Tyler Vasquez
Tatlong taon na ang nakalipas nang piliin kong mag resign sa aking propesyon upang mag manage ng kompanya ng aking pamilya. Ginugol ang lahat ng oras para makalimutan ang isang masalimuot na nangyari sa aking buhay. Ang pangyayaring naging dahilan kung bakit nawasak ang aking buhay.
'I thought, being faithful to the one you've loved is the key of having a long-lasting and happy relationship, but I was wrong. Kahit gaano mo mahalin ang isang tao…kahit gawin mo siyang santo…kahit ibigay mo ang lahat-lahat sa kanya, magagawa ka pa rin lokohin at balewalain.'
Ang magagandang panaginip ko noon ay biglang naglaho. Sa araw-araw ay hiniling ko na 'wag ng magising pa upang hindi maramdaman ang sakit na dumudurog sa aking buong pagkatao, but that was in the past. Unti-unti akong nakarecover sa tulong ng isang babae na nag-alaga at dumamay sa akin ng mga panahon na nalulugmok ako sa kadiliman.
Masaya ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit. "How's my baby girl?" Excited akong kinamusta siya. It's been half a year ng huli ko siyang makita. "I miss you, baby girl!" Ginaya ko siya papa-upo sa sofa. "Dapat sinabi mo na uuwi ka para ako na ang mismong sumundo sayo sa airport."
"Kuya, I'm a big girl now!" Muli siyang yumakap sa akin at siniksik ang ulo sa aking dib-dib. "I miss you too, Kuya." Umangat ang kanyang tingin dahilan kaya napahalik sa aking labi. "Sorry!" hingi niya ng pasensya nang makita na naging seryoso ang aking mukha.
I sigh, "Ikaw na ang nagsabi na big girl ka na, kaya dapat iniiwasan mo na ang medyo sweet na nakagawian mong gawin." paliwanag ko. "Understand?' Hindi siya sumagot at nagpanggap na nagtatampo. Ngumisi ako at hinawakan sa balikat at niyakap. "Saan mo gusto kumain? I'll treat you to lunch."
"Sa house na lang, Kuya. Mas gusto ko kumain ng luto ni Mommy. Si Daddy gusto ko rin makita." Dumistansya siya sa akin at muling naging excited, "May mga pasalubong din akong ibibigay sa kanila. Kung wala ka ng gagawin, shall we go? Nasa baba si Oliver naghihintay sa atin."
Hinimas ko ang kanyang ulo at binigyan siya ng malaking ngiti sa labi. "Give me a minute, baby girl. I need to sign some important files. After that we can go home. Sigurado matutuwa sila Mommy and Daddy."
Walang katapusan ang pag kwe-kwento ni Scarlet habang pauwi sa bahay. Puno ng tawanan at asaran habang nagkukulitan. 'She never changed.' I thought. 'Simula pagkabata hanggang ngayon, hindi nagbago ang pagiging malambing niya.' Ang isa pang katangian na nagustuhan ko sa kanya ay ang kanyang 'Sense of Humor'.
"We're here!" Pumapalakpak at hindi makapag hintay na makababa habang pinaparada ko ang kotse. "Sigurado masu-surprise ko sila. I can't wait to see them!"
"Hey! Baka naman madapa ka!" Paalala ko habang nagmamadaling tumatakbo papasok sa bahay.
Nang dumating si Scarlet sa buhay namin, nadagdagan ang saya ng aking pamilya. Nagkaroon kami ng bunsong kapatid sa katauhan niya. They are all grateful nang iligtas ako ng magulang niya sa isang car accident. 'Dapat sasakyan namin ang mababangga pero hinarangan iyon ng kotse na minamaneho ng magulang ni Scarlet.'
"Will you stay here, Hija?" tanong ni Mommy habang nakayakap kay Scarlet. "Ipapalinis ko ang guestroom."
"No need, Mommy." Tumingin kay Daddy. "Sa bahay po ni Kuya Kendric ako mag stay but I'll make sure na palagi kayong bisitahin." Huminto sa pagsasalita at naglalambing kay Daddy. "Daddy 'wag ka na magtampo! Sige ka, mag mu-mukha ka ng senior niyan." Natawa naman si Mommy na katabi niya.
"Hija, senior naman na talaga ang Daddy mo!" kantyaw ni Mommy.
Nagdilim naman ang paningin ni Daddy sa sinabi ni Mommy kaya pumagitna na ako sa dalawa bago mag simulang magkainitan.
"Opps! Mommy, para naman sinabi niyo ng napakatanda na ni Daddy. Tignan niyo nga at nagpakulay pa ng buhok para hindi mahalata." Bulong ko na lang ng tumabi ako kay Mommy sa upuan.
Pinalo ako sa hita at umirap. "Tara na nga at kumain na tayo. Handa na ang mga pinaluto ko kay Manang Lydia."
Kinuha ni Mommy ang braso ni Scarlet at ginaya papunta sa dining area. "Hija, stay until tonight para makita ka ng mga kapatid mo." Iyon ang huli kong narinig na sinabi ni Mommy ng tuluyang makalayo sa amin ni Daddy. Nagkibit balikat lang kaming dalawa ni Daddy bago sumunod sa dalawa.
"I'm so happy, Kuya. The feeling is indescribable kapag kasama ko kayo. Thank you. Thank you so much, Kuya." Sambit ni Scarlet habang pauwi sa Mansyon ni Kendric.
"No need to thank me! Ako dapat ang magpasalamat sayo dahil sa sayang binigay mo sa pamilya. Other than that I owe your parents a lot kaya lahat ng magagawa ko, gagawin ko para sayo."
"Kuya naman! Huwag na nating pag-usapan ang magulang ko. Kahit na wala sila, pinunan niyo naman ni Kuya Kendric ang buhay ko."
Kumpara sa yaman ng mga Suazer, hindi naman nalalayo ang pamumuhay namin sa kanila. Mas pinili nga lang ng magulang ni Kendric na i-adopt si Scarlet dahil nag-iisang anak lang si Kendric.
"Thank you, Kuya."
Bago ako umalis sa Mansyon ay sinigurado ko na maayos na si Scarlet. Wala pa si Kendric pero hindi ako nag-aalala dahil marami naman ang kasambahay sila Kendric na maaaring niyang makasama.
"Hintayin mo na lang ang kuya mo. Aalis na ako. Just call me if you need anything."
'Yes, Kuya. Goodnight."
Nag re-relax ako habang nakikinig ng music pauwi sa bahay. Napapaindak pa ako sa rock hits nang mag stop light. Dahil mausisa sa paligid ay napatiningin ako sa left side window ko. Napapikit ako at umiling-iling. 'No! It can't be her!' saad ko sa sarili nang muling lumingon sa driver ng kotse. Suddenly, huminto ang paghinga ko. Huminto na naman ang mundo ko. Lahat ng nakaraan ay bumalik lalo na ang masalimuot na nangyari sa buhay ko.
Nakaramdam ako ng galit habang tinititigan ang masaya niyang mukha. Masaya siya habang nakikipag-usap sa isang lalaki na nakaupo sa passenger seat. Humigpit ang hawak ko sa manibela at sumama ng tingin sa babaeng iyon.
Bumalik sa aking kaisipan na nasa highway ako ng bumusina ang kotse sa likuran ko. Ang kotse na kaninang tinitignan ko ay nakaalis na rin. Habang nagmamaneho ay siya ang laman ng isip ko. 'I last saw her outside the company building. Pretending to be wasted and broken-hearted.'
Kahit gaano karami ang inumin kong alak, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa aking panloloko. 'Hindi ba ako naging sapat sa kanya kaya naghanap pa siya ng iba?' Akala ko naka move-on na ako. Akala ko pag nakita ko siya hindi ko na mararamdaman ang sakit, poot at galit. Pero akala ko lang ang lahat dahil hanggang ngayon sinasanktan pa rin niya ako habang siya ay nagpapakasaya sa buhay.
Imbes sa bahay dumiretso ay nagpunta ako sa isang kilalang bar na malapit sa seaside. Itong lugar na ito ang naging hide-out ko para makalimot ng panandalian at isigaw sa hangin kasabay ng alon ang sakit na aking nararamdaman.
"LAHAT BINIGAY KO SAYO! MINAHAL KITA HIGIT SA SARILI KO! NANGARAP AKONG KASAMA KA. NGUNIT LAHAT NG IYON TINAPON MO! DESERIE, ANG SAMA-SAMA MO! ANG SAMA-SAMA MO NA DURUGIN AT UNIT-UNTING PATAYIN ANG PUSO KO! BAKIT, DESERIE? BAKIT HANGGANG NGAYON MAHAL PA RIN KITA? BAKIT HINDI KITA MAGAWANG KALIMUTAN?" bulyaw ko sa hangin habang tinutunga ang alak na iniinom ko.