"Hatid na kita." kanina pa ito pinipilit ni Troy nang kami'y pababa ng bar. Nauna na ang iba. Sina Jane at Cristoff ay kanina pa nagpaalam. Sina Feliz at Zoey naman ay hayun na sa sasakyan ni Vaughn. Mukhang ihahatid sila nito.
"May sasakyan akong dala. Sabay nalang tayo.." giit ko naman dahil paano ang sasakyan ko kung sasama ako sa kanya. Magagalit si Papa kapag iniwan ko nalang basta dito. Pinayagan na nga akong gumala. Bonus pa ang pera at sasakyan tas iiwan ko lang to?. No way! Mas magandang, magconvoy nalang kami para makauwi na. Lagpas alas dos na kasi. Imbes hanggang ala una lang ang bukas ng bar. Nakiusap si Troy sa may-ari na mag-extend hanggang alas dos lang. At dahil marami pa nga ang inumin. Lumagpas na ng alas dos.
Nagkamot sya ng ulo. "Sa susunod na date natin. Ako na magdadala ng sasakyan." anya. Dismayado. Tumango nalang ako para matapos na. Bago ako pumasok ng sasakyan. Hinigit nya ako't hinalikan.
"See you tomorrow.."
Nginitian ko sya. Hinawakan pa ang pisngi nya. "Hmm. see you.."
"Sunduin nalang kaya kita?." amoy na amoy ko ang naghalong alak sa kanyang hininga. Kahit marami itong nainom kanina. Kaya pa rin nitong maglakad ng tuwid. "Para isang sasakyan nalang gamit natin."
"Sa kanto mo nalang ako sunduin.."
"Hindi ba pwede sa inyo?." naglakad na ako para pumasok. Pinaandar ko na ang engine nito. Binuksan ko din ang bintana para matanaw pa sya.
"Hindi eh.. ayos lang ba sa'yo?. Kung hindi naman. Okay lang din." hindi kasi pwedeng malaman ni Papa na may sinagot na ako sa manliligaw ko. Magagalit sya. O hihigpitan ako sa paggala. I know that his number one rule is not to get pregnant yet, at ang kaakibat nun syempre ay ang wag munang magkaroon ng boyfriend. Even though I am exploring. Have my freedom but he strictly told me to not to engage nor have an official relationship to anyone. Di man nya ito diretsuhin samin ni Ate. We both know it. Kaya kami. Never pa naming dinala sa bahay ang manliligaw namin. Not like my sister Karen. She's excuse because her special someone is well known by our Papa. Magkakilala sila ng Daddy nito. We both know who's them. Si Karen lang ang di nakakaalala kay Tito at kay Kian.
"It's okay.. sa kanto nalang ako maghihintay.." matagal bago sya sumagot. Para bang, tinimbang nya muna kung anong dapat gawin. Kung susunod ba sya sa akin o tataliwas. I'm glad to say that, he's okay with that set up. Sana lang maintindihan nya ako.
Nagkatitigan muna kami, ng matagal. My heart skip a beat ng umikot ito para lang bigyan ako ng halik pa sa labi. "Take care, okay?."
"Hmm.. I will.."
"Call me when you get there.."
"Yup.." umatras na sya para makaliko ako. Nasa kabilang dako raw ang sasakyan nya. A bit later. Sinabi nyang hintayin ko nalang sya sa baba para ihatid nya raw ako hanggang kanto. Kahit tig-isa pa raw kami ng gamit na sasakyan. He wants assurance na nakauwi na nga ako.
Sa pagtahak ng kalsada. I used to turn on the radio.
"One in a million you are." yes. Good mood din pati music ng istasyon.
And the rest is just hanging ng tumunog ang cellphone ko sa tawag. Si Ate Kiona. "Hello?."
"Umuwi ka na uy!. Anong oras na?." mahina at halatang nagbubulong nalang ito na parang bubuyog. Hula ko'y nasa loob sya ng banyo. Nagkukunwaring tumatae.
"Malapit na ako. Bakit ba?."
"Nagtanong ka pa?. Alam mo ba kung anong oras na?." saka ko lang din tinapunan ng tingin ang orasan sa may phone ko.
"Oo na. Gising pa ba si Papa?." kinagat ko nalang ang ibabang labi. Paniguradong gising pa iyon dahil mukhang kakauwi lang din ni Ate. I heard her heavy sigh.
"Tulog na gising.. nasa sala sya ngayon. Hinanap ka sakin kanina. E di ko alam kung saan ka naman pumunta kaya sinabi kong di ko alam.. bilisan mo na.. magagalit na yun pag tumagal ka pa.." pinaharurot ko na ang sasakyan papasok ng kanto. Sa rear mirror ko nalang din tinignan ang puting SUV ni Troy. Talaga nga namang hinatid nya ako hanggang dito. Pinaninindigan ang kanyang salita.
Nagpark ako sa harap ng bahay. Di na ako kumatok pa. May spare key naman ako kaya ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. Madilim sa sala. Tanging ilaw lang na galing sa gawing sofa ang maliwanag. "Maaga pa ba sa'yo ang alas tres?." alam kong magtatanong na sya sakin. Inasahan ko na yun. Lumitaw si Papa sa may kusina. May hawak na baso. In-on nya rin ang switch ng ilaw para makita ako.
"Pa, may nagbirth day po kasi.." rason ko. At totoo namang meron. I'm not lying here.
"Birthday?. Hindi mo man lang ba naisip na maaari kaming mag-alala sa'yo kapag lumagpas ka sa oras ng paalam mo?."
Yumuko ako. Guilty.
"Sorry po Pa.."
"Pati ang Mama nyo ang di mapakali sa mga oras na wala kayo.. alam nyo ba yun?."
Di na ako tumango pa o umiling. Kapag ganito kasing galit sya. Wag ka ng sumagot pa. Baka ma-grounded ka lang.
Naglakad sya pabalik ng kusina. Isasauli yata ang basong hawak nya. "Binibigyan ko kayo ng kalayaan... pero wag nyo namang hintayin na sumagad ang pasensya ko sa inyo.. akala ko ba ayaw nyong itali ko kayo sa kalayaang gusto nyo?. Ano itong ginagawa nyo?. Binibigyan nyo ba ako ng dahilan para alisin ang kalayaang mayroon kayo?!."
Lumunok ako. Kung sana sumabay na ako kila Jane kanina nung nauna sila. E di sana. Ala una palang. Nandito na ako. Hindi napagalitan o masesermunan. Kaso si Troy naman kasi. Tsk!.
"Isa pang ulit ito Kendra.. mawawalan ng saysay ang kalayaang hiningi mo." pinal nyang sambit bago umakyat na ng hagdan.
Di nalang ako kumibo. It's better this way. Mali naman din ako sa totoo lang. Alam ko namang magbasa ng oras. At alam na alam ko rin na hahantong sa ganito ang lahat kapag lumagpas ako sa palugit na hiningi ko. Subalit heto ako't sinuway yun. I think I deserve that. No!. I do deserved his sermons. Matigas din kasi ulo ko. At ang sermon nyang iyon?. Normal nalang din samin ni Ate sa tuwing ganitong oras ang uwi namin. Kaya, ayos pa ako.