"Don't make it hard for me human!", iritable kong sabi sa kanya. Mas mabuti pa ata na hindi ko na siya kinuha mula sa ilalim ng lupa dahil mas maayos pa yata kapag nahihimbing na lamang siya. He didn't listen and continued to struggle in the bed. Magkabilang kamay niya ngayon ang nakatali sa magkabilang sulok ng kama. Habang ang mga paa niya ay malaya niyang iginagalaw.
"You almost killed me! Sino ka para utusan ako huh? Reveal yourself! Magsuntukan na lang tayo!", matapang nitong saad. Hindi niya ako gaanong matanaw nang maayos dahil sa may kadiliman ang aming silid.
"Can you just please calm down! You are overacting!", nagmamakaawa kong sabi sa kaniya na may halong pagkairita dahil nagsasawa na talaga ako na kausapin siya.
"Overeacting? Muntik mo na akong patayin!", muli nitong pagpapaalala sa akin at mabuti na lamang na tanging ako at siya lang ang nasa kagubatan na ito dahil kanina pa lumisan si Tiyo upang maglakbay pabalik sa palasyo. Kung may ibang makakarinig ay baka isipin na may kaaway akong bata.
Oo, nasa palasyo kami na nasa gitna ng gubat. Ang gubat na kanina lamang ay wala sa mundo ngunit sa ilang kumpas ko lamang ay nagkaroon na ng isang malawak na kagubatan sa likuran ng isang malaking bundok.
Kanina lamang ay nasa pulong kami kasama ang iba't-ibang pinuno ng kaharian na meron ang mundo na ito. Akala ko ay wala ng katapusan pa ang pagpupulong na iyon. Hindi na din nakapagtiis pa na magtagal ang ibang panauhin dahil sa umiinit na diskusyon at katulad ng dati ay nagsialisan sila na may panibagong sama ng loob at poot sa amin. Sanay na sanay na ako sa ganito, kahit kailan ay hindi nagkaisa ang mga kaharian dahil sa ayaw nilang malamangan. Hindi nila matanggap na kami ang natatangi sa mga kaharian.
Nanalo ang aking Ina at naging kampyon ng Dyosa ng buwan tapos ngayon ay ako ang nakatakda na maging ina ng papalit sa Dyosa ng buwan. Wala na sigurong mapaglagyan ang kanilang sama ng loob para sa amin.
Nang makasiguro kami na wala na ang lahat ay tsaka ko binalikan ang lugar kung saan siya nilamon ng lupa. Sa aking pagtapak pa lamang sa hardin ay agad na iniluwa ng lupa na kasama ng higanteng mga ugat ang simboryo na kaniyang pinaglalagakan. Agad na akong pumasok at nakita ko kung paano tumama sa kaniyang katawan ang berdeng liwanag ng mga ugat. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Sa aking kumpas ay nagsikalasan ang magkakadikit na mga ugat at muling umilalim sa lupa.
Sinalubong ng liwanag ng araw ang kaniyang katawan sa kamang ugat na ginawa ko para sa kanya kanina. Naramdaman ko ang presensya ni Tiyo sa aking likuran.
"Ilayo mo na siya rito Vreihya! Narinig mo ang pagbabanta ni Marayca sa pagpupulong. Hindi na tayo kasing tapang ng dati, mayroon ka ng kahinaan. Hindi na tayo dapat makampante", seryoso ang pananalitang ginamit ni Tiyo upang mabatid ko na hindi siya nagbibiro. Hindi na ako tumanggi pa sa tinuran ni Tiyo. Tama siya, hindi na kami dapat makampante ngayon lalo na at nandito na ang nilalang na ito.
"Ngunit, paano natin siya mailalayo sa lugar na ito ng hindi siya naaamoy?", agad kong tanong habang nasa tabi ko na si Tiyo at mariin na ding nakatitig sa mortal.
"Kanina pa ako nag-iisip ng paraan. Sasamahan ko kayo na maglakbay. Kung kasama niyo ako ay kaya kong itago ang kaniyang amoy sa mga karaniwan at aliping pambira.", agad na saad ni Tiyo.
"Ngunit saan ko siya maaaring dalhin?", nagtataka kong tanong sa kaniya. Kahit pa posible ang kaniyang sinasabi ay walang ligtas na lugar na pwede ko pagtaguan sa nilalang na ito.
"May alam ako na lugar Vreihya! Ihanda mo na ang iyong mga kagamitan. Sa alapaap tayo maglalakbay", malumanay lamang na sabi nito sa akin at pagkatapos noon ay agad siyang naglaho sa hangin. Halatang-halatang kanina pa pinagplanuhan ni Tiyo ang dapat na gawin. Tila handang-handa siya sa mga maaari kong katanungan.
Sa aking kumpas ay pareho kaming inangat pabalik ng isang malaking ugat sa veranda ng aking kwarto. Hinayaan ko muna na nasa veranda siya habang ginagamit ko ang aking bilis sa pag-eempake ng aking gamit. Ilang sandali pa ay dumating na din si Tiyo sa aking silid na may dala-dalang isang baul na tama lamang ang laki. Nagtungo siya sa veranda at ibinaba ang baul na kaniyang hawak.
Agad na din akong sumunod sa kanya. Bitbit ang aking mga gamit at hindi ko maiwasan na tanungin kung saan kami magtutungo.
"Vey muerte estes!", mahina niyang bulong. Ilang minuto pa ay naramdaman namin ang pagaspas ng isang malaking ibon at rinig na rinig ang tunog ng kaniyang paglapag sa ibabang hardin. Agad na kaming iniangat ni Tiyo kasama ang aking mga gamit sa ere, iginalaw ko rin ang ugat na hinihigaan ng mortal upang makasama siya sa pagbaba. Lumapag kami sa ibabaw ng kaniyang dambuhalang alagang ibon.
"Silvestre? Kamusta ka na aking kaibigan?", agad na tanong ni Tiyo habang hinihimas ang balahibo ng kaniyang alaga. Agad naman itong gumawa ng ingay na tila ba sinasagot niya si Tiyo.
"Vreihya, isuot mo itong kwintas. May basbas iyan ng iyong Ina", agad na itong iniabot ni Tiyo at mabilisan ko na ding isinuot.
"Balutan mo ang katawan ng mortal. Kailangan natin mag-ingat kahit na sa himpapawid tayo dadaan". Agad akong tumango sa kaniyang tinuran.
Sa aking kumpas ay umangat sa ere ang napakadaming bulaklak sa aking hardin. Nagkumpol-kumpol ang mga ito at bumuo ng isang kumot na yari sa mga bulaklak. Agad ko itong inabot at ibinalot sa lalaking nakahiga sa aking mga bisig. Ang tagal na niyang nahihimbing at batid kong sobrang nanghina siya sa ginawa ko.
"Vreihya, gamit ang kapangyarihan ng iyong Ina ay basain mo ang kabuuan ng kaniyang kumot", agad naman na nangunot ang noo ko. Anong balak gawin ni Tiyo? Bakit kailangan ko itong basain?
Kahit na nagtataka ako ay sinunod ko na lamang siya. Hinawakan ko ang kwintas at naglabas ito ng tubig na siya kong minanipula at pinambasa sa buo niyang katawan na natatakpan ng kumot na bulaklak at dahil siya ay nasa aking bisig ay kasama din akong nabasa.
"Ang balot niya ay para mabawasan ang kaniyang amoy, ang tubig naman ng iyong ina ay upang mahugasan ang natitira pang amoy at aking kapangyarihan sa hangin sa himpapawid ay matatakpan din ang kaniyang samyo. Kailangan natin mag-ingat nang husto upang hindi tayo magkamali", paliwanag niya na tila ba alam niya na nagtataka ako sa pinapagawa niya.
Hindi na nagtagal pa ay nagsimula ng lumipad si Silvestre. Isang mahabang paglalakbay ang aming binagtas. Sinigurado ni Tiyo na matatakpan kami ng ulap sa itaas upang walang makapansin sa amin mula sa ibaba.
Matapos ang ilang oras na paglalakbay ay nakarating kami sa isang disyerto. Nang makababa na kami sa mainit na buhanginan habang ang mortal ay nasa ibabaw pa ni Silvestre ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagtataka.
"Ano ang gagawin natin dito Tiyo? Ito na ang dulo ng mga kaharian. Bakit tayo narito?", agad kong pag-uusisa sa kaniya habang tumitingin ako sa paligid. Wala akong ibang matanaw kundi malawak na maiinit na patag na buhangin at bundok din ng mga buhangin.
"Dito kayo pansamantalang magtatago Vreihya", agad naman nitong prenteng saad na siyang aking pinagtakhan.
"Pero Tiyo, disyerto ito. Mahirap mabuhay dito", agad kong alma. Akala ko naman ay napag-isipan na ito ng mabuti ni Tiyo. Hindi ako tatagal sa lugar na ito. Mahihirapan na tumubo ang aking mga halaman sa lugar na ito.
"Wala ka bang tiwala sa iyong Tiyo?", agad na ngumiti sa akin si Tiyo na tila ba nakikipagbiruan.
"Tiyo naman eh! Hindi ngayon ang oras ng pagbibiro!", magalang na suway ko sa kanya habang patuloy siyang nakangiti na siyang nagpapasingkit ng kaniyang mga mata.
"Can we quit this for a while? Matagal ko ng gusto magsalita sa wika ng mga mortal. Masyado na akong nasanay", agad na saad ni Tiyo. Agad naman akong napaismid, sanay na sanay na talaga si Tiyo. Sa katunayan ay siya ang nagturo sa akin na magsalita nito at makaunawa pero hindi ito ang tamang oras para isipin iyan Tiyo. We must focus!
"Tiyo, ano bang plano mo? Ang layo-layo ng nilakbay natin.", Medyo naiirita kong saad sa kanya. Minsan talaga ay wala sa tamang oras ang mga biro niya.
"Vreihya, nang nag-aaral pa lamang ako sa akademya ng mahika we learned about how to make a forest but we never had exercised it dahil wala namang bampira na kayang manipulahin ang kalikasan kundi ikaw lamang. Ngayon natin ito susubukan". Agad niyang binuksan ang baul na kaniyang tangan at naglabas ng libro. Alam ko ang aklat na ito, ito ay aklat ng mga mahika kung saan nakalagay dito ang mga ritwal sa pagsasama-sama ng mga mahika. Ito ay nakukuha lamang kung ikaw ang pinakamataas o ang pinakamahusay sa akademya. Hindi na nakakapagtaka pa kung bakit na sa mga kamay ni Tiyo agad akong napapalakpak dahil sa tuwa na makita itong muli.
"Never ka magkakaroon ng ganito!", biro ni Tiyo tsaka niya inilabas ang dila na tila ba pinapa-ingggit ako. Agad naman ako nagbigay ng matalas na titig sa kaniya na siya naman niyang ikinatawa bago siya nagbuklat na muli. Tila nakukuha ko na ang gusto niyang gawin namin sa lugar na ito.
"Tamang-tama ang lugar na ito upang masiguro na walang makakahanap sa inyo. This place, dito pinapatapon ang mga alipin at mabababang nilalang na malaki ang pagkakasala. Walang tubig, mainit at nakakamatay. Walang magtatakang pumunta dito", agad na saad ni Tiyo.
"Base on my knowledge right now. Pinagbabawal na ang pagpapatapon ng mga kriminal dito kaya wala ng mapapadpad pa dito", dagdag na pahayag niya habang patuloy pa din sa pagbubuklat.
Agad akong napahanga sa tinuran ni Tiyo. Binabawi ko na ang sinabi ko, pinag-isipan niya talaga ang bagay na ito. Sa sobrang tuwa ko ay agad kong binagtas ang distansya namin at agad ko siyang niyakap. Agad din niya akong niyakap pabalik.
At iyon ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng kagubatan sa gitna ng dating disyerto. Gamit ang kapangyarihan ko at ng kay Ina kasama na ang kay Tiyo ay nakabuo ng isang malawak na kagubatan ngunit hindi nito sinakop ang buong disyerto.
Ang kastilyong aming kinatatayuan ngayon ay gawa sa mga kahoy ng puno at mga higanteng baging at mga dambuhalang ugat. May mga palamuti itong maliliit na puno, mga bulaklak at makukulay na halaman. Malawak na malawak ito na tila isang palasyo.
Ang nilalang na kanina pa piglas nang piglas sa kaniyang higaan na yari sa matibay na punong kahoy habang ang mga bulaklak ang nagpapalambot dito ay patuloy akong tinitignan ng buong talim. Muli na naman siyang nagpupumiglas at pinipilit na makalas ang kaniyang gapos.
Kaya ko siya itinali nang ganiyan dahil unang-una, alam ko na galit siya pag-gising at pangalawa...
Agad akong natigilan nang maalala ko ang pangalawa.
"You need to get out of that forest...pregnant", seryosong turan ni Tiyo.
Agad akong kinilabutan nang maalala ko ang sinabi ni Tiyo na ilang beses kong hinindian at tinutulan ngunit pinaalala niya sa akin na kung mas maaga kong magagawa ito ay mas maaga matatapos ang aming pagtatago.
Sa ngayon ay pinag-aaralan niya ang posibilidad na baka kapag kami ay nagniig at nagkasupling ay mawawala na ang aking karamdaman dahil nasunod ko na ang propesiya. Ilang pangingilabot at pagtutol ang pilit kong binabanggit ngunit kailangan ko na itong gawin. Kumakapit na lamang ako sa posibilidad na baka tama ang nasa isip niya. Hindi naman nila siguro malalaman na kalahating tao ang aking magiging supling. Mas maaga ay mas ligtas!
Ngunit hindi ko alam ang aking gagawin! Sabihin na natin na malakas akong nilalang pero isa pa akong birhen! Walang kahit sinong nilalang ang nakahawak, nakalapit at nakagalaw na sa akin. Kaya tila isa akong estatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang aking gagawin! Paano ko ba ito sisimulan? Dapat ko ba itong gawin habang nagagalit pa siya sa akin?
Heck! I am a royal blooded vampire. Our family is the strongest yet para akong isang mahinang nilalang na hindi alam ang gagawin sa bagay na ito. Kinakabahan ako nang sobra, ilang mga kalalakihan na ba ang aking tinanggihan? Wala akong ni isang karanasan at nalalaman sa pakikipagniig. Parang gusto ko na yatang umuwi na lang at umatras. Ang isang Vreihya Amely Zecillion ay takot at kabadong mahawakan at makipagniig! Tila nanlulumo ako at nahihiya sa aking sarili. Sa totoo lamang ay wala naman talaga akong balak na makipag-isang dibdib kung kanino man pero wala naman akong pamimilian.
"Nabingi ka na ba? Sabi ng pakawalan mo ako rito eh!", agad akong nakabalik sa aking wisyo dahil sa muli niyang pagsigaw. Ngayon ko ba talaga ipipilit ito sa kaniya? Sa sobrang tagal namin sa pagtatayo ng kagubatan ay inabot na kami ng dilim kanina kaya naman hindi na naman ako matanaw ng mortal. Gusto ko siyang sagutin nang pabalang pero kung gusto ko na may maganap sa amin ay kailangan ko magtimpi.
"What is your name?", malumanay ko na sabi na tila ba hindi ko na pinansin ang kaniyang pagwawala. Alam ko naman ang kaniyang pangalan dahil ilang beses nang nabanggit ni Tiyo at ni Ina ngunit wala akong ibang maisip na pwedeng itanong na maglilihis sa usapan na ito.
Sa malinaw kong mga mata ay nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang makinis na noo. Yes! I will praise his facial perfection dahil wala namang dahilan para itanggi pa. He is too pretty for a mortal man at alam ko na iyon simula pa noong una ko siyang makita. Natigilan siya ng ilang sandali pero binalik niya din ang kaniyang nanlilisik na mga mata. If stares could kill I'll be dead the first time he saw me.
"Why do you care? Para malaman mo ang pangalan ng taong balak mong patayin?", he said bitterly still not breaking his gaze kahit pa hindi niya ako malinaw na nakikita. I covered my chest part kahit hindi niya naman nakikita nang malinaw because I am wearing a see through night dress and I can feel my nipples that are covered with thin and see through red night dress on the upper part.
"Just seduce him Vreihya. Your ethereal beauty can do the trick kung hindi pa siya mabaliw sa taglay mong kagandahan then he is not a real man.", sabi sa akin ni Tiyo habang pinapasadahan ako ng tingin na tila ba iniinspeksyon niya ang aking kabuuan.
Agad na naman akong kinilabutan nang maalala ko ang tinuran ni Tiyo kanina. Kaya ito ako ngayon, I felt like I am some sort of a dirty woman waiting to be devoured by a man. Nakakababa ng puso ang ganito pero kailangan ko ng madaliin. Wala naman nakasaad sa propesiya na kailangan namin magmahalan. We just need to mate, have a child and maybe I will be healed and after that pwede ko na siyang ibalik sa kung saan man siya galing. Ang kailangan ko lang magawa sa ngayon ay panatilihin siyang buhay at mabigyan niya ako ng supling.
"You are Mino right?", iniiba ko talaga ang usapan namin at sana naman makiisa na siya. Ayaw ko makipagtalo, ayaw ko siyang galitin. Nag-iinit talaga ang ulo ko sa ideya na ako ang nagpapakababa para sa kaniya. Nakakapanliit ang ganito! Ako na isang maharlikang bampira ang parang nagpapaamo sa nilalang na mas mababa pa sa akin! Wala na sigurong mas nakakahiyang bagay pa kaysa rito.
Muli na naman siyang natinag ng saglitan ngunit bumalik ang inis sa kaniyang mukha. Please! Just cooperate!
"What are you up to now? Why the sudden mood?", nagtataka nitong tanong sa akin na tila isa siyang imbestigador. I will not answer that question. I will never give you the satisfaction to know na may kailangan ako sayo. Tama na ang nakapanliliit na bagay na ako na lamang ang dapat na makaalam at hindi na ikaw.
"I felt sorry for what I have done to you earlier. That is not a good idea", pilit kong pinakalma ang aking tinig. But Yes! I felt sorry dahil sa katotohanan na kapag namatay siya ay mamamatay din ako and that's all!
"Your kind doesn't feel any remorse! Stop with the act!", mapait nitong sabi habang hindi nawawala ang kaniyang ngisi. I praise him for that attitude, napakalakas ng loob niya na sumagot pabalik kahit alam niya kung ano lamang ang kaniyang katayuan. He is not like the other vampires that drool over me at hindi ako magawang sagutin nang pabalang. This is the first time that someone did this to me and I am starting to like it but not much baka mapuno na din ang pasensya ko.
Napapagod na ako kakatayo dito sa totoo lang. I waved my hand kasabay noon ay ang pag-usbong ng isang malaking bulaklak sa sahig na yari sa mga malalaking ugat. I sat at the flower dahil pagod na ako sa pagtayo.
"Look Mino...I am wrong okay! I have done something terrible at kahit magpaliwanag ako ay hindi ko na mababago iyon. So let's move on and work on the things that we can do now!", hindi ko na maiwasan pa na mapadiin ang aking sinasabi ngunit pinipilit ko maging malumanay sa kaniya. Tumigil na siya sa pagpalag hindi katulad kanina na itinotodo na niya ang pagpupumiglas. Sa wakas ay nakadama na din siya ng pagod.
"Psssh! Move on? Palibhasa hindi ikaw ang muntik ng mamatay. Bakit hindi mo na lang din itinuloy?", iritableng sabi niya sa akin. Agad naman akong natigilan. Ano ang maaari kong sabihin sa kanya? Alangan naman sabihin ko na kapag namatay ka ay mamamatay din ako? Baka gawin niya pang panlaban iyon sa akin. Ilang segundo ako nag-isip ng isasagot ko sa kaniyang tanong. Nosy human!
"Look outside the window Mino", agad ko na turan sa kaniya. Agad naman siyang tumitig sa buwan. Sa mundong ito ay kahit kailanman hindi nawawala ang buwan sa kalangitan, nagbabago man ito ng hugis ngunit ni minsan ay hindi niya kami iniwan sa tuwing sasapit ang gabi. Nakita ko ang kaniyang pagkatulala at pagkamangha. Pati ako ay tumitig na din dito at bumugad sa akin ang tila nakaukit na pigura ng Dyosa sa bilog na buwan.
"We have a Moon Goddess in this world. She will punish me and remove my powers if I killed a human being!", pagsisinungaling ko sa kaniya upang masagot ang kaniyang katanungan. Siya ang unang tao na napadpad dito kaya hindi ko alam kung may kaparasuhan sa pagpatay ng kaniyang lahi. Ngunit ano pa nga ba ang pwede ko sabihin?
I saw him smiled bitterly ngunit hindi niya inalis ang paninitig sa nakakabighaning buwan. Tila kumalma siya kahit papano sa kaniyang paninitig sa tahanan ng Dyosa. Ang kaninang alapaap na bahagyang tumatakip sa buwan na siya dahilan kung bakit hindi lubos ang kaniyang liwanag ay biglang nahawi na tila ba nais din ng buwan na magpakita sa kaniya. Kasabay nito ay ang biglang pagtitig ko sa kanya.
Mas higit na tinamaan ng sinag nito ang kaniyang mukha. Hindi ko na din naiwasan na mapatitig sa kaniyang kabuuhan. Hindi maitatanggi na napakakisig niya. Mahahaba ang kaniyag mga pilik-mata at katamtaman ang kapal ng kilay, perpekto ang kaniyang ilong and those jaw line was made to be drooled upon. What made me to look to his face more are his eyes, tila pinapakinang ito ng liwanag ng tahanan ng Dyosa. Tila isang malalim na asul na dagat ang kaniyang mga mata at unti-unti akong nalulunod habang ito ay aking pinakakatitigan. Sa dami kong nakita na mga kalalakihan, ang kaniyang mukha at pigura ang siya ko lamang pinakatitigan nang ganito. Tila nagkakaisa sila ng Dyosa ng buwan upang maipakita sa akin ang kaniyang perpeksyon.
Agad na akong nag-iwas ng tingin dahil batid ko kung saan pa maaaring mapunta ang pagtitig kong ito. Hindi ko dapat malimutan ang ginawa nila sa akin noong ako ay musmos pa lamang. Mabilis silang nag-isip na wala akong ibang gagawin kundi ang manakit. Gaya niya ay tumitig na din ako sa buwan na nasa labas ng malawak na bintana. Naramdaman ko na sa akin na lumipat ang kaniyang tingin ngunit hindi ko na ito sinalubong. Alam ko naman na galit lamang ang aking makikita.
Ilang minuto akong nagpatuloy sa pagtitig sa buwan ngunit tila naiilang na ako sa matagal niyang pagtitig sa akin. Agad akong napatingin sa kaniya tsaka ako sinalubong ng titig niya na tila tulala sa akin. Agad na tumaas ang aking kilay, bakit ganiyan siya tumingin? Kung kanina ay para siyang tulala ngayon ay nasaksihan ko kung paano dumiin ang kaniyang titig na tila ba unti-unti akong nahuhubaran. Why is he looking at me like I am naked-
Agad na nanlaki ang aking mga mata, tumingin ako sa malaking salamin na nasa aking tabi at nakita ko ang aking kabuuan na hindi na itinatago ng dilim. Tuluyan na akong nakita ng mortal dahil sa liwanag ng buwan. I saw how my breast are exposed due to the see trough night dress. I covered it quickly.
Alam ko naman na ako ang nagsuot nito upang akitin siya pero inatake pa din ako ng kaba. Agad na nabaling ang titig ko sa kaniya. He looked speechless while looking at me, kung dati ay naiirita ako kapag may nilalang na tumititig sa akin nang matagal. Ngayon ay tila nakaramdam ako ng hiya dahil ito ang unang beses na masyado kong naipakita ang aking katawan. I have never been this exposed!
Dinagundong ako ng kaba sa kaniyang paninitig. Tila gusto ko siyang papikitin upang hindi na niya ako matitigan pa nang husto. Ramdam ko kung gaano kahapit sa aking katawan ang aking kasuotan. Kasalanan mo ang lahat ng ito Tiyo! Kung ano-ano ang itinuro mo sakin!
Ibinaba niya nang marahan at marahan ding itinaas ang kaniyang paninitig sa aking katawan. Tila ba ininspeksyon niya ang aking kabuuan. Ramdam ko ang kakaiba niyang mga titig, hindi ko alam kung bakit kahit pa ramdam ko ang kaba ay bahagya akong nakaramdam ng init. No! Huwag sa kaniya Vreihya! Tumigil ka!
I was about to tell him to stop looking at me kahit pa kinakain ako ng kaba. Hindi niya dapat malaman na nanginginig ako sa hiya. Pero pareho kaming nabigla sa biglang pag awang ng kaniyang bibig. Kapwa kami nagkatitigan na gulat na gulat dahil sa kung anuman ang mayroon sa kaniyag bibig.
Nasaksihan ko kung paano lumabas ang mga pangil sa kaniyang bibig at batid ko din na naramdaman niya iyon base sa gulat niyang itsura.
What is happening?