Tải xuống ứng dụng
50% Grace and Aces (Filipino) / Chapter 55: (Labyrinth Incident Arc) Chapter 54 - Xebec Petrini And Nervoz Winter

Chương 55: (Labyrinth Incident Arc) Chapter 54 - Xebec Petrini And Nervoz Winter

Third-person Point Of View

*Flashback*

19 years ago...

Sinugod ng World Conquerors Familia ang isang bayan na sagana sa pagtubo ng mga halaman na siyang ginagamit na  sangkap sa paggawa ng mga ilegal na droga. Sa utos ng boss ng organisasyon, si Nervoz Winter ang executive na sumama sa mga miyembro para sa misyon na gawing kapitolyo ng kanilang organisasyon ang bayan sa pagkuha ng mga halaman para maiproseso, maging droga at maibenta sa mga kliyenteng Noble's at Royalties na siyang nagbibigay ng yaman sa organisasyon.

Ang bayan na kanilang sinugod ay ang bayan ng 'Weed' na matatagpuan sa Altersun Region, isang neighboring Region ng Mavery Region. Matatagpuan sa bayan ang maraming bilang ng mga  halamang, Opium poppy, Peyote, Salvia, Cannabis, Ayahuasca, Betel nut, Tobacco, at Jimsonweed.

Dahil sagana sa mga halaman na mga ito, agresibo at mataas ang tama ng ilang mga residente ng bayan, kaya naman binansagan din itong 'High Town'. Lumaban ang mga mamamayan sa World Conquerors Familia dahil para sa kanila, ang mga halaman na mayroon sila ay sa kanila at sila lang ang maaaring makinabang. Sa pagpapakilala nina Nervoz bilang isang 'Pharmaceutical Scientists Organization' ay mas lalo na nagalit ang mga mamamayan sa kanila kaya naman nagkagulo.

Sa sobrang tapang at kompiyansa ng mga wala sa sarileng mga mamamayan ay hindi sila natakot na hinarap ang World Conquerors Familia. Kung saan madali silang natalo ng mga ito at napaslang.

Kahit na sa bingit ng kamatayan, ang iba ay mga masaya parin at malakas na tumawa dahil sa epekto ng mga halaman na kanilang ipinasok sa kanilang katawan.

"Hello!" Tinawagan ni Nervoz agad gamit ang 'Contact Orb' ang boss ng organisasyon dahil sa hindi inaasahan na pangyayari.

Sumagot naman ito. "What's the matter? You reported early."

"Unexpected event. The high people of this city challenge us because they are not willing to do as our organization wants. No citizen in this city is alive...so, let's just make this our 'Drug Den'." Matapos mag-ulat ay tinapos agad ni Nervoz ang kaniyang pagtawag sa kaniyang boss.

Tumingin siya sa mga tauhan niyang bumubunot ng mga nasabing halaman na kahit saan sa bayan ay nakatanim at kaagad kinain ang mga ito.

(I'm not going to become like these bunch of nobodies. World Conquerors Familia is ass, it's not the organization that I want to join. Everyone in there is shit and a useless being...they easily influenced my sworn brother Celestial and now is becoming an absolute scum. This is not the kind of world I am willing to witness at ease. In this world of Magic where somewhere in this world, a beast is existing and I'm not the same beast to be able to stop them and make them abide my rules of no violence and evil. That kind of world I promised my step sister that I will create is far as the world I'm aming to come to. I'll just follow for now, as I keep on getting stronger...I will be the one who will destroy World Conquerors Familia shit.) Sabi ni Nervoz sa kaniyang sarile. Kalaunan ay tumalikod siya sa mga tauhan niya at tumalon sa bubungan ng isang gusali.

"You better bury the corpse of the townspeople we killed...you idiots also must prepare and make the building for the drug factory or else, the boss will murder us." Anunsyo niya sa mga tauhan na hindi narinig ang kaniyang sinabi dahil abala ang mga ito sa kanilang pagpapasarap. "I told you so no regrets later..." Mahinang sabi ni Nervoz.

Inihiga niya ang kaniyang sarile at umidlip. Napasobra ito kaya naman, sa kaniyang paggising ay malalim na ang gabi. Nagulat siya sa pagmulat ng kaniyang mata ay maraming apoy ang nagliliyab sa lugar at mga pagsabog na magkasunod-sunod ang kaniyang naririnig. Marami sigawan din ang narinig nito. Kaya naman agad siyang bumangon.

Iginala niya ang kaniyang mata at nakita ang mas dumami pang mga bangkay, bangkay ng mga mamamayan at ng kaniyang mga tauhan.

Ang lugar sa labas ng bayan ay nasusunog din, aabot sa 10 kilometro sa labas palibot ng Weed City ang sinunog ng mga dumating na mga Imperial Knights at ilang mga Adventurers sa utos ng Emperor na pinatawan ng parusa ang bayan sa mga paglabas ng mga mamamayan sa ordinansang bawal gumamit, magbenta at magtanim ng mga halamang ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga. Ilang beses na ding pinagbantaan ng Weed City ang Palkia City na aatakihin nila ito para wasaking ang Imperial Palace kapag hindi tumigil ang Emperador sa pangingialam sa kanila.

"It's an absolute execution." Sabi ni Nervoz sa hangin ng kaniyang maunawaan ang nangyayari.

May mga Imperial Knights ang nakapansin sa kaniya kaya inatake siya agad ng mga ito. Hindi naman naapektuhan sa mga atake na ginawa sa kaniya si Nervoz.

Dahil wala ng mapapakinabangan na mga halaman ang World Conquerors Familia sa lugar, wala ng dahilan para siya ay manatili pa rito. Tumalon-talon siya sa mga bubungan paalis sa Weed City na nilalamon ng apoy.

(They prepared well for such attack. Nagkataon pang sa parehong araw na umatake kami sila sumugod dito.) Sabi sa sarile ni Nervoz na tuluyan ng nakalabas sa Weed City ngunit natigilan ng mayroong humarang sa kaniyang daan na isang lalaki.

Ang lalaking ito ay isang Adventurer, hindi lang isang normal na Adventurer. Isa siya sa 'Dark Triad', ang tatlong pinakamalakas na mga Rookie Adventurers na pambato ng Guild. Siya si Xebec Petrini, kilala din sa tawag na 'Terror Machiavellian' ng mga gangsters na kaniyang naging mga biktima.

Mayroon siyang kulay pulang tuwid na buhok. Mabilog na almendras na pulang mata. Pulang pilikmata. Pulang makapal na mataas na arko na kilay. Matangos ang ilong. Maputlang nakalaylay na labi. Baligtad-tatsulok na hugis ulo. Warm beige na kulay ng balat. 6'0 feet ang height niya.

"What an amazing pressure I'm feeling..." Pabulong na sabi ni Nervoz na kaniyang reaksyon nang makita si Xebec. (I've seen that face before, if I'm not mistaken that was on a newspaper...ah, that's right, this bastard is one of those 'Dark Triad', the rising stars of Guild.)

"Excuse me, saan mo balak pumunta? May gusto lang akong itanong sayo." Sabi ni Xebec Petrini nang may matamis na ngite kay Nervoz.

"Wala akong panahon para sagutin ang tanong mo." Inis na sabi naman agad ni Nervoz na nag-activate agad ng kaniyang magic. Naging isang high-tech na kanyon ang kaniyang kanang kamay. "Mamatay kana. Atomic Buster!" Isang malakas na enerhiya ang lumabas sa kanyon at sumugod kay Xebec Petrini.

"Short tempered aren't we? I'm also the same!!" Pumikit si Xebec matapos magsalita. At sa kaniyang pagdilat sa mga ito ay, "Time Manipulation, Stopping Cube." Nagpalabas ng isang cube na gawa sa enerhiya na kulay silver na medyo transparent si Xebec. Lumutang ito sa ibabaw ng kaniyang kanang palad. May sukat na 15 cubic centimeters ang kaniyang cube na ginawa.

Sa paglapit ng enerhiya na pinakawalan ni Nervoz ay ibinato dito ni Xebec ang cube niyang pinalabas. Sa pagtama ng cube sa enerhiya ay tumigil ito sa ere na siyang labis na ikinabigla ni Nervoz.

"T-time Manipulation Magic? TSK!" Nagpalabas si Nervoz ng mga jetpack sa kaniyang likuran. Akmang lilipas na siya ng bigla na lamang sumulpot sa kaniyang harapan si Xebec na hinawakan ang lupa na kanilang tinatapakan. Nagliwanag ito at nagkaroon ng isang hologram na orasan sa lupa na tinatapakan nila. Dahil dito ay hindi na nagawa ni Nervoz na makagalaw.

"Pasensya kana, kailangan mong sagutin ang mga tanong ko, World Conquerors Familia member." Sabi ni Xebec sa kaniya.

"W-walang hiya ka, anong ginawa mo!!" Tanong ni Nervoz. Tanging ang kaniyang mga mata at bibig lamang ang kaniyang naigagalaw.

"I used 'Location Each Time', basically, all the possibilities of me going to different areas of this place is high, I chose the area near you, and I leap through time to go there fast. Then afterwards, I used 'Stop Clock' to be able to stop you from moving. Satisfied with my explanation?" Paliwanag ni Xebec na siyang mas lalong ikinainis ni Nervoz.

"I'll break this spell you'll see!!"

"No you won't!" Madiin na sabi naman ni Xebec. I can even freeze the mana flow from your body. You're basically a living statue now."  Saad ni Xebec. "Bago ko simulan ang mga tanong ko, I'll deal with this shitty place first."

Dumistansya ng kaunti si Xebec kay Nervoz. Naramdaman ni Nervoz ang paglakas ng aura ni Xebec. Gumamit ito ng malakas na pwersa ng mana at nag-activate ng spell. "Time Manipulation Magic, Time Zone, Fast Forward." Bigkas ni Xebec sa kaniyang spell.

Lumabas mula sa kaniyang katawan ang isang cube kagaya kanina na kaniyang ginamit sa pagpatigil sa enerhiya na pinakawalan ni Nervoz. Unti-unting lumaki ang cube na lumipad patungo sa gitna ng bayan ng Weed. Lumaki ng husto ang cube na umabot hanggang sa 10 kilometro sa labas ng bayan. Hindi nagtagal, ang malaking lagablab ng apoy ay natupok at naabo ang mga bagay-bagay na nasunog. Maging ang bayan ng Weed ay tuluyan na nawasak at ang mga gusali ay naging katulad ng mga ancient ruins dahil sa sobrang luma ng naging itsura ng mga ito at nagkasira-sira.

Sa pangalawang pagkakataon sa buhay ni Nervoz, nakaramdam siya ng takot at nawalan ng lakas ng loob na pumalag. Natakot siya nang husto sa Magic na mayroon si Xebec at kung paano ito gamitin ni Xebec ng perpekto.

*****

Matapos tanungin ni Xebec ng maraming katanungan si Nervoz na sinagot nito, pinakawalan siya ni Xebec. Hindi makapaniwala si Nervoz na binuhay pa siya nito at inalok pang makipag-inuman sa kaniya...

Walang dahilan para si Nervoz ay tumanggi dahil siya ang talo at natakot sa paghaharap nila ni Xebec.

Kaya naman, naginuman silang dalawa na para bang matagal na silang magkakilala at magkaibigan.

"Makinig ka sa akin Nervoz, hindi mo kailangan magkunwari na panig ka sa World Conquerors Familia dahil balang araw, mabubulgar at mabubulgar ang lihim mo sa kanila huwag mong kakalimutan." Payo ni Xebec kay Nervoz. Ilang baso pa lang ang nainom nito ay namula na nang husto ang mukha.

"Nalaman moba gamit ang magic mo?" Tanong ni Nervoz sa tumango sa kaniyang si Xebec na uminom ulit ng alak. Bumuntonghininga si Nervoz at tumingin sa kaniyang baso na mayroon pang kalahati ng alak na nakalagay. "Wala akong pagpipilian. Malakas ang mga miyembro na mayroon ang World Conquerors Familia. Tatlo na sa kanila ang Arcane Stage, kabilang sa tatlong iyon ang boss...kapag sumuway ako, patay ako. Ayokong mamatay nang hindi man lang nakakamtan ang mga pangarap na mayroon ako sa buhay. I don't know when will I fucking get to Arcane Stage it's been 2 years since I achieved Stage 0 Rank."

"Don't be so hasty... considering the mana you have, I can feel that you will soon become Arcane Stage. Hindi naman kasi dali-daling mararating ang Arcane Stage Rank dahil kahit na maaga kang makarating sa Stage 0, ilang taon ang hihintayin mo at gugugulin na pagsasanay para maging Arcane Stage Rank Magus. Pero Nervoz, hindi iyon sapat na rason para maging tuta ka ng World Conquerors Familia. Your dream is big right? Mas mahihirapan kang makuha ang pangarap na iyon kung kakampi ka sa masama at siyempre, gagawa ka ng hindi mabuti."

"I don't know man, I just fear the boss of World Conquerors Familia, that is why, I'm sticking with it...a strong person like you, won't gonna be able to deal with that beast too."

"Malamang. Stage 0 lang ako. But just wait, someone will kick your boss' ass. Masyado nang maraming kasalanan ang ginawa ng World Conquerors Familia sa pamilya ng taong ito. Ang mga malalapit niyang kapamilya, pinaslang ng World Conquerors Familia dahil sa takot nila sa kakayahan na mayroon sila. Kabilang kasi sila sa 'Enigmatic Human Tribe' at siyempre, kabilang din sila sa '9 Great Clans'."

"Seryoso? Talaga ngan nakakatakot sila kung ganon?"

"That's not a reason to target them. World Conquerors Familia is pure evil that are afraid of potential rivals."

"Yeah sure. The boss has a big ambition of conquering the whole Elementacia." Sa sinabi na ito ni Nervoz ay tumawa si Xebec.

"Hindi iyon mangyayari. Because she's around. Maaaring hindi ko mapigilan ang World Conquerors Familia, pero siya magagawa niya iyon." Kampante na sabi ni Xebec. "Pamilyar ka sa 'Dark Triad'?"

"Oo naman. Isa ka sa kanila."

"Haha...isa sa amin ay babae at siyang pinaka-delikado sa aming tatlong miyembro ng 'Dark Triad'. The 'Berserking Psychopath'. She's probably stronger than me right now and if my hope is not going to disappoint me, she will surely become Arcane Stage."

"I don't want to meet someone like that...now that I saw what you can do, I'm starting to feel chill just by hearing the word 'psychopath'."

"Yeah!! She's scary as hell...by the way, she's also my girlfriend."

"Eh...? You're not just bragging are you?"

"Hell no."

*****

Matapos maginuman ang dalawa, naging malapit silang magkaibigan. Palihim na tinutulungan ni Nervoz si Xebec sa pagbabagsak sa World Conquerors Familia.

Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon si Xebec at Nervoz ng pagkakataon na pabagsakin ang number 2 ng organisasyon, hindi sila nag-aksaya ng panahon.

12 years ago, sinalakay nina Xebec at Nervoz ang lugar kung saan nag-iinspection ang number 2 ng World Conquerors Familia sa isang pagawaan ng armas ng organisasyon.

Nagawang matalo nina Xebec at Nervoz ang number 2 ng World Conquerors Familia na pareho sa kanila na isang Stage 0 Magus subalit, naiwang sugatan ang dalawa. Hindi din napansin ni Nervoz na siya ay nasalisihan ng kaniyang tinuring na kapatid.

Nakipag-kuntsaba si Celestial Mañokaw kay Farezona para matanggal sa pwesto ang number 2 ng World Conquerors Familia. Nagkataon na nalaman ni Celestial ang palihim na ginagawang pagtataksil ni Nervoz. Imbis na iulat ito sa boss, ginawa nila itong daan upang hindi nila direktang paslangin ang number 2. Sinadya nilang ipa-inspection sa number 2 ang lugar para doon makipaglaban si Nervoz nang hindi nalalaman ng boss.

Nagulat si Nervoz sa ginawa ni Celestial. Dahil sugatan na silang pareho ni Xebec at isang Arcane Stage Rank Magus si Farezona, wala na silang kawala, sa lugar na sila mamamatay.

Subalit hindi ganon ang nangyari. Sinugatan ni Farezona ng malubha si Xebec. Humilata lang sa lupa si Xebec samantalang si Nervoz ay binugbog nina Farezona at Celestial. Upang hindi makahalata ang boss sa ginawang pagtataksil ni Nervoz, inulat ng dalawa na natimbrihan ni Nervoz ang balak ng Guild at napatay ang isa sa pinakamalakas nilang Magus upang manatili paring miyembro at hindi maparusahan si Nervoz, bilang kapalit, iaalay ni Nervoz ang kaniyang buhay kay Farezona pagdating ng araw na mag-aklas sila at paslangin ang boss, na kanilang ginawa dalawang taon ang lumipas. At sa paglipas lamang ng dalawang taon, naabot ni Nervoz ang Arcane Stage Rank.

*****

10 years ago...

Isang buwan ang lumipas matapos nilang paslangin ang pangalawa sa pinakamalakas na Mchavoc, si Rox Mchavoc at matapos ding paslangin nina Haruchiyo at Star si Mary Mchavoc, ang pinaka-malakas na Mchavoc.

Sa pagkawala ng mga sagabal, isinagawa ang planong pagpaslang sa boss. Pitong executive laban sa isa, na nagresulta sa pagkamatay ng boss at ng dalawang executive habang ang lima naman ay bumuo ng sarile nilang kaniya-kaniyang mga organisasyon. Tinangay nila ang mga hawak na compass piece, kung saan lima sa mga ito ay hawak ng organisasyon subalit nagawang manakaw ni Haruchiyo ang isa at ibinigay kay Star.

Sa kanilang lima, si Celestial lamang ang walang nakuhang compass piece subalit nakuha naman ang pinaka-malakas na kanang kamay na si Ringo, na sa paglipas ng mga taon, si Ringo ang pinaka-malakas na kanang kamay sa lahat ng mga kanang kamay mayroon ang '5 Dons'.

Habang si Nervoz naman ay ipinagpatuloy ang kaniyang pagtupad sa pangarap na nais makamit ngunit tuluyan na niyang niyakap ang kasamaan at gagawin ang lahat para makamit ang kaniyang pangarap.

*End Of Flashback*

Itutuloy.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C55
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập