Chapter 24: The girl in his dream.
THIRD POINT OF VIEW
"Bakit ba nakatulala kana naman diyan, dude?" ani ng lalaki na nakangisi pa sa kaibigang mukhang miserable ang buhay.
"Hindi ko rin alam." tipid naman nitong sagot habang nakatulala sa kawalan. "It feels so heavy, lately.. My heart doesn't stop hurting. I don't even know why..." naramdaman nito ang pag-init ng mga mata niya, agad nitong pinahid ang likod ng kamay upang mawala ang nagbabadyang luha. "My heart's confusing me lately.. It feels like I forgot something that is important to me.. I feel like there's a missing piece in here." he pointed his heart.
Hindi alam ng lalaki ang sasabihin. Basta't lumapit nalang siya sa kaibigan at bahagya itong tinapik sa balikat habang umiiling-iling dahil sa hindi niya alam kung anong gagawin at dapat sabihin.
'fuck man, I'm sorry but I can't help you with this one.I haven't feel something like this yet!'
ILANG araw na naman ang lumipas, as usual ay tulala na naman si rozzen sa ilog na para bang may kung anong hinihintay roon.
"Dude! C'mmon, gala naman tayo oh! Its been a week since nagkaganyan ka! Napapabayaan mo na ang mga kailangan mong gawin.." reklamo ni khironny habang nakahawak sa bewang.
Sa ilang araw na lumipas ay nagbago ang features ng kaibigan niya. Kung dati'y maputla ito, ngayon ay mas pumutla na ito na tila mas magiging maputi na siya kaysa sa shadow na White. Itim na rin ang ibaba ng mga pagod na mga mata niya, senyales na hindi ito natutulog. Mahaba at magulo na rin ang dating maayos na buhok nito, maski ang balbas nitong nagsisimula na namang tumubo. Naging malamya na ang kilos nito na tila ba pagod na pagod nang mabuhay sa mundong ibabaw.
"C'mmon! Lets visit the City!" parang batang ani ni khironny.
Natigilan siya saglit at napakunot noo, para kasing nangyari na ito dati pa munit hindi niya man lang maalala kung kailan. Pero sandaling tigil lang naman yun dahil maya maya lang din ay muli niyang kinulit ang mukhang broken-hearted na si rozzen.
"Tara na buddy! Wala ka namang kasintahan para maging ganyan ka- sadboy e! Kaya samahan mo naman akong pumunta sa City oh? Minsan lang tayo payagan ng gobernador!" dagdag nya pa munit para lang siyang isang langaw na nag-iingay sa tabi ng tenga nito.
Hindi man lang gumalaw si rozzen sa kinauupuan, maski ang kumurap ay parang hindi niya rin kaya.
Hindi maiwasang makaramdam ng awa ni khironny. Never niya pa kasing nakitang ganito ang kaibigan niya, parang may mabigat na pinagdaraanan na hindi niya rin mahulaan pa.
"Just this one please?" pagpipilit niya, atlas! Sa ilang beses niya itong kinulit ay napalingon na rin sakaniya si Rozzen na may matalim na tingin!
Agad niyang tinikom ang bibig at napayuko. "Sabi ko nga hindi na." bulong niya 'tsaka muling bumalik sa batong kinauupuan niya hindi kalayuan sa kaniyang matalik na kaibigan.
Bumalik sa pagtulala si Rozzen sa kawalan habang siya naman ay pinagmamasdan ang kaibigan 一 para siyang isang gwapong bodyguard na alerto sa kung anong sunod na gagawin ng kaniyang amo.
Nong walang ano ano'y tumayo ito na tila wala sa sarili at nagtuloy tuloy sa paglakad patungo sa ilog! Wala naman siyang naramdaman na kakaiba kung kaya't hindi siya gaano naging alerto, munit pinapanatili niya ang mapanuri niyang mga magagandang mata sa kaibigan.
Naglalakad ito, tulala at tila wala sa sarili munit alam naman niyang alerto rin ito sa ginagawa. Magulo man ang ulo'y hindi nito ipapahamak ang sarili nito.
Napaayos siya ng upo nung bigla nitong ilubog ang ulo sa tubig at nung bumango'y nakapikit na tila isang super model sa isang magazine!
Napailing nalang si khironny dahil sa sariling deskripsyon niya sa kaibigan. I'm not a gay! Never! aniya sa isip bago muling nagfocus sa kaibigang umahon sa tubig at tila ba balisa.
Parang wala lang dito ang malamig na tubig na tumutulo mula sa katawan nito hanggang sa lupang inaapakan nito. Tulala pa rin ito, nung biglang umihip ang hangin..
"Tito Khirro!!" napalingon siya sa likod niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may nakita siyang isang bata roon, batang hindi niya mawari kung nakangiti ba o hindi dahil medyo malabo ito sa paningin niya. "Tito Khirro uwi na po tayo! Baka hinahanap na 'ko ni mama e! Malungkot po siya ngayon alam ko. Kapag ganon po siya ay gusto niya pong mapag-isa, kaya uwi na po tayo please! Babalik din naman po tayo dito, hihilain lang po natin si Sir Rozzen paalis sa bahay niyo! Please po!"
Napakurap siya, nawala ang bata na parang isang bula.
Wala sa sariling napahawak siya sa puso nung maramdamang parang tinutusok tusok iyon. Napapikit siya't maya maya ay naramdaman niya ang isang maliit na braso sa paa niya.
"Sir khirro? Gising na po! Uwi na po tayo please?Inaantok na po ako e." Isang bata, maliit at medyo mahaba ang buhok. Malinaw na ang pamilyar nitong mukha munit hindi niya mawari kung saan niya ito nakita. "Sir, baka hinahanap na po ako ni mama e! Pagabi na po oh!" Tinuro pa nito ang langit dahilan para sundan niya iyon ng tingin.
Noong binalik niya na rito ang tingin ay nawala na naman ito.
Nalilitong napakurap na naman siya. "What the fvck?" hindi makapaniwalang aniya tsaka napailing.
Salubong ang kilay na ibinalik niya ang tingin sa kaibigan ngunit nagulat siya nung madatnang wala na ito kung saan ito nakatayo kanina!
Napatayo nalang din siya't naglakad palapit sa tinatayuan kanina ng kaibigan niya. Nakita niya ang bakas ng nakayapak nitong mga paa na patungo sa isang daan kung saan wala masyadong pumupunta.
"Ano bang ginagawa mo?" inis niyang bulong habang sinusundan ang basang footprint na yon.
Hindi gaano kalayo ang pinuntahan ni rozzen dahil maya maya lang din ay tumigil ang bakas ng paa na yon. Unti unti siyang napaangat ng tingin..
Mas lalo siyang naguluhan.
"Ano 'to?" nahihiwagaang bulong niya.
Nasa harapan niya ngayon ay isang malaking statue na ang subject o ang image ay isang bampira at isang tao.
Nakahawak ang babae sa dibdib ng isang bampirang lalaki. Makikitang nakatitig ang mga umiibig na mga mata ng dalawa sa isa't isa. Hindi niya mawari kung nakangiti ba ang mga ito munit ramdam niya naman ang kasiyahan dito.
Wala sa sariling napalakad siya papalapit. Napansin niya agad na may tao mula sa likuran ng statue na ito.. Hindi nga siya nagkamali dahil nakatayo sa likod si rozzen.
Nakatulala sa isang bagay. Noong tignan niya iyon ay mas lalo siyang naguluhan. Apat na kamay; Dalawang pares na halatang kamay ng babae at Isang pares na halatang kamay ng isang lalaki..
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya't wala na naman sa sariling napatingin sa kamay ng kaniyang kaibigan. Pabalik balik ang tingin sa bakas ng kamay sa statue at sa kamay ng kaibigan niya.
Natatawang napailing siya. 'imposibleng kamay niya yan.' aniya sa isip一ganon na lamang ang gulat niya nung makitang unti unting itinaas ni Rozzen ang kamay na tila ba ilalagay iyon sa bakas ng kamay sa statue na iyon!
Nanlaki ang magaganda niyang mga mata't bumagsak ng literal ang perfect niyang panga nung makitang nagsakto ang sukat ng bakas na iyon sa kamay ni Rozzen!
"What the.." hindi makapaniwalang aniya.
Napatitig siya sa kamay at napatingin din sa kaibigan na titig na titig sa isang pares ng kamay sa gitna ng mga kamay niya.
"P-Por favor regrese mi amor.." sa unang pagkakataon ay nagsalita na naman ito. Bakas ang pagkalito,lungkot sa paos nitong boses.
"Please come back my love.."mas lalong nanlaki ang chinito niyang mga mata nung marealize ang nakasulat dito!
Napatitig na naman siya sa kaibigang nalilito ring nakatingin sa nakasulat sa likod ng statue na iyon!
Nakaramdam siya ng kilabot. Parang tila may nabubuong puzzle sa utak niya dahil sa statue na ito一parang malapit nang masagot ang mga alaalang parang nangyari na parang hindi naman talaga.
"Damn. Ano ba 'to?" inis at lito niyang ani sa sarili niya.
PUNO ng mga luha ang pagod niyang mga mata habang nakatulala sa madilim na kwarto.
Ang bigat bigat ng pakiramdam niya一pinaghalong dismaya, lungkot, sakit at higit sa lahat ay betrayal.
Nabetrayed siya. Nabetrayed siya ng isang taong hindi niya aakalaing magagawa iyon sakaniya.
Narinig niyang bumukas ang pinto一 masakit sa tenga ang nagawang tunog ng pagbukas ng bakal na pintong iyon munit hindi niya man lang iyon nilingon.
Narinig niya ang mga yapak munit hindi niya na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Naramdaman niya nalang ang presensya ng isang tao sa likuran niya.
"Wala kanang magagawa ngayon kun'di ang bilangin ang mga araw mo, shakira." walang emosyon ang boses nito. Halos hindi niya na makilala ang taong minsan niya nang pinagkatiwalaan.
Naglakad ito papuntang harapan niya. Nakita nya na naman ang buong mukha nito dahil sa liwanag ng araw na lumusot sa maliit na bintana sa kwartong 'to.
Nanatili siyang nakatulala sa pagmumukha nitong maamo na parang walang gagawin一doon pala siya nagkakamali.
"Kamusta ka?" maloko nitong tanong. "Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? Nakakapagod 'di ba? Masakit 'di ba?" pagkatapos ay tumawa ito na halos mabingi siya dahil nag echo ito sa buong kwarto.
Still, nakatitig pa rin ang lumuluha at pagod niyang mga mata sa estranghero na nasa harapan niya.
Noong hindi siya sumagot ay hinawakan nito ang panga niya ng mahigpit. Halos maiyak na siya sa sobrang sakit nun munit pinanatili niya ang matatag niyang postura.
Hindi siya lumaban kahit alam niyang kaya niya一 nanatili lang ang tingin niya kay Lucas.
"Anong pakiramdam ng binetrayed? 'Di ba ang sakit? Sobrang sakit?!" sumigaw ito sa pagmumukha niya, hindi siya kumurap o umiwas man lang. Madilim ang mukha nito't gumagalaw pa ang pangang nakatingin sakaniya.
Pagod na siya sa totoo lang. Pagod na pagod siya sa kaiisip kung bakit ginagawa 'to ni Lucas gayong wala naman siyang ibang ginawa kun'di ang maging mabuti rito.
Siguradong may dahilan ito一 Malalim. Sobrang lalim na gusto niyang sisidin.. Gusto niyang sumisid sa mga mata nitong may namumuong tubig.
'Bakit Lucas? Bakit?' hindi niya magawang magtanong pa.
Hawak hawak pa rin nito ang panga niyang halos mamanhid na sa sakit一 ay hindi, halos mamanhid na ang buong katawan niya dahil sa walang sawang pananakit sakaniya ng mga kasama nito.
Wala siyang kalaban laban dahil sa kadenang nakatali sa kamay at paa niya一 maski sa leeg ay meron din. Para siyang isang aso na mapanganib dahil sa pustura niya..
Pero para sakaniya wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Lucas sakaniya. Hindi siya nito binubugbog o hindi ito ang nag-utos na igapos siya.. Pero ito..
Ito ang utak ng lahat.
Napalingon siya sa gilid dahil sa pwersa ng pagtulak ni Lucas sakaniya. Matunog siyang napangisi at pinunasan ang bunganga.
Bumalik siya sa postura kung saan nakatitig kay Lucas. Wala mang ekspresyon ang mukha nito'y tila may kakaibang emosyon naman ang mga mata nito.
May nakikita siyang emosyon一 awa na hindi niya mawari kung guni-guni niya lang o totoo talaga.
Pero naisip niyang wala nga palang totoo sa pinapakita nito sakaniya. Kasi kung mayroon man, bakit nito siya ginaganito?
Maraming tanong sa isip niya. Maraming tanong na gusto niyang malaman agad. Pero wala na siyang lakas para sagutin ang mga iyon.
Kahit bumalik ang kapangyarihan niya'y tila wala naman itong talab dahil baliktarin man niya ang mundo一 isa pa rin siyang tao ngayon.
Nasa loob pa rin siya ng katawan ng tao ngayon.
"Just wait.. Mabibilang nalang ang araw mo, shakira." anito bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Muli niyang narinig ang ingay ng pagbagsak ng pinto. Napangiwi siya dahil sa sakit nito sa tenga.
Napapikit siya. Muling tumulo ang isang butil ng luha sa pisnge niya.
Hinang hina siyang bumagsak ang katawan sa malamig na lupa. Munit bago siya nawalan ng malay ay naramdaman niya ang isang bisig na sumalo sa pagod niyang katawan.
'You still care... Lucas.' aniya sa isip bago tuluyang kinuha ng dilim ang mga mata nya.
SA KABILANG banda nama'y napabalikwas sa higa si Rozzen sa isa na namang panaginip na hindi niya mawari kung totoo ba o hindi.
Napahawak siya sa sintido at marahang minasahe iyon. Naalala niya na naman ang napanaginipan niya..
Nasa tahanan nya raw sila habang naglilinis ng kalat sa kusina. Sobrang realistic ang panaginip niya dahil kitang kita nya ang mga gamit ng kusina niya; sakto ang pagkakalagay ng mga gamit sa panaginip niya.
Tila ang panaginip niyang iyon ay nangyari talaga..
Napapikit siya ng mariin nung muling maalala ang nangyari sa nakakagulong panaginip na iyon.
"Teka, tapos na ba yung sa sala?"
"You did a great job, shakira"
natigilan ang dalawa at napatitig sa isa't isa at maya maya pa'y parehas silang natawa!
"Hahaha!" sabay nilang tawa habang kapwa'y magkaiba kung nasaan ang tingin.
Nang huminto na silang tumawa'y sabay silang napangiting tinignan ang buong kusina.
"But seriously, i didn't expect this to be this clean, huh?" nakakalokong sabi niya na ikinatango nito.
"Para sa'kin normal na linis lang 'to. Ewan ko lang sa iba diyan." natatawang pangaasar pa nito.
Napakamot sya sa batok. "Atleast now i know kung bakit mahalagang guluhin ang bagay."
kumunot ang noo nung babae tsaka namewang. "Anong sabi mo? Paki ulit nga, parang nabingi ako e."
"Ang sabi ko mahalagang guluhin at dumihan ang bahay--"
"Lakas, Inulit pa talaga niya oh."
Parang pamilyar ang babae sakaniya lalo na sa puso niya. Hindi kasi ito tumigil sa pagtibok magmula nung mapanaginipan niya ang babae hanggang ngayon.
Parang naalala ng puso niya ang babaeng hindi maalala ng utak niya.
Bumuntong hininga siya ng malalim at napailing na lamang.
'I hate this. Fvck.' nagiging si Confucius na siya dahil sa sobrang confuse niya.
Halos gabi gabi nalang siyang dinadalaw ng mga panaginip na parang nangyari talaga. Na tila iyon ay isa sa mga ala-ala niya.
At dun siya nag-aalala一 nag-aalala na baka nangyari talaga iyon sa buhay niya munit pinilit lamang itong tanggalin sa utak niya.
Pero may parte sakaniyang hindi naniniwala sa sariling konklusyon一 sa panaginip niya ay tila ordinaryong tao lamang ito dahil na rin sa kulay ng balat. Munit hindi niya man makita ang buo nitong mukha alam niya namang maganda ito dahil sa maganda nitong kulay brown na buhok.
Kahit malabo'y nakita nya rin kahit papano ang kulay dagat nitong mga mata kaya hindi niya tuloy mawari kung taga ibang bansa ba ito o hindi.
'But she can speak Tagalog.. She's more fluent than me.' Mas lalong gumulo ang utak niya kung kaya't inis na ginulo niya ang buhok nya.
Bigla na lamang pumasok si khironny sa kwarto na malaki ang ngiti munit nung makita ang itsura ng kaibigan ay agad napalitan ng pag-aalala ang kasiyahan sa mukha nito.
"Anyare?" tanong agad nito nung makalapit ito sakaniya.
Napailing nalang siya at naihilamos ang sariling palad sa mukha. "I don't fvcking know what's wrong with me. Fvck this!" he cursed.
tears swelled in his eyes which he immediately wiped away before his friend一khiro noticed.
"You're fvcked up, dude." he shook his head.
"Yeah, I'm really fvcked up." natigilan siya at napatitig sa lapag.
Pakiramdam niya ay nangyari na ang bagay na 'to.
Napatingin siya sa kaibigan na bahagya ring salubong ang kilay na nakatutula sa kung saan.
"I feel that this thing has happened." he whispered.
Khironny nod. "Yeah.. I feel that too."
napapikit siya ng mariin at inis na huminga ng malalim.
"What do you think is happening right now? I'm fvcking confuse.." he said while frowning. "There's this girl who's I always dreamed of. It feels so realistic to the point that I'm confused if it's just a dream or my deleted memory.. I mean this house, this forest, you and me are there.. Her voice seems so familiar to me.. Specially Her Familiar Scent.." nalilito nyang pag-amin.
Bigla namang sumeryoso si khiro na siyang pinagtaka niya.
Ilang sandali silang nakipagtitigan sa isa't isa bago nagsimulang magsalita si khiro.
"It's happening to me, too." pag-aamin nito. "There's this kid too who's talkative and is flashes to every place that I'm in. She's like one of my memory whom I forgot and she's trying to make me remember it.." tumigil ito sandali.."Remember the last time that we're in that ilog? I saw her there, she's be like "Tito khiro let's go back! My mom's will be worried if I stayed here long! I know she's sad, she wants to be alone yet tito rozzen is there! let's pull him out so my mom would be alone like what she always want!" Its seems like that.. I don't remember every inch of it but.. I'm pretty sure that he knows you and me.. And the girl that she called mama is the girl who's in your dream.."
Parang biglang nagtagpi-tagpi ang ilang mga ala-ala sa utak niya dahil sa sinabi ng kaibigan niya.
"A-Ah.." daing nya nung bigla nalang sumakit ang ulo niya. "Fvck.." mura nya nung biglang tila pinaglaruan siya ng utak niya dahil nakapunta sya sa gitna ng gubat ng hindi niya namamalayan.
Nakatitig lamang siya sa babaeng nasa harapan niya na matalim at malamig siyang tinitignan. Naramdaman niya ang agos ng luha sa mga mata nya pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin pa一sobra syang nalilitong makita ang babaeng nasa harapan nya ngayon. Wala siyang ibang makita rito kun'di ang galit一 isang nakakatakot na galit na ikinabahala at ikinatakot ng puso nya.
Pilit nya itong inaabot munit umiiwas ito na tila ba may nakakahawa syang sakit..
Nagtataka pa rin siya nung bigla siyang matigilan nung magsalita ito.
"Live a happy life, zen.. I hope your heart still remember me when i come back.." naluluha siyang napatingin dito. "Now, i command you t-to forget my existence.. T-There's no shakira anymore.. T-There's no annette anymore.. I will.. I will delete our memories in your mind.." hindi niya nagawang igalaw ang katawan nya一 para syang na hipnotismo sa mga mata nitom.
"Go home.." parang may sariling utak ang katawan nya dahil unti unti nitong sinunod ang utos ng dalaga. Munit bago pa man siya tuluyang makalayo ay narinig nya ang huli nitong sinabi. "And please wait for me."
Naidilat nya ang mga mata na puno ng luha. Agad nyang nakita ang pamilyar na kisame一napabalikwas siya ng bangon at hindi makapaniwala sa isang bagay.
Nakaramdaman siya ng kakaibang inis, galit, sakit. Unti unting sumeryoso ang nakakunot niyang mga kilay.
"Shakira..." mariin nyang bulong habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisnge.