Tải xuống ứng dụng
Dealing with Mr. Businessman (Tagalog) Dealing with Mr. Businessman (Tagalog) original

Dealing with Mr. Businessman (Tagalog)

Tác giả: Gummy_Sunny

© WebNovel

Chương 1: 1

Chapter 1

- Jenny's POV -

Ngayon ay katulad lang din ng ordinaryong araw sa buhay ko, para sa kanila, pero para sa akin, ang araw-araw ko ay ang pinakaespisyal na araw dahil nakuha ko ang gusto kong trabaho at nakikita ko pa si Zeir.

Si Zeir Gomez ay ang pinakapanganay na anak ng mga Gomez. Actually, kababata ko sya. Magkasing edad kami pero mas matanda naman sya ng buwan sa akin.

Sya ang lalaking gusto kong makasama sa habang-buhay. Sya ang pinapangarap kong maging asawa kasi bata palang kami, gustong-gusto ko na talaga sya at alam ng lahat iyon.

Pero para kasi syang bato. Kahit alam nyang may gusto ako sa kanya, hindi parin nya ako pinagtutuunan ng pansin. Puro lang sya trabaho. Alam kong importante din ang trabaho pero pano ako?

"Ohh? Kuya, hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kuya ko. Actually, quadruplets kami. Ako ang pinakahuling lumabas sa sinapupunan ni Mommy kaya ako ang bunso.

"Hindi na, kumain ka nalang dyan. See you, princess." Malambing nitong sabi tapos humalik sa akin, kay daddy, mommy, at kuya Gerry.

"Ako, wala?" Tanong ni Kuya Jonny.

"Wala." Maikling sabi ni Kuya Genson.

"Mom, ohh. Wala akong kiss. Hindi ako kin-iss ni kuya." Nagsusumbong na sabi ni Kuya Jonny. "Alam nya ata ako halikan kasi mas gwapo ako sa kanya." Dagdag pa nito.

"Ako kaya ang mas gwapo." Singit ni Kuya Gerry.

"Ako kaya." Natatawang singit ni Daddy.

"Si Princess kaya." Singit ni Mommy na nakapagpasimangot sa kanilang apat.

"Mom naman, maganda po ang prinsesa natin, hindi gwapo." Nagmamaktol na sabi ni Dad.

"Para walang away. Ako napang ang gwapo. Sige na. Mas mala-late ako ng dahil sa inyo nyan, ehh." Inis na sabi ni Kuya Genson.

"Mainit lang ang ulo nyan kasi walang nadidiligan." Sabi ni Kuya Jonny.

"Kuya!"

"Jonny!"

"Narinig kita!"

Sigaw naming tatlo nina Mommy, at kuya Genson. Sinamaan sya ng tingin ni Mommy at nag-peace sign lang ito. Ako naman ay bahagyang natawa dahil sa inasal nila.

"Ikaw, anak? Kelan ang pasok mo?" Tanong ni Dad sa akin.

"Mamaya pa pong 8. May time pa po akong kumain ng marami." Sagot ko tapos sumubo ulit ng kinakain kong bacon.

"May hinanda na pala ang mommy mo para sa lunch mo. May snack ka na rin. Tapos ito pag wala kang masyadong trabaho, ito kainin mo to. Bin-ake yan ng mommy mo para sayo." Sabi nya habang nilalapag ang lahat ng hinanda ni Mommy sa harap namin.

"Ok na po, Dad." Sagot ko at nagt-thumbs up. Alam kong ang iba ay hindi kusang ginawa ni Mommy. Ang iba ay pinagawa talaga ni Daddy para may makain ako at hindi na ako bibili ng kahit na ano.

Kung ano ang namana naming third gene sa mga magulang namin, iyon ang pagiging kuripot. Well, hindi naman kuripot pero mahirap i-explain. Hindi kami palagastos pero pag may pinaggastusan kami lagpas pa sa inaakala mong presyo iyon.

"Anong oras ka ba uuwi?" Tanong ni Mommy.

"Depende parin po kung marami ang trabahuin." Sagot ko.

"Basta, wag kang magpapalipas ng gutom, maliwanag?" Sabat ni Kuya Jonny.

"Yes, Mr. Pogi." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Wag na kayo mag-alala. Kasama ko naman doon si Princess, ehh." Sabat ni Kuya Gerry.

"Oo nga. Nandoon naman si Kuya Gerry, ehh." Sabi ko. Nagpatuloy kaming kumain hanggang sa nataps kami. Nang matapos kami ay hinawakan ko ang phone ko at binuksan iyon.

Pagbukas ko ay kaagad na tumunog iyon. May tatlo akong group chat. Isang kasama ang lahat ng myembro ng Dynasty. Meron namang kaming third generation lang. At ang huli ay kaming ng girls lang.

Nang makita ko ang lahat ng iyon ay sa Dynasty's Babies lang meron.

'Ayan ang pangalan ng gc namin.'

Jenffer: Kailan ba?

Janella: Next week nga. Bingi ba mata mo?

Sarah Furi: Paano yun? Mata ang mabibingi?

Sarah R.: Sis, shut up ka nalang. Alam mo naman ang magkapatid na yan, ehh. Pareho yang abnormal.

Kia: Coming from you, ahh?

Rehana: Ahm... Guys, wag na kayong maingay. Kakatulog lang ni ate, galing pa sya ng shift. Hindi pa sya natutulog.

Jenny: Ohh, wag na kayong maingay. Ang iingay nyo, ang aga-aga pa.

Janna: Oy, ate Jen. Advance Happy Birthday.

Finnie: Happy Birthday Ate Jen

Sia: Happy birthday

Chanel: Happy birthday, sis.

Jenny: Ano ba kayo, next week pa yon. Sige na. Papasok muna ako.

Samantha: Bye, ate. Take care!!

Jenny: I will

Stella: Sana maging kayo na ni Kuya Zeir!

Jenny: Sana nga!

Pagkatapos kong reply-an iyon ay nagpatuloy na ako sa paglabas ng bahay. Nagpaalam muna ako kila Mommy tapos sumakay sa kotse ni Kuya. Actually, kami ang taga-ayos ng finances ng Dynasty.

Meron iba't iba sa amin na hindi sa Dynasty nag-tra-trabago dahil hindi naman kailangan ng mga trabaho nila. Meron ding sariling bangko ang Dynasty at nagpaparamihan kaming lahat doon.

Bata palang kami ay nag-uunahan na kaming gumawa ng pangalan. Ang sinasabi ng mga tao ay nagpapasiklaban daw kaming lahat dito. Pero hindi totoo yon. Lahat kami tulong-tulong kaya sobrang sikat na ng Dynasty.

"Malapit na ang birthday natin. Anong wish?" Tanong nya. Sasagot na sana ako ng magsalita ulit sya. "Oo nga pala. Ayon lang pala ang gusto mo." Sabi nya pa.

"Ikaw, kuya? Anong wish mo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam." Sagot nya.

"Advance Happy Birthday, Kuya." Nakangiting kong bati sa kanya.

"Advance Happy Birthday din sayo." Sabi nya. Hindi na kami nag-usap ulit dahil dumating na kami sa Dynasty.

"Good morning po, ma'am, sir." Masayang bati sa amin ng guard namin.

"Good morning din po." Bati ko sa kanya habang si kuya naman ay tinanguan pang sya. Papasok na kami ng elevator makita namin ang pareho naming secretary sa loob non.

"Good morning, boss." Bati nila. Nginitian ko sila habang si Kuya ay tinanguan lang sila.

"Ma'am, may bisita po kayo sa taas."

"Sino?" Tanong ko.

"Si Sir Zeir po." Sagot nya.

"Talaga?" Tanong ko sa kanya. Hindi na sya nakasagot dahil bumukas na ang elevator at mabilis akong nagtungo sa office ko. At nakita ko nga doon si Zeir.

"Hi, Baby!" Malakas kong bati sa kanya.

"I'm not your baby. And, please don't shout here. Ang ingay mo." Naiiritang sabi nya.

"Ano bang pinunta mo? Na-realize mo naa bang mahal mo na din ako?" Nakangiting kong sabi. Nag-iwas naman sya ng tingin pero nagbalik din agad.

"I'm here kasi nakalimutan mong ipasa yung hinihingi kong papeles last month. Kailangan ko na yon." Sabi nya.

"Ahh... Sige. Tapos ko na yon, pati yung binigay mo nung kahapon, nung isang araw, nung isang araw nung isang araw, pati yung last week, pati yung---"

"Ok. Fine. Tapos mo na lahat. Kuhanin mo na at wag ka nang magdadaldal dyan." Masungit nyang sabi.

"Ang sungit mo. Sabi sa akin ni Kristine, pag mainit daw ang ulo ni Lorenze, hinahalikan nya daw."

"Edi halikan mo si Lorenze." Masungit parin sabi nya.

"Hindi. I mean dapat halikan daw ang mainit ang ulo." Sabi ko.

"Edi, halikan mo ang kuya mo. Mainit na agad ang ulo nya, ohh?" Sabi nya at tinuro si kuya. Sumisigaw nga ito at muhkang mainit nga ang ulo. Pero lago akong nanghina, napakamanhid kasi ni Zeir.

"I mean pag mainit daw ang ulo ng lalaki sa buhay mo, halikan mo daw." Sabi ko pa.

"Edi, halikan mo na ang kuya mo." Masungit paring sabi nya. Napahawak na ako sa batok ko.

"Sabi nya, halikan ko daw ang boyfriend ko."

"Hindi mo naman ako boyfriend." Sagot nya nanaman.

'Nanghihina talaga ako.'

"Sabi nya halilan daw kita! Meron pa nga syang sinasabing pagkulang sa halik, isubo at kainin daw, ehh." Nakanguso kong sabi.

"Jen, stop it, will you? Gusto ko lang kuhanin ang mga papeles na, ok?" Masungit paring sabi nya.

"Sorry." Sensero at nahihiya kong sabi. Naglakad na ako at kinuha sa kabinet ang kailangan nya saka ko ibinigay sa kanya.

"At yung sinasabi ni Kristine na isusubo, ibang ulo ang tinutukoy nya." Sabi nya pa.

"Anong ulo?" Takang tanong ko.

"Ulo sa ibaba. Yung nasa gitna ng mga hita." Sagot nya na lalong ipinagtaka ko. Sandali akong nag-isip at nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko ang sinasabi nya.

Namula ang mga pisnge ko at sobrang nahihiya ako. Na sa sobrang hiya ko ay napatakip nalang ako sa muhka ko dahil sobrang nahihiya ako kay Zeir.

Hanggang sa marinig ko ang mahina nyang singhal at tinanggal ko ang kamay ko sa muhka ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Agad ko namang kinuha ang phone ko at nag-message sa gc.

'DYNASTY BABIES'

Stella: Sana oll may jowa.

Janna: Hanapan mo naman kami, ate Kristine!

Jenny: H*yop ka talaga, Kristine!

Janna: Hala? Anong nangyari?

Stella: Ate Jen, What happened?

Kristine: Ano nanaman ang ginawa ko?

Rehana: Hala?! Ate, diba, may operation ka?

Kristine: Don't worry, sis. Magaling ang ate mo.

Luca: Ate, Ano nanaman ang ginawa mo?

Kristine: Ewan ko dyan kay Ate Jenny nyo.

Chanel: Baka may nasabi nanaman sya kay Zeir na sinabi mo sa kanya.

Nang mabasa ko iyon ay ibinababa ko na ang phone ko at nagsimula nalang akong magtrabaho. At hindi ko nalang pinansin ang ingay ng cellphone ko.

- Zeir's POV -

Pagpasok ko ng office ko ay napalunok ulit ako. Kanina pa ako lunok ng lunok dahil sa kung ano-ano nanamang sinabi ni Jenny sa akin. Kinuha ko ang phone ko at nag-chat sa gc namin.

'Dynasty's Gentleman'

Elias: Doon nalang tayo kila Kendrik.

Zai: Palalayasin lang nila tayo doon.

Zeir: Emergency!

Gerry: What happened?

Angelo: Why?

Finlay: What did you do again?

Lucas: Just speak up, motherf*cker!

Zeir: I need a girlfriend now.

Walang nag-reply sa akin. Lahat naging tahimik na parang naghahanap na sila.

'Yeah, that's right.'

Lorenze: We have so many girls for you.

Kendrik: Yeah.

Angelo: But we don't want to see Princess Jen to cry.

Finlay: We all know that Jenny have feelings for you since day one. And, we don't want her to be hurt.

Julian: Sorry, bud.

Luke: Yeah. Hindi ka namin matutulungan dahil alam naming masasaktan lang si Jenny.

Napabuntong-hininga ako dahil sa mga isinagot nila. Kahit na mga baliw ang mga lalaking to, may malasakit parin talaga sila sa mga babaeng myembro ng Dynasty.

By the way, I'm Zeir Gomez. I'm the first born of the Gomez. I'm 25 years old at isa akong Businessman. Katulad ni Jenny, Gerry, at Lucas. Kaming tatlo ang tagapangalaga ng Dynasty.

Kaming third gene ay tinatawag ng mga taong 'The Multi-talented Generation'. Bawat isa kasi sa amin ay hindi lang magaling sa isang bagay. Kaya naming maging magaling sa kahit ano.

Actually, matagal na talaga akong nagpapahanap sa kanila ng pwede kong maging girlfriend. Pwede kong makadate pero ayaw talaga nila akong tulungan dahil daw, ayaw nilang saktan si Jenny.

Nag-try na din akong maghanap ng sarili ko lang pero wala sa kanilang lahat ang nakakakuha ng atensyon o makaabot ng standards ko. Hindi naman mataas iyon pero sadyang hindi lang nila kaya.

May sobrang ganda, masama naman ang ugali. May sobrang talino, hindi naman marunong mag-ayos. May sobrang bait, pero hindi naman matalino. Lahat ay nasubukan ko na pero isa lang talaga ang nakakapasa sa standards ko.

'At araw-araw nilalagpasan mo pa iyon.'

Hindi ko nalang pinansin ang sarili ko dahil sa sobrang init na nararamdaman. Sanay na ako sa init na iyon dahil hindi na ito ang una, pangalawa, pangatlo o pang-apat na nangyari to.

Bata palang kami ay alam na naming lahat na may gusto sya sa akin. Alam ko nang may gusto sya sa akin dahil sa akin nya unang sinabi. Pero kaya malakas ang loob nya ay dahil hindi pa sya nakakaramdam ng rejection mula sa akin.

- To Be Continued -

(Sat, June 5, 2021)


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập