That day was a lucky day. Sort of.
Supposedly, it was the second day of exams kaya lang umulan ng malakas. Nag-announce ang university namin na classes would be cancelled kasi may bagyo.
Tuwang-tuwa ako kasi hindi ako nakapagstudy ng maayos kagabi. Panay kasi ang text sa akin ni Kenric.
Ewan ko ba kung nag-aaral ng maayos si Kenric. Palagi kasi siyang nagtetext.
Ang problema lang nagtetext siya during criticial and busy time sa buhay ko.
One example is nung bumusita ang lola ko. Panay papansin niya habang kasama ko ang lola ko sa pamimili ng pasalubong.
Napagalitan tuloy ako.
Tapos kung hindi naman ako busy hindi siya nagtetext. Inumaga na naman kami kagabi sa kakatext.
Kaya medyo kinakabahan ako nung pumasok ako sa school. Magbibigay na sana ng test paper yung teacher namin ng biglang nag-announce sa intercom system namin na early dismissal.
Nagyaya classmates ko na mag-inuman. Hindi na ako nakatanggi kasi maraming beses na akong pass.
Dun kami nag-inuman ng sa apartment ng classmate ko malapit sa Bhouse ko.
Nag-ambagan kami ng 30 pesos pambili ng Tanduay at Coke. Rhum cola daw iinumin namin.
Hindi ako sanay uminom kasi hindi naman ako nakakagala nung high school ako dahil sa tito kong strikto.
Nag-inuman nga kami instead na magstudy. Wag niyo kung ijudge, please. Peer pressure lang.
Around 2'o'clock na kami na tapos ng inuman. Medyo tinamaan ako kaya nauna akong umuwi sa Bhouse ko.
Nang dumating ako sa Bhouse ko, agad akong nakatulog.
Hindi ko maalala kung 6 ba or 7 pm na nung maalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.
Nang buksan ko 'yong cellphone ko. Nagulat ako ng makita ko na may 2 missed calls and 4 messages.
Galing lahat kay Kenric.
(Text #1) Busy right now?
(Text #2) Ow, wait exams mo ngayon? Good luck
(Text #3) Cancelled classes, meet up?
(Text #4) Hey
Agad ko siyang tinext. After ilang minuto tumawag siya.
Kenric: Late reply? Bakit?
Ako: Nakatulog ako. Sorry po.
Kenric: I guess you were really tired. Baka nadidisturbo kita.
Ako: Okay lang. Nag-inuman kasi kami ng classmates ko.
Kenric: Tsk.. Tsk.. Did you drink a lot?
Ako: Konti lang naman. Pero I got tipsy.
Kenric: You've been a bad boy.
Ako: Minsan lang naman
Kenric: Meet tayo.
Ako: Uhmm.. it's a little late. 10 pm na.
Kenric: Sige na. Saturday naman bukas. Malamig kasi. Gusto ko ng kayakap.
Ako: Uhmmmm..
Gosh, baka isumbong na ako ng landlord namin paglumabas pa ako. Lalo na at medyo maulan.
Kenric: Sige na. Please. It's cold.
Bahala na.
Ako: Okay sige. Magbibihis lang ako.
Kenric: Yey. Sunduin kita.
Ako: Dun mo nalang ako intayi sa may coffee shop malapit sa terminal.
Kenric: Bababa na ako. I'll wait for you there..
(To be continued)
— Chương tiếp theo sắp ra mắt — Viết đánh giá