CHAPTER FOURTEEN
Xieke, The Fire Manipulator
KATAHIMIKAN mula sa kabilang linya ang narinig ni Xiyue. Lumipas ang ilang segundong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa ay maririnig ang malalim na paghinga ni Cali mula sa kabilang linya na tila nag-iisip.
"Cali, please? Alam kong medyo matagal na 'yon, pero alam ko na kahit konti, may maalala ka? Bakit wala akong maalala?" Tanong ulit ni Xiyue at pinigilan ang pangingilid ng mga luha nito.
Alam ni Xiyue na wala syang maalala, na nawala ang memorya nya. At may kutob si Xiyue na may koneksyon ang mga napapanaginipan nya sa nakaraan nyang hindi nya maalala.
"Okay. Mahina ang memorya ko pero kahit papaano ay may naalala ako. Ang naaalala ko, hinatid ka sa akin ng isang lalaki. Hindi naman sya nag-pakilala dahil matapos ka nyang ihatid sa akin, umalis na agad sya." Tumayo mula sa pagkakahiga si Xiyue at nangunot ang noo sa narinig.
Kung ganoon, maaari kayang ang misteryosong lalaki sa panaginip ko at ang lalaking naghatid sa akin kay Cali ay iisa? Lalo lamang dumami ang katanungan sa isipan ni Xiyue na gustong gusto na nitong masagot.
"Kung ganoon, naalala mo ba ang mukha nya? Sabihin mo sa akin, Cali. Naaalala mo ba ang mukha ng lalaking naghatid sa akin?" Katahimikan ulit ang namayani sa kabilang linya. Ang tanging maririnig lamang ay ang malalalim na paghinga ni Cali.
"Hindi ko maalala. Matangkad, at pula ang buhok ng lalaki. Bukod don, hindi ko na matandaan ang iba." Mahinang sagot ni Cali na ikinabuntong hininga ni Xiyue.
Matangkad, pula ang buhok. Lintek, eh ang daming may kulay ang buhok dito sa Academy. Muling napabuntong hininga si Xiyue bago humiga sa kama.
"Sige, Cali. Maraming salamat." Matamlay na sagot ni Xiyue bago pinatay ang tawag.
Tumagilid ito ng pagkakahiga at niyakap ang kanyang tuhod, pumikit ito at hinawakan ng magkabilang kamay ang kanyang ulo. Mahina nya itong hinampas hampas ng pa-ulit ulit.
Why can't i remember anything? Why?
-
"AIXONEZE!" Binalingan lamang ni Aixoneze ang tumawag sa kanyang pangalan bago pinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagsasanay.
Nasa likod ng Mansion de Sancir si Aixoneze at may hawak itong mahabang espada. Nasa lapag naman ang iba pang uri ng mga patalim at iba pang klase ng mga armas. Kasalukuyang nagsasanay si Aixoneze makipaglaban ng hindi ginagamit ang kanyang kapangyarihan dahil iyon ang nais ng kanyang kambal na si Aikoze na matutunan nya.
"What are you doing here, Aikoze?" Tanong nito sa kanyang kambal na tumawag sa kanya.
Patuloy lamang sya sa ginagawa nitong pag-eensayo habang si Aikoze naman ay nakatingin lamang sa kanyang ginagawa. Nadako ang paningin ni Aixoneze sa kanyang kambal na nakatingin sa kanya, seryoso itong nanonood sa kanya kaya naman nawala ang kanyang focus sa kanyang kalaban.
Hindi nasangga ni Aixoneze ang espada na patungo sa kanya, mabuti na lamang ay naka-ilag ito ngunit nadaplisan ito sa kanyang balikat. Sumenyas naman agad si Yuoan ng paghinto bago dinaluhan si Aixoneze na nagdudugo ang balikat.
"I'm fine." Saad agad ni Aixoneze kay Yuoan at hinayaan ang sugat na nagdudugo.
Naglakad ito palapit sa kanyang kambal na nakatingin lamang sa kanya ng diresto.
"What brings you here?" Tanong agad ni Aixoneze sa kanyang kambal. Hindi sumagot si Aikoze at binalingan ang nagdudugo nitong balikat.
Hinawakan iyon ni Aixoneze noong mapansin na nakatingin si Aikoze doon.
"Don't worry about my wound, mawawala rin 'to sa loob ng isang linggo." Napatango na lamang si Aikoze at binalingan ang paligid.
Tumingin ito sa mga armas na nasa lupa lamang, naglakad sya patungo doon at kumuha ng isa. Siniyasat nya iyon bago muling naglakad palapit kay Aixoneze, hindi na nagulat si Aixoneze noong itutok ni Aikoze sa kanyang leeg ang mahabang espeda. Napangisi na lamang ito habang nakatingin sa walang emosyong mga mata ni Aikoze.
"Aikoze, pumunta ka dito upang makalaban ako sa pag-eensayo?" Nakangiting tanong ni Aixoneze. Binaba naman ni Aikoze ang nakatutok na espada sa kanyang kambal bago hinawakan si patulis ng espada.
"Hindi lang 'yon. Gusto kong malaman kung naging malakas ka na ba sa loob ng dalawang taon, gusto kong malaman kung ano pa bang kaya mong gawin bukod sa paggamit ng husto sa kapangyarihan mo." Litanya ni Aikoze habang sinisipat ang patulis ng espada.
Bahagya namang natawa si Aixoneze dahil da sinabi ng kanyang kambal.
"Wow. Kung makapagsalita tayo parang mas matanda ka sa akin ah." Natatawang sagot ni Aixoneze bago inakbayan ang kambal. Napangisi naman si Aikoze.
"Minuto lang ang tanda mo sa'kin. Isa pa, matanda ka nga sa akin pero mas malakas naman ako sayo." Parehong natawa ang dalawang kambal sa sagot ni Aikoze na iyon.
Pawang nagtatawanan ang dalawa na tila hindi nagkaroon na seryosong pag-uusap noong nakaraan sa kwarto ni Aixoneze. Pero alam ng kambal na labas muna ang pinag-usapan nilang dalawa sa bonding na magaganap ngayon sa Mansion de Sancir.
-
"Xiyue, matatalo sya. Hindi nya magagawang matalo si Vier."
Napabalikwas si Xiyue mula sa kanyang pagkakahiga, sapo sapo ang kanyang dibdib na mabilis na bumababa at tumataas. Hinihingal din ito na tila hinabol sya ng ilang kilometro ang layo.
Nangyari nanaman.
Napanaginipan nanaman nya iyon. At sigurado na si Xiyue na sya mismo ang nasa panaginip nito. Sya mismo ang napapanaginipan nya.
Pero sino si Vier? At kung totoo man ang mga pangyayari sa panaginip ko, anong ibig sabihin ng lalaki na hindi matatalo si Vier?
Bumuntong hininga si Xiyue at muling ipinikit ang mga mata. Tinakpan nito ng kanyang mga palad ang kanyang magkabilang mata upang hindi masyadong nasisinagan ng liwanag.
Nag-iinit ang magkabila nitong mga mata at alam nyang kahit na anong oras ay tutulo na ang luha nya. Ang bigat ng pakiramdam ni Xiyue. Ang bigat ng damdamin nito.
Bumangon ito at pilit na pinigilan ang luha na malapit ng pumatak.
Bakit naman ako naiiyak ng ganito?
"Xiyue?"agad na pinahidan ni Xiyue ang kanyang pisngi nang naglandas na ang luha sa kanyang pisngi.
Nang matapos gawin iyon ay sakto naman na bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto. Bumungad sa kanya si Westley na agad nangunot ang noo nang sandaling dumako ang mga mata nito kay Xiyue.
Pinilit ngumiti ni Xiyue pero hindi gumana, pinanliitan sya ng mata ni Westley bago naglakad patungo sa kanyang dereksyon.
"Are you crying?" Tanong ni Westley na agad namang ikina-iling ni Xiyue.
Hindi naman ako umiyak, pinawisan lang yung mata ko.
"Bakit ka nga pala nandito? Asan sila Hera?" Pagbabago ng usapan ni Xiyue. Tumingin si Xiyue sa pintuan ngunit walang Hera syang nakita doon.
Napanguso si Xiyue bago nito hinarap si Westley na diretsong nakatingin parin sa kanya.
"Nasa labas silang tatlo, pinapanood ang magiging laban. Pinapatawag ka nga sa akin ni Pei." Napatango tango si Xiyue at tumingin sa labas ng bintana. Tumayo ito at sumilip doon.
"May magaganap na labanan bukas ng umaga, kung gusto mo ay manuod ka upang makita mo kung gaano kaseryoso ang mga tao dito sa pagiging President."
"Matira matibay ang magiging laban. At sigurado akong si Xieke ang matitira at hahamunin si Raiko Mihada na labanan sya."
May laban ngayon sa battle field para sa magiging susunod na Presidente.
Matira matibay ang magiging takbo ng laban at iyon ang sinabi kay Xiyue ni Maestra noonh makapag-usap sila nito noong nakaraan.
Patayan ba ang sinasabi nilang mawawala? Nangangamba na tanong ni Xiyue sa kanyang sarili.
"Sino si Xieke, Westley?" Tanong nito kay Westley nang makalapit na ito sa kanya. Tumayo ito at kumuha ng damit na gagamitin nya.
Hindi kasi talaga kilala ni Xiyue si Xieke. Hindi rin nito alam kung kilala si Xieke sa buong City Academy. Pero nang tignan nito ang reaksyon ni Westley, mukhang alam na nito ang sagot.
Parang nagulat si Westley sa tanong ko, ano bang problema sa tanong ko?
"Xieke? Xieke Kinsley? Vice President sya ng buong City Academy, at sabi nila na kilala at pinagkakatiwalaan daw sya ni Maestra. Bakit mo naman natanong?" Umiling agad si Xiyue bilang sagot.
Pinagkakatiwalan sya ni Maestra? Kaya pala ganoon na lamang sabihin ni Maestra na mananako si Xieke laban sa lahat, dahil kilala na pala nya ito. Ano kayang level ability ni Xieke?
"Anong Level?" Kunwaring walang ganang tanong ulit ni Xiyue kay Westley, pero ang totoo ay kating kati na itong malaman kung anong level ability ni Xieke.
"4. I don't know, i'm not sure about his Ability Level. Minsan lang kasi ito kung lumabas, para syang tinatago ni Maestra." Napaisip naman agad si Xiyue sa naging sagot sa kanya ni Westley.
Tinatago? Bakit naman kaya?
Nang matapos na itong maligo at magbihis ay agad silang dumeretso ni Westley sa Battle field kung saan nagaganap ngayon ang mga laban.
Mula palang sa labas ay naririnig na ang mga sigawan ng mga tao na tila tuwang tuwa sa kanilang mga nakikita. Anong nakakatuwa sa patayan?
"Pumasok ka na Xiyue, susunod nalang ako." Tumango si Xiyue kay Westley at pumasok na sa loob.
Nang tuluyan ng nakapasok ay kita ni Xiyue ang sobrang daming tao ang nasa loob ng battle field. May mga kumakain pa na tila ginawang isang nakakatuwang palabas ang labanan na nagaganap ngayon. At ang iba naman ay halatang excited sa kung anong magiging resulta ng labanan.
"Xiyue! Buti naman at nandito ka." Ngumiti agad si Xiyue kay Pei nang makita sya nito at agad nitong nilapitan.
Hinila ni Pei si Xiyue sa upuan sa harap, ilang kilometro lang ang layo mula sa mga naglalaban. Nang mapansin ni Xiyue na wala sila Hera at Cuin ay agad itong tumingin sa paligid, ngunit hindi nito sila mahanap.
"Asan sila Hera, Pei?" Tumingin sa kanya si Pei nang maka-upo na ang dalawa sa upuan.
Sasagot na sana si Pei sa tanong nito nang isang malakas na pagsabog ang dahilan ng pagkagulat ng lahat. Muntikan pang mahulog si Xiyue sa kanyang kina-uupuan dahil sa lakas ng pagsabog.
"Shit. Ano yon?"
Kusang dumako ang paningin ni Xiyue sa gitna ng battle field, napaawang na lamang ang bibig ni Xiyue sa kanyag nakita.
Ang mga naglalaban ay nakabulagta na laman sa sahig at hindi na gumagalaw ang iba. Bukod don, may mga apoy rin silang nakita na nagsimulang pumalibot sa direksyon kung saan naka-pwesto ang mga manonood.
Nawala ang exit ng battle field, napuno ng apoy ang buong paligid.
"Pei! Pei!" Nagsimulang mataranta si Xiyue nang makita nito ang naglalakihang apoy na nakapa-bilog sa kanilang lahat.
Naging hirap sa paghinga si Xiyue at unti unting nagdidilim ang paligid nya. Nakaramdam ng kaba at takot si Xiyue sa pwedeng mangyari sa kanila sa loob ng battle field na iyon.
Shit. Fire. Usal ni Xiyue sa kanyang isipan habang takot na takot na nakatingin sa paligid. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at unti unti ring sumasakit ang kanyang ulo na tila mawawasak na ito.
Hinawakan naman agad ni Pei ang kamay ni Xiyue upang pakalmahin, pero hindi parin iyon tumatalab kay Xiyue at lalo lamang itong kinabahan nang may nakita itong bulto ng isang lalaki sa kalagitnaan ng mga apoy.
Naglalakad ang bulto ng lalaki sa mga apoy, ni hindi man lang nasunog ang kahit na anong parte ng kanyang katawan.
Nakita ni Xiyue ang mga nanlilisik nitong mata, at ang kulay pula nitong buhok.
Pulang buhok. Natulala si Xiyue noong maalala ang sinabi sa kanya ni Cali na ang lalaking naghatid sa kanya noon at may pulang buhok.
"Xieke Kinsley! Labag sa rules ang---"
"I make my own rules here, and you'll all follow my rules." Malakas nitong sagot sa lalaking nagtangkang pigilan sya.
Teka, Xieke? Sya si Xieke Kinsley? Ang lalaking pinagkakatiwalaan ni Maestra? Ang Vice President ng City Academy?
Napalunok si Xiyue nang ngumisi si Xieke.
"Makakalabas naman kayo ng buhay, sabihin nyo lang sa akin kung nasaan si Raiko Mihada." Lalo lamang kinabahan at hindi makahinga si Xiyue sa sinabi na iyon ni Xieke.
"Simple lang naman ang gusto ko, ang kalabanin ang nag-iisang Raiko Mihada. Kung hindi sya magpapakita sa akin, sorry but, see you all in hell."
Napalunok si Xiyue nang dumako ang paningin ni Xieke sa kanya, at sa hindi malamang dahilan ay kinabahan agad si Xiyue sa nakitang klase ng pagngisi nito na mala demonyo.
At sa pag-ngisi nyang iyon ay nagsimulang magbaga ang lupa, unti unti itong kumalat at papunta na sa direksyon ng lahat.
Naririnig ang mga sigawan ng mga tao na nasa likod lamang ni Xiyue. Samantalang si Xiyue ay hindi makagalaw dahil sa sobang takot na namamayani sa kanyang buong sistema.
May mga kapangyarihan silang lahat, bakit hindi nila magawang pigilan ang lalaking naghahasik ng katangahan dito? Oo, tanga sya. Bakit dito nya hahanapin si Raiko kung nakita naman nyang wala dito yung tao?
"Xieke Kinsley, Stop that stupidity of yours."
Napatingin ang lahat sa direksyon kung saan may pamilyar na boses na narinig si Xiyue. At doon, nakita nito ang lalaking hindi nito inaasahang pupunta upang iligtas silang lahat sa mga kamay si Xieke.
•