Reycepaz's Pov
ISA LANG talaga ang masasabi ko sa mga pagkakataong 'to.
Astonishing!
Hindi talaga makikita na luma na ang gymnasium dahil sa ginawa nila. They polish every little corner, from the ceiling to the floor, from entrance to exit.
They also use a color scheme where you can not only feel the calm in your eyes, but also you can really feel the ambiance of the event.
The Harbour Blue color is just right to feel as if you are floating in the middle of the pacific ocean. The color gray cloud also blends here which gives you a strange feeling as if you are jumping on light and cozy clouds. And last, the Dark Teal which gives you a weird, but sensational feeling as if you are being dragged into the forest with thick blue dew. These three colors brought life to every walls and design to the venue.
Medyo kaunti pa ang mga tao ang nandito dahil abala pa ang mga ito sa paghahanda para sa patimpalak na mangyayari maya-maya lang, ngunit makikita talaga sa mata ng mga manonood ang pagkakamangha at hindi makapaniwala sa nakikita.
They proved that impossible is just a word, and you can actually show it.
"Well...well...well, job well done Mr. Madigan"
"No, I'm not done yet..." Sambit ko naman sa gurong lumapit sa'kin na mukhang alipunga.
Kung may hindi man ako nagustuhan sa mundong ito, ito ay ang babae na'to at pati na rin ang ibang mga kasamahan niya.
Hindi ko alam kung bakit ako naiirita sa kanila, I can't explain, basta parang tumataas ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nila. Maliban sa marumi nilang pagpatakbo sa unibersidad na'to, I just hate them for who they are.
"Oh I forgot, ikaw pala ang host for this event. Oh siya mauna na ako, goodluck then!" Huling sambit pa nito bago tumalikod.
Yes, she's right. I'm the one hosting this event. Hindi naman ako nag-volunteer, pero ako lang ang pinili nila dahil maliban sa meron daw akong lakas na loob na humarap sa maraming tao—at sinong may sabi ha!
Sinong may sabi na Extrovert akong tao? Halata naman siguro na nanginginig ang kamay ko kahit studyante ko lang iyong kaharap ko, paano na kaya ngayon na buong mag-aaral at lahat ng mga executive staff ay manonood?
Parang may sayad ata sila sa utak eh, ako na nga 'yung nag-donate ng budget para rito sa event na'to tapos ako pa 'yung magiging host? Aba, parang sumusubra na ang mga nilalang na'to ah, baka gusto nila na ako na rin ang mag pe-perform tapos ako na rin 'yung mananalo at akin na ang premyo na sa una palang ay galing naman din sa bulsa ko?
Naku lang ha.
Pero maliban daw sa inakala nilang EXTROVERT ako ay magaling din daw talaga ako sa communication. Oh diba! Ayus na ayus ang character build up ko ah.
Sumasabay sa pakiramdam ko ngayon ang excitement at kaba. Excitement na ako 'yung magbibigay daloy ng event, at kaba na baka magkakamali ako.
Habang nag re-review ako ng script na ngayon ay dala-dala ko ay bigla kong napansin na may nakasiksik pala dito na isang-
Pink na papel.
I smiled. When I know that this is from her. This is from the woman I want to be with. I can tell even from its vanilla smell, may amoy ba talaga' 'tong papel na'to o nilalagyan lang niya?
"You can do it, I know you can.." the letter said.
I can't really wait to know and take her to grandma's house right away.
I know this is wrong, I know the romantic relationship between the student and teacher are forbidden, but I believe a person's profession shouldn't determine who they're allowed to love and express their feelings for. Besides, love is a willingness to prioritize another's well-being or happiness above your own.
And it doesn't matter, if you're inlove with other being, as long as it is love, you can't do nothing about it.
Kung gusto mong magmahal ng mas matanda pa sa iyo, why not? Kung gusto mong magmahal ng kaparehong kasarian, why not? Kung gusto mong magmahal ng isang character sa libro, why not? Kung gusto mong magmahal ng hindi tao, why not! Kung gusto mong magmahal ng may opposite relegion, why not?
At kung hindi mo magagawa ang bagay na 'yun dahil something is stopping you from doing it, let's say your parents. Best example. Always remember that even they are the one who give you birth and raised you, let's get real here, they were not present on your last breath in living this world and on the day you were alone.
Hindi ka makakahingi ng tulong o aasa ng mga payo kung ikaw nalang mag-isa.
'Yung point ko dito ay, learn to decide on your own. Not all the times, the good was right. Not all the times elders words are the right path to follow.
And if age doesn't matter in love, it will also not depend on profession or our position if you're really inlove.
You can love whoever you want as long as you did nothing wrong.
Kaunti nalang at magsisimula na ang event, nandito na ako ngayon sa likod ng malalaking kurtina na kaunti nalang at magbubukas na ito at mahaharap ko na ang libo-libong manonood.
Mga manonood na may pak-pak, may buntot, may sungay, may kaliskis, may malalagong buhok sa buong katawan, may katawan ng hayop, may maraming mata at marami pang iba ang nandito para makitawa, makisaya at maki-iyak.
Nakikita rito na kahit anong lahi man ang meron ka, hindi kayo nagkakalayo, besides, you have the same goal and this is to breath in the same air, to live in the same sun and to stay alive.
Kahit kinakabahan ay napapanitili ko pa rin ang malawak kong ngiti. Nasa likod ko na rin ang mga contestant at abala pa rin ang mga 'to sa kanilang ipanglalaban mamaya.
Matatanaw ko rin mula sa kinakatayuan ko si Savannah. She's wearing a dramatic black dress dala-dala ang mga gagamitin nitong props, she seems nervous pero tulad ko suot pa rin nito ang malawak na ngiti na para bang ipinapakita nito na hindi siya nagpapadala sa kaba.
Kaba is just a word which prevents us from doing the task we are about to do.
And If she can do it, well, I guess I can do this too.
"A wonderful day Maximus Vice University! Today..."
_____
Third person's Pov
"What an imbecile people they are. Wala namang kwenta 'tong event event na 'to. Only stupid people will enjoy this stupid event." Galit at naiinis na sabi ng isang babae sa kanyang isipan. Habang naka pameywang at inuuyug-uyug ang kaliwang paa nito.
"Today we're going to witness the most talented and awaited performance of our selected unique students in different level..." Masigla namang buwelta ng host na si Reycepaz sa libo-libong manonood.
Kahit kinakabahan ay talagang hindi niya ito ipinapahalata.
Malakas ang hiyaw nito na tila ba ay hindi halata sa kanyang kamay na siya ay nanginginig sa kaba na kaharap ang maraming tao.
Habang nagsasalita si Reycepaz, nasa kanya lahat ang mata ng mga tao, lalo na ang isang babae na tila ba ay ayaw si Reycepaz.
"Pasalamat silang lahat dahil medyo may ka buhay-buhay ang patimpalak na'to dahil sa kaniya, pero hindi pa rin magbabago ang paningin ko dito. If I have a list of disgusting things I've witness in my life? No doubt this is on the top of my list." The girl said while she rolled her eyes, she tries to hide it so that other people will not notice her that she hate this kind of stuffs.
Kung pwede lang talaga itong umalis ay kanina pa siguro hindi matatanaw ang kaniyang espiritu dito. Unfortunately, she have responsibility and she just need too.
"And now for the first contestant, from Great Warrior Panther, Grade 12 STEM!"
Isa-isa nang tinawag ang mga contestant at nagpakitang gilas sa mga talentong meron sila, may nag-flamethrower, magic, acting, kanta, sayaw at marami pang iba.
Tawa, palakpak, hiyaw ang bumabalot sa buong gymnasium, ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin at naging seryoso ang mga mukha nila ng tinawag na ang panghuling contestant.
Basta raw huling lalaban siya ang tatalo sa mga kalaban. Let's see if that quote was really true.
"Take your deep breath and let us all welcome and give around of applause in last but not the least, Ms. Savannah Alfonso!" Sigaw ni Reycepaz nang tinawag na nito ang kanyang studyante na magpe-present.
Unti-unti ng lumabas si Savannah habang hawak nito ang instrumentong ukelele, umupo ito sa upuan na gawa sa kawayan na nasa gitna ng stage.
At first, the place was so simple and blunt pero, bigla nalang nag-iba ito ng isa-isa nag silabasan ang mga kasamahan nito. No one didn't expect na may pasabog pala ito, bigla nalang kasing sumulpot ang iba't ibang kasama nito habang bitbit ang kanilang mga instrumento.
Simula sa pianista, harp, drums, saxophone, flute at marami pang iba.
Napuno rin ng bulung-bulungan ang paligid, kahit ang mga hurado ay napabulong sa kanilang kapwa hurado dahil sa pagtataka.
Kahit sino ay talagang magtataka at mapamangha na tila ba ay kahit hindi pa sila nagsimulang magpatugtog ay tumataas na ang kani-kanilang mga balahibo sa katawan.
Kung feel mo? you really got my point.
'Yung feeling na alam mo na maganda ang performance dahil sa hindi lang maraming nagsisilabasan na hindi mo akalain, dahil kahit ang ambiance ng lugar ay talagang pinaghahandaan.
Pinatay rin ang lahat ng ilaw at Isang ilaw lang ang tinira na ito naman ay nakatutok lang kay Savannah.
A moment of silence has begun when Savannah start strumming her Ukelele. Every chord she throws with her fingers is accompanied by the blowing of cold air from the window of the gymnasium.
Makikita rin sa mukha ng mga manonood na ramdam nila ang napakalamig na musika na pumapasok sa kanilang mga tainga. Lalo na at unti-unti ng sumabay ang mga kasamahan nito sa kanyang pagtugtog.
Kahit wala pang liriko ay para bang may sarili na itong lenghawe na maiintindihan mo ang ibig ipinapahiwatig. Para bang dinadala ka sa ibang planeta, o sa ma-alamat na mundong puno ng mahika. Tila ba ay isinasayaw ka sa mga ulap na nagpa-alon-alon. Kahit saan ka man titingin, makikita mo talaga ang mga mata ng taong nandito na ngayon ay nagluluha.
Para bang pilit kang sinasaktan ng musika at sinasabi nito ang lahat ng bagay na tiyak na magpapaiyak sa'yo.
Walang nagmamahal sa'yo, mas mataba ka pa sa inaheng baboy, mas maliit ka pa sa gasul na meron sa bahay, ang panget mo na para kang ipinaglihi sa kalderong butas-butas, wala kang talento, pabigat ka lang, wala kang kwenta, kumakanta ka nga pero ang panget naman ng boses mo, sumasayaw ka nga pero para ka namang lamok, walang mangliligaw sa'yo, napakarumi mo, you don't deserve to be love, 'yan at marami pang ibang masasakit na salita na para bang ipinahiwatig ng tunog na maririnig mo sa nagpe-perform. Kahit hindi naman ito ang lyriko.
Kung kanina napuno ng bulung-bulungan ang paligid, ngayon naman ay napuno ng singhot na halatang lahat ay umiiyak kahit hindi naman sila inaano.
Mabuti nalang at meron itong katapusan sapagkat, kung wala itong tigil sa pagperform sigurado na wala ring balak na tumigil sa pag-iyak ang lahat ng manonood. Baka ito ang magiging dahilan ng baha rito sa gymnasium.
Napaka overacting, pero, I mean it, talagang walang sino man ang hindi umiyak sa performance na ibinahagi ni Savannah. Nagmimistula siyang anghel na nagpatugtog ng harp sa ulap.
After a while, all the contestants done showing their talents to the audience, then there was a slight intermission number before the winners were announced by Reycepaz.
They were right, na tulad ng kwento na sa wakas ang pinaka-abang-abangan ng lahat, dahil ito ang parte ng kwento kung saan lahat ay magtatapos.
"Congratulations Savannah!" Huling maririnig na sigaw ni Reycepaz bago tuluyang napuno ng hiyaw, palakpak, sipol at marami pang iba ang venue, dahilan ng pagpigil ng pagdaloy ng mga salita papunta sa iyong mga tainga.
"You did a great job and you bring the crown-but still I don't fucking care and my mind will still the same, I still don't like this stupid university and people!"
Huling sambit nito sa sarili habang matalim ang tingin niya kay Reycepaz na tila ba ay gustong-gusto na niya itong patayin. Para bang ang mga mata niya na dapat ay masaya sa mga nangyayari ay bigla nalang naging mapangahas at para bang sinasaniban.
_________
Last date updated: April 29, 2022
Last update I: 10/01/22