Chapter 1
- Elise's POV -
Nandito ako ngayon sa bahay ampunan. Dito na ako lumaki dahil ulila na akong lubos. Patay na ang mga magulang ko at ang lola ko naman ay ipinamigay daw ako rito noon bata pa ako.
Nagpapasalamat ako dahil kahit kaunti lang ang tumutulong sa ampunang pinagdalhan sa akin ng lola ko ay nakapagtapos parin ako. HRM ang natapos kong kurso.
Nagtatrabaho ako dito sa city. Malaki ang perang naiipon ko para sa sarili ko. Gusto ko kasing magtayo ng restaurant o kahit anong may kinalaman sa pagkain.
"Ells! Sa table 6!" Sigaw ni Manager.
"Opo!" Sagot ko at dali-dali lumapit sa table 6.
Ganon lagi ang ginagawa ko. Magseserve, magtatanong ng order at kung ano-ano pa. At least hindi ako nagbebenta ng katawan.
"Hayts. Kapagod!" Angal ko at umupo na.
Kanina pa ako nakatayo at ngayon palang ako makakaupo.
"Ohh, Elise. Sweldo mo." Saad ni Boss sabay abot ng isang subre sa akin. Alam ko na kung anong laman non. Nang bukas syang ko ay bumungad sa akin ang tumataginting na anim na libo.
"Salamat po, boss." Saad ko at nakipagkamay sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na ako ng restu at umuwi sa bahay.
- Andrew's POV -
"This way, sir." Saad ng isang assistant sa kompanya namin habang nakatingin ng malagkit sakin. Binaliwala ko lang sya.
Psh! Malandi!
Napangiti ako pero agad ko ding pinaglaho dahil baka may makakita sa ilang decada ko nang tinatago. Dalawang dekada na akong hindi ngumiti.
Mahirap? Medyo pero iba pagnasanay ka na.
Maaga ako ng isang oras kaya naupo nalang ako. Pagkaupo ako ay biglang dumating ang kapatid kong nakapantulog pa.
"Akala ko ay mauunahan na kita." Humikab ito. "Good morning, kuya." Saad nito at tinapik ang balikat ko.
"Walang good sa morning ko." Malamig kong saad. "At bakit ganyan ang suot mo? Matutulog ka ba dito?" Sabay kaming napalingon sa pintuan at iniluwa noon ang bunso naming kapatid.
"Tsk! Isa ka pa!" Sigaw ko sa kanya. Nakasuot sya ng t-shirt at short na pang-tulog.
"Nagmamadali ako, kuya. Ayokong mapatay moko." Saad nito at walang sabi-sabing umupo. Natahimik kami ng isa-isa nang dumating ang mga taong kameeting nila. Nakipagkamay sya sa mga ito habang tango lang ng tango ang mga kapatid nya. Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat.
"Arry, Ace. Magsimula na kayo." Awtimatikong saad nya. Wala ang fucos ko sa report nila, ang sakin ang mas pinagtutuunan ko ng pansin. Hanggang sa di nagtagal ay ako na ang susunod. Gusto kong laging ako ang nahuhuli para mas makita nila ang kinaibahan ko sa iba.
Puno ng determinasyon ang bawat salitang lumalabas sakin. Lalo na at naroon ang ama ko. Shempre, hindi din mawawala ang lamig ng pagkatao ko. Pagkatapos kong magreport ay alam kong papalakpak ang lahat,maliban lang sa ama ko.
"You're so Intelligent. I like your report, Andrew." Manghang-manghang saad ni Mr. Soriano. Tumango lang ako. Nang makalabas ang lahat at sinadya kong magpahuli.
"Bakit ganon lang ang report mo?" Tanong ni Dad. Nagtaas ako ng tingin sa kanya.
"Is there's something wrong with my report, Dad?" Tanong ko habang sya ay nakatingin lang sa akin.
"Kahit kelan talaga. Hindi mo naaabot ang expectations ko." Umiiling nyang saad saka lumabas ng conference room. Bumalik naman ako sa pag-aayos ng gamit ko ng may sama ng loob.
Ganon sila sakin... Parang hindi nila ako anak. Iba ang trato nila sa akin at sa mga kapatid ko. Kahit na nagagampanan ko lahat ng pwede kong magampanan ay nagawa ko na lahat. Ang paghuhukay ng pera para sa kompanya, pagiging mabuting kuya at kapatid, pagiging mabuting anak.
Naglalakad na ako palabas ng biglang tumunog ang telepono ko. Kumunot ang noo ko ng makita kong sino ang tumatawag.
Ano kaya ang kailangan ng lalaking to?
"Hi, bro!" Masiglang saad ng nasa kabilang linya. Bahagya ko pang iniwas sa tainga ko ang cellphone dahil sa sobrang lakas ng sigaw nya.
"Ano ba Michael? Pwedeng wag kang sumigaw! Ang sakit sa tainga." Malamig nyang saad.
"Alam mo pagkausap kita palaging ang lamig na paligid."
"And I don't care" saad ko. "Ano bang kailangan mo?" Dagdag ko.
"Tumawag ako para tanongin kong sasama ka ba?"
"Saan?"
"Sa Party ko. Its my birthday, man." Saad nito. Tumango-tango naman ako.
Masyado talagang honest ang lalaking to.
"Ok. Punta ako mamaya." Saad ko.
"7pm, bro. Be there!" Saad ng kaibigan nya sabay patay ng linya. Natatawang umiling naman sya at nagpatuloy sa paglalakad.
Ngayon, kailangan kong gawin lahat ng trabaho ko kasi paniguradong lasing ako bukas.
- Elise's POV -
Nagtratrabaho ako ngayon ng bigla akong kalabitin ni Joana.
"Oyy, ateng. Sama ka? Birthday ko ngayon, punta tayo ng bar." Saad nito.
"Sige." Sagot ko. Makalipas ang ilang oras ay nanddon na kami, nagsimula ng magsaya.
"Huww!!!!" Sigaw namin saka nagcheers. Maya-maya ay umupo na kami kasi mga lasing narin kami.
"Laro tayo!" Sigaw ni Joana. Sumang-ayon naman ang lahat, at ako din, shempre.
"Spin the battle!" Sigaw ulit nya. Hindi kasi kami magkarinigan. Lahat sila ay ginawa lahat ng dare at sinagot lahat ng mga tanong at nang ako na ang tinapatan ng bote ay excited ako sa ipapagawa nila.
"Ok! Elise! Lapitan mo yung lalaking iyon! Tapos akitin mo!" Sigaw nya sabay bungisngis. Napalingon naman ako sa tinurong lalaki ni Joana. Nag-iinoman sila ngayon at muhkang may birthday din sa kanila.
"Nahiya pa kayo! Tara na!" Sigaw ko at tumayo. Nagpasuray-suray akong naglakad sa gawi ng mga lalaking pareho ng bilang namin.
"Hi, boys!" Sigaw ko at natawag ang pansin nilang lahat. Pero ang paningin ko ay nasa iisang lalaki lang. Di ko alam kung bakit biglang nagwala ang puso ko ng maglapat ang paningin namin pareho.
Nagulat ako ng isa-isang sunggaban ng mga kasama ko ang kasama ng lalaking nasa harapan ko. Shempre, no choice ako. Sinunggaban ko agad sya.
- Andrew's POV -
Ngayon ay nandito na kami sa bar na sinasabi ni Michael. Maraming chicks ang nakapaligid samin pero wala sa kanilang nakakuha ng atensyon ko.
Nagkwentuhan kaming lahat habang umiinom. Hindi ko namalayang lasing na kaming lahat dahil muhka na kaming lahat magsalita.
"Skaiabjgwuuhakojahak" saad ni Michael tapos ay hagalpak ng tawa napatingin naman ako sa kanilang lahat dahil natawa silang lahat pero ako hindi. Sa kalagitnaan ng pag-inom namin ay may mga babaeng lumapit sa amin. Sa isang babae lang ako nakatingin ngayon.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang init na nararamdaman ko ngayon. Para akong may lagnat na ewan. Siguro ay dala ng alak. Nakatingin lang kami sa isa't isa at napatingin ako sa mga babaeng isa-isang sunggaban ang mga kasama ko.
Nagulat ako ng biglang lumapit ang babae at hinalikan ako. Masasabi kong hindi pa sya expect pero di naman ako sigurado dahil ngayon lang ako nakahalik at nahalikan ng isang babae. Nakaupo sya ngayon sa kandungan ko at niyakap ko sya para maalalayan ko sya ng maayos.
Biglang tumayo ang mga kasama ko at naglakad papuntang VIP room. Habang ako naman ay dahan-dahang tumayo at inilapag ang paa ng babaeng kahalikan ko. Kinuha nya ang labi nya at tumitig sa muhka ko, ganon din ang ginawa ko sa kanya.
Maya-maya pa ay tumayo na ako at hinawakan ang kamay nya. Iginaya ko sya papuntang VIP room. Pagdating namin sa VIP room ay nagulat ako ng unti-unti na nyang hubarin ang butones ng polo ko.
Nagtaas sya ng tingin at tinitigan ulit ang muhka ko. Ilang segundong ganon ang posisyon nila at bigla syang sinunggaban ng halik ng babae. Kumawala agad sya sa halik ng babae.
"W-what's your name?"
"I'm Elise Gonzales. How about you, handsome?"
"Andrew. Andrew Hewitt." Sagot ko at hinawakan sya sa bewang.
"Anong gagawin mo pagkatapos nito?" Tanong nya saakin at iniyakap ang mga braso nya sa leeg ko.
"Papakasalan ka." Masuyong sagot ko at hinalikan ulit sya.
--- To Be Continued ---