Tải xuống ứng dụng
10% Every First, Hurts. / Chapter 2: Prologue

Chương 2: Prologue

3rd Person's POV

"Congratulations sa inyong dalawa! Cheers!" Panimulang bati ni Conrad sa kanila habang nakataas ang hawak nitong wine glass.

"CHEERS!!" Sabay-sabay nilang sigaw kasabay ang pagtatama ng kanilang mga wine glass.

Matapos ang programa ng graduation sa kolehiyo nila France at Byul, kinagabihan ay nagkaroon ng pribadong salu-salo ang pamilya ng Lee kasama si Byul at ang nakatatanda nitong kapatid na babae na halos kapamilya narin ang turing sa kanila ng mga ito. Humabol naman si Euwan sa dinner nila. Kauuwi lamang nito galing sa paaralan na pinapasukan nito sa highschool kaya naman suot nya pa ang kanyang uniporme.

"I'm so proud of you both! Parang kailan lang naglalaro pa kayong dalawa sa playground ng kindergarten. But now you're both all grown up and already finished your studies." Proud na sabi sa kanila ni Conrad. Ang padre de pamilya ng Lee at Chairman ng Lemint' Group of Companies na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

"Congrats sa inyo France hyung at Byul hyung! Nakakainggit naman! Bakit kasi hindi ko nalang kayo naging ka-batch eh!" Pabirong sabi ni Euwan sa kanila.

Niyakap naman ni France ang pinsan at ginulo-gulo ang buhok nito.

"So.. anong plano mo after this, Byul iho? Are you taking over your father's company too just like France?" Tanong ni Felicity dito. Ang mabuting may bahay ni Chairman Lee. 

Palihim na nagkatinginan ang magkapatid dahil sa tinanong nito.

"No mom. Byul will not take over their company." Sagot ni France sa ina nang makakutob na nag-aalanganin si Byul na sagutin ito.

"Really? But why? Ikaw pa naman ang only boy sa Kim. Perhaps are you not interested in business? Sayang naman ang pinag-aralan nyo ni France kung hindi mo magagamit sa field of business." Ika ni Conrad sa kanya.

"Actually hindi din naman po masasayang yon uncle Conrad. Actually, I want to put up my own business this year. Coffee shop po sana." Tugon ni Byul sa kanya. "But I will study barista course first in Vietnam before doing that."

"Wow really? Nice plan iho! Not bad for a newbie businessman. Oh ano namang masasabi mo sa decision ng kapatid mo Cleeone?" Sabay baling ni Felicity dito.

"Okay naman po sakin yon auntie Felice. Sinabi ko naman po sa kanya na susuportahan ko lang sya sa kahit anong decisions na gagawin nya." 

"Great! Good luck sayo iho! I know you can do it. Diba France?"

"Yeah best of luck bro! Dito lang ako kapag kailangan mo ng back-up." 

"Yeah me too. Good luck din sayo next Chairman Lee." Pagbibiro nya dito.

Nagkatawanan naman silang lahat.

Maya-maya ay nag-umpisa na silang maghapunan.

Habang naghahapunan, biglang pumasok ang butler sa dining room at lumapit ito kay Felicity at bumulong sa tenga nito.

Matapos nitong bumulong sa kanya, napansin ni Conrad ang biglang pagbabago ng reaksyon ng asawa nya. Mabuti na lamang at hindi ito napansin nila France na kasalukuyang nagkukuwentuhan nang mga oras na iyon.

Nagkatinginan ang mag-asawa na tila kapwa nagkakaintindihan ang mga mata ng mga ito.

.

.

.

.

.

"Mag-iingat ka , yeobo. (honey) .Sabihin mo nalang sa kapatid ko na nandito lang ako para sa kanya. Just call me whenever he needs advice."

Araw na ng flight ni Conrad papunta sa Italy. Sa private plane ito sasakay upang mas mapadali ang byahe nito papunta roon. Biglaan lamang ang flight nito kaya naman ang asawa at ang butler lamang nila ang naghatid sa kanya sa airport. 

"Yes. Don't worry honey. Everything will be alright. Tutulungan ko silang mabawi ang kumpanya as soon as I get there kaya relax ka lang, okay? Just in-case something came up here.. just call Guardian, okay? He's the only one you can trust. I'll be back sooner kapag maayos na ang lahat doon. At kapag nagtanong si France kung nasaan ako, just tell him that I'm on an urgent meeting outside the country nang sa ganon hindi malaman ni Euwan kung anong nangyari sa parents nya. I don't want him to worry that much. Masyado pa syang bata para intindihin ang mga ganitong bagay." 

Tumango naman si Felicity sa kanya. Hinalikan sya sa noo ng asawa bago ito tuluyang pumasok sa loob ng airport.

.

.

.

Habang nasa kalagitnaan ng byahe kasama ang secretary nito, busy si Conrad sa pagbabasa ng mga dokumento na may kinalaman tungkol sa kumpanya ng kapatid ng asawa. 

Sa gitna ng pagbabasa, bigla na lamang tumunog ang alarm sa loob ng eroplano kasunod ang announcement sa microphone ng mismong piloto ng sinasakyan niyang private plane.

"The plane is currently experiencing a mechanical failure. It requires shutting down of all power supplies connected in this aircraft to avoid possible huge explosion while crashing above the water."

Nang marinig ito nila Conrad, agad na nilang niluwagan ang kani-kanilang mga seatbelt at kinuha ang kani-kanilang mga oxygen supplies at life vests.

"We are crashing 3.5 000 feet above the sea. Brace yourself for an impact!"

Nagsipag panic na ang lahat sa loob ng eroplano ngunit nanatili lamang na kalmado si Conrad na tila alam na ang posibleng mangyayari sa kanila.

Napapikit na lamang sya nang maramdaman na nyang bumabagsak na ang eroplano nila matapos patayin ng dalawang piloto ang makina nito. Halos mapuno ng hagulgol ang loob ng eroplano habang ang iba naman ay nag-umpisa nang magdasal para sa kanilang kaligtasan. 

Hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa kalagitnaan ng dagat at unti-unti itong lumubog sa kailaliman nito.

.

.

.

.

.

Kinagabihan,

humahangos na tumakbo papunta sa living room ng mansiyon ang butler nang matanggap ang masamang balita. Hingal na hingal itong humarap sa kanila na kasalukuyang magkakasama doon at nag tsa-tsaa.

"Chairwoman, young master France at Euwan! Ang Chairman po...!" Nagpapanic nyang sabi sa kanila na halatang-halata sa reaksyon nya na may masamang nangyari.

Napatayo si Felicity ganun din si France sa pagkakaupo nito habang si Euwan naman ay nakaramdam agad ng kaba dahil sa sinabi ng butler nila sa kanila.

.

.

.

.

Pagkaraan ng limang araw ng masinsinang paghahanap sa mga posibleng survivors sa pagbagsak ng eroplano, sa wakas ay nakita narin nila ang mga ito ngunit sa kasamaang palad ay wala na itong mga buhay. Natagpuan nila ang bangkay ng isa sa mga piloto ng eroplano, dalawang flight attendant kasama na dito ang bangkay ni Conrad na palutang-lutang sa karagatan.

Mabigat man sa loob ay pumunta sa ospital ang mag-inang Lee upang i-claim ang bangkay ng haligi ng kanilang tahanan matapos silang tawagan ng Korean coast guards.

Naunang pumasok sa loob ng morge si Felicity habang si France naman ay naiwan lang sa labas niyon na napasalampak nalang sa lapag habang nakasandal sa pader at nakatulala. 

Napuno ng hagulhol ni Felicity ang morge na halos madinig na sa labas ng silid habang iniiyakan nito ang nakaratay doon na malamig na bangkay ng asawang si Conrad. Nasa loob ito ng itim na bag at hindi na ito maaari pang buksan dahil ito ay naaagnas na dahil sa halos isang linggo nitong pagkababad sa dagat.

.

.

.

Nang matanggap ni Euwan ang balita na nakita na ang bangkay ng uncle, hindi na nya tinapos pa ang panggabing klase nya at agad nang nagtungo sa ospital upang makita ito. 

.

.

Nang makarating na sya doon, halos matumba sya sa sobrang panginginig ng tuhod nya habang papalapit sa pintuan ng morge kung saan nakasalampak ang pinsang si France na walang kabuhay buhay ang mukha nito habang nakatulala sa pader ng hospital.

.

.

.

Pagkagaling nya sa ospital, halos wala sa sarili nya si Euwan na naglakad pauwi. Habang naglalakad siya sa tabi ng daan, tulala lamang ito dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman nya.

Maya-maya pa ay naisipan niyang bigla nalang tumawid.

Sakto namang dadaan ang nakatatandang kapatid ni Byul na si Cleeone sakay ng kotse nito pauwi sa kanila.

Halos muntikan na nya itong mabangga nang bigla na lamang itong tumawid sa gitna ng daan. Mabuti na lamang at naka preno sya at agad na naihinto ang kotse.

Nagmamadali siyang bumaba upang tignan kung nabangga nya nga ba iyon. Nang mamukhaan nyang si Euwan ito, nagulat sya.

"Euwan?! Is that you?! Gwenchana?! (Are you okay?!)" 

Hindi ito sumagot bagkus ay bigla na lamang nandilim ang paningin nito at bumagsak sa harapan nya. Mabuti na lamang at agad nya itong nasapo. Ginising nya ito ng ginising ngunit hindi na ito nagmumulat kaya agad niya itong inakay at isinakay sa loob ng kotse nya.

.

.

.

Isang lingo ang nakalipas matapos mailibing ang Chairman ng Lemint', itinalaga na si France bilang bagong Chairman ng stock holders ng kumpanya.

Matapos din nito ay tuluyan naring hindi umuwi sa mansiyon si Euwan at pumayag na sya sa alok ni Cleeone na maging idol trainee ng BlackLabel Entertainment na kasalukuyang pinagtatrabauhan nito.

~~~~~~


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập