ALTNF
12
Jay Marco Natividad's POV
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog dahil sa tahol ng aso ng kapitbahay namin. Bahagya akong napahawak sa aking ulo at napatingin sa orasan. It's already 3PM in the afternoon.
3pm? Wait, what?
Pumikit ako at inalala ko ang nangyari.
Kaninang umaga, pagkagising ko, bumili ako ng almusal doon sa bakery sa may labasan. Tapos maya-maya, biglang may lumapit sa akin na isang babae, asking if I am Jay Marco Natividad. Medyo na-confuse ako pero sinabi ko na rin na oo.
Then the next thing I knew, ang dami na nila. Nagpapa-picture, niyayakap ako, hanggang sa hindi na ako komportable. Kaya naman tumakbo ako palayo sa kanila at pumuntang bahay. Kaya lang naisip ko, kapag naabutan at nakita nila akong pumasok sa bahay namin, baka doon naman sila magwelga.
Ang ginawa ko, labag man sa aking kalooban ay dumiretso ako sa bahay nina Ben. I was only supposed to hide behind their frontyard kaya lang kitang-kita pa rin ako. Kaya sinubukan kong buksan ang pinto ng bahay nila and I'm actually surprised nang mabuksan ko iyon. Inisip ko na lang na baka gising na rin si Ben kaya bukas na.
Pagkatapos noon, bumalik na ako sa bahay at nag-almusal. Nasermunan pa ako ni Nico dahil sa kanya nagwelga ang fans ko. Jk.
After breakfast, I went to my room and saw a notification from my skype. Tumatawag si Haiah. Sinagot ko ito at pagkatapos naming mag-usap ay muli akong nakatulog.
At oo, napasarap ang tulog ko dahil alas tres na ng hapon nang magising ako.
Naalala ko tuloy kagabi. Nag-movie marathon kami ni Nico ng Chronicles of Narnia. Ilang beses ko nang napanood 'yon pero ang ganda pa rin ng kwento. Pero sa totoo lang, wala talaga ako sa mood manood kagabi kaya lang, mapilit si Nico.
Kaya naman halos madaling araw na kaming nakatulog kanina.
I sigh.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang pumasok si Nico sa kwarto ko.
"Gagi naman Nico. Hindi ka ba marunong kumatok?" Medyo iritang tanong ko sa kanya.
He just shyly smiled, "May bisita ka kuya." Sabi niya.
"Bisita? Sino?" I asked.
"You'll see." Sabi niya at bakas ang ngiti sa labi niya.
At bakit naman ako magkakabisita rito? Teka, huwag niyang sabihin na bumalik 'yung mga fans kong nagwewelga kanina? Naku patay.
At dahil na-curious din ako sa kung sino man ang bisitang 'yon ay inayos ko na rin ang sarili ko. I made sure to look as handsome as how I always look.
Pagkalabas ko ng kwarto at pagkababa ko, I saw a pink backpack on the sofa. A huge, pink backpack.
At may isa ring babae na nakaupo sa sofa, katabi nung bag. Nakatalikod ito. Her back was familiar.
Hanggang sa lumingon siya. And I don't know. The feeling is strange. Bahagya akong napakunot ng noo nang tuluyan ko nang ma-recognize kung sino siya.
This can't be.
"H-haiah?" I asked her.
"Maaaaarcooo!" Sabi niya at dali-dali niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
Teka, ano 'to?
"Haiah? M-may nangyari ba? I-I thought..."
"Surprise! I was on the way kanina noong magkausap tayo. Well, ilang oras rin pala papunta rito, no? The address that you gave me before was accurate." She said.
"Tanda mo pa?"
She gave me a tap on my shoulder, "Oo naman! Noong sinabi mo pa lang sa akin na aalis ka, naisip ko na na puntahan talaga kita weeks after. Succeed naman ako sa surprise keme ko. Special thanks to Nico. Haha," sabi niya.
Napakunot ang noo ko at tiningnan ko si Nico. He gave me a peace sign.
"I-i was told by her na puyatin ka kagabi para tanghali ka na magising. Akala ko nga epic fail 'yung plan kasi nagising ka ng maaga kanina para bumili ng almusal. Pero nagpapasalamat ako sa langit dahil nakatulog ka ulit." Sabi niya.
Bahagya akong napapikit at napahawak sa noo ko. Kaya pala. Kaya pala.
I gave Haiah a smile,"Let's sit."
Umupo kami sa sofa at pumunta naman si Nico sa kusina para kumuha ng meryenda.
"So, diba may wish ka?" Sabi ni Haiah and I can see excitement in her eyes.
"W-wish?" I asked.
She just smiled at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi.
Akala ko mabilisan lang na halik ang gagawin niya pero hindi. It was long, passionate, and I can feel her longingness being with me.
I am mentally shocked ngunit nagsink-in din naman agad sa utak ko ang ginawa niya. I responded to her kiss.
That was a magical and quiet scene. It's like it's just me and her in the screen -- feeling each others lips as if it was the last day of our lives.
Until... until some random guy entered the scene.
"Nico, kuya Jay! Nagluto ako ng gi--"
Bahagya akong nagulat sa boses na narinig ko at mabilisan akong napamulat ng mata. At saka ako tumingin sa taong kakasingit lamang sa eksena.
Si Ben.
At may na-realize ako nang mapatingin ako sa kanyang mga mata.
He used to smile and laugh a lot. Maybe to hide his pain, or his past, na hindi ko alam. Na hindi ako aware.
Sa totoo lang, bilib ako sa kanya dahil magaling siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman.
Except his eyes...those can't lie. I can see mere pain through his eyes.
Agad akong napahiwalay sa labi ni Haiah. She became confused.
Ngumiti si Ben.
"Ahm, g-gusto ko lang sanang ibigay 'to. Kakaluto lang nito kaya kainin niyo agad. Ginataang balinghoy 'yan, kakagaling lang sa kalan kaya mainit pa. Nilagyan ko na rin ng gatas para masarap. Pero siguro mas masarap siya kung hihintayin nyong magwarm tapos palamigin nyo sa ref. Mainit o malamig pwede sya both, 'wag lang yung neutral, haha! S-sige na, mauna na ako ha? Hindi na ako magtatagal, may bisita pala kayo." Sabi niya at inilapag niya sa lamesita ang dala-dala niyang ginataang balinghoy.
At saka siya umalis.
And I don't know. Hindi ko napigilan ang sarili kong tumayo para sundan siya. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay bigla akong pinigilan ni Nico at kinausap niya ako.
"Ako na kay Ben, kuya. Stay with your girlfriend," sabi niya at lumabas na rin siya.
Hindi na ako nakapagsalita. I have mixed feelings.
Tumingin sa akin si Haiah at kita ko sa mukha niya na confuse na confuse na siya sa nangyayari.
"S-sino yun? Yung lalaki?" Tanong niya.
Tiningnan ko siya saglit, at muli akong napatingin ng lampasan.
"Kapit bahay lang." Sabi ko.
"Really? He's nice ha. Nagdala pa talaga siya ng meryenda. Does he do this often? Ganito pala talaga sa probinsya no? Kahit 'di mo masyadong kilala bibigyan ka ng goods. Anyways, mukha naman siyang masarap. I wanna try it." Sabi niya at saka niya tinikman ang dala-dalang meryenda ni Ben.
"Woah, masarap siya! Luto niya to right? He's a good cook."
I just smiled.
Ewan. Hindi ako mapakali.
Hindi ko alam kung bakit parang bothered ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nag-guilty ako. Ewan.
Pakiramdam ko nakasakit ako. Bakit ganito?
Bakit parang nasasaktan din ako?
~*~
Nico Jay Natividad's POV
Lumingon ako sa magkabilang side ng kalsada para hanapin kung saan dumako si Ben. I saw him running from afar. Sinundan ko siya.
Ang bilis ng takbo niya. At tingin ko, alam ko kung bakit.
Sabagay. Simula pa lang naman alam ko na na attracted siya kay kuya. I know he likes kuya. I'm just giving myself the benefit of the doubt.
"Ben, Ben! Teka lang!" Sigaw ko, sapat na para marinig niya. He's not a good runner.
Ngunit patuloy lang siya sa pagtakbo. And so do I. Since I'm running faster than him, naabutan ko siya.
"Ben, stop!"
Sabi ko. Unti-unti naman siyang napatigil sa pagtakbo. At ganun din ang ginawa ko.
Parehas naming habol-habol ang aming mga hininga.
"Ang bilis mo namang tumakbo. San ka ba pupunta?"
I asked him while continously gasping.
"N-naniniwala kasi ako na...katumbas ng paglubog ng araw ang paglitaw nito. Na ang hapon ay katumbas ng umaga. So tinesting ko lang, baka pwedeng mag-jogging ng hapon." Sabi niya.
"Bakit ka pala sumunod? M-masama ba 'yung lasa ng luto ko?" Tanong niya.
"Ben.. you're lying," sabi ko sa kanya.
Still gasping, he deeply sigh. "Yes, obvious naman. Joke lang 'yun. Sino ba naman ang tangang magj-jogging ng hapon, 'diba? Hehe," Sabi niya then he chuckled.
Magsasalita pa sana ako pero muli kong itinikom ang bibig ko. Hindi ko kasi talaga alam kung anong sasabihin ko. Kapag kasama ko siya ang daldal-daldal ko. Pero ngayon ni-hindi ko alam kung ano ba talagang sasabihin ko sa kanya. At kung bakit ko siya sinundan dito.
"Nico, m-may fave spot ako dito eh. Sumunod ka sa akin." Sabi niya at nagsimula siyang maglakad papunta sa kung saan. Sinundan ko naman siya.
Hindi kalayuan, nakita ko ang palayan at malawak na kaparangan. Napakagandang tanawin. Sa totoo lang, manghang-mangha talaga ako kapag nakakakita ako ng mga ganitong view. Kapag sa siyudad kasi ay puro gusali lamang ang humaharang sa mga mata ko.
"Tara dito, Nico!"
Nakita ko naman si Ben na paakyat sa isang maliit ngunit may kataasang hill. Medyo matarik ito para akyatin pero para kay Ben, easy easy lang.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong alam yun ni Ben kaya naman inoffer nya ang kamay niya sa akin.
It was just a hill yet ang hirap akyatin. Nakakadulas. O pakiramdam ko lang madudulas ako kasi matarik siya? Kasi hindi naman talaga madulas ang damo.
Nang maka-akyat kami, nakita ko ang napakagandang tanawin. Totoo nga na kapag nakakakita ka ng ganito kapayapang lugar, mapapangiti ka na lang ng hindi oras at mamamangha.
"Ang ganda dito, Ben. May ganito pala rito?" I told him.
"Ha? Alin?"
"Itong hill, I mean." Sabi ko.
He smiled. "Yep. Actually considered as spot itong hill na 'to rito. Madalas 'tong laruan ng mga bata. At madalas din may nadudulas sa hill dahil sa katarikan. Haha. Pero kahit gaano katarik, pinipilit ko pa ring akyatin ito kasi sobrang worth it kapag nasa tuktok ka na. Tingnan mo."
Sabi niya. I smiled.
Medyo maliit lang itong hill pero mataas. Sapat na para makita mo ang kagandahan ng probinsyang ito.
Mabuti na lang, pagkarating dito sa tuktok ng hill ay patag na ito. Makakaupo kami.
"Ang ganda talaga.." Sabi ko pa ulit.
Hindi nagsalita si Ben. Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming dalawa. At hindi ko na rin naisipang basagin ang katahimikan dahil masyadong maganda ang tanawin para may magsalita sa isa sa amin.
And...yeah, he's the one who just broke the silence.
"A-akala ko madadaan ko sa biro ang lahat." Sabi niya bigla habang nakatingin pa rin sa malayo.
Hindi ako umimik. Bagkus ay pinakinggan ko lang siya.
"Akala ko, kababawan lang ang lahat. Akala ko kababawan lang 'tong nararamdaman ko. Akala ko paghanga lang. Alam ko naman eh. Pinipilit ko na lang ang sarili ko." Dagdag pa niya at saka siya napangiti ng malungkot.
Lumingon siya sa akin.
"Nico, masanay ka na sa akin ha? Madrama ako at palaarte. Pang teleserye ang karakter ko. Mahilig akong humugot ng kung anu-ano. Huwag ka sanang ma-bored sa akin." Sabi pa niya.
"Ben.." sabi ko.
Muli siyang tumingin sa malayo.
"Nakakainis lang kasi may pasabi-sabi pa ako sa sarili ko na hindi naman ako masasaktan. Kasi nga biro lang ang lahat. Who knew? Niloloko ko lang pala talaga ang sarili ko." He said.
"Gusto mo talaga si kuya, no?" I asked him.
Bahagya siyang natigilan. At nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"N-nico, paano mo-?"
"I can tell." Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.
I let out a calm sigh.
"You cannot hide your romantic feelings, Ben. Nobody can. Kasi kusang lumalabas 'yan. Involuntarily." Sabi ko sa kanya.
Samantalang siya ay nakatitig lamang sa akin. Hindi siya nagsasalita.
"Oh, bakit? Gusto mong umiyak? Pwede naman, hindi kita pipigilan." Pagbibiro ko sa kanya.
He smiled.
"Forbidden akong umiyak, Nico. Haha," Sabi niya sabay peke ng tawa.
"Ha? A-anong ibig mong sabihin." I asked him.
"Wala. Joke lang. 'Wag mo na 'yung isipin. Haha!"
Madalas akong ma-amaze sa sarili ko dahil may mga bagay akong nahuhulaan at tumatama, at dahil madalas tumatama ang mga conclusions ko. Pero ngayon, kahit anong hula ko, kahit anong conclude ko -- 'yung sinabi ni Ben sa akin -- why can't I figure it out?
---