Tải xuống ứng dụng

Chương 2: Prologue

"Hoy! Sky! Nasaan ka ba?! Kanina ka pa namin hinihintay. Gutom na kaming lahat!"

Argh! Mabilis na inilayo ko mula sa aking tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Kezia.

"K, pwede ba? Ang aga-aga pa. Lemme eat my breakfast first before I---"

"Babe, hmmmmm..." Ungol ng babaeng kasama ko ngayon ng pasadahan ko ng aking dila ang kanyang leeg.

"I'll be there in---"

"Skyler Jenn! Kapag ako tuluyang mabwisit, ako mismo ang papasok d'yan sa kwarto mo at kakaladkarin ko 'yang babae palabas ng walang saplot!" Pagbabanta nito sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangisi.

"Well, I dare youuuu." Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag. Narinig ko pa itong nagmura mula sa kabilang linya pero hindi na natuloy dahil pinatay ko na.

Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa chikababe na nasa aking harapan na handa nang lantakan.

I was about to kiss her again nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto at pabagsak na mas nilawakan pa ni Kezia ang pagbukas rito.

"What the---"

"You!" Sabay duro nito sa babae na agad namang natakot sa kanya at nagtakip ng puting kumot sa kanyang katawan.

Galit na galit ang mukha ni Kezia. Hays! Gosh! Ganito ba talaga siya kapag nagugutom?!

"K, calm down!" Pagpapakalma ko sa kanya at pag-awat na rin.

Maya-maya lamang ay kasunod nitong dumating ang nakangisi na si Autumn.

"Yaaan! Lagooot!" Pang-aasar pa niya sa akin bago napasulyap sa babaeng kasama ko.

"Miss, mabuti pa. Lumabas ka na ng kwarto ni Skyler ngayon bago ka kaladkarin nitong kaibigan namin." Tukoy nito sa umuusok ang ilong na si Kezia.

Mabilis naman sa alas kwatro na dinampot nito isa-isa ang kanyang mga damit at mabilisan na muli iyong sinuot. Palabas na sana siya ng kwarto noong mabilis na hawakan ni Autumn ang kamay niya at hinalikan.

"Isa ka pa!" Singhal ni Kezia sa kanya kaya agad namin siyang pinagtawanan.

"See you later, Sky." Sabi nung babae na hindi ko matandaan ang pangalan, bago ako malagkit na tinignan at kinindatan.

"Ah, sorry." Napakamot ako sa aking batok. "Wala ng later, wala ring next time. Bye, babe! I had a great night with you!" Atsaka ako nag flying kiss pa sa kanya. Bago ito naluluha na tumalikod na sa amin.

Muli kong ibinalik ang aking mga mata kay Kezia na ngayon ay hindi pa rin maipinta ang kanyang itsura. Mabilis na lumapit ito sa akin at agad akong binatukan.

"Aray ko naman!" Reklamo mo sa kanya. Cellphone ba naman niya ang gamitin. Ang sakit kaya!

"Sana hindi mo na lang inimbita si Violet dito kung uunahin mo lang ang mambabae at pababayaan mo lang din ang tao." Pagkatapos ay nag-walk out na ito.

"Tsk. Tsk. Tsk. Bad, Sky. Bad!" Pang-aasar pa rin ni Autumn sa akin bago ako pinagtawanan at sinundang muli si Kezia.

Napapakamot na lamang ako sa aking batok.

Oo nga pala! Ako ang nag-imbita kay Violet dito tapos ako pa itong hindi siya inaasikaso. Hayst!

Dahil dun ay mabilisang naligo ako, nagbihis at dumiretso na sa restaurant ng Hotel para kumain. Kaya talaga bwisit na bwisit yung si Kezia, kasi kanina pa yun nagugutom.

For sure.

Kung bakit naman kasi nakasanayan na ng mga kaibigan kong hindi kumain kapag hindi kompleto. Dala ko ba yung pagkain, plato, kutsara at tinidor sa kwarto? Tss!

Inimbita ko si Violet na sumama sa amin dito sa Palawan para naman kahit papaano ay makapag-relax siya. Halos nga ipa-kidnap ko pa para lang maisama siya eh.

Panay kasi ang tanggi at pagdadahilan na abala siya sa T Corporation.

If I know, ayaw niya lang sumama dahil hanggang ngayon ay nasa New York pa rin si Nicole. Kailan ba babalik yung babaeng yun? Tss!

Pagdating ko sa loob ng restaurant, agad naman na nahanap ng dalawang mga mata ko kung saan sila naka pwesto.

Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha ni Kezia kaya natatawa na lang ako. Paano kasi, kapag nagagalit si Kezia, hindi naman siya mukhang galit talaga. Lalo pang nagiging maamo ang mukha. Manang-mana kay Tita Lila.

"Sorry na, K. Heto na nga oh! Babawi na. Kakain na tayo." Paglalambing ko bago siya niyakap at naupo sa tabi niya. Sa kaliwang bahagi ko naman ay si Violet ang katabi ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya na panay sa cellphone na naman ang atensyon. "Mamaya ka na gumamit niyan. Panay ka trabaho, nasa bakasyon tayo." Bulong na saway ko sa kanya. Binigyan lang naman ako nito ng ngiti.

"Sorry sorry." Paghingi nito ng paumanhin bago itinabi na ng tuluyan ang kanyang telepono.

Hindi nagtagal ay nagsimula na nga kami sa pagkain.

Pagkatapos namin sa pagkain ay hinihintay na lang namin na dumating yung Yate na sasakyan namin. Wala lang, trip lang naming pumunta sa kabilang isla na nabili ni Tita Sarah noong nakaraang taon.

Sabi kasi ni Kezia, malapit nang magbukas ang resort nila roon. Siguro hindi na aabutin pa ng isang taon. Another favorite spot naman na pupuntahan dito sa Palawan kapag nagkataon.

"Oh! Andiyan na raw yung Yate." Wika ni Autumn.

Oo, nga pala. Hindi nakasama yung tatlong kaibigan namin, sina Sydney, Gabby at Tabitha dahil may iba silang importanteng lakad naman.

Kung ano man yun, hindi rin ko rin alam.

Habang naglalayag kami patungo sa kabilang Isla, ay huminto na muna kami sandali sa medyo may kalalimang parte ng tubig. Gusto raw kasing mag-swimming ni Autumn at Kezia.

Naging pagkakataon ko naman iyon para e-enjoy ang mainit na sikat ng araw. I love doing sunbathing. Pakiramdam ko ang refreshing kasi. Habang iyong mga kaibigan ko naman ay ingat na ingat sa mga kutis nila. Tss!

"Sky!"

"Sky!" Agad na napamulat ako ng aking mga mata noong marinig ang boses ni Violet. Naglalakad ito papalapit sa akin.

"Bili ka raw muna ng buko." Utos nito sa akin. Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"What?"

"Ibili mo muna ng buko si Kezia. Nasa loob pa kasi siya ng banyo. Si Autumn naman nagsu-swimming pa rin." Dagdag pa niya.

"Eh bakit hindi na lang ikaw ang bumili?" Muli kong ibinalik ang shades ko sa aking mga mata at pumikit. Maya-maya ay siya na mismo ang nagtanggal nito.

"Hindi naman ako ang inuutusan. Ikaw." Pagmamatigas niya.

Napahinga na lamang ako ng malalim.

"Fine!" Inis at padabog na tumayo ako. "At saan naman ako bibili ng buko juice sa gitna ng dagat?!" Pamimilosopo ko sa kanya.

Napatingin ito sa kabilang direksyon bago napatango kaya mabilis na sinundan ko rin ng tingin yung tinitignan niya.

May nakita kaming mga papalapit na nagbabangka. Mayroon silang mga dalang fresh buko at iba pang paninda.

Napatango ako. "Ow! Okay." Napapangiti na wika ko. Mukhang masarap ngang magbuko juice.

Agad na lumapit ako sa direksyon kung nasaan sila. Nag-uunahan sila na makalapit sa Yate. Pero may isang pinakamabilis na bangka.

Isang matandang lalaki ang nakasakay rito na siyang nagsasagwan at isang babae na sa tingin ko ay anak niya.

"Buko juice po kayo riyan. Murang-mura lang po. Isang daan lang po ang isa. Bili na po kayo ma'am!" Sabi nito habang nakayuko at kumukuha ng buko.

At noong sandaling iniangat na nito ang kanyang ulo para tignan at salubungin ang mga mata ko ay bigla na lamang akong natulala sa kanyang mukha.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko, unti-unti akong inaangat sa ere habang nakatingin sa nagkikislapang mga mata niya.

Kulot at magulo ang kulay brown na buhok nito. Halatang lumaki talaga siya sa tabing dagat. Ang kapal ng natural na pilik mata at mga kilay niya. Ang tangos ng ilong, ang pula ng kanyang labi na natural din ang kulay. Ang kinis ng mukha kahit na medyo madungis siya at parang may uling pa sa pisngi niya. Ang ganda-ganda pa rin niya.

Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang sipatin siya pababa sa kanyang katawan. Kulay dirty white na duster ang suot nito na mayroong tagpi-tagpi. Halata na sobrang luma na. Wala siyang suot na tsinelas.

Lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan noong bigla na lanag itong umakyat sa Yate para iabot sa akin yung buko na hawak niya, na meron nang straw.

Natulala ako lalo noong sandali na tumama yung mga mata ko sa hinaharap niya. Sa malulusog na hinaharap niya. At shit! Wala siyang suot na bra. Bakat na bakat ang magkabilaang nipples niya.

Napalunok ako ng mariin at agad na pinagpawisan ng malamig. I was about to look away nang mas lalo pa siyang lumapit sakin.

My gosh! Another palay na lumalapit sa manok. Mahirap 'to! Ani ko sa aking sarili.

"Ma'am, bili na po kayo." Mabilis na napatango ako na parang wala sa sarili.

"S-Sige. B-Bilhin ko na yang boobs mo. E-Este, b-buko. Buko mo." Napapikit ako ng mariin habang lihim na kinakagat ang aking dila. What the fuck? Ba't ako nauutal?

"I mean, BUKO JUICE na binibenta MO." Pag-uulit ko at pagtatama sa aking sinabi.

Ano bang nangyayari sa akin? Dismayado na tanong ko sa aking sarili.

"Ilan po ma'am? Isa lang?" Parang biglang nalungkot na tanong niya.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya dahil nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa suot niya.

"Bilhin ko na lang lahat ng paninda ninyo." Wika ko.

Mabuti na lang at palagi akong may cash na dala. Hindi ko alam kung magkano exactly ang halaga ng lahat ng paninda nila. Basta bigla na lamang siyang nagtatatalon at nagpapalakpak na parang tuwang-tuwa na bata noong marinig ang sinabi ko.

"T-Talaga ho, ma'am?" Nagniningning ang mga mata na pagkukumpirma niya kaya napatango ako.

"Tay! Bibilhin na raw niya lahat!"

"Naku! Salamat ho ng marami ma'am!" Pagpapasalamat ng kanyang ama habang maluha-luha na tinitignan ako mula sa ibaba.

Ilang sandali pa ang nakalipas, noong maiakyat na nila lahat ng buko sa Yate at noong maibigay ko na ang anim na libong halaga sa babae, ay walang sabi na bigla na lamang itong lumapit sa akin at basta na lamang akong niyakap habang paulit-ulit na nagpapasalamat.

At dahil naka-two piece lamang ako, hindi ko mapigilan ang mapapikit ng mariin noong sandaling maramdaman ko ang pagsagi at paglapat ng kanyang hinaharap sa aking dibdib.

O.M.G!

Lalo akong pinagpapawisan ng malamig. Mahilig ako sa babae, pero bakit ngayon, parang nawawala ako sa aking sarili?!

"Fuck!" Mahinang pagmura ko sa aking sarili noong sandaling kumalas na siya sa pagyakap sa akin.

Halos ilang segundo rin akong hindi huminga. Hindi ko rin kasi maitatanggi na ang asim talaga ng amoy niya.

"Salamat po talaga ma'am." Muling pasasalamat niya.

Alanganin naman na binigyan ko siya ng ngiti.

"W-Walang anuman." Wika ko bago napalunok muli ng mariin atsaka napaiwas ng tingin.

Hindi ko na ito muling tinapunan pa ng tingin hanggang sa makabalik na siya sa kanilang bangka.

Grabe! Ang intense naman no'n sa pakiramdam.

Hanggang sa nahuli ko na lamang ang aking sarili na nakangiti habang tinitignan ang kanilang bangka na ngayon ay medyo may kalayuan na.

I just wonder what kind of life they have. Especially kung ano ang pangalan niya.

Hays! Hindi na nga bale. She's just a stranger.

"Holy shit!" Rinig kong pagmura ni Autumn noong makita ang nagtambak na mga bukong binili ko.

"May balak ka bang magpa-buko juice party?" Sabay tawa nito ng malutong.

"Pfft. Healthy living yarn?" Dagdag na pang-aasar naman ni Kezia na ngayon ay nakabihis na. "Ang sabi ko para lang sa atin, hindi ko naman sinabi na pakyawin mo ang mga paninda nila."

Pero sa halip na mapikon ako sa kanila ay binigyan ko lamang sila ng matamis na ngiti na agad naman nilang ipinagtaka. Bago ko sila tuluyang tinalikuran.

"What was that? Ba't bigla 'yung na-good mood?" Rinig kong tanong ni Violet sa dalawa.

Bahala silang mabaliw kakaisip kung anong dahilan.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập