Nagulat ako kasi sa pang-mayaman na building ang condo ni Kenric. Later, malalaman ko na sila 'yong may ari ng building.
Hindi ako sigurado sa gagawin ko nun. During that time hindi pa naman kasi ako ganu kaeducated about meeting strangers online. Given na gwapo siya, kaya medyo natempt ako na pumunta.
Sinabi niya na etext ko daw siya pag nandun na ko sa baba. So, tinext ko siya.
Lumabas siya at halos mapamura ako sa sobrang gwapo niya. He was 6'2 that time. Maputi siya dahil sa Chinese blood niya. Maganda rin ang built ng katawan niya for an 18 year old guy. He was not buff pero hindi naman siya payat. Maybe swimmers body.
Nag-init ang mukha ko at halos hindi ako makatingin ng daretso sa kanya. Napansin ko na parang busy siya sa phone niya ng lapit niya ako.
Nilagay niya 'yong kamay niya sa balikat ko at naglakad kami papunta sa elevator. Nakadikit ako sa kanya at damang dama ko ang init ng katawan niya. Nang sumara ang elevator ay nakita ko ang reflection naming dalawa sa pinto ng elevator.
"Akala ko hindi ka na pupunta. I was worried", narinig kong sabi niya. Nasense ko sa pananalita niya na hindi siya madalas magtagalog. Medyo tunog conyo kasi siya.
"I'm here so, wow", sabi kong sobrang awkward.
"Kumain ka na?", kaswal niyang tanong na parang hindi namin first time magkita.
"Oo", tipid kong sagot. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nang dumating kami sa condo niya. Mas malaki pa sa bahay namin ang condo niya. Agad niya akong dinala sa kwarto niya. Hindi ko na ishashare ang ginawa namin. Hindi pa ako comfortable na ishare ang intimate moments ko pero let's just say we did my first everything.