Tải xuống ứng dụng
85.71% Section 13 / Chapter 12: CHAPTER TEN

Chương 12: CHAPTER TEN

"Hyacith! Hyacith halika may kaguluhan sa Cafeteria!" sigaw sa akin ni Khlouie kasama ang mga kaibigan nya. Hinila nila ako patungo sa Cafeteria. "tara na, dalian na natin!"

"teka lang, ano ba, sandali" reklamo ko dahil hinihila nila ako.

"bilisan natin, si Takeshi at Rovainne ang nagkakagulo sa Cafeteria!" nagmamadaling saad ni Hailey saka ako lalong hinila. "baka kung ano na ang nangyayari roon"

Puno ng estudyante ang loob nang makapasok kami at nasa gitna non ang dalawa. Sumingit kami upang makita at marinig ang usapan nila ngunit sa parteng tiyak kong hindi nila mapapansin.

Seryosong nakatayo si Ichiro sa harapan ni Rovainne habang siya ay tila maiiyak na. Ano kaya ang nangyari rito kanina? Pinagsalitaan nanaman kaya sya ni Ichiro nang hindi maganda?

"ano pa ba... ano pa ba ang kailangan kong gawin para magustuhan mo ak—"

"nothing. you don't have to do anything because I won't like you, don't mess up with me because you won't get anything from me" diretsong tugon ni Ichiro. "you're just wasting your time"

"but i love you Takeshi, i love you more than my life! mahal kita, mahal na mahal simula pa noon at lalo lang yon nadadagdagan ngayon!" sigaw sa kanya ni Rovainne. "mahal na mahal kita Ichi—"

"what do you want me to do then? love you because you love me? return the favor? no, I won't do that, Rovainne, that's not love" malamig niyang tiningnan si Rovainne. "love cannot be commanded"

Lumuhod ito sa harap ni Ichiro na ikinagulat ng lahat, maging ang aking mga mata ay namilog nang makita itong nakaluhod doon. Hindi ako makapaniwalang mayroong ganitong tao, ganitong babae na nagmamakaawa para lang sa pagmamahal.

Nahihibang na ba siya? bakit tila handa niyang gawin ang lahat para lamang sa pagmamahal ni Ichiro? Patuloy na nangunot ang aking noo habang tinitingnan ito. Hindi ko makita ang sarili kong ginagawa ang katulad ng ganiyan.

Gusto ko siyang lapitan at tulungan tumayo dahil hindi iyon ang dapat ginagawa ng babae, hindi niya kailangan magmakaawa. Nanatili akong nakatayo rito, hindi ko gustong makialam dahil mas lalo lang lalaki ang gulo.

"I- I'm begging you—"

"Stop it Rovainne. Look at yourself, you shouldn't be doing that. A woman should not beg for love, everyone deserves to be loved.... but I am not the man who will love you, I am not the man who will give the love that you deserve." seryosong ani nito saka siya diretsong tiningnan. "stand up and fix yourself." maawtoridad na utos niya.

Sinunod ito agad ni Rovainne tumayo siya at matatalim na tiningnan si Ichiro. Bakas ang galit sa itsura nito.

"bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? dahil ba si Hyacith ang gusto mo!? ha!?" galit na sigaw nito sa kanya. "gusto mo ba sya!?" kasunod non ay ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Seryosong nakatingin lamang si Ichiro sa kanya, tahimik ang lahat at pare-parehong naghihintay sa magiging sagot ni Ichiro.

"no, I don't like her" diretsong tugon ni Ichiro.

Pilit akong ngumiti at pinipigilang maluha. Napatingin sa akin ang aking mga kaibigan kaya napayuko na lamang ako sa kahihiyan.

Imposible nga namang magustuhan nya ang tulad ko ngunit naalala ko ang sinabi nya kahapon. Bigla itong sumagi sa aking isipan.

"I can't be mad to the girl that I love the most"

Sinabi niya lang ba yon para paglaruan ako? para umasa sa kanya at maniwalang gusto nya nga ako?

"ayos ka lang ba?" malumanay na tanong ni Katy. "mabuti pa umalis na tayo na tayo rito" saad pa niya saka ako ikinagaya paalis.

Tumango lamang ako.

"Hindi mo naman pala sya gusto, kung ganon ay sino ang bab—"

"I don't like her because....I love her" putol niya.

Aktong tatalikod na ako nang sabihin niya iyon. Napahinto ako ganon din sina Katy.

"what did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Rovainne. "what did you just say!?" inis na sigaw pa muli niya. Namumula na ang mukha nito sa galit.

"you heard it right Rovainne I don't like her because I love her" pag-uulit ni Ichiro sa sinabi nya saka seryosong tiningnan si Rovainne.

"no, you can't Takeshi! you can't do this to me! I know you're just kidding, right?" inis na tumingin si Rovainne sa kanya. Bumalik ako sa kanina kong pwesto at muli silang sinilip. "i know you're kidding, stop it it's not funny" pilit na ngumingiti si Rovainne habang patuloy na pinupusan ang kanyang pisngi na basa ng kanyang luha.

Hindi malaman ang reaksyon niya, kasabay ng galit niya ay ang pag ngiti naman kasunod nang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Nakakuyom ang kamao nito habang minamasdan ang lahat ng narito. Napasinghap siya.

"we've been together for a long time Takeshi, naging sunod sunuran ako sa'yo and now you're going to tell me that you love that girl? that girl who's scared in everything? that stupid girl— anong meron sa kanya na wala ako!? why her Takeshi!?" nanggigigil na sigaw nito. "she doesn't deserve you!"

Naririnig ko ang ilang bulungan dito tungkol sa mga pinagsasabi ni Rovainne. Tingin nila ay nasisiraan na ito ng ulo.

Sobra lang naman niyang mahal si Ichiro.

Tumahimik sila nang dumako ang matatalim na tingin ni Ichiro sa kanila.

"do you really want me to answer that?" sandali itong huminto. "all right then, all of her is none of yours!" diretsong tugon ni Ichiro saka siya matatalim na tiningnan. Napa atras si Rovainne at tila takot na takot sa awra ni Ichiro. "let's end this conversation here Rovainne you are talking too much and disturbing so many students here. You made another trouble" iiling iling na ani ni Ichiro saka inilibot ang kanyang paningin.

Nakita kaya niya ako?

"As the Co-founder of this University, I order you to leave this Cafeteria and not make any trouble ever again. The moment I find out you've done something wrong, you'll wish you'd never lived." mariing saad niya saka tiningnan ang lahat ng nandito. "I'm watching you Rovainne, one wrong move and you'll die" patuloy ang pag-atras ni Rovainne kasunod ng kaniyang sunod-sunod na paglunok.

"I hate you! I hate all of you!" halos mawalan na siya ng boses nang isigaw niya iyon saka padabog na nilisan ang lugar na ito.

Nakasunod ng tingin ang mga estudyante sa kanya.

Napaupo ako sa isang bench. Hindi ko kasama si Acxius, hindi ko alam kung nasaan ito at kung nandoon din ba siya sa Cafeteria kanina.

"Anong pakiramdam na malaman mong hindi ka pala gusto ni Ichiro o Takeshi dahil mahal ka pala nya?" eksayted na tanong ni Hailey.

"I thought he was only focused on school works, his responsibility and his grumpiness" nakangising saad ni Xiana saka ako tiningnan. "pero iba rin pala ang Preside— oops Co-founder rather" kasunod ng bahagya niyang pagtawa.

"marunong din pala sya magmahal" si Katy na nakatingin sa kawalan.

"insane!" sinapok siya ni Xiana. "of course, what do you think of Takeshi, a robot? he's a human too, of course it's normal for him to feel that way" tugon ni Xiana. Tinarayan lamang sya ni Katy saka sila sabay na natawa.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong matakot sa aking mga nalaman. hindi ko naman iyon ini-expect, nakaramdam ako ng kaba, baka ako pa ang maging dahilan upang maging mahina si Ichiro, natatakot akong gamitin nila ako para matalo sya, natatakot akong ako ang maging dahilan kung bakit hindi sya magtagumpay.

"hoy Hyacith! nag iimagine ka na siguro ng sweet moments nyo ano?" pang-aasar ni Hailey.

"Hindi, hindi lang ako makapaniwala. Matagal ko na rin naman syang kasama ngunit hindi ko man lang napansin ang nararamdaman nya para sa akin" mahinahong tugon ko. "marahil ay naging busy ako kung kaya hindi ko man lang napansin" dagdag ko pa.

"baka kasi nakafocus ka sa ibang bagay kaya hindi mo napansin na tahimik syang nagmamahal sa'yo" ani ni Yvette saka tumango tango.

Inisip ko ang mga araw na tinulungan nya ako, mga araw na nariyan sya at nililigtas ako, pinoprotektahan at tinuruan nya ako. Naging karamay ko sya at naging lakas nong panahong mahina ako.

Hindi ko nga ba napansin? marami na syang nagawa para sa akin at hindi ko man lang naramdaman na lahat ng iyon ay ginagawa dahil mahal nya ako.

"hindi niya sinasabi dahil pinaparamdam nya sa'yo ang pagmamahal niya ngunit tingnan mo ngayon hindi nya lang pinapakita dahil ipinagsigawan pa niya" tila si Xyreign ang kinikilig habang sinasabi iyon. "gusto ko nga hilingin na sana ako na lang ikaw!" tatawa tawang saad pa nito.

"ang swerte mo, alam mo ba crush na crush ko si Ichir— Takeshi I mean simula pa noon dahil bukod sa napakapogi nya ay napakaganda rin ng kulay asul nyang mata saka antangkad din nya gusto ko nga rin itanong sa kanya kung nags-skin care ba sya dahil amputi at kinis ng balat nya!" kinikilig na saad ni Khlouie, grabe ang kanyang ngiti tila nasa alapaap siya. "Iniimagine ko nga kung ano ang itsura ng katawan nya Omg! sigurado akong anim ang abs nya at matitigas ang mga yon!" saad pa niya saka sila nagsitawanan.

Napailing na lamang ako. Pinagpapantasyahan nila si Ichiro mga siraulo!

"Nako girl for sure maraming maiinggit at magagalit sa'yo dahil dyan pero huwag kang mag-alala dahil we got your back hindi ba girls?" nakangiting saad ni Hailey saka nakipag-apir sa iba pa.

"Lalo na yang si Rovainne unang una yan sa matindi ang galit sayo, mabuti na lang talaga at binigyan siya ni Takeshi ng order takot nya lang na hindi yon sundin baka sunduin na sya ni Kamatayan" saad ni Hailey saka sumeryoso ang mukha. "grabe si Takeshi, kung nakakatakot sya noon mas nakakatakot sya lalo ngayon. Alam mo yong tipong nakatayo at nakatingin lang sya sa kung saan ay tumatayo na agad ang balahibo ko, kahit na wala pa syang gawin ay gusto ko nang magmakaawa na huwag syang gagalaw" saad pa niya.

Seryoso lamang akong nakikinig sa mga sinasabi nila tungkol kay Ichiro. Marahil marami talaga silang napansing kakaiba.

"Totoo yan, ang hindi pa man sya gumagawa ng kahit ako ay nakakatakot na. Mabigat sa pakiramdam ang presensya niya at tila siya si Kamatayan na dapat na katakutan" pag sang-ayon ni Katy saka binalingan ng tingin si Hailey. "ramdam ko ang takot sa tuwing makikita siya, ang matatalim niyang tingin ay tila kutsilyo na unti-unting sumasaksak sa akin" ani pa niya.

Seryoso ang mga mukha nila. Tila nag iba na nga ang tingin nila kay Ichiro.

"Naninibago ako kay Ichiro— Takeshi rather. hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala" saad ni Xyreign.

"akalain mo yon, matagal syang nagtago gamit ang pangalang Ichiro at ngayon malalaman na lang natin ang tunay nyang pagkatao, napakabilis ng pangyayari halos hindi na mag sink-in sa utak ko" saad ni Yvette.

"True! nagulat na nga lang ako na Gou Takeshi Fucking Taichi pala ang tunay nyang pangalan at nag-iisa syang anak ng kuya ng ating Founder, ngunit ang ipinagtataka ko at ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan nya pang itago ang identity nya sa lahat? bakit din napaka biglaan ng pagiging co-founder niya? lahat ba ng sinabi at pinakita nya sa atin noon ay hindi totoo? Ipinagtatanggol lang ba niya tayo upang pagkatiwalaan natin siya? " naguguluhang tanong ni Hailey. "baka kinukuha lang niya ang loob natin at nagpapakitang tao lamang sya" ani pa nito.

"magtiwala kayo kay Ichiro, hindi sya tulad ng iniisip niny—"

"paano ka naman nakakasiguro Hyacith? isa syang Taichi, ang Taichi ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Ang taichi ang nag mamay-ari at namamalakad nitong University at kitang kita naman natin na hindi maganda ang pagpapatakbo rito marahil dahil masama ang ugali niyang Mr. Haruki na yan" taas kilay na saad ni Katy. "hindi mo ba naisip na baka ganon din si Takeshi? Taichi sya at hindi natin maiiwasang hindi isipin na baka may kinalaman din sya kung bakit nagkakaroon ng patayan dito" dagdag pa niya saka tumingin sa kanila.

Tumango tango naman ang iba pa.

"Hindi totoo yan, hindi ganon si Ichiro. Tigilan nyo ang pag-iisip ng masama sa kanya dahil ibang-iba  ang ugali niya kina Mr. Haruki. Wala siyang kinalaman doon, wala siyang alam sa mga estudyanteng pinatay" paliwanag ko sa kanila saka sila seryosong tiningnan. "bago pa man natin malamang Taichi sya at bago pa man sya maging Co-founder ay mayroon na talagang patayan dito, bago pa man ang lahat ay alam nating tumutulong syang mapabuti ang unibersidad at malaman ang totoo sa likod ng lahat. Hindi sya kaaway, kakampi natin sya" mariing saad ko.

"alam kong nagdadalawang isip kayo lalo na at ganito ang nangyayari ngayon, alam kong maaaring mag-iba ang tingin nyo sa kanya ngunit hindi judgements ninyo ang kailangan nya ngayon. Tulong at tiwala ang kailangan nya para pare-pareho tayong makalaya sa lugar na ito... pakiusap huwag nyong hayaang masira ang tiwala ninyo sa kanya dahil lang sa pagiging Taichi niya dahil kahit ano pa man ang maging apelyedo nya, kahit ano pa man ang maging katayuan at pagkatao niya siya pa rin si Ichiro na dati nating nakilala, si Ichiro na kapayapaan at katahimikan ang nais para lahat" mahabang ani ko.

Ito lang ang magagawa ko para kay Ichiro. Alam kong walang wala ito kumpara sa mga nagawa na nya para sa akin, para sa amin ngunit gusto ko lamang na ipagtanggol ang pangalan niya nakaharap o nakatalikod man siya.

"Mabuti pa ring mag-ingat tayo lalo na ngayon, hindi natin alam ang takbo ng utak nila" saad ni Yvette. "mapanganib ang magtiwala sa iba dahil lahat ay maaaring magtraydor kahit pa ang pinaka pinagkakatiwalaan nating tao" ani pa niya saka diretso akong tiningnan.

Napahiga ako sa kama. Lalong gumulo ang aking isipan sa aming napag-usapan. Hindi ko alam kung paano ko matutulungan si Ichiro.

Wala akong naabutang tao rito sa dorm, wala si Acxius maging si Ichiro. Co-founder na siya sa dorm pa rin kaya na ito sya mamamalagi?

Naniniwala akong kakampi namin si Ichiro, hindi siya masama katulad ni Haruki. Hindi niya magagawang traydurin kami.

Hindi siya ganon.

Hangad niya ang kabutihan para sa lahat, hindi lamang para sa sarili niya. Gusto niyang gumanti dahil may ipinaglalaban naman talaga siya ngunit sana lang ay hindi na maging malala pa ang gantihan sa pagitan nila ng Uncle niya.

"Hyacith...." nagising ako sa mahinang pagtawag sa akin ni Acxius.

Napabalikwas ako ng bangon dahil nakita kong mayroong dugo ang tumutulo sa tagiliran nito. Nakaupo at nakasandal ito sa lamesa kung saan hawak niya ang kanyang tagiliran na patuloy pa rin ang pagdurugo.

"A-anong nangyari!?" kunot noong tanong ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"im fine, isang saksak lang yan kumalma ka nga" saad pa niya saka ngumiti.

Siraulo. paano niya nagagawang ngumiti sa sitwasyon nyang iyon.

"halika na, pumunta na tayo sa Clinic dalian mo at baka kung ano pa ang mangyari—"

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Ichiro. Namilog ang aking mata nang makita itong punong puno ng dugo ang damit, hinihingal ito at nakahawak sa kanyang balikat.

Napatunganga ako.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Kumpara kay Acxius ay mas marami ang natamong saksak ni Ichiro, punit ang slacks nito sa bandang binti kung saan mayroong ding dugo na tumutulo sa aking palagay ay doon sya sinaksak ng ano mang uri ng patalim, mayroon din siyang tama sa kanyang balikat at tagiliran. Gasgas ang kanyang mukha at putok ang kanyang labi.

"I-ichiro!" sigaw ko nang matumba ito.

Nagmadali si Acxius, agad niyang kinuha ang teleponong konektado sa Clinic saka tumawag doon.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa aking pisngi. Sa mga oras na ito ko napagtantong takot akong mawala siya.

---------------------

---------------------


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C12
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập