"Thank you so much. Thank you," saad ni Edward Toledo sa harapan ng crowds, habang iwinawagayway niya ang hawak na trophy.
Abot langit ang ngiti ni Edward nang umakyat siya sa entablado upang tanggapin ang kanyang award. Pinarangalan siya bilang Second Best Developer Awardee sa pagtatanghal ng 25th Annual Video Game Exhibit.
Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan dahil sa unti-unti niyang pagkakamit ng kanyang tagumpay.
Iba't ibang mga parangal na rin ang natanggap ni Edward Toledo dahil sa galing niya sa paggawa ng mga video games. Ngunit, hindi pa rin siya ang naituturing na pinakamagaling sa larangang ito dahil may higit na mas magaling sa kanya. Ito ay si Fredrick Alfonso, isang magaling na video game developer.
Mas punupuri ito ng mga tao dahil sa pagiging kakaiba ng mga larong ginagawa nito na talaga namang tinatangkilik ng mga tao.
Kahit anong gawin ni Edward ay hindi niya mahigitan o kahit na mapantayan ang galing nito sa paggawa ng mga laro. Ngunit, sa larangang ito umiikot ang kanyang mundo at gusto talaga niyang magtagumpay.
Maghapon at kung minsan ay magdamag na nag-iisip si Edward ng larong gagawin niya para sa nalalapit na 26th Annual Video Game Exhibit. Hindi niya maaaring palampasin ang pagkakataong ito dahil ito na ang kanyang susi para sa tagumpay.
Nang maka-isip ng magandang konsepto ay agad na niyang sinimulan ang paggawa. Naging maingat siya at mabusisi sa bawat detalye ng laro. Ibinuhos niya ang buong oras at panahon sa paggawa nito. Lahat isinantabi niya maituon lang ang lahat sa ginagawa.
Mahigit kalahating taon din ang iginugol ni Edward sa paggawa ng laro. At ngayon ay handang-handa na siya sa nalalapit na exhibit. Sigurado siyang tatangkilikin ng mga tao ang larong ginawa niya.
ISANG ARAW, inimbitahan niya si Fredrick sa kanyang bahay upang ipakita rito ang ipinagmamalaki niyang gawa. Gusto din niyang malaman ang opinyon nito at reaksyon sa ginawa niya. Para sa kanya malaking karangalan ito dahil isang sikat at matagumpay na pangalan sa video game industry ang mag-iinspeksyon sa gawa niya.
"Halika, tuloy ka Mr. Alfonso," ani Edward at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Salamat," tipid na tugon in Fredrick at nagtuloy na sa pagpasok. Marahan nitong iniikot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Tila sinisipat ang bawat sulok nito.
Sandaling nagpunta si Edward sa kanyang mini bar para magsalin ng whiskey sa baso. Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa sala dala ang dalawang baso ng alak.
"Maupo ka," saad ni Edward sabay abot ng isang baso ng alak kay Fredrick.
Inabot naman ni Fredrick ang baso nang wala man lang binitawang salita. Bahagya lamang itong tumango at pumuwesto na sa pag-upo.
Bahagyang natataranta si Edward dahil kaharap at kausap niya ang taong iniidulo. Makailang ulit din niyang inayos ang suot na makapal na salamin sa mata at tila ba hindi rin mapakali sa kinauupuan. Salungat naman sa kampanting nakaupo na si Fredrick.
May edad na sila pareho at mababakas na iyon sa kanilang mga mukha. Larawan ng taong marami ng nagawang bagay at napagtagumpayan sa buhay. Kung susumahin ay nasa mid-thirty's na sila.
"So, why don't you show me your work now?" basag ni Fredrick sa katahimikan.
"Ah...o-oo nga pala," nauutal sa kaba na sabi ni Edward. "Sumunod ka."
Tumayo na ito at nagpatiuna sa pagakyat sa hagdan upang igiya ang bisita papunta sa ikalawang palapag. Naroon ang kanyang small attic, kung saan niya ginagawa ang kanyang mga embinsyon.
Luma na ang attic maging ang mga ibang gamit na naroroon. Halatang hindi ito gaanong nalilinisan.
Agad siyang umupo sa harapan ng computer at sinimulan nang hanapin ang laro.
Matapos ipaliwanag ni Edward ang lahat ng tungkol sa larong ginawa ay agad na nagpaalam si Fredrick para umalis. Tila nagmamadali ito.
"Ahm, aalis ka na?" takang tanong ni Edward. Ngunit nagpatuloy pa rin ang lalaki sa paglalakad na tila wala man lang naririnig.
"Teka, wala ka man lang bang sasabihing kahit na ano tungkol sa ginawa ko Mr. Alfonso?" muli niyang tanong nang hindi ito sumagot. Mabilis din niyang sinundan ang lalaking nagtuloy-tuloy sa pagbaba ng hagdan.
"Fredrick na lang ang itawag mo sa'kin," bahagya nitong nilingon ang kausap at nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Wala ka man lang bang sasabihin? Ano ang tingin mo sa ginawa ko Mr- ah...F-Fredrick?" nauutal na tanong niya. Naguguluhan din siya sa kakaibang ikinikilos nito.
"Alam mo Edward, maganda ang ginawa mo. Magaling!" anito. Saglit na huminto si Fredrick sa tapat ng main door at pumihit paharap sa kausap. "Katunayan nga n'yan e, napahanga mo 'ko ng husto. Pero..." Mabilis nitong pinigilan ang bibig at nagpasyang huwag nang ituloy pa ang dapat sana'y sasabihin.
Iyon lang at tuluyan na itong umalis.
Naiwan namang natitigilan at naguguluhan si Edward.
"Ano kaya ang ibig niyang sabihin?" naitanong na lamang niya sa sarili habang naiiling. At walang ibang nagawa kundi ang sundan na lamang nang tingin ang papalayong lalaki.
"Let the Color define you."
"Let the Key helps you."
"Let Revenge rule everything."
"Let the Game begin."
There must only one left standing until the game is over!