Tải xuống ứng dụng
75% Heart's Desire / Chapter 18: Fascinated by Enemy - Chapter 2

Chương 18: Fascinated by Enemy - Chapter 2

"Wala akong ginagawang masama sa 'yo, Saldivia," pakli niya. Kontrolado na ang matigas na tinig. "Bakit tinarantado mo ako?"

"Mali ka diyan, Soriano. Inagaw mo ang kabuhayang dapat ay mamanahin ko!"

"Wala akong inaagaw sa inyo! At hindi ko kasalanan kung nawaldas ang kayamanan ninyo. Kayo lang ang humahawak ng inyong salapi, kaya kayo lang nagpakawala sa mga iyon."

"Aaah! Kahit na ano pang sabihin mo, ikaw ang dahilan ng lahat ng mga paghihirap ko! Wala kang karapatang tumuntong sa lupang tinutungtungan ko. Isa ka lang busabos na hampaslupa!"

Kinalma uli ni Zander ang sarili. "Ano'ng kailangan mo sa akin, Saldivia?" Binago niya ang direksiyon ng usapan nila.

"Ha! ha! Nakuha mo rin, Soriano! Kahit na ubod nang purol n'yang utak mo!" Ininsulto muna siya ni Jeremy bago tinugon ang tanong niya.

"Pera ang kailangan ko, Soriano. Tutubusin mo sa akin si Sonia."

Dahan-dahang nag-inat ang malalapad na balikat. Nagbawas ng tensiyon si Zander para luminaw pa nang husto ang takbo ng utak. Mas malala pala ang tunay na sitwasyon.

Poor Sonia! bulong niya sa sarili.

"Kidnapper ka na pala ngayon?" panunuya niya.

"Ito lang ang paraan para mabawi ko ang perang inagaw mo mula sa akin , Soriano."

"Tsk! tsk! Habambuhay na pagkabilanggo ang katapat ng paraan mo, Saldivia."

"Kung mapapatunayan," salo ni Jeremy. His tone was cocky with an inflated sense of self-importance. "Siyanga pala, may sikreto palang kiliti si Sonia sa--" Nagsingit ito ng paboritong paksa sa usapan--ang tungkol sa kamunduhan.

"Magkano?" Zander cut in before the lewd sentence was completed.

"Ayaw mong malaman ang weakness ni Sonia? Binibigyan lang naman kita ng tip. Gustung-gusto niya 'yung gagamitan mo muna siya ng vibr--"

"This is your last chance, Saldivia," Zander hissed in a low, dangerous voice. "You know damned well that I can have a new fiancee anytime. Kaya sabihin mo na ang presyo mo habang interesado pa ako!"

Natahimik sandali ang kabilang linya.

"Buweno," agap ni Jeremy matapos makabawi. "Sampung milyon lang ang kapalit ni Sonia."

Napasingasing si Zander. Dugo at pawis ang pinuhunan niya para lang magkaroon ng kayamanan na pag-aari niya ngayon.

Hindi siya makakapayag na mapunta lang sa isang pesteng katulad ni Jeremy Saldivia!

Siya naman ang tumawa nang nakakaloko. Itinuloy niya ang pamba-bluff sa kausap. "Sampung libo lang ang ipi-presyo ko sa isang taksil na babae, Saldivia. Take it or leave it."

Nagmura nang nagmura ang mas nakababatang lalaki sa tinuran niya. "Ganyan ka ba magmahal sa nobya? Sa magiging asawa?" pang-uusig nito.

Nagmura uli ito. Sari-saring kalaswaan ang lumalabas sa bibig habang nagagalit.

"Sampung libo lang? Naknamputsa naman, oo! Kulang pang pambayad sa renta ng eroplano ko 'yan, a? Ang lakas pang bumatak nitong bebot mo. Naubos agad ang supply ko! Tapos, katitimbog lang ng source ko. Paano pa ako makaka-score?"

Pulos mga reklamo naman ang isinunod nang walang makuhang reaksiyon mula sa kanya.

"Take it or leave it, Saldivia," ulit niya bago pinindot ang 'off' button.

Ilang sandali lang ang ipinaghintay niya. Kumuriring uli ang telepono.

"Okey, okey! I'll take your filthy money, you bastard!" sigaw ni Jeremy bago pabagsak na pinutol ang linya.

Inaasahan ni Zander iyon kaya nakalayo na agad ang cellular sa teynga niya.

A cold smile stretched his firm mouth.

Isang malamig na ngiti iyon na unti-unting nabura.

Kinapa niya sa kanyang kalooban ang tunay na nadarama para kay Sonia.

Awa lang.

Dahil kailanman ay hindi niya ito minahal.

Oo, hinangaan niya ang dalagang mayumi. Nirespeto pa nga nang lubos.

Ni hindi pa niya nahahagkan ang mga labi nito.

Kaya nang malaman niya mula kay Jeremy na hindi na ito inosente, may isang bahagi niya ang nawalan ng gana.

Wala na yatang malinis ngayon sa mundong ito! bulalas niya sa sarili habang nagsasalin ng alak sa basong kristal.

Tinungga niya iyon. Nang maubos, nagsalin uli siya. Paulit-ulit ang ritwal hanggang sa malasing siya.

Hindi na niya namalayan nang daluhan siya ni Majordomo para alalayan paakyat sa silid-tulugan niya sa ikalawang palapag ng mansiyon.

Kinabukasan, ipinadala niya sa mansiyon ng mga Saldivia ang sampung libong piso.

Makalipas ang dalawang araw, inihatid ng isang taksi ang dalagang pakakasalan sana ni Zander Soriano.

Purong simpatiya na lamang ang nagtutulak sa binatang negosyante nang pangkuin ng mga bisig si Sonia. Maingat niyang inihiga ang lungayngay na katawan nito sa isang sopa.

"Sonia? Si Zander ito," bulong niya sa babae habang kinukulong ng mga palad ang nanlalamig na mga kamay nito.

Hindi kumibo si Sonia. Nakadilat ito ngunit blangko ang ekspresyon.

Para bang hindi nakakakilala.

"Master Zander, nandiyan na po ang ambulansiya."

Kasunod ng punong utusan ang dalawang matipunong attendant na may dalang stretcher.

Nakalabas na ang mga ito nang lingain siya ni Majordomo. "Hindi po ba kayo sasama sa ospital, master?"

Umiling si Zander. He didn't need an ambush interview right now. "Ikaw na lang ang bahalang mag-asikaso sa kanya, Majordomo. Iparating mo na lang sa pamilya ni Sonia na sasagutin ko ang lahat ng gagastusin sa pagpapagamot niya."

Hindi tuminag si Majordomo. Alam na mayroon pa siyang idadagdag.

"At sabihin mo rin sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal."

"Masusunod, master." Yumukod nang buong galang si Majordomo bago tumalikod sa kanya.

Marked money ang ibinayad niya kay Jeremy.

Kaya nang damputin ito ng mga pulis, hindi na nakaalma. Nasa bulsa nito ang ebidensiya kahit na nananatiling tulala ang biktimang si Sonia.

"Gago ka, Soriano! Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo! Kaya kitang pasabugin! Kaya kitang pabagsakin! Babawi--"

Pinatay ni Majordomo ang telebisyon kaya naputol ang makamandag na litanya ng binatang nasira na ang ulo sa droga. Ang eksena ay nakunan kaninang madaling-araw matapos masabat ng mga awtoridad ang tangkang pagtakas ng binatang Saldivia. At inire-replay lang sa evening news.

"Kampon yata ng dilim ang isang iyon, master," sambit ng pinagtitiwalaang utusan.

Nagkibit-balikat lang si Zander. Alam niyang hindi pa tapos ang perwisyong magmumula sa mga Saldivia.

Ang iniisip niya ay kung ano naman kaya ang susunod na gagawin ng mag-amang sinisira na ng labis na inggit ang mga isipan.

"Hindi nila matanggap na mas asensado na kayo ngayon kaysa sa kanila," patuloy ni Majordomo. Habang nagsasalita ay nagpupunas ng mga piguring kristal na naka-display sa ibabaw ng malaking piyano.

Nanatiling tahimik si Zander.

"Gusto nilang habang buhay kayong tumanaw ng utang na loob sa kanila." Ang ibabaw naman ng center table ang pinunasan nito.

"Napunta nga sa inyo ang karamihan sa mga ari-arian nila, pero binili n'yo naman sa parehas na presyo. Binayaran n'yo pa rin kahit na wala na halos mapapakinabang dahil luging-lugi na."

Kumunot ang noo ni Zander. May naalala siya sa huling tinuran ng katiwala.

"Majordomo," he started urgently, "tawagan mo ang dating bodega ng mga Saldivia. Paalisin mo ang taong nanduruon. Baka iyon ang unang tirahin."

Katatapos lang niyang magsalita nang kumuriring ang telepono.

Nagkatinginan pa muna sila ni Majordomo bago nito dinampot ang receiver.

Nang mamutla ang kulubot na mukha ng utusan, nahulaan na ni Zander ang nangyari.

"May nasaktan ba?" tanong niya.

"Labinlima ang nasugatan, isa ang malubha," ang seryosong pahayag nito. "Halos kalahati ng bodega ay nawasak ng malakas na pagsabog."

Napapitlag pa ang matandang lalaki nang muling kumuriring ang telepono.

Naniningkit ang mga mata ni Zander habang nakikinig sa extension line.

Nagtatagis na ang mga bagang niya nang dumating pa ang ikatlong tawag.

"May isang namatay, master," pahayag ni Majordomo kahit na narinig na niya ang ibinalita ng tumawag na security guard.

"Papuntahin mo dito si Ronald," utos niya. Pigil ang paglalatang ng poot sa matigas na tinig. "Sabihin mong dalhin ang lahat ng mga insurance policies ng mga kumpanya at ng mga empleyado."

Si Ronald ay ang O.I.C. niya.

Ito ang pinili niyang pansamantalang kapalit habang nagbabakasyon siya.

Tatlong buwang bakasyon ang hiniling ni Sonia bilang wedding gift sana niya rito...

Tumunog uli ang telepono.

Matamlay na si Majordomo sa pagtugon.

Anupa't bago natapos ang gabing iyon, anim sa dalawampung warehouse ng Soriano Enterprises ang halos magkakasunod na sumabog!

Kulang-kulang isang daan ang mga sugatan at may tatlong namatay.

Hindi gaanong malaki ang nawala kay Zander. Nakapagseguro siya. Babayaran ng insurance company ang lahat ng mga damages.

Ngunit hindi na maibabalik ng pera ang nawalang buhay.

"Master, may mga reporters diyan sa labas," pagbabalita ni Majordomo nang dakong madaling-araw na.

"Sabihin mong hindi ko sila mahaharap," angil niya.

"Gusto lang daw nilang malaman kung ano ang mga hakbang na gagawin n'yo laban sa mga Saldivia?"

Umiling si Zander, kunot-noo. "No comment tayo," wika niya. "Wala pa tayong pinanghahawakang katibayan na sila ang may kagagawan ng mga pagsabog, Majordomo."

Bumuntonghininga ang katiwala. "Nakakapagpanginig ng laman ang mga Saldiviang 'yan!" bulalas nito. Hindi na nakapagpigil.

Napatingin si Zander sa empleyado. "Dati nga pala kayong naninilbihan sa kanila. May nagawa ba silang atraso sa inyo?"

Natahimik si Majordomo.

"Bakit hindi n'yo sabihin sa akin?" He invited the old man to confide in him. Masyadong masikreto ang katiwala bagama't nasubukan na ng matagal na paninilbihan ang katapatan nito.

"M-maliit na bagay lang, kung ikukumpara sa mga ginawa nila sa inyo, master," ang paiwas na tugon nito.

"Gusto kong malaman, Majordomo."

Tumingin sa malayo ang matandang lalaki. "Matagal na panahon na 'yon, Master Zander."


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C18
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập