Tải xuống ứng dụng
38.66% Boy in Denim Jacket / Chapter 57: Birthday Surprise

Chương 57: Birthday Surprise

Bumalik na ako sa kwarto ko kung san nakatambay sila Harold, Juliana at Violado habang kausap ko kanina si Jervien.

"Ano pinag usapan niyo ni Jervien, Ibon?"

Bungad sakin ni Violado nung makapasok na ako sa kwarto at ibinalik ko na sakaniya ung phone at earphones niya habang nakaupo siya sa upuan.

"Saming dalawa na lang un."

Yan na lang sinagot ko sa tanong sakin ni Violado habang nakangiti na ako sakanilang tatlo. Yeah… baka masaktan lang sila pag sinabi ko ung pinag tapat ko kay Jervien kanina, eh.

"Weh~"

Sabi ni Harold habang nakatingin lang siya sakin. Ayokong masaktan kayo, okay?

"Bon! Bumaba na kayo! Kakain na!"

Sigaw sakin ni mama galing sa baba. Anong oras na? 3:30… sabi ko 2 sila pumunta, eh. Baka hindi na talaga sila makakapunta…

"Opo!"

Sagot ko kay mama habang nakatingin na ako sa hagdan namin. Hays…

"Tara na."

Sabi ko sakanilang tatlo nung ibinalik ko na sakanila ung tingin ko.

"Sige, tara na, gutom na rin ako, eh."

Sabi ni Violado sabay tayo na sa pagkakaupo niya at naglakad na papalabas ng kwarto.

"Patay gutom talaga 'to si Violado."

Sabi ni Harold habang sinusundan niya na rin si Violado. Para namang di pa 'to nasanay si Harold kay Violado.

"Nagugutom na rin ako, eh."

Sabi naman ni Juliana habang nakasunod na rin siya kay Harold at ako naman ay sinarado ung electric fan at ung ilaw sa kwarto bago sumunod sakanila. Nagugutom na rin ako.

Pagkababa naming apat sa hagdan ay nandun na pala ung pinsan kong lalaki kasama ung best friend niyang babae pati na rin ung tito't tita namin na laging nahihingan ni mama ng tulong.

"Happy birthday, Bon~!"

"Happy birthday 'te~!"

Bati nilang apat sakin habang tinitignan na nila ako. Nginitian ko sila isa-isa at saka nagpa salamat na. Mas energetic sana atmosphere ngayon kung andito tropa ko sa dati kong school, eh. Ang iingay nung mga un tsaka ang kakapal ng mukha, eh. Un ung isa sa mga characteristics nila na gusto ko, ung kahit na kasama na namin sa isang lugar sila mama't papa pati na rin ung tito't tita ko, hindi talaga sila nahihiya. Napapatawa pa nga nila sila mama, eh.

Shempre, bago kumain… picture-picture muna at kakantahan pa ako ng happy birthday bago ko hipan ung candle sa cake ko. Ay! May kinukuha pa pala si mama sa dirty kitchen namin na lumpia nang biglang may sinabi siya na naging dahilan para mapa takbo ako papalabas ng bahay namin.

"Oh, Bon! Ayan na baga sila!"

Sabi sakin ni mama habang nasa dirty kitchen pa rin siya sa may garahe namin. Nanlaki ang mga mata ko at agad na mapa takbo papalabas ng bahay namin. Nakita ko sila Ashley, Yohan, Anna, Hendric, Kiyoshi, Ryan at Joaquin na naglalakad na papalapit sa front door namin.

Agad kong niyakap si Yohan dahil siya ung kuya-kuyahan ko sa tropa namin at dun na nga tumulo ung mga luha ko. Nung nakita nila na umiiyak na ako ay tinawanan nila ako habang pinapa tahan rin nila ako. Nakakainis 'tong mga 'to pero mahal ko pa rin sila.

"Eto na ung regalo namin, oh~!"

Sabi sakin ni Anna nung kumawala na kami pareho ni Yohan sa yakap namin sa isa't isa at saka kinuha ko na ung inaabot sakin na paper bag ni Anna habang binivideohan niya ako.

"Yan ung gusto mo diba?"

Tanong sakin ni Ashley nung nakita ko na ung laman ng paper bag. Natawa na lang ako habang sinisingot ko na ung sipon ko kasi tinotoo talaga nila ung nireply nila sa tweet ko. Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong sakin ni Ashley habang tinitignan ko na sila. Hindi na kasi na balik nung mga nangheram sakin ung mga ballpen ko na kulay violet, green, pink at yellow kaya nag rant na lang ako sa twt about dun tapos nag comment si Anna, sabi un na lang daw ireregalo nila sakin at umo naman ako. Ahahahhaha! Nakakatawa lang at nakakatouch at the same time.

"Papasukin mo na sila Bon para makakain na tayo!"

Sabi sakin ni mama.

"Oo nga!"

"Ayaw mo ba kami papasukin?"

"Okay lang naman, aalis na lang kami."

"Ayaw ata ni Yvonne na andito tayo, eh!"

Pangangasar nila sakin habang akma na silang maglalakad papalayo ng bahay.

"Hoy…"

Yan na lang nasabi ko sakanila habang nanginginig na ung boses ko at tutulo nanaman ang mga luha ko. Nung makita nila itsura ko ay agad silang nagsitawanan at niyakap na nila ako para i-comfort.

"Tara na, hindi na. Pasok na tayo."

Sabi sakin ni Yohan habang dahan-dahan na niya akong tinutulak papalapit sa front door namin.

"Oh! Kasama rin pala si Hiroshi!"

Sabi ng tita ko nung naka pasok na kaming magtotropa sa loob ng bahay namin. Natawa na lang kaming magtropa dahil sa sinabi ng tita ko.

"Kiyoshi po."

"Ha?"

"Kiyoshi po pangalan ko, hindi po Hiroshi."

Pagtatama ni Kiyoshi sa tita ko habang pinipilit ko ung sarili ko na hindi matawa.

"Ay, Kiyoshi ba? Akala ko kasi Hiroshi, eh."

Yan na lang nasabi ng tita ko habang nakangiti siya kay Kiyoshi. Natawa na lang ulit kaming magtotropa.

"Ibon, dito ka na nga! Gutom na sila, oh!"

Sabi sakin ni mama habang nakatayo na siya sa tabi ng lamesa namin na puno ng handa. Hindi naman po sa marami silang putahe na hinanda, iilang nga lang ung nasa lamesa, eh, pero ung iilan na un ay malalaki ung portion.

Pinicturan na nila ako, vinideohan na nila ako, kinantahan na nila ako at binlow ko na ung kandila sa cake ko. Inabutan na namin ng kapatid ko at nila mama at ng tita ko ung mga bisita ng paper plate at kutsara tinidor habang sila papa at ung tito naman namin ay nakaupo lang sa mini bar at umiinom na ng wine.

Nauna nang kumuha ng pagkain ung pinsan ko at ung best friend niya pati na rin ung tita ko, si mama naman namili sa yt sa tv namin ng papatugtugin habang sila Ashley at sila Juliana naman ay iniintay lang ung turn nila.

"Akala ko siomai ung nakasulat."

Sabi ni Juliana habang nakatingin sa tv namin na may picture ni Ava Max na may nakasulat na 'So Am I' sa palad niya. Natawa na lang kaming tatlo nila Violado at Harold sa sinabi niya at sinabihan namin na gutom na talaga siya.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
iboni007 iboni007

~Green flag in friendship: what they tell you is in line with what they are doing to you.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C57
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập