" ANG PAGHAHANAP SA MAHIHIWAGANG SANDATA "
* ANG OISENSA 🌱 *
PREVIOUSLY..
Isinalaysay na ni Bulan ang mga sinaunang sandata. At pinag-hiwalay hiwalay sila upang mabilis nilang mahanap ang mga sandata. Kampante din naman sila dahil kasama din nila ang limang diwata na gumagabay sa kanila Simula pa nung una.
RIGHT NOW...
Sa Kanlurang bahagi ng Pilipinas..
" Saan na ba tayo?" Tanong ni Jake.
" Nandito na tayo sa Kanlurang bahagi ng Pilipinas, so Basically wag nyo akong tatanungin kasi old version ito nang mapa ng Pilipinas. Tingnan mo! " Sabay Turo ni Gassia sa mga Letra na nakasulat sa sinaunang Salita.
" Diwata nga ako pero, Di ko na gegets ang mga yan. !" Sabi ni Gassia.
" Sandali lang! Alam ko ang mga ganyang Letra mahal na diwata. Napag-aralan namin yan sa School before.. " Sabi ni Tyler.
" Talaga... Mabuti kung ganun.. nababasa mo ba?" Tanong ni Gassia.
"Nababasa ko sya ng Konti, pero ang mga ibang Letra Di ko na maalala if Tama. Susubukan ko parin.." Sabi ni Tyler. Habang nakita nila si Jake na Di mapakali.
" Jake are you okay?" Tanong ni Gassia.
" Wow galing mag english...!" Sambit ni Tyler habang nakatitig sa Mapa.
" Ayus lang naman ako mahal na diwata pero, Di ako sanay sa Suot nyo po. Pasensya na. Nakakapanibago lang!" Sagot ni Jake.
" What's wrong with my OOTD Tyler, tingnan mo nga?" Tanong ni Gassia kay Tyler.
" Maayus naman ah. Pero bakit ka naka Shorts nang super Ikli. Halos makikita na ang Kaluluwa mo nyan mahal na diwata. " Sabi ni Tyler.
" See... " Dagdag na Sabi ni Jake.
" Ay nako aakyat tayo ng Bundok alangan namang mag Gown ako. Isa pa ang pretty ko kaya sa Outfit ko. Ginaya ko kasi Yung idol ko sa Tv.. " sagot ni Gassia.
" Sino naman ?" Tanong ni Jake.
" Si Marian Rivera... mag kasing pretty lang kami nun. Promise.." Sabi ni Gassia.
" Hay nko ang iingay nyo, Alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga naka sulat sa mapa. Naalala ko, itinuro din ni Ate Jenna ang mga ito saakin. " Sabi ni Tyler.
" So Anong ibig sabihin ng mga Salitang yan? " Tanong ni Gassia.
" Ito ang ibig sabihin ng mga Salita dito..
Upang mahanap ang Hinahanap,
Buksan ang Iyong ulo, Wag papalinlang sa Mata. " Basa ni Tyler sa mga nakasulat.
" Anong ibig sabihin nyan?" Tanong ni Jake.
" Madali lang...
Sinasabi ng salitang binanggit mo kanina,
Upang mahanap ang hinahanap,
Buksan ang Iyong Ulo. Wag papalinlang sa Mata. " Sabi ni Gassia.
" Inulit nyo lang po sinabi ko..." Sabi ni Tyler.
" ay inulit ko lang ba...pasensya na?" Sagot ni Gassia sabay kamot sa ulo.
" Ay nko, sge nga Tai, I will try my best to understand the Rhyme that you read. " Sabi ni Jake.
" Okay !
Upang mahanap ang hinahanap,
Buksan ang Iyong Ulo, at wag papalinlang sa Mata. " Basa ulit ni Tyler.
" Alam ko na... Upang mahanap natin ang ating hinahanap, buksan ang Iyong Kaalaman. Ulo means Knowledge. " Salaysay ni Jake.
" Not literally Ulo. ? Sabagay papano ko nga naman bubuksan ang ulo ko.." Sabi ni Tyler.
" Tama ka nga.. masakit kaya yun..." Dagdag na Sabi ni Gassia.
" Ay nko Ewan ko sa inyong dalawa..
Itatranslate ko na..
Upang mahanap natin ang ating hinahanap, kelangan nating buksan ang ating kaalaman, Wag mag papalinlang sa Mata Means Wag magpapalinlang sa Nakikita. " Sabi ni Jake.
" Wow ang galing nang magtagalog ng Asawa mo Tai..." Tukso ni Gassia
" Tinuturuan kaya yan ni Ate Jenna.. pag nabubulol sya sa Isang Letra ng tagalog. Pinapalo sya ng Hanger. " Sabi ni Tyler.
" Talaga HAHAHAHA!!" Sabi ni Gassia Sabay tawa ng Malakas.
" Ay nko Ewan ko sa inyong Dalawa. Pinagchichismisan nyo ko. Nandito lang ako sa Likud nyo oh..." Sabi ni Jake Habang sina Gassia At si Tyler patuloy pa din sa tawanan at bulungan nila.
" Sge na Tama na yan let's be serious na here... " Sabi ni Gassia.
" So Anong Gagawin natin mahal na diwata...?" Tanong ni Jake.
" Kung Sabi ng first Sentence, ay Buksan ang Kaalaman...ano ba ang natutunan mo? Yung mga kaalaman mo na tutunan ninyong Dalawa sa Pakikipaglaban at Training nyo sa Bundok Yayaisa. ?" Sabi ni Gassia.
" Total Sandata naman ng Lupa ang nandito, so I need to get this... " Sabi ni Jake. Di nya alam na isang Puno ay nakamasid lang sakanilang tatlo ang Alagad ni Sitan nasi Diosca.
" Hmmmnn! Sabi nga sa Kasabihan, hayaan mung maghirap ang iba. At pagnahanap na nila ang Oisensa.. doon ko na sila Isa isang papatayin. " Sabi ni Diosca.
" Papakinggan ko na lang ang usapan nila.." Sabi ni Diosca at nakinig na nga sya usapan ng tatlo.
" Sandali Ilabas daw ang kakayahan.. o natutunan.. kaya Manood kayo..!" Sabi ni Jake sabay Hubad ng kanyang T-shirt.
At tumambad sa kanilang harapan ang Maskuladong katawan ni Jake.
" Perfect ng Biceps... Shereeeppp nyo po!" Sabi ni Tyler
" Oo nga eh, Shereeeppp shereeeppp mo naman kuya... Yung chest nya. Nawawalan ako ng Lakas. Tulung naman.. " Sabi ni Gassia.
" Kuya, Mashaket yung legs ko pwde pa carry ? " Paglalandi ni Tyler kay Jake.
" Hoy!! Para kayong mga Linta! Anong nangyayari sainyo.. Anong mashaket? Bat naging Slang kana ngayon Tai. Diba Sabi ni Ate Jenna Di daw ako mag eenglish masyado. Mapapalo nanaman ako ng Hanger. " Sabi ni Jake.
" Oo nga.. si Tyler talaga oh. Ang landi.. " Dagdag na Sabi ni Gassia.
" Hoi.. bakit Hindi kaba nag aarte kanina.. naging Slang kadin hoi!" Sagot ni Tyler.
" Ay nko Ewan ko sainyo... " Sabi ni Jake at Sinuntuk nya ang Lupa nang napakalakas. Biglang lumindol ng malakas at biglang naging malago ang mga Halaman sa Paligid. Ang Punong walang Dahon ay unti-unting yumayabong at Nagkakaroon ng malalagong dahon.
" Wow, ang Lakas nye.. grabe nemen!" Sabi ni Gassia.
" Oo nga.. napapalago nya mga puno at halaman. " Dagdag na Sabi ni Tyler sabay titig kay Jake.
" Ang Swerte mo Tai. Nagkaroon ka ng Hot Boyfriend. " Sabi ni Gassia.
" Hay nko nag bubulungan naman sila... " Sabi ni Jake nang biglang may kakaiba syang napansin sa mga Puno.
" Parang may itinuturo ang Mga halaman guys... Hello!" Sigaw ni Jake.
" Ay ay! Bat may nagsisigaw na Pogi. Este Anong nangyari Jake?" Tanong ni Gassia.
" Umayos ka mahal na diwata.. Boyfriend ko yan.. " bulong ni Tyler.
" I know.. " sagot ni Gassia.
" Tingnan nyo.. gumagalaw ang mga halaman. Mga puno tingnan nyo.." Sabi ni Jake.
" Oo nga... " Sabi ni Gassia dahil namangha sya sa kanyang nakita.
" Anong nangyayari? Di naman malakas ang hangin." Bakit iisa ang direksyon ang kanilang itinuro?" Sabi ni Tyler.
" Kausapin mo ang mga Halaman Jake.. Ikaw ang kumakatawan sa Elemento ng Lupa.. katulad ko may kakayahan kang makausap ang mga Halaman.." Sabi ni Gassia.
" Hindi ko pa po nasusubukan gawin yun...pano kung Di ko sila maintindihan?" Pagaalangan ni Jake.
" May mga ugali ang mga Halaman na kung sino ang nag alaga, at nagbigay o dahilan ng kanilang paglago. Ay doon sila nagpapasalamat. O nagiging Alipin mo na sila.. Pero Di ko ginagawa sakanila ito. Di ko sila Alipin dahil kaibigan ko sila.." Sabi ni Gassia.
" Try mo daw kausapin sila Mahal.." Sabi ni Tyler kay Jake.
" Sge. " Tugon ni Jake.
At yun nga kinausap ni Jake ang mga Halaman sa Paligid. Namangha naman si Diosca sa kanyang mga nakita dahil parang naiintindihan ng mga halaman si Jake.
" Kung naiintindihan nyo ako. May alam ba kayo kung saan nakatago ang Oisensa.?" Tanong ni Jake. Agad namang bahagyang yumuko ang mga halaman at puno sa Paligid sabay Turo sa Kanang bahagi na kanilang kinatatayuan.
" Mukhang alam nila kung saan ang Oisensa .. nang biglang may isang maliit na boses ang nagsalita.
" Anong kelangan nyo sa Oisensa? Mga hunters ba kayo?" Tanong ng maliit na boses.
" Sino ka?" Tanong ni Tyler.
" Hindi na kelangan pang magpakilala sainyo. Ako ang nagbabantay sa mahiwagang sandata ng oisensa. Ako si Dahlia..." Sagot ng maliit na boses nang nadulas itong banggitin nya ang kanyang pangalan.
" Alam ko na pangalan mo... " Ngiting Sabi ni Gassia.
" Ano? Kung mahuhulaan nyo.. lalantad ako!" Sabi ng maliit na boses.
At sabay Sabay naman nilang binanggit ang pangalan ng maliit na boses.
" D A H L I A !!! " sabay Sabay na Sabi nilang tatlo
" Papano nyo nalaman? Mga Mangkukulam ba kayo?" Tanong ng maliit na boses
" Sinabi mo kaya kanina... " Sabi ni Jake, huli na nang mapagtanto ng maliit na boses na nasabi nya pala ito.
" Okay Sige na lalantad nako.. Pambihira " Sabi ni Dahlia.
Abangan ang Karugtung mga mahal..
At alamin kung anong papel ni Dahlia dito. At sino si naman si Dahlia. Yes, tagabantay sya nang Oisensa. Yan abangan mga mahal ang Karugtung ng kwento.
Don't forget to vote and Leave your comments below. Salamuch sa patuloy na pagbabasa mga mahal.