Tải xuống ứng dụng

Chương 4: 4th

ALTNF

4

Ben Cariaga's POV

"Ni-hindi man lang ba magbabago ang reaction mo? Hindi ka nalulungkot?" Tanong sa akin ni Kristal.

Nandito kami at kasalukuyan nang naglalakad pauwi. Kakatapos lang ng laro at masasabi kong maganda ang kinalabasan nito.

"Malulungkot? Saan?" I asked her, my eyebrow raised.

She rolled her eyes, "Duh? 'Yung crush mo may girlfriend!" Sabi nya.

I frowned, "Ahh, ayun ba? Ano naman? Wala 'yun. Crush ko lang naman 'yung tao. Ok lang na may girlfriend siya." Sabi ko sa kanya.

She just looked at me, confused.

"Asows, sigurado ka babs? Di ka na-hurt? Nung kay Michael nga na kaklase mo na crush mo dati eh nagiiyak-iyak epek ka pa sa akin nung malaman mong may girlfriend. Tapos ang saya mo nung nagbreak sila." Sabi nya.

Napangiti na lang ako. Si Michael. Yung sinasabi kong naging crush ko nung pasukan pa. At oo, nung malaman kong nagkagirlfriend siya eh nalungkot talaga ako.

Ngayon kasi, alam ko na ang mga limitasyon ko. Alam ko na ngayon kung hanggang saan lang ba talaga ang dapat kong maramdaman. Alam nyo na, lalaki rin ako. At mahirap -- madalang lang magkagusto ang isang straight na lalaki sa isang kagaya ko. Sad but that's a fact.

"Dati 'yon Kristal. At saka nung pasukan pa yan, ano ka ba. Don't bring back the past. Di ko na siya crush ngayon."

"Weeh?" Pang-aasar nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Kristal, ang pagkakaroon ng crush, hindi 'yan permanente. Nawawalan 'yan ng sense lalo na kapag na-realize mo na sobrang layo ng agwat mo sa taong 'yon. Kapag na-realize mo na napakalayo nya at napakataas nya para magustuhan ka rin nya. And that's the case between me and Michael." Sabi ko.

Tiningnan ko si Kristal at tahimik lang syang nakikinig sa akin.

"The same goes with kuya pogi. I mean, kuya Jay. Actually, una pa lang, alam ko na may girlfriend sya. Duuuh, ang gwapo gwapo nya para maging single. I'm glad na tama ang theory ko." Sabi ko pa.

Tumingin sa akin sa Kristal at tinapik nya ako sa braso, "Babi naman, masyado kang hopeless romantic! Malay mo naman attracted din si kuya pogi sa'yo no." Sabi nya.

"Duuuh, as if!" Sabi ko.

"You won't know, babi."

I shrugged, "Edi happy kung meron. Pero sa ngayon, imposible pa Kristal. Kaya hindi ako pwedeng basta-basta umasa." Sabi ko.

Ngumiti lang sya.

"Pero hindi nga, 'yung totoo, hindi ka affected? Uhm kahit slight lang?" Tanong nya.

Medyo napaiwas ako ng tingin, then I sigh. "Uhm, must I say, hindi? Kasi hinahangaan ko lang naman siya. Ang dami-dami ring babae diyan na may crush sa kanya. So, hindi ko kailangang maging affected kasi wala namang sense, diba? Masaya ako para sa kanya." Sabi ko.

Pero 'yung 100% na totoo, nanghinayang ako ng sobrang slight. Kasi sayang 'yung pagpapacute ko sa kanya kahapon. Taken na pala sya. Charot lang.

Nang makarating kami sa bahay ay uminom kaagad ako ng tubig. Si Kristal naman ay nagpaalam na uuwi na dahil maglalaba pa daw siya, and so do I.

Kinuha ko 'yung mga labahan sa kwarto namin ni kuya. Kinuha ko 'rin 'yung nakasabit niyang boxer sa may upuan at 'yung *ehem* brief niya sa may kama.

Spell bastos? J-A-P-S-C-A-R-I-A-G-A.

I just sigh. Sa paghahanap ko ng iba pang mga labahan sa kwarto ko ay nahagip naman ng mata ko ang isang damit. Kinuha ko ito at tiningnan.

Ito 'yung damit ni papa na ginawa na naming basahan ni kuya. Bigla ko tuloy naalala si papa. Kamusta na kaya siya sa New Zealand? Apat na taon na rin siyang nandoon dahil OFW siya at encoder din doon kagaya ng trabaho ni kuya ngayon.

Sana safe siya. 'Yun lang.

Lumabas na ako ng kwarto. Mag-uumpisa na sana akong maglaba nang bigla namang dumating si kuya. May dala siyang isang supot ng tinapay.

I greeted him with a smile, "Nice game, kuya!"

He smiled confidently, "Well. Nandun ako e. Pati si pareng Marco. Galing niyang mag tres. Sukat na sukat niya ang distansya." Sabi nya at umakto siyang magshoshoot ng bola sa ere.

"Nag-almusal ka na ba?" Tanong nya.

Kasabay ng pag tanong niya kung nag-almusal na ba ako ang pagkalam ng sikmura ko.

"Hindi pa kuya, pagkagising ko kasi nagdilig na kaagad ako ng halaman. Balak ko sana pagkatapos kong magdilig kakain na ako. Eh kaso bigla naman akong niyaya ni Kristal na pumunta sa court dahil naglalaro nga daw kayo." Sabi ko.

"Ganun ba? Kumain ka na muna. Bumili ako ng tinapay. Ako na maglalaba," sabi nya.

Ngumiti ako, "Hindi na, kaya ko na 'to. Konti lang naman," sabi ko.

"Kumain ka na. Magkakasakit ka. Mapapagod ka ng gutom." Sabi nya at pinatayo na nya ako.

Binigay niya sa akin 'yung supot ng tinapay na binili nya. Tiningnan ko ang laman nito at narealize kong paborito kong tinapay ang binili nya.

"Waw naman kuya, buti may naabutan ka pa?Mabilis kasing maubos ang ganito kina aling Mercy. Masarap kasi talaga bilat nun." Sabi ko.

Bahagyang napatingin sa akin si kuya at maya-maya, nagulat ako nang bigla syang humagalpak ng tawa.

"Bakit ka natawa?" I asked him.

Hanggang sa mapahawak pa sya sa tyan nya sa katatawa. Yung totoo, anong meron? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Pilit naman nyang pinakalma ang sarili nya.

"Babi, alam mo ba 'yung bilat?" Tanong nya.

I nodded innocently, "Oo. Ito," sabi ko at naglabas ako ng isang bilat mula sa supot na hawak ko.

Bahagya uli siyang napatawa at umiling, "I know. Pero alam mo ba kung bakit bilat?"

Napakunot naman ang noo ko. Bakit nga ba? Ano nga bang ibig-sabihin ng bilat? Kailangan ko pa bang alamin? Basta ako kain lang ng kain.

"Kasi ayun yung trip ipangalan nung mga nagawa ng tinapay?" Tanong ko.

Umiling si kuya, "Hindi. Kaya siya tinawag na bilat, ay dahil mukha siyang bilat kung titingnan mong mabuti. 'Wag mo nang alamin ang kahulugan ng salitang 'yun. Baka malaman ko na lang na hindi mo na favorite ang tinapay na yan pag nalaman mo ibig sabihin nun. Haha," sabi nya.

"Hay nako, bahala na. Basta favorite ko bilat ni Aling Mercy!" Sabi ko.

Bigla uli siyang tumawa ng malakas.

Napailing na lang ako.

Pumunta na ako sa kusina para mag-almusal.

~*~

Pagkatapos maglaba ni kuya ay umalis kami at pumunta na sa aking opthalmologist for my monthly checkup.

Monthly akong pumupunta sa doctor dahil sa mayroon akong retinal detachment. Sa mata. Actually, nagpaopera na ako dati. I remember, that was gas bubble operation at nag-failed. At simula noon, natakot na ako sa mga opera. Kaya ngayon ay may monthly checkup ako.

Since birth na itong sakit ko na ito. Well, as far as I know. At alam ko, hindi rin ito ganoon kalala. Not until that incident happened.

"Ben, kumusta pala ang paningin mo?"tanong ni kuya sa akin.

"Uhm, ok naman kuya. Walang pagbabago. Malinaw kapag malapit, malabo kapag malayo. Pero wala na masyadong flashes at mga floaters. Sa pheripheral vision ko, ganun pa rin. Parang may shadow." Sagot ko.

"Hindi naman lumalala?"

"Hindi naman, so far. At sana hindi na lumala." Sabi ko.

Ngumiti si kuya, "Sana."

Nang makarating kami sa doctor ay agad sinimulan ang checkup dahil may schedule pa daw si doc.

At natuwa naman ako sa result. Nag-improve daw ang pagiging short-sighted ko. May sinasabi siya tungkol sa tissue na nagkokonekta sa mga ugat sa mata ko na hindi ko na masyadong inintindi, basta't iwasan ko raw tumingin sa maliliwanag dahil doon sensitive ang aking sakit.

It's already 7pm nang makauwi kami ni kuya dahil dumaan pa kami sa bayan. Kumain kami sa kahit saang food stall doon. Treat daw niya dahil pinangangalagaan ko ang paningin ko.

Pagkauwi namin ay dumiretso na akong matulog dahil nakapag-dinner na kami, at dahil na rin sa pagod.

~*~

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng hindi natural na ingay sa labas. Ingay ng nakabibinging sirena at nagkakagulong mga tao.

Dahil sa kuryosidad, kahit papungay-pungay pa ang aking mga mata ay binuksan ko ng bahagya ang bintana sa aking kwarto para tingnan ang nangyayari sa labas.

At masyadong naokupa ang utak ko ng mga nagkakagulong tao sa labas bago ko pa tuluyang mapansin na nasusunog na pala ang malaking parte ng aming lugar.

Bigla akong nabuhayan ng dugo. Bumalot ang kaba sa dibdib ko at napatingin ako sa paligid. Panay usok ang nakikiya ko. Sa takot ko at lumabas ako ng kwarto. Hindi pa man nadadamay ang bahay namin ay ramdam ko na ang init at ang amoy ng usok.

Pinuntahan ko muna ang kwarto ni kuya Japs ngunit wala siya doon. Mas lalo akong kinabahan.

"Kuya...?" Utal kong pagtawag.

Wala sa sarili akong lumabas ng bahay at nakita ko ang kumpulan ng mga tao. Napatingin ako sa harap namin at halos manghina ang mga tuhod ko nang makita kong nilalamon na ng apoy ang bahay nina mang Tako.

Tumingin-tingin ako sa paligid upang hanapin si kuya ngunit hindi ko siya makita dahil sa dami ng taong nagkakagulo. Agad akong umalis sa pwesto ko upang hanapin si kuya Japs.

No, kuya Japs. Please...

"Kuya? Kuya!" Sigaw ko. Ngunit tila walang nakakarinig sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Kuya!" Pagpapatuloy ko sa pagtawag kay kuya. Ngunit hindi ko sya makita.

Halos malibot ko na ang buong lugar namin ngunit hindi ko pa rin talaga sya makita.

"K-kuya, tulong... Tulungan mo ako.. T-tulungan nyo ako.." pahikbi kong biglas.

Muli akong lumingon-lingon sa paligid para hanapin siya ngunit wala talaga.

Nakaramdam ako ng matinding bigat sa dibdib ko. Paano 'to? Paano na 'to?

Nanginig ang mga labi ko. Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko at ang nagbabadyang pag-tulo ng mga luha ko.

"Kuya..."

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa bandang kanan ko at tiningnan ko ito. Masyadong nakasisilaw ang liwanag.

Ang labo.

Masyadong malabo...

*****

"Kuya!!!" Bigkas ko at agad akong napabangon mula sa aking higaan. Napahawak ako sa dibdib ko. Hingal na hingal ako.

Panaginip.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

"Babi?! Bakit? Anong nangyari?" Sabi ni kuya at nag-aalala syang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"W-wala, kuya. Natakot lang ako. Ang sama ng panaginip ko." Sabi ko at napayakap ako sa kanya.

Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala pa si kuya sa tabi ko.

"Shhh. Kalma na. Tsaka mo na i-kwento sa akin. Kumalma ka na. Maaga pa, babi. Gusto mong tubig? Ikukuha kita."

Patayo na sana sya ng bigla ko syang pigilan, "Wag na, kuya. Matutulog na lang uli ako." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lang sya.

"Kung ano man 'yang napanaginipan mo, ilang beses ka mang bangungutin -- tandaan mo, nandito lang ako palagi." Sabi niya, at ngumiti siya.

Nang sabihin nya 'yon ay parang bula ring nawala ang bigat sa dibdib ko.

I smiled at him as well. "Salamat, kuya."

Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko.

"Matulog ka pa." Sabi niya bago tuluyang maisara ang pinto.

Humawak ako sa dibdib ko at naramdaman kong medyo kumakalma na nga ako.

Masyado naman kasing nakakatakot. Hindi ko kakayanin kung magkakatotoo ang panaginip na 'yon. Sana hindi ko na ulit 'yon mapanaginipan.

I heaved a sigh at napatingin ako sa orasan. It's already 4AM. Exact.

Bahagya akong napangiti. Alas kwatro na naman ako nagising. Nasanay siguro talaga ako nung pasukan. Pang-umaga kasi kami noon at alas-kwatro lagi ang gising ko sa umaga.

Hindi na ako nakaramdam ng antok. Ang ginawa ko, binuksan ko na lamang ang bintana ng kwarto ko. Mula dito ay kita ang kabilang kalsada. Bahay nina Mang Tako ang makikita mo at ang kanilang terrace.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanilang terrace dahil parang may naaaninag akong tao. Alam kong malabo ang paningin ko sa malayo ngunit hindi ito ganoon kalabo para hindi malamang si kuya Jay ang taong nakikita ko.

Nakaupo siya sa kanilang terrace at may hawak-hawak siyang gitara.

Oo, alas kuwatro ng umaga ang trip ng lolo nyo. Ang aga-aga, nag-eemote siya. Ibang klase rin 'tong taong 'to.

Maya-maya ay sinimulan nyang mag-strum ng gitara. At na-gets ko rin naman kaagad ang tune ng tinutugtog niya.

"Pasensya na, kung kailangan kitang iwan

Pasensya na, kahit alam kong masasaktan tayong dalawa,

Lumisan pa rin ako dala-dala ang alaala

Na tayong dalawa ay naging isa"

Kanta ko sa isip ko. Alam ko 'yung kanta. Ngunit tinutugtog lang niya ito.

Ano kaya 'yun? Siguro, tinutukoy niya dito 'yung girlfriend niya na sinasabi ni Kristal.

"Pasensya na, kung kailangan kong lumisan

Kung kinakailangan, bumalik na lang tayo sa nakaraan

Upang muling maransan

Ang tamis ng 'yong pagmamahal"

Habang tumutugtog siya, ramdam ko ang lungkot niya. Kita ko sa ekspresyon ng mukha nya. Napaka-seryoso, napaka-lalim ng emosyong nakikita ko.

Mabuti na lamang at hindi siya tumitingin sa lugar ko.

I just kind of, smiled sadly at isinara ko na ang bintana.

I'm glad with the thought that I am not the only one with 4AM sickness.

--


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập