Tải xuống ứng dụng
38.29% Haplos ng Hangin (Tagalog) / Chapter 18: The Penthouse

Chương 18: The Penthouse

Maaga akong gumising kinabukasan para ihanda ang sarili ko sa paparating na panibagong araw. My goal for today is to settle everything with Tita Vivian about my apartment. Nag-ayos ako nang maaga para makausap ko siya.

Pagkababa ko from the second floor, naabutan ko siyang nakaupo sa maliit na lobby ng whole building, nagkakape. Kasama niya ang asawa niya.

Nakita niya ang pagbaba ko kaya inabala niya ang sarili niya sa pag-inom ng kape.

"Good morning po, Tita Vivian, Tito Jok," magalang na bati ko sa mag-asawa na parehong tagapangalaga sa buong apartment. "Can I talk to you po, Tita Viv?"

Tita Vivian sighed and asked approval from her husband through looking at him and exchanged some looks. Pasensiyosa akong naghintay kung kailan papayag si Tita Vivian.

"Is this about your rent, Sandi?" asked Tita Viv the moment we had our privacy.

I massaged every fingers I have and bit my lower lip to calmly relax myself.

"Opo… san-��

"About that, Sandi, I really want to talk to you about that. I am so sorry, but I really need to stop your contract with us, Sandi. You see, punuan na kasi ang whole building pero may isang interested na mag-rent sa isang space here. She already paid for it and I can't say no. Medyo pumayag na rin ako since akala ko nga aalis ka na sa apartment mo."

I slowly loosened the grip because I know in myself I am about to lose everything.

"Pasensiya ka na talaga, Sandi, ha? She already signed the contract kasi about renting that space and already paid the whole year over the weekend."

Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang mga magulang ko. I know, they're all behind what is happening to me now.

I clenched my fist and swallowed hard. Hanggang dito talaga, umaabot ang influence ng mga magulang kong doctor. Hanggang dito, akala nila mahahawakan nila ako.

"When po? When po ako kailangang umalis?" I composed myself and pressed a little smile. Gusto kong ipakita kay Tita Vivian na okay ang lahat. Na walang nangyayaring kaguluhan sa kalooblooban ko ngayon.

"She'll be here by next week, Sandi. You can stay for a week. Pero sana by weekend, okay na?"

Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko bilang sagot.

"No problem po, Tita Vivian. Thank you po for informing me earlier po."

"P-Pasensiya na talaga, Sand-"

"No po, that's fine lang po, Tita Vivian. Thank you po." I slightly bend my head to give her the gratitude she needed then I turned my back on her and walked back to my room.

One thing I liked about my parents is they really know how to satisfactorily fucked my life. Lahat talaga ng gusto nila, nakukuha nila with just a snap. Pero kung akala nilang dahil sa ginawa nilang ito ay babalik ako sa puder nila? Hindi na. Buo na ang desisyon ko. Bakit ako babalik sa pamilyang sumasakal sa akin? Oo, pamilya ko sila, sila ang bumuhay sa akin, sila ang nagpakain sa akin pero hindi ibig sabihin no'n na kukusintihin ko ang toxicity nila.

Never, ever, allow toxic people enter your life, even if they're your family. Because toxic people are toxic. Period. No buts. End of conversation.

Nag-ayos ako para pumunta ng campus. Kailangan kong mag-aral ngayon, now that I don't have everything. It's the only motivation I have to continue what I started, to continue the thing that started it all.

I'm just right on time. Alas-dies pa naman ang first class ko for today. Pasado alas-nueve pa lang. Kakayanin pa 'yan. Malapit lang naman.

Before I went inside the campus, dumaan muna ako sa pinakamalapit na coffee shop to order some tea, to a calmer day ahead.

Bitbit ang cup of my fair share of coffee tea, sumakay ako ng jeep papasok ng campus. Nang makarating, agad kong pinuntahan ang building namin to attend my first period class.

Nagulat pa nga 'yong prof ko sa class na ito nang makita ako. Isa siya sa mga prof ko na sinabihan ko about my one week absent. Wala rin namang maraming tanong, the class just continued like the usual.

"Akala ko ba uuwi ka sa province n'yo for your sister's debut? Hindi ka ba natuloy?"

Habang may pinapagawa sa amin ang prof, Crystal took that chance to asked me about that thing. I was busy doodling in my notes since tapos na rin naman ako sa activity na pinapagawa ng prof that's why I have an extra time.

"It got cancelled. Something came up kasi. At saka, hindi naman ako kawalan kung hindi ako a-attend sa birthday niya," I said cooly.

"Sabagay. Maiintindihan naman siguro nila 'yon since class days 'yong debut ng kapatid mo."

"Yeah," sagot ko na lang sabay lagok sa coffee tea na binili ko kanina.

Crystal and I didn't talk much after that. Since hindi sa lahat ng subjects ay magkaklase kaming dalawa, we then separated ways after that.

While on my way to my next class, nakasalubong ko si Sir Mark sa hallway. Nakita namin ang isa't-isa kaya nang ilang metro na lang ang pagitan namin, sabay kaming huminto para harapin ang isa't-isa.

I smiled to him and greeted him a good morning, just like a normal student do. But his smile is as weak as the whispered wind.

He sat aside that weak smile and pleasantly talked to me about my presence for this week, just like how my prof and some classmates, who knew I'll be gone for a week, asked. I answered him the same answer. There's no need for them to know what really happened. I guess that's Siggy and I's little secret. Sali na rin natin si Madonna.

"I… heard what happened. It's so sad to lose that opportunity, Sandi. Sobrang sayang lang. Pero bawi na lang next time. Maraming opportunity sa tabi-tabi. Maraming mag-s-seek sa talentong mayroon ka. But for the mean time, stay ka muna sa Dulaang UP." He carefully tapped my shoulder and nagpaalam din naman na pupuntahan na ang next class niya.

I watched Sir Mark as he walked away and silently sighed. Sobrang sayang nga. Sa sobrang parang gusto kong magkasala.

'When my world is falling apart, when there's no light to break up the dark, that's when I look at you.'

Saktong paglingon ko sa harapan, nakita ko si Mikan na naglalakad papalapit sa akin. Tiningnan ko siya, at parang nag-slow motion ang lahat nang biglang nilampasan niya lang ako.

I clenched my jaw and did not dare to even look at him even he already passed by.

Parang na lang akong hangin sa kaniya, ni hindi pinansin nang magkasalubong kaming dalawa. Ganoon na lang ba talaga ang lahat?

Pero kaibigan ko siya, at ang magkaibigan, may pagkakaunawaan at respeto sa isa't-isa.

Lumingon ako at tinawag ang pangalan niya.

"Mik…"

Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. He didn't even sideway his glance to me. Nanatili lang siyang nakatayo sa gitna ng hallway, nakapamulsa at diretso ang tingin sa harapan.

"I-I'm sorry…" mahinang sabi ko at saka ako tumalikod para magpatuloy sa paglalakad.

Kailangan ko ng kaibigan sa panahong ito. Kailangang-kailangan. Isa na si Mikan sa inaasahan kong dadamay sa akin sa dagok na mayroon ako sa buhay ko ngayon. Pero kung pipiliin niyang lumayo muna dahil sa naging sagutan namin kagabi, maiintindihan ko siya. Hindi nga naman sa akin umiikot ang mundo niya, may buhay rin siyang kailangang atupagin.

The rest of the day became idle. Nakikinig sa klase, nakikipag-usap sa mga classmates and iilang friends. It's all normal. Normal for the rest of them, not mine. I'm just kind of happy na nakapag-spent ako ng isang araw away from my problems. It's like school really is my escaping pod when it comes to my family conflicts.

Before going home in my apartment, dumaan ulit ako sa malapit na coffee shop to buy milk tea, for a calmer night.

Naglakad na lang ako pauwi sa apartment, constantly reminding myself not to spend too much since simula sa araw na ito ay penniless na ako.

Hindi pa ako nakararating sa mismong apartment building, agad nang nakita ng mata ko si Siggy. He was standing beside the apartment building's gate, nasa loob ng bulsa ang isang kamay habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa pina-puff niyang cigarette.

So… he does smoke.

I stopped walking and stared at him. Hindi niya pa yata ako nakikita. Hindi pa naman siya nakalingon sa direksiyon ko at abala pa rin siya sa sigarilyong hawak niya.

I wasn't turned off. I'm so used with guys who smoke. Mikan is a smoker, because of his family's influence. Daddy, too, is a heavy smoker. Basically, some guys I knew are smokers.

Nakakagulat lang makitang nag-s-smoke ang isang Siggy Lizares. Hindi mahahalata sa image niya na isa siyang ma-bisyong tao. He has this baby face that you will first think he's that innocent to not mess around.

I guess people has their own fair share of black entity that entangles with their life. Who knows, who's bad or not, who's innocent or not.

Nang maisipan kong humakbang, saka naman niya ako napansin. Itinapon niya agad ang sigarilyong hawak niya at umayos sa kaniyang pagkakatayo. He even sprayed his hands some mist or alcohol? I don't know, basta may ini-spray siya sa kamay niya at sa sarili niya.

"Tapos na klase mo?" bungad na tanong niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti, sinawalang-bahala ang nakitang imahe niya kanina. Hindi na rin ako nagulat sa presensiya niya. Sinabi na niya kahapon na babalik siya rito. Kaninang umaga pa nga ako naghihintay.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong ko, nakatayo pa rin.

"Hindi naman nagtagal," sagot niya.

Tumango ako at sinenyasan siyang pumasok na kami sa loob ng building. Pero bago 'yon, pinasadahan ko ng tingin ang malapit na basurahan kung saan niya itinapon kanina ang upos na sigarilyo na ginamit niya.

Oo nga, Siggy, hindi ka nga matagal na naghintay. Hindi naman siguro matagal ang nakapitong stick ng sigarilyo, ano?

"Kailan ka aalis dito?"

Nagbubukas ako ng apartment ko nang magtanong si Siggy. Lumingon muna ako sa kaniya bago ko tuluyang binuksan ang pintuan.

Nakakunot ang noo ko, medyo nagtaka sa naging tanong niya. Paano niya nalaman?

"Sinabi sa akin ng land lady mo. I talked to her kanina. Last week mo na raw rito? Why?"

Pumasok muna kami sa loob ng apartment bago ako sumagot.

"Wala na akong ipambabayad, e. May bago na raw na uupa," cool na sabi ko.

Kumuha ako ng isang pitsel sa fridge at dalawang baso. Sinalinan ko ang dalawang baso, inabot ko kay Siggy ang isa, na malugod naman niyang tinanggap, at ininom ko ang isa.

"Maybe it's the right time to say na may place akong puwede mong pag-stay-han."

What?

Halos masamid ako sa iniinom ko dahil sa narinig mula kay Siggy. Ang bilis naman? Hindi naman namin napag-usapan 'to kagabi, ah?

Umubo-ubo ko na may gulat sa aking mukhang nakatingin sa kaniya.

"Gusto mong makita? Puwede kitang dalhin do'n ngayon to check it out."

"Ang bilis naman? Sa'n banda? Mura lang ba? Malapit lang ba? Maghahanap pa kasi ako ng trabaho, i-aayon ko 'yong place na lilipatan ko sa budget na mayroon ako."

B-in-ottoms up niya muna ang tubig na ibinigay ko bago siya sumagot sa sunod-sunod na naging tanong ko.

"Medyo malayo, mga thirty minutes ride away from here. But you'll gonna love it there. Gusto mo makita ngayon?"

"Teka, teka, teka lang. Masiyado namang mabilis. Pero, sige? Okay lang ba?"

Tumango siya sa akin at sinenyasan niya akong umalis na kami. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Isinarado ko na lang ulit ang apartment at sumunod sa kaniya hanggang sa tumapat naman kami sa isang white Chevrolet Trailblazer.

Grabe! Una, 'yong kotse niya sa Negros ay isang Chevrolet Colorado Trail Boss. Tapos 'yong kotse naman niya rito sa Manila ay iba rin tapos Trailblazer pa. Don't forget about the almost half a million money inside the ATM card he lend me. Ganito ba talaga kayaman ang mga Lizares? No wonder ganoon ka-bongga at enggrande ang kasal ni Kiara.

Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa sinasabi niyang place na puwede ko raw rentahan. Ayoko sana kasi masiyadong malayo from Diliman. Pero sinabi niya kanina I'm gonna love it there. Hindi ko alam kung anong standard na mayroon ako ang alam niya't nasabi niya na magugustuhan ko ang place na iyon pero siguro baka affordable o maganda o convenient? Aba ewan. We'll find out later, kapag nakarating na tayo.

Isang taon na ako rito sa Manila but I must say na hindi ko pa rin kabisado ang mga lugar dito. Ang madalas ko lang talagang puntahan no'ng nasa UP Manila pa lang ako ay ang mga nearest establishments lang tapos kung makakapunta man sa mga Mall and other places, hindi ko na masiyadong pinagtoonan ng pansin na tingnan ang nadadaanan ko since nakasakay naman kami no'n sa car ni Mikan. Tapos no'ng nag Diliman na ako, ganoon pa rin, nearest establishments pa rin ang napupuntahan ko.

Kaya nang tanawin ko ang labas ng bintana ng kotse ni Siggy, unfamiliar na para sa akin ang nasa paligid ko. Manila pa naman siguro ito, super crowded pa naman at saka may traffic pa. Imposible naman sigurong dadalhin pa ako ni Siggy sa nearest province. Grabe naman 'yon.

Hanggang sa nakita ko ang mga naglalakihang towers sa BGC, doon na ako nagtaka. Anong ginagawa namin sa BGC? Dito ba?

Gusto kong magtanong pero dahil sa sobrang tahimik ng atmosphere, nahihiya ako. Tumingin-tingin na lang ako sa paligid.

Pumasok ang kotse ni Siggy sa isang underground parking ng isang malaking building na nakita ko na kanina. Bumusina lang siya sa guard na nagbabantay sa entrance at walang sabi-sabing pinagbuksan lang ito ng harang at hinayaang pumasok.

Kaonti lang ang mga kotseng naka-park dito sa underground parking na pinasukan ni Siggy. Sa dami ng available space, hindi na siya nahirapang maghanap pa ng pagpa-parking-an. Pero pinili niyang mag-park malapit sa lift.

Sabay kaming lumabas ng kotse niya kaya no'ng saktong nasa labas na kami, agad na akong nagtanong sa mga tanong na kanina ko pang gustong itanong.

"Dito ba 'yong sinasabi mo? Hindi ko talaga afford 'to, Sig. Mukhang condominium na 'to, e."

Natawa siya sa naging reaksiyon ko kaya para hindi ko makita, umiwas siya sa akin ng tingin.

"Just check it out, wala namang mawawala kung titingin ka lang, e."

Napabuntonghininga na lang ako at walang nagawa kundi ang pumayag total nandito na rin naman kami.

Ang tagal nang naging biyahe namin sa lift. Sa sobrang tagal, sa tantiya ko baka nasa tuktok na kami ng building kapag nagbukas ang door nitong lift na sinasakyan namin.

Siggy's playing with his car keys and just stared at his reflection in front of him. Ako naman ay maya't-mayang napapatingin sa kaniya, sa kumakalansing niyang mga susi, at sa numerong nasa itaas ng pintuan ng lift. Nasa twenty-five na ang number pero hindi pa rin kami humihinto.

"Nasa dulo ba ng building na 'to ang kuwartong sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon sa akin si Siggy at ngumiti. Sasagot na sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng lift. Napunta roon ang atensiyon niya't biglang naglakad palabas ng lift. Ako naman 'tong sunud-sunuran, agad din namang sumunod sa kaniya.

Naglakad ulit kami bago huminto si Siggy sa tapat ng isang pinto at gamit ang susing hawak niya, binuksan niya ito ng walang kahirap-hirap.

Una siyang pumasok at iginiya niya lang ang daan papasok. Nakabukas na rin ang ilaw kaya ang unang ginawa ko nang makapasok ako ay pagmasdan ang kabuuan at mamangha sa sobrang laki nito.

Holy mother of monkey! Ang laki naman ng kuwartong ito! Sabi na condominium na 'to, e.

High ceiling ang buong paligid. Naka-concrete pa at halatang hindi pa tapos pero wala naman akong alikabok na nakikita sa paligid. Mayroong built-in kitchen pero sumatotal, walang gamit. It's like a vast empty room. Ang malaki at malawak na glass wall ang sunod kong napansin matapos mapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kuwarto. Nakakaakit ang glass wall na iyon, sobrang ganda ng tanawin, nakikita ang maliliit na ilaw na galing sa iba't-ibang klaseng establishments galing sa ibaba.

To give you a summary, para siyang studio type room. Walang kahit anong pinto na magli-lead sa iyo sa isang kuwarto. Pinto ng CR mayroon, pero pinto papunta sa kuwarto, wala.

"A-Ang laki naman nito, Sig," namamangha ko pa ring sabi.

"Kabibili lang kasi nito kaya hindi pa na-renovate. Aayusin pa ito pero siguro matagal pa, depende sa may-ari."

"Bakit? Sino bang may-ari nito?"

"Sa bunso namin, kay Charles. Mom and Dad bought this for him. Kaso nag-aaral pa siya ngayon sa Negros and may plano siyang pumunta ng States after graduating high school kaya ipinaubaya muna sa akin ang pangangalaga sa property na ito. He said, I can do whatever I want for the mean time. Naalala kita kaya siguro rito ka muna tumira."

My jaw literally dropped because of his reasoning.

"Minor pa 'yong kapatid mo? Edi family property pa rin 'to. Parents mo pa rin ang may-ari nito. N-Nakakahiya naman kung dito. 'Wag na. Ang dami ko nang utang sa 'yo."

"Ang kay Charles ay kay Charles. Ang kay Siggy ay kay Siggy. Pero kapag pinaubaya ni Charles kay Siggy ang isang bagay, maaaring angkinin ni Siggy ang kung anong mayroon si Charles."

Ano?

~


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C18
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập