Nang kumalma na si Sebastian ay bumaba na sila para sumabay sa hapunan. Kinagabihan, matapos mapatulog si Aya ay agad na ding dinaluhan ni Mira si Sebastian sa higaan. Dahil sa sugat nito sa likod ay nakadapa ito sa higaan habang nakapaunan ang mga braso nito.
"Nainom mo na ba ang gamot mo?" Tanong ni Mira habang inaayos ang kumot sa katawan nito.
"Nainom ko na. Matulog na tayo." Suhestiyon ni Sebastian ay bahagyang hinatak si Mira papahiga sa tabi niya. Impit na napatili si Mira nang bumagsak siya sa higaan. Mabuti na lamang at naidantay niya ss kama ang kamay dahil kung hindi ay paniguradon matatamaan niya ang sugat ni Sebastian. Akmang pagagalitan niya ito ay siniil naman siya ng halik sa labi ng binata na siyang nagtameme sa kaniya.
Pilit pa niya itong itinutulak papalayo ngunit masyadong malakas ito kumpara sa kaniya. Kalaunan ay hinayaan na lamang niya ito at marahang tinugon ang mga halik nito. She counted on her mind and when she reached a hundred, she pushes him away from her.
"Not now, may sugat ka pa." Wika ni Mira habang habol-habol ang hininga. Sebastian looks at her with a puzzled expression on his face. He bent down again and kissed her lips.
This time it was quick and soft.
"Are you worried?" Sebastian asked with a saddened face.
"Of course, I am worried." Sagot naman ni Mira at muli nang pinahiga si Sebastian. "You didn't let me see through you, hindi ko alam kung ano ang nangyayari, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo." Dagdag pa niya matapos mahiga sa tabi nito. Nagkatinginan sila pareho at sa unang pagkakataon ay nakita ni Mira ang kalungkutang nagtatago sa mga mata ni Sebastian. Tila may tinik na biglang tumusok sa kaniyang puso nang makita ito. Niyakap niya si Sebastian at marahang hinaplos ang likod nito. Kahit sa ganoong paraan ay maipabatid man lang niya ang kaniyang pagmamahal rito.
Nabalot sila ng nakakabinging katahimikan.
Nasa ganoong posisyon sila hanggang sa pareho na silang nahimbing sa pagkakatulog. Sa kalagitnaan ng pagkakahimbing ni Mira ay tila ba naglakbay ang kaniyang isipan sa kanyang panaginip at ang panaginip na iyon ay may kinalaman kay Sebastian. Sa kaniyang panaginip ay nakita niya si Sebastian na pumasok sa isang malakaing mansyon. Doon ay nakita niya ang galit na galit na ama nitong sumasalubong sa kaniya.
Sa pagkakataong iyon ay nakatayo lamang si Sebastian sa hamba ng pintuan habang nakatitig sa mga ito. Tila ba hindi nito naririnig ang walang tigil na pagbubunganga ng kanyang ama. Umiikot ang paningin nito sa mga taong naroroon bago napangisi.
"What a happy family. Dad, ganyang ba ang trato mo sa nag-iisa mong kadugo?" Sarkastikong tanong ni Sebastian at napatayo naman ang kaniyang madrastang kanina lang ay nakangiti. Napalis ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng simangot.
Alam ni Sebastian ang mga bagay na magpapainit mg dugo nito at yun ay ang ipamukha rito na isa lamang siyang kabit at mananatili siyang kabit ng kaniyang ama habang buhay.
Kahit pa matagal ng namayapa ang kaniyang ina ay ito pa rin nag mananatiling legal na asawa ng kaniyang ama. This was also the reason why they are hell-bent to marry him off to the woman of their choosing. Sa ganitong paraan ay magagawa nilang baguhin ang last will ng kaniyang ina.
"Sebastian, you b*stard!!!" Gigil na sigaw ng kaniyang ama habang nakaduro sa kaniya. This is not the first time he called him a b*stard and he was already used to it.
"The last time I checked, my name is still on the family registry. Are you sure you are referring to me 'Dad'?" Tanong niya at binigyan nito ng diin ang salitang 'dad' upang lalong galitin ang mga ito. Napangisi naman si Sebastian nang makita ang inaasahan niyang reaksiyon sa mga ito.
"May I also remind all of you that this mansion is still on my mother's name. Nakikitira lang kayo dito, are you even considered a Harris? Hindi ba't iba pa rin ang apelyido ng mga anak mo? They have no right to bear the surname Harris dahil hindi naman sila anak ng Mommy ko." Wika pa ni Sebastian at napahagulgol naman sa iyak si Lorra. Dito na nagalit ng husto si Logan at mabilis na hinatak sa likod ng aparador ang isang itim na latigo na animo'y gawa sa manipis na bakal sabay hagupit sa kakatalikod lang na si Sebastian.
Nang makita ito ni Mira ay bigla siyang napasigaw at napabangon mula sa kaniynag pagkakahiga. Siya ring paggising ni Sebastian na kaagad din siyang dinaluhan.
"Mira, what happened?" Alalang tanong ni Sebastian habang pinapakalma si Mira na noon ay walang tigil sa pag-iyak at panginginig ang katawan. Nang kumalma na ito ay agad din na hinaplos ni Mira ang nakabendang sugat ni Sebastian.
"Hindi ka na dapat nagpunta dun Bastian. Pakiusap, huwag ka ng babalik sa lugar na iyon. Alam kong doon ka lumaki at nandoon ang alaala ng Mommy mo, pero sasaktan ka lang nila doon." Wika niya at doon lang naunawaan ni Sebastian ang nangyari sa kaniyang asawa. Marahil ay nakita nito ang nangyari kanina sa kaniyang alaala habang natutulog sila.
Napangiti naman si Sebastian at marahan itong hinalikan sa noo.
"I'm happy to have you Mira. Pangako, hindi na ako babalik sa lugar na iyon pansamantala." Sagot ni Sebastian at muli na silang nahiga sa kama. Mayamaya pa ay muli na din silang nakatulog.
Kinaumagahan, nagising si Mira nang maramdaman niya ang bahagyang paggalaw ni Sebastian sa kaniyang tabi. Iminulat niya ang kaniyang mata at bumungad sa kaniya ang maamo nitong mukha. Napakaamo ng mukha ni Sebastian habang natutulog, ibang-iba sa mukha nito tuwing gising ito. But she likes them both. This is Sebastian, sa unang tingin aakalain mong isang napakasamang tao ngunit kapag siya ay nakilala mo ng lubusan ay makikita mo ang kabusilakan ng puso nito.
She was about to touch his face when his eyes opened. Agad siyang pinamulahan nang mukha nang magtama ang kanilang mga mata.
"Good morning Bastian," bati niya at hinagkan ito sa pisngi. Akmang babagon na siua ngunit mabilis siyang napigilan ni Sebastian at banayad na hinalikan sa labi.
"Good morning." Sagot nito bago siya muling hinalikan. Napapangiti na lamang si Mira dahil sa ugaling ito ni Sebastian. Sa tuwing nakikita siya nito ay tila ba kulang ito kapag hindi siya nahahalikan. Kung wala pang kumatok sa kanilang pintuan ay hindi pa mapuputol ang senaryong iyon. Bumangon na sila at agad na tinungo ni Sebastian ang banyo, nakasunod naman sa kaniya si Mira.
"Bastian, hindi mo pwedeng basain ang sugat mo." Paalala niya rito. Nagumiti naman si Sebastian at pinisil ang kaniyang pisngi.
"I know, don't worry." Tugon nito bago pumasok sa banyo. Agad namang inihanda ni Mira ang mga gamit ni Sebastian at ang bendang gagamitin nito.
Matapos nitong maligo ay nagulat pa si Mira nang makitang papagaling na ang sugat nito na animo'y isang linggo na ang nakalilipas gayaong isang gabi pa lang ang dumaan dito.
"Bastian, yung sugat mo." Gulat na bulalas ni Mira at bahagyang natawa si Sebastian.
"Mabilis gumaling ang mga sugat ko. That was why I told you not to worry. "Nakangiti niyang tugon at namamanghang tumango naman si Mira.