Tải xuống ứng dụng
68.42% Donde Esta Rexy Morales (Tagalog-Short Story) / Chapter 13: EPISODE-THIRTEEN

Chương 13: EPISODE-THIRTEEN

"1960-1980"

Sa Santa Helena Taong 1960 hanggang 1980..

Matagal ko nang kilala si Gelo, Mula pagkabata pa ay palagi ko na syang kasama.

Ang paborito naming tambayan ay sa may ilog. Kung saan noong mga bata pa kami ay nanghuhuli kami ng isda at naliligo. Ngunit, hadlang ang mga magulang ko saaking pagkakaibigan kay Gelo. Di hamak na anak lamang sya ng isa sa mga trabahante ng papa.

Hanggang sa napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na umalis sa Santa Helena at magtungo ng maynila.

Mahigit labing walong taon na din ang nakakaraan noong lisanin ni Gelo ang Santa Helena. Balita ko sa mga guardiya sibil ng papa. Ay muling magbabalik sina Gelo dito sa Santa Helena. At Lubos ko iyong ikinatuwa. Ngayon ay nasa harapan ako ng aking salamin. At inaayus ng aking kapatid ang aking buhok.

"Ate Lourdes maganda na ba ako?" Tanong ko saaking kapatid habang nakangiti din itong nakatingin saakin.

"Oo Rexy, napakaganda mo. I'm sure, mabibighani silang lahat saiyong itsura." Sagot ng aking kapatid.

Hindi nag tagal ay kinatok na kami ng aking ama upang ipakilala sa mga bisita nya.

"Lalabas na ho kami." Sagot ni Ate Lourdes.

Pagkatapos ng ilang Segundo ay nakatingin saakin si Ate Lourdes.

"Bakit ate?" Tanong ko sakanya

"Papano kung malalaman ng papa na matagal na kayong nag susulatan ni Gelo. At naging mag nobyo't nobya na kayo. Sigurado kabang magpapakita si Gelo? Upang hingin ang pagsang-ayon ng papa?" Pag alaalang sambit ni ate Lourdes saakin.

Hinawakan ko naman sa balikat si Ate Lourdes at pinakalma. Saka muli ako nag salita.

"Ate, relax ka lang. Malakas ang kutob ko na tanggapin na sya ng papa Ngayon." Sagot ko.

Samantala sa Labas ng gate ng mansion ay dumating naman sina Cristine, Myda, Princess at Rea.

"Excited nakong makita ang anak ng Condé." Sambit ni Cristine.

"Balita ko, ngayong Gabi daw ang pamamanhikan ni Gelo." Sabi ni Princess.

Nagsalita ng Salitang hapon si Rea ngunit Hindi ito maintindihan ng kanyang mga kasama. At napilitan itong magsalita ng Tagalog.

"Hindi ka namin maintindihan.." Sabi ni Myda.

"Ang ibig kung sabihin, delikado. Kasi ang senior Ronnel ay Malaya na. Nakatakas noong isang araw pa." Sabi ni Rea.

"Lagot! Papano yan?" Pagaalalang sambit ni Myda.

Hindi naman nila namalayan na dumating na pala sina Heneral Caballero at Ang kapatid na lalaki ni Rexy na si Jacinto.

"Gagawin natin ang lahat para Hindi nila makuha si Rexy. Kelangang Hindi maisakatuparan ang bugna ng propesiya." Sambit ni Myan.

"Tama si Myan, kelangan namin ng tulong ninyo dahil. Kayo lang ang may kakayahang pasakitan ang senior Ronnel."dagdag ni Jacinto. At nagkatinginan lang silang anim. 

Samantala balik tayo sa mansion ng mga morales..

Lahat ng mga tao ay nakatingin sa Batang morales.

Inilibot ni Rexy ang kanyang paningin at nakita nyang papalapit na si Gelo at may malaki itong ngiti sa kanyang mga pisngi. Agad sinalubong ni Rexy ang nobyo.

"Dumating ka nga!" Sabi ko sakanya.

"Tulad ng aking ipinangako ko." Ngiting Sabi ng lalaking pinakakamahal ko.

Ilang sandali pa ay dumating na ang ama ni Rexy kasama ang kanyang butihing Ina.

"Layuan mo ang anak ko!" Sigaw ng Condé.

Napatingin sina Gelo at Rexy sa kanilang likuran.

Malakas ang loob ni Gelo na hinarap Ang papa. At lumuhod pa ito upang Kunin ang aking kamay.

Ngunit, tinutulan sya ng condé. Bagkus itinulak ng Condé si Gelo gamit ang kanyang pinakamalakas na pwersa.

"Papa wag! "Tanong ko saaking ama habang lumuluha at nag-aalala na din dahil anong laban ng isang tao sa lakas ng isang Bampira.

"Isa kang special At Hindi ako papayag na isang purong tao lang ang tatapos sa angkan natin."

S

ambit ng aking ama at sabay talikod. Ngunit muling bumalik si Gelo at tila kakaiba ang kilos nito.

"Hindi na ako tao Mahal na condé. Tinulungan ako ni Senior Ronnel upang maging katulad ninyo. At kahit papano matanggap ninyo ako." Sabi ni Gelo.

Napalingun muli si ama sa kinalalagyan ni Gelo at dito, napailing-iling nalang si Ama.

"Ijo, isang malaking pagkakamali ang ginawa mo. Para kang nakipag sundo sa demonyo. Hindi mo alam ang kapalit sa ginawa mo? Sinangla mo ang kaluluwa mo sa demonyo. " Sabi ni papa kay Gelo.

Ilang sandali pa ay dumating ang Senior.

"Napakasakit mong magsalita Julio, parang hindi tayo magkadugo. Yang dugong nanalaytay sa loob mo ay magkapareho lang. Dugo ng anak mo ay katulad ng akin. Ngunit kakaiba lang. Dahil, ayun sa propesiya.." panimula ng senior at matalim itong nakatitig saakin.

"Nasaan na ba Tayo? Ah Tama. Ayun sa propesiya. Isang nilalang ang isisilang na may taglay na kapangyarihan ng tatlong lahi. Ang Bampira." Wika ni Senior sabay turo Kay papa.

Itinuro naman nya si Mama at nagsalita..

"Lahi ng Mangkukulam at Lobo"

Akmang lalapit si Senior saakin ng pinigilan sya ng isang babaeng banyaga.

"Wag Kang lalapit saaking pamangkin." Sabi ng babaeng may kulay pulang buhok at ikinumpas nya ang kanyang kamay, at tumilapon sa ilang metro si Senior.

"Eloida, (Mycka in future) mabuti naman at nakarating ka. " Sabi ng aking Ina.

"Elisa, ilayo nyo ang pamangkin ko dito." Utos nya saaking Ina.

Lalapit na sana ako Kay mama ng biglang hinawakan ako ni Gelo sa braso. Saka sinakal.

Dahil sa pangyayaring yun, lumapit na sina Heneral Caballero at Kuya Jacinto.

"Sge lumapit kayo para mas magkaroon ako ng dahilan upang patayin pa Ang babaeng ito."

Banta ni Gelo. Nagulat ako sa ginawa ni Gelo.

"Gelo anong pinagsasabi mo? Pakawalan Moko!" Sambit ko habang nahihirapan na akong huminga.

"Hindi maari, Mahal ko!" Sagot nito habang may nakakalokong ngiti.

Isa sa mga gwardiya sibil ng papa ang lumapit at punong-puno ito ng sugat.

"Mahal na condé, sumalakay ang mga kasamahang lobo ni Jolino. Nasakop na nila ang buong mansion." Sabi ng gwardiya sibil.

"Ano? Nandito ang alibughang kapatid ko." Sabi ng mama at nagpalit anyo ito bilang isang malaking lobo na may gintong kulay ng balahibo.

"Hindi mo na kelangang, mag tungo doon kapatid ko. Narito na ako. " Sabi ni Jolino at nag palit anyo bilang isang malaking lobo na may itim na balahibo.

Naging mabilis ang pangyayari.

Hawak na ng senior si Papa. Ang mama ay punong-puno ng sugat at nanghihina.

Ang tanging huling narinig ko ay ang huling sinabi ni Gelo saakin.

"Paalam!"

"Rexxxyyy!!" Sigaw ko ng Makita ko ang aking kapatid na bumagsak sa lupa at wala nang buhay.

Agad kaming lumapit nina Myan, Myda at Cristine.

Si Tiya Eloida naman ay sumingaw ng napakalakas at tila nabinge ang mga kasamahan ng Senior.

"Ate, ilag!" Sabi ni Danilo (Danny in the future) at itinulak si Myda palayo. Si Danilo ang natamaan ng isang malaking sibat na kahoy.

"Hindiiiiiiii!!" Sigaw ni Myda ng Makita nyang naghihingalo ang kapatid.

"Danilo, lumaban ka. Gagawa ako ng paraan." Kinagat ni Myda ang kanyang pulso at pinainom sa kanyang kapatid Ang dugo.

Ngunit Hindi pa din ito gumaling at nabuhay.

Dumating naman Sina Rea, Princess at Carlotta.

Nilapitan ni Carlotta ang kanyang matalik na kaibigan at sinubukan itong pagalingin.

"Elisa, lumaban ka!" Sambit nya saaking mama.

"Hindi na ako magtatagal Carlotta. Nais kung ibigay mo ito sa anak kom iligtas nyo si Rexy. " Sambit ng aking mama bago sya namatay.

Ibinigay sakanya ang isang kwentas na pag-aari ng angkan Nina mama.

Ako naman ay pilit nagpalit anyo at sumali sa labanan..

"Nasaan si Julio?" Tanong ni Eloida.

Nagkatinginan sina Myan at Princess. At kahit sila Hindi na nila maramdaman si ang condé.

"Hindi ko na sila nararamdaman." Sabi ni Rea habang inilagay nya Ang kanyang dalawang kamay sa lupa.

"Kahit ako, bigla silang nawala. " Dagdag na Sabi ni Cristine.

Muling bumalik si Jacinto sa kinalalagyan nina Rexy at pilit pa din itong pinapagaling ng kanyang tiyahin.

"Tiya anong gagawin natin?" Tanong ko sakanya.

"Isa lang ang alam kung makakatulong saatin!." Sambit ni Tiya Eloida habang nakatingin sa bangkay ng kapatid ko.

"Reincarnation spell. Imbes na isang daang taon. Ay paiikliin natin ang proseso." Sabi ni Tiya Eloida. Lumapit naman si Myda at karga nya ang bangkay ni Danilo.

"Anong kapalit, handa ako maging alay. Ibalik ninyo ang buhay ng aking kapatid." Sambit ni Myda.

"Lumapit kaayo saakin." Sabi ni Tiya Eloida. At lumapit naman Sina Cristine, Myan, Myda, Princess at Rea.

"Isang napakadelikadong spell itong gagawin ko. Buhay ko ang magiging kapalit. Bibigyan ko kayo ng basbas upang mas tumalas ang inyong pakiramdam pag muling isinilang si Rexy. Kelangan ninyong ihanda si Rexxy sa takdang panahon." Sabi ni Tiya Eloida.

Hindi nagtagal ay sinimulan na nya ang kanyang orasyon, tungkol sa reincarnation ng mga namatay sa digmaan.

Gumuhit ng isang malaking bilog si Tiya Eloida. At dito pumasok Niya Ang bangkay ni Rexy at Danilo.

"Kalikasan aking tinatawagan, pakinggan aking kahilingan." Sambit ni Tiya Eloida at isang malakas na hangin ang dumating at halos ilipad na kami doon.

" Muling ibalik saamin ang aking pamangkin at isang Batang naging biktima ng karahasan.

Isasara ko ang Santa Helena, walang Sino man Ang makakahanap o Makakakita sa Santa Helena, tanging taga Santa Helena lamang Ang makakahanap pauwi at palabas. Kalikasan, iyong pagbigyan aking kahilingan. Isilang Ang lahat ng namatay dahil sa kaharasan, at sa pakikipag laban sa Santa Helena. " Sambit ni Tiya Eloida at bigla nyang nilaslas Ang kanyang pulso.

Isang pulang likido Ang lumabas at ipinatak nya ito sa bibig Nina Rexy at Danilo.

Kasabay ng paghinto ng hangin, bumagsak naman sa lupa si Tiya Eloida.

At ilang taon din kami nag antay Kay Rexy na muli syang isilang. Hanggang sa nakaramdam kami ng kakaiba. Katulad ng sinabi ni Tiya Eloida.

"Buhay na si Rexxy!" Sambit ni Princess.

"Hayaan mo sina Jacinto Ang mag hanap. Tutulong Tayo kapag kelangan. Mabuti pa sumama ka saakin sa harden. Hayako (in English, Faster)." Sambit ni Rea.

Itutuloy....


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C13
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập