Tải xuống ứng dụng
47.36% Donde Esta Rexy Morales (Tagalog-Short Story) / Chapter 9: EPISODE-NINE

Chương 9: EPISODE-NINE

"ANG PAGHAHANAP"

Ligtas na nakarating si Rex sa nasabing Mansyon kung saan magiging ligtas sya.

Agad syang sinalubong ng isang babaeng naka-kimono kasama ng babaeng kulay ginto ang buhok.

"Maligayang pagbabalik sa Santa Helena Rexxy!" Bati ng babaeng naka kimono.

Tumingin si Rex sa kanyang likuran upang siguraduhing walang naka sunod sakanya. Ngunit pinawi naman ng babaeng naka kimono ang kanyang pag-aalala.

"Hindi ka na nila masusundan dito Rexxy, nasa ligtas kang lugar." Sambit ng babaeng naka-kimono.

Iniabot ng babae ang kanyang mga kamay Kay Rex at nagpakilala Ito sakanya.

"Ako ng Pala si Rea at ito ang aking kapatid na si Princess. Halika mukhang napapagud ka. Mabuti pang magpahinga ka muna." Sambit ng babae.

Ngumiti lang si Rex at nag tanong sa dalawang babae.

"Bakit nakahiwalay si Miss Renalyn sainyong dalawa?" Wika ni Rex sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawang babae at sinagot ni Princess ang tanong ni Rex.

"Pinadala namin si Ate Renalyn doon upang bantayan ang kilos ng Senior Ronnel. Alam kung pagud ka sa iyong paglalakbay. May inihanda kami ng kapatid ko, isang tsaa na makakapag bigay Sayo ng pagkapawi ng iyong pagud. " Sambit ni Princess. Ngumiti lang si Rex bilang ganti sa dalawa, alam din nya sa kanyang sarili na pagud na pagud sya sa sobrang haba ng lakaran.

Samantala sa Kasalukuyan..

Nag balik sila May Ann at Doc Santos.

Agad silang sinalubong ni Mycka at Danny.

"Nasaan si Ate Rex?" Tanong ni Danny.

"Nasaan ang kapatid ko?" Dagdag ni Mycka na nag-aalala sa kapatid.

Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot.

"Hindi paba nakakauwi si Rexxy dito? " Tanong ni May Ann.

"Sabi ni Senior Ronnel, nakatakas si Rexxy. Hindi paba sya nakakabalik dito?" Dagdag ni Doc Santos.

Dumating naman sina Christine at Myda.

"Walang alam si Rex sa mga salamangka o anong chuchu yan. Hindi Basta Basta nakakatawid sila Mycka mula sa bagong panahon papunta sa nakaraan. Kelangan ng isa sa atin upang maka tawid papunta at pabalik. " Sabi ni Christine habang hawak ang isang tasang kape.

"Kung ganun Ben? Nasa Santa Helena pa din si Rexxy?" Wika ni May Ann habang naka tingin kay Doc Santos.

"Kelangan nating bumalik doon upang hanapin si Rexxy. At sana nasa mabuting kalagayan sya. " Dagdag naman ni Doc Santos.

"Mabuti pa kami nalang ni Myda ang magtutungo sa Santa Helena. May alam akong lagusan para Hindi Tayo Makita ni Senior Ronnel. " Sabi ni Christine.

"Kung magbabalik kayo sa Impyernong lugar na yun. E-dudut mo kami ni Danny doon. Hindi pwdeng Wala kaming gagawin. " Sabi ni Mycka.

Tiningnan ni Myda si Mycka at Danny at muling nag salita ito.

"Ate Miks, Hindi pwde dahil kapag kayong dalawa ni Rexxy ang muling makakapasok ng Santa Helena. Mawawalan ng bisa ang sumpa ng condé sa lugar." Sambit ni Myda sabay hawak kay Mycka sa balikat.

Lumapit naman si Christine at nagsalita.

"Ayukong masayang ang pinaghirapan ng condé, Ang inyong ama. Kami nalang magtutungo ng Santa Helena. Pangako Hindi kami magbabalik hanggat Hindi namin nauuwi dito si Rexxy." Sabi ni Christine.

"Tama sila Ate, magtiwala nalang tayo sakanila." Sambit ni Danny.

Samantala sa Santa Helena..

Inaasikaso ng maigi ng dalawang babae si Rex tila espesyal na panauhin ang dalaga.

"Maraming salamat Miss Rea at Princess. Sobra sobra na itong mga pagkain na ibinigay ninyo saakin." Sabi ni Rex habang hawak ang isang pirasong mansanas.

"Kami dapat ang magpasalamat saiyo. Dahil Hindi dahil saiyong ama. Hindi kami magiging malaya. Naalala ko pa noong huling gabi na umalis dahil Hindi mo naibigan ang lalaking ipinagkasundo Sayo. Naawa ako sayo dahil tulad mo. Ipinakasal ako ng aking yumaong ama sa hapones na Hindi ko naman Mahal pero. Wala na akong nagawa." Salaysay ni Rea.

"Arrange marriage? Uso Pala talaga noon ang ganyang drama. " Sambit ni Rex.

"Ano? Hindi Kita maunawaan?" Sabi ni Rea.

"Kapatid ko, nag Mula si Rexxy sa bagong panahon. Baka ganyan na ang mga bagong salita. Tama ba ako Rexxy?" Tanong ni Princess sa kanya.

"Oo yun nga pagpaumanhin ninyo." Sagot ni Rex.

"Hindi ka dapat humingi ng Tawad saamin. Ang mabuti pa. Mag pahinga ka na muna. " Sabi ni Rea.

"Maraming salamat Miss Rea." Wika ni Rex at ilang sandali pa ay dumating ang isang babaeng naka uniporme ng katulong.

"Handa na po ang silid." Sambit ng babae.

"Carlotta, dahil mo si Rexxy sa kanyang silid. Nararamdaman ko si Senior at ang kanyang mga kawal. Magmadali kayo!" Utos ni Rea.

Agad namang tumayo si Rex at sumama kay Carlotta. Habang sina Rea At princess naman ay nagtungo sa labas ng Mansyon.

Hindi nga nagkamali ang magkapatid dahil Hindi nag tagal ay dumating si Senior Ronnel kasama ang iilan sa kanyang mga kawal.

"Magandang araw Rea at Princess, nabalitaan nyo na ba ang pagbabalik ng anak ng condé dito sa Santa Helena?" Tanong ng Senior.

"Oo, ngunit papano kami maniniwala dahil ni minsan Hindi ko nakita ang babaeng sinasabi mo. At yan Lang ba ang ipinunta mo dito? Makipag kwentuhan?" Sabi ni Rea.

"Kung hinahanap mo ang anak ng condé, Wala sya dito. At kung makikita ko man sya. Ay ako na mismo ang papatay sa babaeng yun. " Galit na Sabi ni Princess.

Ngumiti naman si Senior Ronnel nang Makita ang reaksyon ng dalawang babae.

"Kung ganun Hindi nako magtatagal. Hahanapin ko si Rexxy. Kapag napapad ang babaeng yan dito. Kapag naharap mo ang babaeng yan. Papalayain ko si Renalyn. Pero paunahan nalang. " Sabi ni Senior Ronnel.

Samantala habang papunta sina Rex at Carlotta sa silid na inilaan ng dalawang babae para sakanya.

Nagulat si Rex sa kanyang narinig Mula Kay Carlotta.

"Hindi ka dapat nag tungo dito Binibini. Hindi ligtas ang Mansyon para sayo." Sabi ni Carlotta habang nasalikuran nya si Rex.

"What do you mean?" Tanong ni Rex

"Nothing, magpahinga kana." Sabi ni Carlotta sabay bukas ng pintuan at nagulat si Rex sa kanyang nakita. Sobrang napakalaking kama ang bumuluga sakanya. May kulay puting kurtina pa ito sa mga bintana.

"Parang nasa 5 star hotel ako." Sabi ni Rex habang namangha sakanyang nakikita.

"Maiwan na Kita. Basta wag kang lalabas. Tutulungan kitang makabalik sa Kasalukuyan." Sabi ni Carlotta sabay Sara ng pintuan.

At doon naiwan si Rex na nakaupo sa Malaki at malambot na kama.

Balik kina Myda at Christine, Habang handa na sila upang mag tungo pabalik ng Santa Helena. Naging matigas ang Ulo ni Mycka. Nang akmang maglalaho na Ang dalawang babae. Sumama si mycka sa kanilang dalawa.

"Ate!" Tanging naisambit ni Danny sa kanya.

Sina Doc Santos naman at May Ann tinangkang pigilan ang babae ngunit huli na dahil sumama na ito kina Myda at Christine.

Nang marating ng tatlo ang Santa Helena.

Namangha si Mycka sakanyang nakita dahil parang bumalik talaga sya nakaraan. Ang mga tao sa lugar na iyon ay kakaiba ang kasuotan. Gulat naman Sina Cristine sa kanilang nalaman.

"Bat ka sumama Mycka?" Sambit ni Cristine.

"Ate miks what are you doing here??" Gulat na Sabi ni Myda.

"Hindi ako papayag na kayo lang ang maghahanap saaking kapatid. " Sambit ni Mycka.

Samantala sa Tirahan kung saan nakaramdam ng kakaibang enerhiya si Senior Ronnel.

"Bigo man Tayo sa PAGHAHANAP Kay Rexxy. Alam kung nandidito pa sya sa Mundo namin." sambit ni Senior Ronnel.

Lumapit naman ang kanang kamay ni Senior Ronnel at nagsalita ito.

"Sana Hindi ka mabigo sa pagkakataong ito senior. Para makatawid na Tayo sa Kasalukuyang panahon." Sambit ng lalaki.

"Malakas Ang kutob ko na naririto ang Isa pang anak ng Condé. Mukhang umaayon ang panahon." Ngiting Sabi ni Senior Ronnel.

Balik sa Mansyon kung saan mahimbing nang natutulog si Rex nang magising sya sa isang malamig na kamay na dumampi sa kanyang pisngi.

Nang imulat nya Ang kanyang mga mata ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. At nagsalita ito.

"Tanya?"

Ngumiti ang kaluluwa at nagsalita ito.

"Miss Rex magpapasalamat ako sa pagtulong mo sakin. Ngunit gusto ko pa sanang Tulungan ka upang makabalik sa Kasalukuyang panahon. Ngunit Hindi na maari. Tinatawag nako ng liwanag." Sabi ng babae at ilang sandali pa ay unti-unting naglalaho ang mukha ni Tanya. Bago ito nawala ay may huli pa itong sinabi.

"Tama si miss Carlotta. Mag iingat ka." Sambit nya at hanggang sa tuluyan itong naglaho.

Dahil sa sinabi ni Tanya sakanya. Ay kinabahan si Rex kelangan niyang makabalik kung saan sya nararapat.

Samantala, unang nagtungo sina Mycka, Myda at Christine sa Mansyon ni Rea ngunit natigilan lang sila dahil nasa labas ng Mansyon ang kamukha ni Senior Ronnel.

"Mag-iingat ka yan ang puppet ni Senior Ronnel. Hindi yan totoong sya. Baka na sa paligid lang sya. Mag-iingat ka Myda. " Sambit ni Cristine.

Tumango lang si Myda at inilibot nya Ang kanyang paningin sa paligid.

Itutuloy....


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C9
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập