Sa paglipas pa ng mga araw ay unti-unting ipinaliwanag ni Mira at Sebastian kay Aya ang sitwasyon. Ipinaalam din nila sa bata ang tungkol sa pag-iral ng tunay nitong ama. Noong una ay naging emosyonal si Aya dahil nanumbalik na din sa alaala nito ang tunay nitong ina, maging ang masasalimuot na karanasan niya sa loob ng laboratory. Sa musmos na edad ni Aya na lima ay malinaw na sa kaniyang isipan ang mga iyon. Maging ang pagtakas niya na ginawan ng paraan ng isang babaeng doktor at ang pagkakapunta niya sa silid ni Allena, lahat iyon ay malinaw sa kaniya.
"Mama, kahit ba kukunin ako ng tunay kong Daddy, ayos lang ba na Mama pa rin kita at Daddy ko pa rin si Daddy Bastian?" Tanong ni Aya nang mahimasmasan na ito. Napaluha naman si Mira at agad na niyakap ang bata.
"Oo naman Aya, 'di ba sabi ko sayo, kahit hindi kita tunay na anak, ikaw pa din ang panganay ko. Mabait ang Daddy mo at matagal ka na niyang hinahanap. Hindi niya rin alam na anak ka niya dahil nawala din ang alaala niya dahil sa kagagawan ng Lolo mo." Salaysay ni Mira.
Ilang beses pa nilang ipinaliwanag sa bata ang mga pangyayari hanggang sa kumalma na ang emosyon nito. Hindi naglaon ay nakatulugan na nito ang kaniyang pagtangis habang paulit-ulit na ikinukwento ni Mira ang mga alaalang nakita niya kay Rimo. Ito ay para maintindihan ni Aya na wala siyang dapat na ipag-alala at mapagkakatiwalaan niya ang kaniyang tunay na ama.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay tinawagan na ni Sebastian si Rimo para ipaalam dito na nasa kanila ang anak nito. Hindi naman mapakali si Rimo nang malaman niya ang tungkol dito. Nagkukumahog siyang inayos ang sarili dahil ilang araw din siyang nagmukmok sa loob ng kaniyang condo unit. Mabilis siyang naligo, upang maalis ang anumang amoy ng alak na nakakapit sa kaniyang katawan at buong pagkatao.
Simula kasi nang makulong ang kaniyang ama at bumagsak ang Orion ay tila doon naman nawalan ng saysay ang buhay niya. Para bang nabuhay lamang siya noon dahil sa pagmamalabis niyang maipaghiganti ang pagkamat*y ni Liliana. Nang matapos na niya ang kaniyang misyon ay tila nawalan na naman ng silbi ang kaniyang buhay.
Subalit nang marinig niya kay Sebastian ang tungkol sa nawawala niyang anak na si Eliza ay tila ba nabuhay ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan. Matapos maiayos ang sarili ay agad din naman niyang tinawagan si Gwen na siyang kaibigan niyang doktor sa Orion na siyang nagpatakas noon kay Eliza.
"Sigurado ka ba?" Gulat na tanong ni Gwen sa kaniya nang magkita ang mga ito di kalayuan sa central mall.
"Kaya nga kita ipinatawag dahil ikaw ang nakakakilala sa kaniya." Saad naman ng binata.
"Sana nga ay si Eliza na ang batang ito. Para naman makatulog na ako ng mahimbing sa gabi. Matapos ang araw na iyon ay hindi na mawala sa akin ang mag-alala sa anak ni Lily. " Wika ni Gwen. Napatahimik naman si Rimo at itinuon ang pansin sa pagmamaneho ng sasakyan. Halos isang oras mahigit din ang kaniyang ginugol sa byahe patungo sa mansyon ng mga Vonkreist.
Pagdating nila ay agad nilang nakitang nakaabang na si Sebastian sa labas ng mansyon kasama si Mira at ang isang batang nasa limang taong gulang. Ito din ang batang kasama ni Mira noong una niyang makilala ang dalaga.
"That's her. Oh my God, Rimo that's Eliza." Bulalas ni Gwen sa loob ng sasakyan nang makita ang bata. Sumikdo naman ang puso ni Rimo nang marinig ito. Ang batang iyan ang anak nila ni lily?
Nang huminto na ang sasakyan ay mabilis na bumaba si Gwen sa sasakyan. Nang makita naman siya ni Aya ay tumakbo ito at yumakap sa dalaga.
"Auntie Gwen. Nandito ka rin?" Masayang wika ni Aya.
"Oo Eliza, kasama ko ang Daddy mo." Tugon nito at nilingon ang kabababa pa lamang sa sasakyan na si Rimo. Agad din napatingin doon si Aya at napangiti.
"Daddy?" Mahinang tawag niya rito. Tumango naman si Rimo at mabilis na lumapit sa kaniya. Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Rimo sa bata at binuhat niya ito sa kaniyang bisig. Hindi niya maipagkakaila ang sayang kaniyang nararamdaman ngayon. May mga luha pang naglandas sa kaniyang mga mata sa pagtatagpo nilang iyon. Maging si Mira ay napapaluha din sa masayang tagpo ng mag-ama.
"Can I bring her home?" Malumanay na tanong ni Rimo. Marahang tumango si Mira kahit pa labag sa loob niya ang bitawan si Aya. Aya is not her daughter and she deserve the care of her father.
"Thank you Mira. Salamat sa pag-aalaga sa aking anak. Napakalaki na ng utang ko sa inyong mag-asawa. Don't worry if we have time, dadalawin kayo namin. Thank you Sebastian." Wika ni Rimo at buong pagpapakumbabang yumukod sa kanilaa bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob. Mayamaya pa ay nilisan na nang mga ito ang mansiyon kasama si Aya. Parang biglang tumahimik ang mundo para kay Mira nang umalis na si Aya. Hindi n mapigilan ang hindi maiyak dahil dito. Inakay naman siya ni Sebastian sa kanilang kwarto para makapahpahinga na ito.
"Mira, don't cry. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Hindi ba't sinabi naman ni Rimo na dadalaw sila. And we can also visit them." Pag-aalo ni Sebastian sa asawa.
"Ayos lang naman ako, hindi lang talaga ako sanay na wala si Aya kaya medyo nalulungkot ako."
"If you really like kids, we can make our own baby." Pilyong bulong ni Sebastian at naihampas ni Mira ang kamay sa braso nito.
"Puro ka naman biro e'," natatawang wika ni ira at napangiti naman si Sebastian.
Lumipas pa ang mga buwan at taon at tuluyan na ngang nakagraduate sina Veronica, Mira at Dylan. Naging maayos at masaya na din sa wakas ang kani-kanilang mga pamilya. Sa unang taon matapos ang kanilang graduation ay magkasabay na balita ang mas lalong nagpasaya sa kanilang mga pamilya.
Parehong buntis si Mira at Veronica.
"Hanep kayo Bro, talagang sinabay niyo?" Biro ni Leo habang nagkakasiyahan sila sa loob ng mansyon ng mga Vonkreist.
"Nagkataon lang iyon. Paano naman namin isasabay. Puro talaga kayo kalokohan." Nakasimangot na wika ni Gunther. Hindi din maipinta ang mukha ni Sebastian at panay ang tingin nito sa labas ng bintana. Agad din naman itong napansin ni Leo at lalo lang niyang tinukso ang kaniyang kaibigan.
Samantala ay nasa garden naman si Veronica at Mira kasama si Allena habang pinagsasabihan niya ang mga ito ng mga dapat at hindi dpat na gawin nila habang nagbubuntis.
"Mommy, hindi mahirap ba ang manganak?" Tanong ni Mira. Napangiti lang si Allena at hinaplos ang buhok niya. Ginagap din niya ang kamay nilang dalawa ni Mira bago magsalita.
"Mahirap ang panganganak, para kang nasa gitna ng buhay at kamat*yan. Pero lagi niyon tatandaan kapag nandoon na kayo, huwag niyong kakalimutang magdasal sa panginoon. Isang magandang biyaya ang pagkakaroon ng anak, sa oras na mahawakan niyo ang inyong mga supling ay doon niyo mapagtatanto ang kahalagahan ng buhay. " Mahabang paliwanag ni Allena at nagkatinginan naman si Veronica at Mira.
"Pero Mom, nandoon ka naman kapag nanganak kami diba? Mira dapat sabay tayong manganak para hindi mahirapan si Mommy Lena. " Wika ni Veronica. Sunod-sunod na tango naman ang itinugon ni Mira dito at nagkatawanan pa sila.
Sa paglipas ng buwan ay naging maayos naman ang pagbubuntis nilang dalawa. Naging libangan din ng dalawang buntis ang pahirapan ang kani-kanilang mga asawa lalo na si Veronica.
Veronica is a naughty girl to begin with kaya naman halos makalbo na si Gunther dahil sa kapilyuhan at katigasan ng ulo nito. Wala din naman siyang magagawa dahil binilinan din siya ng kaniyang ina na dapat lahat ng gusto ng asawa niya ay ibibigay niya. Nariyang magpapabili ito ng buger kay Gunther sa kalaliman ng gabi o di kaya naman ay maghahanap siya ng kung anu-anong prutas kung kailan wala nang nagtitinda sa labas. Kaya naman itong si Gunther ay laging puyat.
"Vee, baka naman mapikon si Kuya sayo. " Paalala ni Mira kinabukasan. Halos magsisiyam na buwan na din ang kanilang mga tiyan at kasalukuyan silang kumakain sa kusina.
"Kasalanan niya kung bakit ako nahihirapan ngayon kaya dapat lang na maranasan din niya ang paghihirap ko." Umiirap na wika ni Veronica. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap nang mapahinto sila pareho dahil sa biglaang pagsakit ng kanilang mga tiyan.
"Mom!!!" Sigaw ni Mira at humahangos na lumapit sa kanila si Allena.
"Manganganak na ba kayo?" Tarantang tanong ni Allena at sabay na hinawakan ang mga ito. Biglang umikot ang kanilang mga mundo nang dumampi ang kamay ni Allena sa mga braso nila. Pakiramdam nila ay para silang hinigop ng isang malakas na pwersa at pumason sa isang nakakahilong lugar na puro kadiliman. Pagmulat ng kanilang mga mata ay natagpuan nila ang mga sarili nila sa isang pasilyo ng hospital na pagmamay-ari ng ng mga Vonkreist. Sa sobrang taranta ay nagamit ni Allena ang kanig kakayahan. Agad siyang tumawag ng tulong sa mga nurse na naroon at nakilala naman siya ng mga ito.
Mabilis na inasikaso ng mga doktor si Mira at Veronica at ipinasok na sila sa iisang private room baago ipinatawag ang magpapaanak sa kanila.
Sa kabilang banda naman ay galos mamutla sa takot si Gunther nang marinig sa katulong na biglang nawala sa bahay si Veronica , Mira ag Mommy niya. Ang buong akala niya ang kung ano na ang nagyari sa mga ito. Ni tawag ay wala, at naiwan din nang mga ito ang kanilang mga cellphone sa bahay. Nawala lamang ang takot niya nang makatanggap siya ng tawag sa hospital na naroroon ang kaniyang asawa at kapatid. Ang kaninang takot ay napalitan ng kaba nang malaman niya kasalukuyan ng nanganganak ang mga ito.
"Sabay talaga?" Bulalas pa niya bago patakbong tinungo ang kaniyang kotse. Habang nagmamaneho ay tinawagan na rin niya si Sebastian at halos sabay silang dumating sa hospital.
Pagdating sa hospital ay agad nilang tinungo ang kuwartong sinabi sa kaniya ng doktor na tumawag sa kaniya. Pagdating ay agad nilang nakita si Allena na may bitbit na sanggol. Napakaliit nito at kulukulubot ang balat nito, malayo ito sa inaasahan nilang cute na baby.
"Mom, kaninong anak yan?" Sabik na tanong ni Gunther.
"Anak mo, bakit? Kamukha mo nga ito, tingnan mo." Sagot ni Allena at napangiwi naman si Gunther.
"Paano ko naging kamukha yan? Bakit hindi siya cute Mom?" Nagtatakang tanong ni Gunther at natawa lang si Allena.
"Ganito ang itsura ng mga sanggol kapag baging panganak. Ganito ka din noon nang ipanganak kita. Ito buhatin mo, dahan-dahan lang dahil malalambot pa ang mga buto niya." Utos ni Allena bago ibinigay kay Gunther ang bata. Hindi naman malaman nito malaman kung paanong paghawak ang gagawin niya.
"Sebastian, nandito ang anak mo, kakatapos lang malinisan, babae ang anak niyo at lalaki naman ang kay Gunther at Vee." Saad ni Allena at inakay ang nakatulalang si Sebastian. Nang makita ni Sebastian ang batang singliit ng isang bote ng champagne ay nagtaka siyang tinitigan ito na parang isang kakaibang likha ito.
"Huwag kang matakot, hawakan mo siya." Nakangiting wika ni Allena. Kinakabahang nilapitan ni Sebastian ang maliit na higaan nito at marahan itong binuhat gamit ang malaki niyang kakay.
The contrast was evident, she was so small against his palm. Para bang maling galaw niya lamang ay mababalian niya ito. Napangiti siya at napaluha nang maramdaman niya ang init ng balat nito sa kaniyang mga palad. Parang napuno ng emosyon ang kaniyang puso at umapaw ang kaligayahan dito. Para sa isang taong walang kinagisnang pagmamahal na galing sa kaniyang ama ay tahimik na nangako si Sebastian na hindi niya kailanman pababayaan ang anak niya at si Mira.
Mayamaya pa ay dumating na sa kwarto si Mira at Veronica. Nakasakay ang mga ito sa wheelchair at tulak-tulak ng dalawang nurse.
"The new moms are here." Masayang bungad ni Allena. Mabilis na ibinalik ni Sebastian ang sanggol sa crib nito para tulungan naman si Mira na makahiga sa kama.
"Thank you Mira for being safe. Salamat at pareho kauong safe ni baby. I love you sweetheart." Wika ni Sebastian at saka hinalikan sa labi si Mira.
"I love you too Bastian." Tugon naman ni Mira.
"Nakakainggit ka talaga Mira, buti ka pa, sweet sayo ang asawa mo." Nakasimangot na wika ni Veronica.
"Hey, sweet din naman ako ah." Agad na tutol ni Gunther sa sinabi ng asawa. Napataas ang isang kilay ni Veronica at inirapan si Gunther. Dinala ni Gunther ang sanggol sa tabi ni Veronica at ipinatong ito sa bisig niya. Walang anu-ano'y dumampi sa malalamig noyang labi ang mainit na labi ni Gunther na lubha din naman niyang ikinagulat.
"See, I'm sweet." Wika nito bago hinaplos ang buhok niya. " You did well. " Sambit pa nito at umirap lang si Veronica bago palihim na napangiti na may kasabay na kilig.
Sa paglipas pa ng maraming taon ay namuhay nang maligaya ang pamilya ni Mira at Sebastian. Napagpasyahan ng dalawa na mangibang bansa muna saglit upang kahit papaano ay masolo nila ang mumunti nilang pamilya. Taon-taon ay umuuwi naman sila sa mansiyon upang magtipon-tipon. Mira felt contented and Sebastian found his home with Mira and both of them live happily ever after.
— Wakas —
— Kết thúc — Viết đánh giá