Tải xuống ứng dụng
11.11% Cousinhood Series 1: The Girl In Red Dress (Tagalog) / Chapter 5: CHAPTER FIVE

Chương 5: CHAPTER FIVE

PAGKATAPOS nilang magsimba sa Baclaran ay tumuloy sila sa MOA. Sinundo siya ni Kurt sa bahay para daw magsimba. Huling araw ng palugit niya kay Kurt. At sa loob ng isang linggo ay nakita niya ang ibang ugaling meron ang lalaki. Hindi ito kagaya ng iniisip niya dati. He acts like a different guy when they are alone. Kapag nasa labas na sila ng school ay nakikita niya ang ibang ugali nito. At hindi niya makakailang nagugustuhan niya ang pinapakita nitong ugali sa kanya. Pakiramdam niya ay walang halong pagpapanggap kapag kasama niya ito.

Magkahawak-kamay silang naglalakad sa bay walk ng MOA. Nakasanayan na niya ang paghawak nito sa kamay niya kaya naman hindi na niya iyon hinihila. Hindi na rin siya naiilang kasama ito. May mga bagong bagay din siya nalalaman nang dahil kay Kurt. At masaya siya sa mga bagay na natutuklasan. She is out of her comfort zone because of him. Nakikita niya ang ibang mukha ng mundo. Nakita niya na maswerte siya dahil pinanganak siyang mayaman. Kurt shows her that the world is cruel and selfish but he also shows to her that they can be different. Na kaya sila nasa ganoong position ng buhay ay para makatulong sa mga taong walang wala.

Noong isang araw ay umabsent sila sa school para pumunta sa isang bahay ampunan para mamigay ng mga bagong laruan. Nalaman niya nagaling sa sariling pera nito ang pinamiling mga laruan. He sold his painting to buy toys for the kids. Lalo niyang nakita ang kagandahan ng puso ni Kurt. Nalaman din niya na matagal na palang tumutulong si Kurt sa bahay ampunan na iyon. He is a low profile guy when it comes to helping other people.

"Bakit gustong gusto mo ang pagkuha ng larawan?" tanong niya rito.

"Because I find peace and I'm amaze of the beauty of the world." Huminto si Kurt at kinuha ang isang malaking tila mula sa bag na hawak nito.

"Kahit may bahagi ng mundo na ito na pangit?" tinulungan niya itong maayos na mailapag sa damuhan ang malaking tila.

Huminto si Kurt at tumitig sa mga mata niya. "Everyone have an ugly scar, Marie. Pero hindi iyon dahilan para hindi mo makita ang ganda nito. Wala naman kasing perpektong bagay o tao sa mundong ito. Like me, I'm rich but not really that happy. Pero nang magsimula akong kumuha ng mga larawan, I find my happiness and my worth in this world."

Ngumiti siya at lumapit dito. "Seryuso mo," sabi niya bago pinisil ang pisngi nito. Kung narinig niya ang sinabi nito noong hindi niya pa ito nakikilala ng lubusan ay baka tinaasan niya ito ng kilay.

Hindi niya akalain na sa loob ng isang linggo ay makikilala niya ang totoong Kurt Adam Lopez. Iyong Kurt na walang inaalalang pangalan. Kurt na walang arte sa katawan. Kurt na nakasama ng ibang babae.

"Sa'yo lang naman ako ganito, Marie. Iwan ko ba kung bakit napakagaan ng loob ko sa'yo. Unang kita ko palang sa'yo sa campus ay alam kung iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ako takot ipakita sa'yo ang totoong ako dahil alam ko na hindi mo ako huhusgahan."

"I will be honest. I judge you because of what I heard about you. You are a spoiled playboy rich guy. At wala akong tiwala sa mga taong kagaya mo." Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. "But I saw the different side of you when we started going out. Hindi ko akalain na ibang iba ka sa lalaking naririnig ko sa campus. At masaya akong malaman na pinagkakatiwalaan mo akong ipakilala ang totoong ikaw. Thank you for trusting me."

"So that's mean, you already falling to me?" May naglalarong ngiti sa labi ni Kurt.

Nag-iwas siya ng tingin at umupo sa tilang nakalatag. Umupo na rin si Kurt sa tabi niya. Hinawakan siya nito sa braso at pinaharap dito.

"Mahal mo na ako?"

"Wag ka ngang feeler. Sabi ko, masaya akong makilala ang totoong ikaw, hindi ko sinabing gusto o mahal na kita. Let's say, I want to know you more. Kaya sige, let's go out and date." Ngumiti siya rito. Sa ngayon iyon muna ang maibibigay niya kay Kurt. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman dito.

Lumitaw sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang bestfriend. Umiwas siya ng tingin kay Kurt. Ayaw niyang biguin ang kanyang kaibigan pero masaya siyang kasama si Kurt. Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag kasama ito. Masyado na rin siyang comfortable kasama ang lalaki. She also feels safe if she is with him. She feels thousand of butterfly every time he smiles to her. He also changes her for the better. Hindi niya din akalain na sa maikling panahon ay magbabago ang pananaw at paniniwala niya sa buhay dahil sa pinapakita nito sa kanya. He brings out the best in her. Pero hanggang doon palang ang nararamdaman niya para rito. She feels greatful towards him. At habang hindi niya pa alam kung anong nararamdam dito ay nais niyang manatili ito sa tabi niya.

'I'm sorry, Cole. Sa unang pagkakataon ay hindi ko matutupad ang pangako ko sa iyo,' aniya sa isipan. She feels guilty but she keeps herself positive. Ma-intindihan naman siguro siya ng kanyang best friend.

"Okay!" sigaw ni Kurt na siyang nagpalingon sa kanya dito.

Ngumiti si Kurt at nilapit ang mukha sa kanya. She didn't pull out. Lagi naman nitong ginagawa iyon. Nasanay na siya na lagi itong ganoon sa kanya pero ang puso niya ay hindi pa rin nasasanay. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Let's continue this date until you fall to me."

"Okay. Show me more about you and I will be honest with my feeling towards you." Inalis niya sa isipan ang kanyang bestfriend. She wanted to be selfish for the first time. She wanted to hold the happiness she feels right now.

NAGLALAKAD SA HALLWAY ng paaralan si Clara ng mapansin ang kanyang best friend hindi kalayuan. Napangiti siya. Ilang araw na ba silang hindi nagkikita at ilang araw na din siyang na – guilty sa ginawang pagsira sa pangako dito. Huminga siya ng malalim at lalapitan na sana ang kanyang best friend ng makitang may lumapit na babae ito. Nagsalubong ang kilay niya ng pinalupot ng babae ang braso nito sa braso ni Cole. Hindi niya nakita ang reaksyon ng kanyang bestfriend dahil nakatalikod ito sa kanya.

Nakita niya ang side view ng babae. May ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanyang kaibigan. Nakaramdam siya ng inis. Lalo na hindi inalis ng kaibigan ang braso ng babae. Napakuyom siya at nag-isang guhit ang kanyang labi. Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa dalawang tao.

"Let's eat na, Cole," malambing na wika ng babae.

Kumulo ang dugo niya sa lambing ng babae. Mabilis niyang inalis ang kamay ng babae sa braso ng kanyang kaibigan at mahinang tinulak ito. Natigilan naman ang mga ito. Dalawang pares ng mga mata ang tumingin sa kanya.

"Hi," plastic niyang bati sa babae. Siya naman ang humawak sa braso ng kaibigan. 'Akin ang lalaking hawak mo.'

"Hi. Do we know you?" mataray na tanong ng babae.

"Ow! I'm Marie Clara Alonzo, best friend ni Lincoln." Ngumiti siya ng matamis sa babae.

Gumanti naman ng ngiti ang babae. "Oh! It's nice to finally meet the best friend of the man I like. I'm Trixie Anne Javier-Morales, future wife of Cole."

"Trixie, I told you to stop spreading false words," ani Cole.

Tumaas ang isang kilay niya. Napaka-ambisyosa ng babaeng ito. Lalo lang nitong pinapakulo ang dugo niya. Pigilan na siya ng lahat ng angel dahil baka ma-ilampaso niya ang babaeng ito sa sahid ng paaralan. Future wife ng bestfriend niya? Aba, sinswerte naman yata ito.

"I told you. I'm not interested at you." Narinig niyang dagdag na sabi ni Cole.

Nagbunyi ang kanyang kalooban dahil sa sinabi ng kaibigan. 'In your face, bitch,' gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Tinaasan lang niya ito ng kilay.

"And I told you for so many times, Cole. Hindi ako susuko sa iyo. Bye, my loves. See you later sa meeting," Tinaasan siya ng kilay ng babae bago tinalikuran.

Nagdikit ang mga labi niya at sisigawan pa sana niya ang babae ngunit mabilis na hinawakan ni Cole ang kamay niya. Napatingin siya sa kaibigan.

"Wag mo ng patulan."

Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. "Sino ba kasi iyon? Talagang 'my loves' ang tawag sa iyo?" naiinis niyang sabi.

Tumawa ng mahina ang kaibigan. "She is nothing."

Pinagsalikop ni Cole ang mga kamay nilang dalawa. Biglang nabura ang inis na nararamdaman. Binalot ng saya ang puso niya. Naglakad na sila ni Cole. Malapit na silang dalawa sa canteen ng may nalala siya.

"Cole," tawag niya sa kaibigan.

Sinulyapan siya ng kaibigan. "Oh."

"May gagawin ka ba ngayong sabado?"

"Wala naman. Sa bahay lang ako kasama si Mommy," sagot ni Cole. Huminto sila sa entrance ng canteen. Iniikot ni Cole ang tingin sa buong canteen para maghanap ng bakanteng mesa.

Huminga siya ng malalim. "May… may sasabihin sana ako sa iyo."

Tumigil sa pag-ikot ang mga mata ni Cole at tumingin sa kanya. Salubong ang kilay nito. "Tungkol saan?"

Napalunok siya. Nararamdaman na naman niya ang guilt. "Tungkol sana sa a--"

"Marie…"

Isang malakas ng sigaw ang nagpaputol sa iba pa niyang sasabihin. Nanigas siya sa kinatatayuan ng makilala ang boses ng tumawag sa kanya. Lalo siyang na tense ng maramdaman ang pagtayo ng isang lalaki sa tabi niya.

"Hi, Marie," masayang bati ng lalaki sa kanya.

"Kurt…" kinakabahang banggit niya sa pangalan nito. Binitiwan niya ang kamay ni Cole.

"Iniisturbo ka ba ni Officer Saavadra?" walang kangiti- ngiting tanong ni Kurt. Sinulyapan pa nito ang kanyang bestfriend.

"No!" agad niyang tanggi. "Ahm..." Tumingin siya sa kanyang best friend bago ibinalik ang atensyon kay Kurt. "Kurt, I would like you to meet my best friend, Lincoln. Cole, new found friend-"

"Future boyfriend ni Marie." Putol ni Kurt sa iba niya pangsasabihin. Inilahad nito ang kamay sa harap ni Lincoln ngunit hindi ito pinansin ni Lincoln.

"So, totoo ang narinig ko patuloy ka pa rin nakikipagkita sa kanya. Akala ko ba isang linggo lang, Clara?" galit nitong tanong sa kanya.

Nagulat siya sa outburst nito lalo na sa galit nito. Nasaktan din siya sa sinabi nito. Para kasing sinasabi nito na ang tanga niya kasi pumayag siyang patuloy na magpaligaw kay Kurt. He is her best friend and he is one of the people she expects to understand her.

"May problema ka ba kung nililigawan ko si Marie." Lumapit si Kurt kay Lincoln.

Hindi umatras si Cole bugkos ay sinalubong nito ang galit ni Kurt. "You will hurt her. Isasama mo lang si Clara sa mga babaeng pinaluha mo."

"Who are you to judge me? nakakasigurado ka bang sasaktan ko si Marie. I love her. And I want her to be my girlfriend."

"Love her? Madali lang sayo banggitin ang love dahil nature mo iyon. Spare my bestfriend with your bullshit. Hindi siya kagaya ng mga babaeng dumaan sa buhay mo." Tinulak ni Cole si Kurt.

Agad na gumanti si Kurt. Hinawakan nito sa kwelyo si Cole. "Who are you to say that to me? Best friend ka lang ni Marie. I don't need to ask your permission to court her. So stop your bullshit. You don't know anything." Sinuntok ni Kurt si Lincoln.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Narinig din niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid. Agad na tumayo si Cole at gumanti ng suntok kay Kurt. Ilang saglit pa ay marami ng estudyanteng naruruon para manood sa suntukan ng dalawa. Agad naman umawat ang mga estudyanteng naruroon. Nandoon na rin ang tatlong pinsan ni Kurt. Nakapagitna sa dalawa si Santi habang hawak naman ni Hanzel at Kane si Kurt.

"Clara will never love a man like you." Narinig niyang sigaw ni Cole na nagpagising sa natutulog niyang diwa.

Napatingin siya sa dalawang lalaki. Parehong may sugat ang dalawa sa mukha. Marumi na rin ang suot nilang uniform. Napatingin siya sa best friend niya, may sugat ito sa labi pero alam niyang okay lang ito. Sunod niyang tiningnan si Kurt. Her heart suddenly aches upon seeing his wounded face. Agad siyang lumapit dito at sinuri ang sugat sa labi at kilay.

"Clara...." Narinig niyang tawag ni Cole.

Galit niyang nilingun ang kaibigan. Naiinis siya rito. He provokes Kurt that's why he was punch by him. Bakit ba kasi nakiki-alam ito sa love life niya? Matagal na silang magkaibigan at dapat na iintindihan siya nito.

"Why you hurt him?" Nakita niyang bumalatay ang sakit sa mukha at mga mata nito.

Mukhang hindi nito inaasahan na magagalit siya sa ginawa ngunit wala siyang paki-alam kung may nakikita siyang sakit na rumehistro sa mukha nito. Wala itong karapatan na saktan si Kurt at maki-alam sa lovelife niya.

"Bestfriend kita Cole kaya sana intindihin at supportahan mo naman ako sa mga desisyon ko."

"He will hurt you kaya paano kita susuportahan sa kabaliwan mo."

"He won't hurt me."

"How will you know? Nakita mo naman..."

"Hindi siya kagaya ng iniisip mo." Tumingin siya kay Kurt. Nakatayo na ito ng tuwid at nakatingin lang sa kanya. "Hindi siya kagaya ng sinasabi ng ibang tao. Kilala ko ang totoong Kurt. At ang totoong Kurt na nakilala ko ay..." hindi niya inaalis ang tingin rito. "....iniibig ko."

Narinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid nila. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Kurt. Yes! She finally knows what he feels. Takot siyang makita itong nasasaktan dahil nararamdaman niya sa loob niya na nasasaktan din siya. What she feels to Kurt is love. Mahal niya na ito. Hindi niya alam kung kailan pero nararamdaman niya sa puso niya na nandoon na si Kurt. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan. Hindi niya rin kaya na malayo na rito.

"Clara...."

Lumingon siya sa kaibigan. Ngumiti siya rito para ipakitang masaya siya sa desisyon niyang mahalin si Kurt.

"I love him, Cole. So please!"

Umiling si Cole. Nakita niya ang namumuong luha sa mga mata nito ngunit hindi na niya nakita ang pagpatak noon dahil bigla siyang hinarap ni Kurt.

"Mahal mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Kurt.

Tumungo siya at ngumiti. Nakita niya ang pagningning ng mga mata ni Kurt. Niyakap siya nito ng mahigpit. Gumanti din siya ng yakap dito. Ito ang unang pagkakataon na niyakap siya ng ganoon kahigpit ni Kurt. Para bang mawawala siya sa mga yakap nito.

"I love you too, Marie. I will treasure you. I won't hurt you." Sabi nito na ikinangiti niya.

She knows Kurt won't break his promise. Alam niyang tama ang kanyang desisyon na mahalin at bigyan ng pagkakataon si Kurt. She will give him the best of her. Pinapangako niya na hindi siya magiging katulad ng mga babaeng dumaan sa buhay nito. The playboy will be her to keep.

NAGLALAKAD ng wala sa sarili si Cole. Papasok na siya ng kanilang bahay. Iba iyon sa bahay na pinagdalhan niya sa kay Clara noo. Ito ang bahay nila dito sa Manila at dito talaga sila madalas na pamilya. Bihira sila sa mansyon dahil hindi comfortable ang ina niya doon. Ang mansyon ng Saavadra ang siyang nagpapatunay kung gaano kayaman ang pamilya niya.

"Seniorito Lincoln," tawag sa kanya ni Aling Lucing, ang mayordoma sa bahay nila.

Nagtaas siya ng mukha. May isang maliit na ngiti si Nay Lucing. "Magandang hapon, Nay. Si mommy po?" Lumapit siya sa matanda at ibinigay dito ang hawak na bag.

"Nasa library sila, seniorito. Hinihintay ka nga po nila."

May napansin siya sa boses ng matanda. Nagsalubong kanyang mga kilay. "Sila? May bisita po si Mommy?"

That's new. Ngayon lang nagkaroon ng bisita ang kanyang ina. Oo nga at business woman din ang ina ngunit kahit isang beses ay wala itong niyaya sa bahay nilang iyon. Pribado ang kanyang ina pagdating sa buhay nila. Wala pang kahit sinong tao maliban kay Clara ang nakakapunta sa bahay nilang iyon. Pinapanatili ng kanyang mga magulang ang tahimik nilang buhay. Iyon din kasi ang ipinangako ng kanyang ama dito simula ng itakwil ng pamilya nito ang kanyang ina. Dad treasures his mom so much.

"Opo, seniorito. Dumating po siya kanina kasama ang inyong ama."

Tumungo siya. Bisita pala ng kanyang ama. "Sige po, Nay. Salamat po." Tinalikuran na niya ang matanda para umakyat sa pangalawang palapag kung nasaan ang library ng bahay.

Pagdating niya ay kumatok muna siya sa pinto bago pumasok. Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya ng pumasok siya. Ang kanyang mga magulang at isang lalaki ang napasukan niya sa library. Isinara niya ang pinto ng library at lumapit sa mga ito.

"Magandang hapon, mom, dad." Humalik siya sa pisngi ng ina bago tumingin sa kanilang bisita.

Nakatingin din sa kanya ang lalaki. Kung pagmamasdan niya ang lalaki ay masasabi niyang may lahi ito. Maputi ang lalaki na siyang unang mapapansin dito. Mapula at manipis ang mga labi. Maliit ang mukha na hugis puso. Matangos ang ilong na pamilyar sa kanya at ang kilay nito na katamtaman ang kapal. Sinalubong niya ang mga mata nitong kulay abo. Iyong mga mata nito na katulad ng sa kanya, walang emosyon. He is like him, lack of emotion. Tinatago din ng lalaking ito ang totoong emosyon na nararamdaman.

"Cole, anak," tawag sa kanya ng ina.

Doon lang naputol ang kanilang tingin ng lalaki. Tumingin siya sa ina. Itinuro ng ina ang upuan sa tabi nito. Lumapit siya sa ina at umupo katabi nito. Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay. Naramdaman niya ang panlalamig sa kamay nito. May lungkot at sakit ang mga mata ng ina. Hindi din maitago na umiyak ito. Napatingin siya sa ama at binigyan ito ng nagtatanong na tingin.

"Cole, I'm sorry." Panimula ng kanyang ama.

"Sorry for what, Dad?"

Tumingin sa lalaki ang kanyang ama bago ibinalik sa kanya ang tingin. "I want you to meet your older brother… Timothy Razel Alexander Muller."

Tumigil sa pag-inog ang mundo ni Cole. Parang may bombang sumabog sa kanyang harapan ng mga sandaling iyon. He's mind went blank. He can't think clear. What's happening to his life? He lost Clara today and now, he found out that his father cheated to his mother.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập