minagic mo ba sila kaya nagkaganon?" bahagyang kumunot ang noo niya 'tsaka taas kilay na nilingon ang lalaki na ngumisi lang na tila natatawa pa.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis niya nang ani.
Nagkibit balikat ang lalaki bago sumagot. "Nandito rin ako para magtanong sakaniya." mapait niyang ani, dun lang ito lumingon sakaniya. "Gaya mo nalilito rin ako sa maraming bagay.."
"Tulad ng ano?" hindi niya na naiwasang magtanong.
"Katulad ng sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon na tila pamilyar sa'kin kahit na ngayon ko palang siya nakita." natigilan siya run at napatitig..
kay LUCAS.
Binabasa niya ang mga emosyon sa mga mata nito munit puros pagkalito lamang ang mga ito.
"Pamilyar ka sa mga mata ko pero nung inaalala ko na kung nagkakilala na ba tayo一wala akong maalalang kahit na ano." ngingiti pa nitong ani. "Sa totoo lang nung makita kitang nakatulala kanina parang may kung anong nagtulak sa'kin na lapitan ka at kausapin.. Hindi naman ako madaldal pero tignan mo naman ako lang ang nagsasalita habang nakikinig ka naman.. Pero sa ating dalawa mukhang ikaw pa ang mas napapagod kahit nakatulala kalang naman." natatawa nitong ani sakaniya bago umiwas ng tingin. "Ngayon hindi ko na tuloy maiwasang magtanong kung nakilala na ba kita noon kaya ganito? O kaya ka pamilyar dahil baka nakasalamuha na rin kita noon nang hindi napapansin.. Ang weird ko." napailing pa ito habang tila nababaliw sa mga sinabi.
Doon siya umiwas ng tingin at malamlam lang na tinignan ang buwan na nasa harapan nilang dalawa.
Muling tumahimik ang pagitan nila. Sa sobrang tahimik ay maski ang tunog ng ihip ng hangin ay naririnig na nila.
Tatayo na sana siya upang umalis nung bigla nitong hawakan ang braso niya at nahihiya pang nakatingin sakaniya.
"Pwede bang magtanong?" nahihiya pa nitong tanong. Tinitigan nya lamang ito na tila naging hudyat para magtanong itong muli. "Kilala mo ba 'ko?"
Tila naubusan siya ng hangin nung deretso nito iyong tinanong. Napatitig siya sandali.
Kilala niya si Lucas alam nitong magbasa ng mga aksyon o reaksyon niya kahit pa sa ngayon ay hindi nito siya maalala pa.
"Hindi." pinatatag niya ang boses niya't tinanggal ang kahit na anong emosyon sa mukha niya.
Blangko niyang tinignan si Lucas na hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi nitong nilabanan din ang tingin niya.
Nakipagtitigan din siya一hindi siya umiwas ng tingin hanggang sa ito na mismo ang nag give up.
"Okay naniniwala ako sa'yo." nakangiti pa rin nitong ani.
Tumango nalang siya tsaka tinanggal ang braso nitong nakahawak sa braso niya at mabilis na nilisan ang lugar.
Alam niyang mas lalong magiging delikado kung mananatili siya dun lalo pa't alam na alam niya ang takbo ng utak ni Lucas.
Kukulitin lang siya nito ng kukulitin kung hindi pa siya aalis doon.
Munit bago pa man sya makaalis sa lugar na 'yon ay napahinto siya at gulat na napatingin sa kagubatan na nahaharangan ng malalaking pader bilang proteksyon nito.
Nun nya lang naalala kung paano nga ba siya nakapunta rito一galing sya sa ibang dako ng dagat at kailan ma'y hindi niya naisip na dumaan mula sa kagubatan.
Nanlaki ang mga mata niya nung marealize ang isang bagay.. Unti unti siyang lumingon kay lucas na nakatingin din pala sakaniya,bagaman hindi na nito suot ang mga ngiti nito sa labi.
Seryoso na itong nakatingin sakanya一hindi masama ang titig nito munit nararamdaman niyang may kakaiba roon.
"Hindi mo'ko.."hindi nya na natapos ang sasabihin niya nung walang ano ano'y nakalapit sakaniya si Lucas at hinigit siya upang yakapin..
Ng sobrang higpit.
"Pano mo nagagawa sa'min to shakira?" bakas ang pagtatampo sa boses nito. "Pano mo nagagawang lumayo samin at itapon ang pinagsamahan natin na para bang isa lang kaming laruan?"
napayuko siya.
Hindi niya na napigilan ang sarili niya't bumuhos na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Hanggang sa tila bumalik siya sa pagkabata kung saan humihilig siya sa balikat nito at umiiyak ng matindi dahil sa inagawan sya ng laruan nang kalaro nya.
Iyak sya ng iyak na tila kasing lalim ng pacific ocean ang tubig sa katawan nya一hindi man lang napagod ang mga mata nyang lumuha na tila ba maski ito ay namanhid na.
Ilang segundo pa bago nya naramdaman ang kamay ni Lucas na humahaplos sa likod niya tulad ng ginagawa nito tuwing umiiyak siya.
Pinaparamdam na naman nitong hindi siya nag-iisa sa mundo dahil narito si Lucas sa tabi nya.
Sa gitna ng paghagulgol na parang walang katapusan ay naalala niya ang mga mukha ng mga taong iniwan niya sa mundo ng mga ito. Kung saan pinaghalong lungkot,pag-aalala, sakit at kung ano ano pang emosyon na dapat naman talaga nilang maramdaman.
"Sige lang, umiyak kalang.. Nandito lang ako." ani ni Lucas.
Iyak lang sya ng iyak sa bisig nito. Hindi man lang siya nakaramdam ng hiya sa katotohanang mababasa ang damit ni Lucas na tila ba binuhusan ito ng tubig dahil sa luha nya.
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry." paulit ulit niyang sambit sa pagitan ng pag-iyak.
Inaalo naman siya ni Lucas munit hindi siya pinapatahan. Isa sa rason kung bakit para sakaniya ay si Lucas ang pinaka-mabuting tao sa buong mundo.
Imbis kasi patahanin ay hahayaan ka nitong umiyak kahit pa isang baldeng luha pa ayos lang sakaniya. Kahit pa mabasa ang pinaka paborito niyang damit ay ayos lang din sakaniya. Kahit na rin maubos ang oras niya kakapakinig sa hinanakit at mga hagulgol mo.. ay ayos lang dito.
Ayos lang lahat para kay Lucas as long as makakatulong ito..
"Tumatakbo pumapatak ang bawat oras
Bumibilis lumalala ang karamdaman
Nasaan ka
Nang ika'y kailangan~" natigilan siya sandali nung marinig ang pagkanta nito.
"Lumalabo dumidilim aking isipan
Nakangiti habang pilit na lumalaban
Handa akong
Ika'y tulungan~" napatitig siya sa kawalan at pansamantalang huminto ang pag-iyak niya.
Patuloy lamang sa pagkanta si Lucas na siyang ikinalambot ng puso niya.
"Oh itaas ang iyong kamay
Oh nang ika'y ma-i-akay ko
Oh itaas ang iyong kamay
Nang ika'y ma-i-akay~" ang paghikbi nalang ang kumukawala sa bibig niya hanggang sa wakas..
Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
"Hayaan mo na akong humanap
Ng lulu-lulu-lulu-lulu-lulunas mo
Hayaan mo na akong humanap
Ng lulu-lulu-lulu-lulu-lulunas mo
Hayaan mo na akong humanap
Ng lulu-lulu-lulu-lulu-lulunas mo
Malay mo ako pala
Ang lulu-lulu-lulu-lulu-lulunas
Ako pala ang lunas mo oh~" Isang maliit na ngiti ang kumawala sa mga labi niya.
Hindi pa rin pala kumukupas ang boses nito一boses na wala sa tono.
"Nalilito hindi mo ba alam nandito lang ako
Para sayo kahit ano ang kailangan
Bumubugso damdamin ko para sayo
Lahat ay tila handa nang makalimutan~"
gayon pa man ay naappreciate niya ang pagkanta ni Lucas.
Kahit kasi wala ito sa tono at lumalagpas ang boses sa linya ay patuloy pa rin itong kumakanta para lang macomfort siya.
Napapikit siya.
Sa wakas ay naramdaman niya na rin ang pagod一inaantok na ang mga mata nya.
Nakatulog siya sa bisig ni Lucas一 sa bisig ng isa sa mga pinagkakatiwalaan nyang tao.
NAPATITIG si Lucas sa mahimbing na tulog na si shakira..
Marahan niyang hinaplos ang mukha nito 'tsaka ngumisi ng pagkalaki-laki.
"Malas mo dahil sa lahat ng tao ang isang traydor na gaya ko pa ang pinagkakatiwalaan mo." kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay tiyak na matagal ng patay si shakira.
Umiwas siya ng tingin nung marinig ang mga yapak palapit sakaniya.
"Get her." madali niyang utos.
Tumungo ang lalaki 'tsaka kinuha si shakira na mahimbing pa rin ang tulog.
Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa buhangin at pinatitigan ang natutulog na si shakira.
"Bakit kasi sa lahat ng tao.. Ikaw pa talaga?" napailing siya at iwinaksi ang mga emosyong bigla niyang naramdaman sa puso niya.
Pinukol niya ng masamang tingin si shakira. "Lahat ng mangyayari ay kasalanan mo." pagkatapos nun ay tumalikod na siya 'tsaka nagpamaunang naglakad.
'Napakahina mo talaga shakira, sa lahat ng tao sa maling bampira ka pa nagtiwala.'