Tải xuống ứng dụng
7.69% Fairyries Academy (TAGALOG) / Chapter 1: Chapter8
Fairyries Academy (TAGALOG) Fairyries Academy (TAGALOG) original

Fairyries Academy (TAGALOG)

Tác giả: 4minutes14seconds

© WebNovel

Chương 1: Chapter8

nandito ako ngayon sa clinic pero wala pa si nurse Kylie kaya naman naupo na lang muna ako sa kama at sinara ang curtain

naalala ko yung pinagusapan namin ni Nash kanina. sabi kasi ng mga kaibigan ko mahirap pasukin ang monster forest kasi may matinding barrier doon kaya naman naisip kong isama na lang si Nash at pumayag naman siya

humiga ako at pinikit ang mata nang marinig ko ang boses ni Anikka kaya napamulat ako bigla

"Seph!" rinig kong tawag ni Anikka at mukhang papunta sila dito sa clinic

"Anikka bakit ba ang kulit mo at ayaw mo pang sagutin si Kallies hindi ba patay na patay yun sayo"

"ayaw ko nga sa kanya! mate niya na si Dari"

nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Anikka. mate ni Dari si Kallies? bakit sabi ni Dari hindi daw? atsaka nililigawan ni Kallies si Anikka? at ano naman paguusapan nila ng mate ko?

"Seph hindi ba nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako?" hindi ko nakita ang mukha ni Anikka pero alam kong umiiyak siya ngayon

biglang sumakit ang puso ko sa mga naririnig ko. hindi ko alam kung magseselos ba ako o ano basta nasasaktan ako ngayon

"nakakatuwa lang kasi sabi mo mahal mo ako noon at hindi magbabago yun pero noong araw na malaman mo na mate mo pala si Aryanah iba na ang pakikitungo mo sa akin. nasasaktan ako Seph! alam mo bang iniwan kami ng ama ko dahil hindi siya ang mate ng ina ko at hindi ko alam na iiwan mo rin pala ako dahil hindi ako ang mate mo"

nagtaka na ako kung bakit wala na akong narinig pa kaya naman sinubukan kong hawiin ang kurtina at nanlaki ang mata ko dahil naghahalikan si Anikka at Sephein

sunod sunod na luha ang pumatak sa mata ko at natulala na lang. sobrang kirot ng puso ko parang sinaksak ng ilang patalim

"ito pala ang pakiramdam na pinagtataksilan ka ng nakatadhana sayo" mahina kong sabi na alam kong rinig nila kaya pareho silang nagulat

"Aryanah magpapaliwanag ako!"

"wala ka ng ipapaliwanag Seph!" sigaw ko at humarap kay Anikka na namutla

malakas ko siyang sinampal sa mukha na ngayon ko lang nagawa sa tanang buhay ko

halata ang gulat sa mukha niya kaya naman mabilis kong pinunasan ang luha ko. sunod sunod rin ang luha sa mata ni Anikka kaya naman madali akong naglakad palayo

hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito sa mga kaibigan ko pero sa tingin ko hindi ko na dapat sabihin pa. ayaw ko naman mainis sila kay Anikka kaya naman tumahimik na lang ako

"Aryanah!" nagulat ako at napalingon sa babaeng nakasandal sa pader ng hallway pagkalabas ko ng clinic

"Lissy?"

"sinasabi ko na nga ba hayop ang Anikka na yun!" sabi ni Lissy at balak sumugod sa loob ng clinic pero pinigilan ko siya

"Lissy pwede ba itahimik mo na lang ito?" tanong ko

"itatahimik pa ba namin eh narinig na namin" sabi ni Dari

"kaya pala ayaw sayo ni Kallies eh ang gusto pala si Anikka" sabi ni Meriam kay Dari

"Aryanah!" sabay labas ni Anikka sa clinic at nagulat dahil nandito kami. nagumpisa na naman siyang lumuha

"kaya pala madali kang lumabas ng classroom buti na lang sinilip ka ni Lissy mula sa bintana at nakita ka niya na kasama si Seph at papunta dito sa clinic" sabi ni Dari

"guys.."

malakas na sinampal ni Lissy si Anikka sa pisngi kaya sa lakas ay napaupo si Anikka sa sahig

"serve you right!" Dari shouted

nakaramdam naman ako ng awa kay Anikka. si Rara naman ay nakatulala lang kay Anikka at saglit na napaiwas

"mangaagaw ka ng mate!" Meriam shouted. "naging mabait kami sayo pero anong ginawa mo? sinira mo ang tiwala na binigay namin!" napaiyak na si Meriam habang sinasabi yun

"hindi siya dapat iyakan Meriam! ang babaeng yan ay walang kaluluwa ang dapat sa kanya binubura!" Dari shouted at hinila ang buhok ni Anikka pero biglang umilaw ang noo ni Anikka na napakasilaw dahilan para maging bato ang katawan ni Dari

nagulat na lang kami dahil hindi namin iniexpect yun. hindi namin iniexpect kung bakit nagamit ni Anikka ang mahika niya

"Dari?" Meriam cried

"anong nangyari sayo Dari?" Lissy asked but Dari seems lifeless

napahagulgol na lang si Meriam dahil talagang matalik silang magkaibigan ni Dari

"anong ginawa mong babae ka!" sigaw ni Meriam at biglang nagpalabas ng tubig at sinakal kay Anikka. "go die bitch!" Meriam shouted with anger

agad dumating ang mga maestro ng academy at pinatigil ang nangyari. dumating rin ang head master ng academy at sinuri ang katawan ni Dari na naging bato. kami naman ay nandito sa isang silid at hindi kami pinapalabas

halos magtumpukan ang mga estudyante ng academy at sinisilip anong nangyari

"Meriam ayos lang mababalik pa sa dati si Dari wag ka ng umiyak" sabi ko habang yakap si Meriam na walang tigil ang iyak

bigla naman may pumasok sa silid at may hawig kay Meriam. nabasa ko sa coat niya na siya si Marian ang kapatid ni Meriam

"Meriam!" Marian said. "ano ba namang kalokohan ang ginawa mo kanina paano kung naging bato ka rin?" Marian said

"pwede ba umalis ka sa paningin ko hindi kita kailangan!" Meriam said and Marian slapped her

"kaya nanatili ka sa moon section dahil mahina ka kaysa sa akin! full yourself and be strong! yan ang kailangan ng kaibigan mo hindi yang pagiyak mo" Marian said and walked away

napatingin ako kay Rara na tahimik lang at kay Lissy na nakakuyom ang kamao at tulala sa pader. napabuntong hininga na lang ako

bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang head master kaya napatayo kami

"head master ano na pong nangyari kay Dari?" tanong namin ni Meriam

"kailangan pa ng time ni Anikka para aralin ang mahika niya" sabi ni head master

"ano naman connect yun kay Dari? siya ba tinanong namin?" Meriam said

"si Anikka lang ang may kakayahang ibalik sa dati si Dari. sinubukan ni Seph pero hindi niya nagawa at inaral na rin ni nurse Kylie at nalaman niyang ang mismong gumawa kay Dari ang makakapagbalik sa kanya"

"sino naman po ang magtuturo kay Anikka? kayo po ba?" tanong ko

"si Sephein Harmock ang magtuturo sa kanya"

natahimik tuloy yung mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni head master. ngumiti na lang ako at umalis na rin ang head master. pinalabas na rin kami at pinauwi na ang lahat ng estudyante sa dorm

matinding pagsasanay ang gagawin ni Anikka kaya naman medyo kinakabahan rin ako at isa pa doon ay si Seph ang magtuturo sa kanya for a week

lumipas ang mga araw na hindi na ako nagpapakita kay Seph. busy rin siya sa pagsasanay nila ni Anikka. nitong mga nakalipas na araw ay lagi akong tulala at si Meriam walang ganang kumain at laging umiiyak. ang mga kaibigan ko naman ay iniiwasan ko rin dahil ayaw kong kausapin ako. hindi na rin ako nagpupunta sa garden para iwasan kung sinong naghahanap sa akin

"Aryanah?"

"Nash?"

"hindi ko na tatanungin ang nararamdaman mo pero bakit ba gusto mong pumunta sa Dashi Temple?"

"ha?" nagulat naman ako sa tanong niya. "may gusto lang kasi ako makita muli" sabi ko

"old friends?" Nash asked

"kind of" i said and laughed. he laughed

"siguro boyfriend mo no?"

biglang nagunahan sa pagtambol ang puso ko. boyfriend? napangiti na lang ako at mukhang naintindihan naman niya ako

gabi na at hindi ko alam kung uuwi pa ba ako ng dorm. minsan kasi sa garden ako nagpapalipas ng gabi pero ngayon nalaman kong maraming lamok doon ay naisip kong maglakad lakad na lang muna

habang naglalakad ay naisip kong pumunta ng training room para silipin si Anikka at Seph pero naisip kong wag na lang kaya naman pinagpatuloy ko ang paglalakad at may nakita akong nagyayakapan

medyo pamilyar sila kaya naman tinitigan ko ito ng mabuti at hindi nga ako nagkamali dahil si Seph at Anikka yun

this time hindi na ako umiyak. napakuyom na lang ako ng kamao. humanda ka sa aral ng kasal natin Sephein Harmock

bukas ay magiisang linggo na kaya excited akong makita ulit ang seryosong mukha ni Dari. noong sinilip ko ang mga kaibigan ko ay mukhang excited rin sila makita si Dari

habang naglalakad ay nakita ko si Kallies na nakaupo sa malaking bato. lumapit ako sa kanya kaya napalingon siya sa akin

"Aryanah?"

"buti naman kilala mo ako eh si Dari nga kahit tingin hindi mo magawang tignan siguro masaya ka ngayon no?" sabi ko

"pwede ba Aryanah wag mo akong simulan" sabay tayo nito at balak maglakad palayo

"hindi pa huli ang lahat Kallies naghihintay lang si Dari sayo.. tulad ng naging bato siya nanatili lang siya sa lugar niya at sa tingin ko hinihintay ka niya" sabi ko

kita ko ang pagyugyog ng balikat ni Kallies kahit nakatalikod siya sa akin. at alam kong mukhang umiiyak siya. ngumiti na lang ako at naglakad na palayo

nang lumipas na ang linggo ay nandito na kami sa hallway. kahit free time ngayon ay hindi lumabas ang mga estudyante ng gate at lahat ay nakaabang sa kapangyarihan ni Anikka

napahawak si Meriam sa kamay namin ni Rara at ramdam ko ang panlalamig nito. kahit ako nanlalamig rin

nandito ang mga maestro at ang head master ng academy at halos lahat ng estudyante. si Anikka ay nasa harapan ni Dari at mukhang seryoso siya habang nakatingin sa estatwa ni Dari. sa likod naman ni Anikka si Seph. hinanap ko si Kallies pero hindi ko siya makita

umilaw ang noo ni Anikka at seryoso ang itsura. umilaw ng umilaw ang noo niya hanggang sa bumalot ng liwanag ang paligid kaya napasinghap ang mga estudyante

nawala ang liwanag na pumalibot sa amin at biglang nakagalaw na si Dari. yung itsura niya na parang binalutan ng bato ngayon ay unti unti yung nawala sa kanya

napapikit si Dari at biglang nahimatay sa sahig

rinig ko ang malakas na pagiyak ni Meriam at pinuntahan si Dari at niyugyog. halos hindi makaget over ang mga estudyante dahil tahimik pa rin sila kahit nakabalik na si Dari

binuksan ni Dari ang mata niya at tinulungan siyang tumayo. lumapit na rin si Lissy at Rara sa kanila kaya gusto kong lumapit na rin pero biglang nagsalubong ang tingin namin ni Anikka at malungkot siyang nakatingin sa akin

nakarinig ako ng hiyawan kaya napalingon lahat ng estudyante sa likuran at humawi sa daan

si Kallies Sarway ay naglalakad patungo kay Dari habang may hawak na bulaklak. tumango sa akin si Kallies at pumunta kay Dari. napangiti na lang ako

lumapit sa akin si Lissy, Rara at Meriam habang iniwan nila sa gitna si Dari at Kallies. hindi pa alam ang gagawin ni Dari kaya naman niyakap siya ni Kallies

naglalakad na kami nina Lissy, Rara at Meriam palabas ng academy kasi free time namin. pupunta kami sa siyudad para magpakasaya

"tama bang iniwan natin si Dari?" tanong ni Meriam

"kasama naman niya ang mate niya kaya okay lang" sabi ni Rara

"para kasing ngayong araw ko lang hindi kasama si Dari" sabi ni Meriam

"parang naaawa ako kay Anikka" sabi ni Rara kaya napalingon ako sa kanya. kaya ba noong nakalipas na linggo wala siyang ginawa kay Anikka?

"bakit ka maaawa doon? homewrecker!" sabi ni Meriam

"sobra ka naman magsalita kay Anikka" sabi ni Rara kaya tumahimik na lang si Meriam

"hindi ba sa sunod na araw na ang kasal mo kay Seph?" nakangiting sabi ni Meriam sa akin. "nagusap na ba kayo?" tanong niya sa akin

"ewan ko" sabi ko

nakarating kami sa siyudad at nagshopping kami pagkatapos ay kumain kami sa fastfood at kung saan saan pa kami nakarating

noong magdilim na ay pumunta kami sa rooftop kung saan doon ako iniwan ni Jinn

"yung lalaking yun ba ay si Jinn Gemslock?" tanong ni Lissy

"sino ba yun? bakit kasi naglasing tayo noong gabing yun?" sabi ni Rara

"your lover?" Meriam laughed

"ang tahimik mo naman Aryanah baka naman may anghel na bababa mula sa ulap kanina ka pa kasi nakatingin sa langit wala namang makikita diyan" sabi ni Rara

"paano nga kung tama yung batang yun na may mate na si Jinn? kakalimutan mo na lang ba siya?" Lissy asked. sinabi ko kasi sa kanila ang tungkol kay Maya na nakita nila sa camera

"paano mo nagagawang magkagusto sa iba na mayroon ka ng mate?" sabi ni Rara

"palibhasa wala ka ng mate" sabi ni Lissy pero sinuntok lang siya ni Rara ng mahina at natawa sila pareho

"alam ko na Aryanah! gusto mo lang siguro gumanti sa mate mo kaya pinapaselos mo siya" sabi ni Rara

"hindi kaya" sabi ko

"minsan may mga taong darating sa buhay natin kahit hindi sila ang para sa atin" sabi ni Meriam

"may mga mate nga na nakatadhana sayo pero hindi naman pala para sayo" sabi ni Rara

"Rara magasawa ka na kasi, matagal na kayang wala yung mate mo kaya para kang daga kung umiyak diyan" sabi ni Lissy

"hindi kasi naalala ko lang yung mate ko" sabi ni Rara at pinunasan ang luha. niyakap na lang siya ni Lissy kaya niyakap namin sila ni Meriam


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập