Tải xuống ứng dụng
51.35% Hacienda Casteel / Chapter 19: Chapter 19

Chương 19: Chapter 19

Charl's POV

"What?" Napasigaw ako ng di oras dahil sa text message ni Thirdy. Agad ko naman tinakpan ang bulgar kong bibig. As in what? Nakakahiya kay Brian. Hindi ko na tuloy alam paano harapin bukas si Brian. Thirdy naman eh! Hindi ko na nireplyan pa si Thirdy, mas maiging personal ko sya kausapin kesa i-text lang. Lahat sila namamahinga na, pati si Lolo Faust. Hindi pa kami nagkikita mula kaninang pagdating namin, hindi kasi pwedeng mapuyat si Lolo Faust, ala nuebe na kami ng gabi nakauwi dahil sa sobrang traffic. Ako na lang itong natitira sa ibaba. Mabuti pa nga umakyat na ako para makatulog na. Hinila ko na paitaas ang bagahe ko habang humihikab. I have my own room katabi nito ang kwarto nila Mama at Papa. Tulog na din siguro si Mama, may itatanong lang sana ako pero di bale na.

Pagkatapos ko mag-shower, humiga agad ako sa malambot kong kama. "I missed my soft bed. Home sweet home." Sabi ko habang nagpagulong-gulong sa higaan.

In two weeks start na ng enrollment for middle school, three years din ako mananatiling middle schooler. Pagkatapos naman, high school, pagkakaalam ko three year din iyon. Feeling ko tuloy matanda na ako para maging high school. Natawa na lang ako sa naisip ko. Lahat naman talaga tayo ay tumatanda.

Kinuha ko iyong phone ko sa bed table, hindi pa naman masyadong late para mag open ng Facebook. Pagbukas ko, bumungad agad sa akin ang litrato naming dalawa ni Thirdy, si Angelique ang nag-upload nito. My caption na "ang sarap ng tulog nyo, ah!" Tapos may peace sign. What? When did she captured this photo? Naka-public pa talaga. My gosh, Angelique! Naka-tag din sa aming dalawa ni Thirdy! Ang daming likes! At comment! This is so embarrassing. Hindi ko na binasa lahat ng comment, ang sweet daw, ang cute daw, hanggang sa nakita ko ang pangalan ni Thirdy. Isa sya sa mga nagcomment, "Please send me a copy of this photo." Demanding! Walang thank you, walang please. Thirdy talaga!

Nag log out na lang ako, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Kinikilig ako eh. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Thanks Angelique. Binalik ko na sa bed table ang phone ko. Pinikit ang mga mata. Hindi ko pa rin maiwaglit sa isip ko iyong nasa beach kaming dalawa ni Thirdy. Grabe! Ang romantic! Sapo ko aking bibig sa nararamdamang kilig. This is bad.

Nagulat na lang ako lumubog ang parte ng higaan, si Hush lang pala. Palagi nakabukas ang isang parte ng bintana sa loob ng kwarto ko, kasi dyan dumadaan papasok man o palabas ng bahay si Hush. "Hi, Hush! Na-miss mo ba Ate Charl mo?" Meow. Sagot ni Hush. Humiga ito sa tabi ko, sumuksok pa talaga. Hinaplos ko na lang ulo nya. "Na-miss din kita, Hush."

Kung kagabi ako huling umakyat, ngayon naman ako ang huling bumaba. Kasi naman!!! Lahat sila nasa table, kumakain syempre ng breakfast. Ang daming pagkain! Sunnyside up, bacons, hotdogs, tocino, dilis at pan de sal. Sa sarap ng kain nila hindi nila namalayan na nandito ako, pero hindi iyon ang una kong nilapitan kundi ang Lolo Faust ko.

"Lolo Faust!" Napalingon naman silang lahat sa pagtawag ko kay Lolo Faust. Niyakap ko agad si Lolo. "Good Morning, po. Na-miss po kita, Lolo Faust." Hinalikan ko pa sa pisngi. "May pasalubong po ako sa'yo, Lolo." Hindi na nakapagsalita si Lolo sa sunod-sunod kong atake.

"Apo. Maghunos-dili ka nga muna." Tinuro nya ang silyang bakante. "Pero nagagalak akong nakauwi na kayo." Umupo ako sa bakanteng upuan, katabi ni Lolo Faust, pwesto ko talaga kasi iyon.

"Good morning everyone!" Masayang bati ko sa lahat. Full pack kami.

"Good morning, Charlotte." Bati rin ni Thirdy.

"Good morning, Thirdy." Bati ko rin pabalik. Ganun rin sa iba pa. Kumuha na ako ng sunny-side up na favourite ko.

"Lolo Faust." Sumubo muna ako.

"Apo, kain ka muna, pero mamaya magkwentuhan tayo." Tugon pa nya.

"Sige po, Lolo Faust. Pero gusto ko doon sa bahay kubo, namiss ko po iyong duyan eh."

"Talaga?" Tumango lang ako. "Sige apo."

"Duyan?" Excited na tanong ni Angelique. "Bahay-kubo? Meron kayo? Bakit wala kang binabanggit tungkol dyan?" Pinataas pa ni Angelique iyong kilay nya.

Ngumiti lang ako. "Oo. Hideout ko iyon eh, kami lang ni Lolo ang palaging pumupunta doon. Di ba Lo?" Tingin ko naman kay Lolo.

"Oo, apo." Ngumiti lang din si Lolo, pati kay Angelique.

"Pwede sumama mamaya? Sige na, sama ako." Pangungulit ni Angelique.

"Oo na! Sama ka na! Promise! You'll like that place too." Mas pina-excite ko pa sya.

"Yes! Gusto ko mahiga doon sa duyan na sinasabi mo." Sabi ko na eh, duyan ang habol nya. Haha.

"Alam mo, gawang bamboo 'yon. Minsan nga doon na ako nakakatulog eh. Hehe." Kwento ko pa sa kanila.

"Ehem, me too." Sumabat naman si Thirdy.

"Us, too." Sabay pang sabi ni Brian at Enrique.

"Tseh! Wag nga kayong sumama! Kami lang ni Baby Charl at Lolo Faust ang pupunta doon noh!" Humalukipkip pa ito. Nagtataray.

"Ano, hindi pwede, that's unfair." Reklamo ni Enrique.

"Yeah, right!" Pag sang-ayon pa nila.

"Hay naku! Tayong lahat na nga lang pupunta doon!" Sabi ko na lang para matapos na bangayan nila.

"'Yan naman pala eh!" Sabi pa ni Enrique.

Matapos namin magbreakfast at nagdiskusyon sino sasama sa bahay kubo, isa-isa na kaming naligo. Ako naman, tumulong muna sa pagligpit ng mga pinag-kainan. Nagwalis konti pagkatapos naligo na rin.

____

"Is this the cabin?" I'm sure nagandahan si Angelique pagkakita nya palang sa labas.

"Oo. Is it look cozy?" Tanong ko pa? Gusto ko kasi ipagmalaki sa kanila haha. Pinasadya pa namin ang paggawa nito. Request ko ito kay Lolo Faust. At iisa lang ito sa hacienda. Umokay naman sila Mama at Papa. Iiyak talaga ako kung hindi sila pumayag. Nakita ko lang kasi sa isang magasin, magasin na tungkol lahat sa iba't-ibang klase ng bahay, dahil doon nagka-ideya ako.

"My gosh! Ang ganda Baby Charl!" Pagkapasok namin sa loob. Bubungad agad ang maliit na sala, may bamboo sofa, na pinatungan lang ng manipis na mattress. Mga silya na gawang kahoy din. May maliit na tv, may maliit din na kitchen na pwedeng-pwede magluto. May isang cr, may second floor pa sya, mukha talaga syang maliit na bahay. Sa second floor, sakop nito ang buong espasyo para sa isang kwarto lang.

"Grabe! Ang ganda." Komento pa ni Angelique. Parang nilibot ko na sila dito sa bahay kubo ko.

"Bahay kubo pa ba 'to?!" Komento naman ni Enrique. Si Brian naman tahimik lang. As always, tahimik. Kailangan ko pa pala sya makausap. Pati si Thirdy at Angelique. Si Thirdy naman nasa gilid ko lang, nagmamasid lang din sa loob ng bahay. Si Lolo Faust naman nagpaiwan lang sa labas. May mga silyang kahoy din kasi sa labas.

Pinakita ko din sa kanila kung nasaan ang duyan. Nasa likod ito ng bahay kubo. Naka-kabit ito sa dalawa at malalaking puno. Gawa sa bamboo kaya siguradong matibay ito. Tapos may batis. Malinis naman ang batis at hindi mabaho. Kaya napakasarap tumambay dito sa mga puno at sa batis na ito. Lumalamig ang hangin. Sa gabi naman masarap pakinggan ang agos ng tubig sa batis minsan meron pang mga humuhining ibon.

"This bahay kubo is heaven. Can we sleepover here? Just one night, Charlotte?! I mean the five of us. The room is big, we can just sleep on the floor with the mattress, right, Enrique?"

Sabi ko na lang kay Thirdy na, let's ask my Mama first, if she will allow us, then go. Tumango naman sya.

Pagkatapos nilang tinry humiga sa duyan, bumalik na kami sa front ng cabin. Pumasok ulit tsaka naupo sa bamboo sofa.

"Lolo Faust, heto po pala iyong pasalubong ko para sa'yo." Dalawang mug, si Lolo kasi mahilig magkoleksyon ng mug, whenever Lolo went, hindi nya nakakalimutan bumili ng mug. Ung isa, kulay itim na may malaking pangalan ng Bohol ang naka-ukit, ang isa naman ay kulay puti na ma'y

"Sabi ko na, apo. Hinding-hindi mo talaga nakakalimutan na paborito ko ang mangulekta ng mug."

"Syempre po Lolo Faust." Niyakap ko muli si Lolo Faust. Siguro na-miss ko lang talaga sya.

"Oh sya, mga apo, mauuna na ako sa inyo." Paalam nya, si Lolo kasi kelangan natutulog ng ganitong oras, tapos gigising ng alas dose para magtanghalian. "Dumito na muna kayo, gusto nyo ba ipadala ko na lang dito ang lunch nyo?" Offer pa nya, pero kasi,

"Wag na po Lolo Faust, masyadong maaabala lang po ang mga kasambahay. Babalik po kami agad bago magtanghalian. Ingat po kayo sa pag-uwi." Kumaway pa ako sa kanya.

To be continued..

📝 Jannmr


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C19
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập