Now playing: Angel Of Mine
Sabrina
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala, na ang babaeng nakilala ko noong araw na iyon ay magiging estudyante ko pala.
I mean, paano siya nagkaroon ng ganoon ka perpektong itsura? Napaka ganda niya at hindi ko iyon maitatanggi. Ang buong akala ko talaga eh nasa twenties na ang edad nito, but it turns out na nasa seventeen or eighteen years old pa lamang pala siya.
Napaka matured niyang tignan. The way she talks and her posture, God! Napaka pino ng mga galaw nito kaya hindi mo talaga mahahalatang teenager pa lamang siya.
Mas lalo tuloy akong nangamba, noong makita ko na isa siya sa aking mga magiging estudyante. Araw-araw kailangan ko itong makita, araw-araw kailangan kong iwasan ang mga mata niya, ang mga titig niya, ang mga nakakaloko nitong ngiti at tingin na kahit yata nakatalikod ako eh nararamdaman ko parin.
Minsan, hindi ko mapigilan ang hindi magtaray sa loob ng klase. Hindi ako istriktang teacher, ngunit dahil masyado akong nadadala sa maganda niyang mukha, kaya kailangan kong gawin iyon. Dahil sa isang estudyante ko na nag ngangalang Brigette or...Cara, whatever her friends call her.
She's my student!
Iyan ang palagi kong pinapaalala sa aking sarili.
Pero teka nga, bakit ba masyado akong apektado at nangangamba sa estudyante kong iyon?
Hayyyy. Ewan. Basta lamang din kasi akong nadismaya noong makita na nakaupo siya sa loob ng aking klase.
Like, what the hell is she doing inside my class?
At ang malala pa roon eh, nakasuot siya ng uniform ng bagong eskwelahan na papasukan ko.
Kaya ngayon, kinailangan kong kalimutan ang parte na unang beses ko itong makita sa may sea side. Kailangam kong itanim sa aking isipan, na ang babaeng iyon ay isang estudyante ko lamang.
"Sabrina, nakikinig ka ba sa akin?" Putol ng aking kaibigan na si Lenny sa malalim kong pag iisip.
Mabilis na nag-angat ako rito ng aking paningin bago napatango. Inayos ko rin ang aking pag-upo atsaka muling nagsubo ng pagkain.
Nasa dinner date kasi kami ngayon dahil pabalik na naman ito ng Probinsya. Isa rin siyang teacher sa isang pampublikong paaralan. Mayroong dalawang anak at syempre, may mabait at responsableng asawa.
"Y-Yeah. You said you would come back here next week for an important meeting." Sagot ko sa kanya ngunit mabagal na napanguya lamang ito sa kanyang kinakain, at mataman na tinitigan ako sa aking mukha.
Napahinga rin ito ng malalim bago tuluyang binitiwan ang hawak na tinidor at kutsara.
"Hindi ka talaga nakikinig in the first place." Pahayag nito.
"What?" Nagtataka na tanong ko.
"Wala akong sinabi na babalik ako rito next week. Baka naman sa ibang table ka nakikinig?" Napatawa ito bago muling hinawakan ang kanyang kutsara.
"Anyways, okay kana ba sa bagong apartment mo?" Tanong niya. "I mean, hindi kana ba ginugulo ng baliw mong---"
"That's enough." Putol ko sa kanya. "Ayoko na siyang pag usapan, okay lang ba?" Natapango ito tanda ng pagsuko at pag payag sa kahilingan ko.
"Okay, sabi mo eh."
Hindi naman na kami nagtagal pa sa restaurant. Agad na nagpaalam na rin kami sa isa't isa at tinahak ang daan pauwi sa aming mga tahanan.
Medyo marami rin kasi akong kailangang tapusin pa na gawain na inuwi ko sa bahay. Mga papers na kailangang i-check at gradings.
Kaya pagkatapos ko sa paglinis ng aking katawan ay agad na sinimulan ko na ang gawain. Hindi ko na rin nga namalayan na nakatulog na lamang ako dahil sa sobrang pagod at antok na rin.
Nagising na lamang ako kinabukasan dahil sa tawag mula sa aking phone. Mabuti nalang at tumawag si Lenny para magpaalam sa akin na paalis na ito ngayong araw, dahil kung hindi, tiyak na malalate ako ng sobra sa aking unang klase.
----
Dumating ako sa klase na tahimik ang lahat. Nakakapanibago pero, nakakatuwa kapag ganoon ang mga estudyante.
Noong tuluyang makapasok na ako sa classroom ay magalang at kanya-kanya nila akong binating lahat. Except for Cara who was just quietly looking at me, she was just watching my every move and it was also noticeable that her aura was very serious this morning.
Hmmm...baka walang tulog na maayos. Sabi ko sa aking sarili at pilit na binalewala na lamang ang presensya nito.
Actually, ilang araw na rin nga pala siyang ganoon ngayon. Kaya kahit papaano eh nakakapag discuss ako ng maayos. Mas nakakapag concentrate ako sa pagtuturo at nagagawa ko siyang tignan sa kanyang mga mata.
Ngunit kahit ganoon, may kung anong nararamdaman parin ako na mga tingin mula sa kanya kapag hindi ako nakatingin paminsan-minsan. Weird.
Napailing na lamang ako at agad na nagsimula na aking klase.
Matalinong bata si Cara, hindi na ako nagulat noong malaman ko na siya ang number one top student ng eskwelahan na ito. Tunay na nasa kanya na ang lahat, mayaman, maganda, matalino at kahit maloko eh kapansin-pansin ang pagiging mabuti nitong tao. Nakikita ko kasi kung paano niya irespeto ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Pati na rin ang mga kasamahan kong teacher.
Ngunit ang labis na ikinagulat ko yata eh, ang malaman ko na anak pala siya ng isang Senador. At hindi lamang ito basta Senador, sikat talaga ang pangalan niya dahil kahit hindi pa siya naluluklok sa posisyon na iyon, ay kilala na ang pamilya nila bilang isa sa ma empluwensyang tao rito sa bansa.
Kaya naman pala ganoon na lamang ang awra niya noong unang beses ko itong makita. Kahit konting galos o peklat wala akong makita sa kanyang kutis. Tunay na alaga pala talaga ito at lumaki sa marangyang buhay.
Pagkatapos ng discussion ay nag attendance na ako, isa-isang kong tinawag ang kanilang mga pangalan bago tuluyang idinismiss ang klase.
Nang tumunog na ang bell ay kanya-kanya na silang nagsitayuan upang magtungo sa kanilang susunod na mga klase. Ngunit ang labis na ipinagtataka ko lamang eh, hanggang ngayon hindi parin tumatayo si Cara mula sa kanyang kinauupuan.
Hindi nag alinlangan na tumayo ako sa aking upuan bago lumapit sa kanya. Nakayuko lamang ito at abala sa pagkalikot ng kanyang cellphone.
"Cara." Pagtawag ko sa kanyang pangalan.
Mabilis naman na nag-angat ito ng kanyang ulo at sinalubong ang mga mata ko. Akala ko pa naman umiiyak siya ngunit iba ang nakikita ko na namang pag ngisi sa mga labi niya ngayon.
Pilit na pinaseryoso ko ang tono ng aking boses.
"It's time for your second subject." Sabi ko. "Do you need anything else? My students will be coming soon." Tukoy ko sa mga second year high school na parating na maya-maya lamang.
Ngunit imbis na sagutin ako ay napatitig lamang ito sa akin. Iyong titig na titig hanggang sa unti-unting sumilay na naman ang nakakaloko nitong ngiti sa kanyang labi.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin atsaka napa iling. Handa na rin sana na muling talikuran siya nang magsalita ito.
"Ang sungit naman. Gusto ko lang naman masilayan ang mukha mo kahit ilang minuto pa." Bubulong-bulong na wika niya ngunit halata naman na pinariringgan ako.
"Cara--"
"Alright, Ms. Lopez. Lalabas na po." Putol nito sa akin at pagkatapos ay binigyan ako ng matamis na ngiti.
Nag-uunahan na lamang sa pagtaas baba ang aking dibdib habang sinusundan siya ng tingin. Ngunit muli na naman itong napahinto sa may pintuan atsaka lumingon sa akin.
Akala ko kung may sasabihin lang pero ang siste, kinindatan ako? Ako na teacher niya. What the!
Dahil sa ginawa niyang iyon, buong lunch break na naman akong lutang. Mabuti nalang at marami akong kasabay sa pagkain, nawawala ang stress ko sa batang 'yon kahit papaano.
Siguro napaka boring ng buhay niya kaya niya nagagawa 'yon. O baka trip lang niyang mang inis, matalino naman siya kaya hindi na niya kailangang mapapansin sa akin, right?
Ibang klase.
----
Pauwi na ako kung saan bumuhos ang malakas na ulan. Nagdadalawang isip pa ako 'nong una kung patitilain ko pa ba or magbibiyahe na ako dahil malapit ng dumilim. Ayokong abutin ng dilim sa daan.
Pero syempre, dahil mapilit ako kaya sinunod ko parin kung ano ang gusto ko. Noon naman nangyari ang hindi ko inaasahan. Bigla na lamang tumirik ang sasakyan ko.
"Bakit ngayon pa?" Mangiyak ngiyak na tanong ko habang bumababa ng aking kotse. Medyo may kalumaan na rin kasi itong sasakyan ko, pamana pa sa akin ng aking Lolo. Hindi ko magawang palitan dahil bukod sa kulang pa sa budget eh, marami pa akong problema na kinakaharap.
At kung minamalas ka nga naman, nakalimutan ko rin yata ang magdala ng payong. Hays! Bahala na nga.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumugod sa ulan kahit na may kanipisan ang suot kong blouse eh pilit ko itong binalewala.
"Need help?"
Bigla akong natigilan at nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Langya! Huwag mong sabihin na pati sa ganitong sitwasyon eh maririnig ko parin ang boses niya?
Napailing na lamang ako. Baka guni-guni ko lamang.
Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may mahanap na malapit na shop or pweding tumulong sa akin nang marinig ko na naman ang kanyang boses.
"You know, I can help you."
But this time, hindi lamang boses nito ang narinig ko kundi naramdaman ko rin ang paglapit at pagdikit ng kanyang katawan sa akin, dahilan upang mapasinghap ako.
Mabilis na lumayo ako mula sa katawan nito atsaka tinignan niya ng diretso sa kanyang mukha. Nandoon din ang tingin na pagka disgusto sa ginawa nitong paglapit ng kanyang katawan sa akin.
"Cara what are you doing--"
"I just want to help." Putol nito sa akin bago ako tinignan sa aking mga mata at binigyan ng isang pormal na ngiti.
Iyong ngiti na tila ba wala lang sa kanya 'yung ginawa niya. Muling lumapit ito para payungan ako.
Na pahinga ako ng malalim bago napa sulyap sa itim na sasakyan mula sa unahan. Alam kong sasakyan niya iyon kung saan naghihintay ang kanyang driver.
"The rain is pouring go back to your car. You might get sick." Pagtatabuyan ko sa kanya dahil hindi ko naman talaga kailangan ng tulong mula sa kanya.
"I am not." Pagmamatigas niya.
Napailing akong muli atsaka humakbang papalayo sa kanya.
Kung bakit naman kasi wala akong ibang malapitan ng tulong at si Cara lang ang nandito? Tsk!
"Come on, Ms. Lopez. Let me help you." Pangungulit nitong muli.
"Please, let me. Sa tingin mo ba aalis pa ako matapos kang makita sa ganitong sitwasyon?" Dagdag pa niya dahilan upang muling mag baling ako ng tingin sa kanya.
"Just pretend I am a stranger." Pagmamatigas ko rin.
"But you're not a stranger." Pangungulit parin niya. "You're my teacher, so please let me help so we can go home."
"Ba't ba ang kulit mo?! Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh!"
Nag-aalala na ako kasi baka magkasakit siya. Ayokong mapahawak dahil sa kakulitan niya, ano? Isa pa, responsibility ko rin ito dahil estudyante ko siya.
"Fine! Kung alam mo paano mabubuhay ang makina nito, tulungan mo nalang ako para matapos na tayo."
Awtomatiko naman na gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Ano pang hinihintay mo riyan?" Tanong ko dahil hindi parin ito umaalis sa kanyang kinatatayuan.
Napakamot siya sa kanyang batok.
"I know someone who can help." Sabi niya.
Awtomatiko na naman na napakunot ang noo ko.
"What?! But you said--"
"Ang sabi ko, I can help. Hindi ko sinabing ako mismo ang mag-aayos niyan." May pagka pilosopo na sagot nito sa akin. "Si Manong Rey na ang bahala riyan. Ihahatid nalang kita pauwi. Sounds good?"
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng pagak habang napapailing. Wala akong pakialam kung basang-basa na ako ng ulan at pinagtitinginan na rin ng ibang dumaraan.
Magsasalita pa sana akong muli nang basta na lamang nitong hilain ang braso ko patungo sa kanyang sasakyan.
"Cara, I'm warning you. Let me go!" May pagbabanta na sambit ko ngunit parang wala itong naririnig.
"Ms. Lopez, we're not at school anymore so you can scold me." Pagkatapos ay napahinto na ito sa tapat ng kanyang sasakyan, binuksan nito ang passenger seat at agad na napa musyon na pumasok na ako.
Napatitig lamang ako sa kanyang itsura. Pero wala na rin naman akong nagawa pa kasi nagmumukha na akong basang sisiw dahil sa itsura ko ngayon.
Mabilis naman na bumaba ang driver nito. Sandali silang nag-usap pagkatapos ay agad na ring umalis si Manong Rey.
Ngunit bago ito tuluyang makaalis ay hiniram muna nito ang susi ng aking sasakyan sa akin. Magalang naman na nagpasalamat ako lalo na noong sinabi niya na siya na rin mismo ang maghahatid nito sa address ng apartment ko.
Tahimik lamang na binaybay namin ni Cara ang daan. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan, pagkatapos na mahingi ang address ng apartment ko ay agad na pinasibad niya ito.
Nakamasid lamang ako sa labas ng bintana. Medyo giniginaw na rin dahil bukod sa basang-basa ako eh, naka full pa ang aircon dito sa loob ng sasakyan.
Wala siguro siyang pakiramdam. Tss!
Napapayakap na lamang ako sa aking sarili. Ayoko namang sawayin siya dahil unang-una, sasakyan niya ito.
"Oh, sorry. Giniginaw ka ba?" Tanong niya.
Ay hindi, Cara. Init na init nga ako eh. Sabat ko sa aking isipan ngunit nanatili akong tahimik.
"You want me to hug you?" May pagka pilya na tanong nito dahilan upang tignan ko siya ng masama. Ngunit napataas baba lamang ito ng kanyang kilay, dahilan upang mang init ang buong itsura ko.
"Aside from being sexy Ms. Lopez, what do you do for a living?" Dagdag nito pagkatapos ay na patawa pa ng mahina sa dulo.
Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. Grabee! Ang lakas!
"Can't you just focus on driving?!" Hindi ko na mapigilan ang pag taasan ito ng boses. Dahilan upang magpakawala ito ng isang mas malutong na pagtawa.
"Oh, and I like you too!" Pang aasar parin niya at muling napatawa na naman.
Iiling-iling na lamang ako in disbelief pagkatapos ay na pahinga ng malalim. Tatanda yata ako lalo sa batang ito.
Pangatlong patikim. Yay! Bukas ulit. ;)