Someone's Point Of View
"I've located from where the signal was coming from, Boss." Ulat sa akin ng isang tauhan.
"Good. Where? " Masaya akong nagtanong.
"In an abandoned City at Kanto Region called Uzbane."
"Great. Let's go there immediately." Anunsyo ko. "Let the others know. We will get that 'Compass Piece' no matter what, for us to absolutely acquire the 'Giftia' to conquer this continent."
*****
Shannon Pretini Point Of View
Isang magandang araw ngayon. Sabado ngayon, at magkikita kami ni Rialyn para kunin ang Uniform ng Gang niya sa Sewing Shop.
Mabilis kong ginawa ang mga morning rituals ko at nagtungo sa lugar kung saan ako pumayag na makipagkita kay Rialyn. Pagdating ko sa harap ng 'Castera Bakery', isang bakery na may masarap na tinapay na binibili ni South tuwing uuwi siya at ireregalo sa akin, doon kami nagkita, nakita ko si Rialyn na naghihintay sa akin.
'Royalties do know how to dress themselves' ang nasabi ko sa isip ko bilang reaksyon ko sa suot niya. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang damit.
Mayroon pa siyang cap na may puting laso na nakatali bilang isang disenyo na isinusuot sa kanyang ulo. Nakasuot ng puting gloves ang dalawang kamay niya mula daliri hanggang siko. Nakasuot din siya ng black high boots, tugma sa kanyang pulang damit.
"I'm here. Matagal ka bang naghintay?" Tanong ko kaagad sa kanya nang makalapit ako.
"It's been ages since the last time I wore a outfit like this. Matagal na akong hindi nakakalakad ng tahimik." Masigla ngunit may bakas ng pagkahiya sa boses niya, sabi niya sa akin. "You're early for 10 minutes. Hindi ko naman talaga masasabi yun diba? Kanina pa ako nakapunta dito. At saka, I am genuinely excited to have my Gangster Uniform. " Matamis ang ngiti na sinabi niya sa akin.
"Rialyn. You're cute. " I hugged her tight to the point that she could hardly breathe. "I won't hand you over any dirty men." I protest. She patted my back because she was having a hard time breathing.
I immediately broke up with her.
She caught his breath immediately.
"Are you attempting to kill me, Shannon?" She asked me. "Another one, it's really creepy, you said cheesy words, but your poker face remained." Dagdag niya na parang isang palasong pumana sa puso ko.
"Ouch. You don't have to say that." I said softly to her. "Don't hurt my gentle feelings."
"Haha. Sorry."
(Tumawa ka lang, deserve mo maging masaya, Rialyn.) Sabi ko sa sarile ko.
"Anyways, kumain kana ba Shannon?" Biglang tanong niya sa akin.
Tumango naman ako.
"Edi, Pumunta na tayo sa sewing shop. I'm really excited. This is the first time I hang out with you, so we will do a date after we give the design of the gangster uniform of 'Havoc Gang' that you will wear."
"Creepy. Shannon, please attempt to smile whenever you're saying something good. " Sabi niya naman na may nakikiusap na tinig sa akin.
"Ayoko nga, ngingiti lang ako kung nararapat. Depende sa sitwasyon." Saad ko.
She let out a sigh. "Fine. I figured out you'll say that. " Sabi niya. "Tara na." Pagaya niya at siya mismo ang nagturo sa daan papunta sa sewing shop.
"You really look good." Papuri ko sa kaniya saka ako ngumite.
"You're smiling now... you're really weird, Shannon."
"Shut up, let's go." Reklamo ko sa kaniya.
Nagpunta kaming dalawa sa sewing shop.
Maswerte kami dahil walang customer kaya agad kaming inasikaso ng mananahi na isang matandang babae. I think nasa late 60s na si lola base sa balat at kulubot sa mukha.
Nakuha ko ang mga disenyo ng Gang Uniform na iginuhit sa maraming papel base sa iba't ibang anggulo na makikita ang Uniform at ibinigay ito kay lola.
"Ayos naman ang Uniform na ito. Ang problema lang, girls, sigurado ba kayo na magiging Gangster kayo?" Hindi kami kumbinsido sa sinasabi ng mananahi. "Alam mo, hinaharass sila ng mga Hari ng mga bayan kung saan mayroong Hideout of Gangs kasama ang kanilang mga tauhan ng Magic Knights. Kung hindi magtagumpay ang Magic Knights, kumukuha sila ng Imperial Knights. Kapag naging tinik ka na ng ang Imperyo, hahabulin ka ng mga Adventurer."
"Lola, we're very sure on what we will do. We will not be Gangster, like the Gangster who commit unforgivable crimes. We will be Gangster who will bring Real Justice, not Absolute Justice. " sabi ko sa imburnal na lola noon. ngumiti kaplastikan like.
"Alam mo ba kung ano ang 'Tunay na Katarungan', bata? Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa ating Imperyo?"
(Yeah. Pretty much. I know what are the downsides of this Empire in the current and past era's. I'll create a Gang to protect everyone and the Giftia away from the hands of that Organization.) Sabi ko sa sarili ko.
Tinanggap ng lola ng imburnal ang aming kahilingan, at pagkatapos ay kinuha niya ang mga sukat ni Rialyn.
Sinabi niya na ang Uniform ay magiging handa sa loob ng 2 araw. Nagbayad kami kay lola ng 800 Gilden para sa tela, sinulid, at oras ng pananahi niya. Nakakapagod ang negosyo sa pananahi, pero para sa akin hindi patas ang bayad.
Pagkaalis namin ni Rialyn sa Sewing Shop, nag-date kami.
Since lunch time na, pumasok muna kami sa isang cake restaurant. Grabe, malakas kumain ng cake si Rialyn, lalo na yung Strawberry-flavored cake. Ako naman, kalahati lang ng chocolate cake na binili ko ang kinain ko, busog na ako.
"Mahina ka yata kumain ng cake, Shannon?" Tanong niya sa akin habang ngumunguya.
"Lunukin mo muna ang kinakain mo bago magsalita." sabi ko sa kanya nang nakataas ang kilay. "I'm not really into cakes or any other foods except kung kanin or syempre ulam na kakainin."
"Para kang galit sa pagkain. Kaya kapag kumakain ka sa cafeteria, ganyan ka mag-express ng sarili mo."
"Well, sorry about that." sabi ko sa kanya na may kaunting inis sa mga mata ko.
Pagkatapos naming kumain ng cake, naglakad kami ni Rialyn papunta sa isang Fountain Park kung saan maraming Fountain na may iba't ibang disenyo at magagandang isda na lumalangoy. May mga ibang tao na nagtatapon ng pagkain sa mga isda.
"Dito tayo sa wishing fountain, Shannon." Hinila ako ni Rialyn palayo sa panonood ng isda sa isa sa mga fountain.
Dinala niya ako sa pinakamalaking Fountain dito sa Fountain Park, ang Wishing Fountain kung saan itatapon mo sa tubig ang 1 Gilden Coin tapos mag-wish ka with your mind and someday it will come true.
Hindi ko alam yan.
"Magwi-wish ka ba talaga?" Tanong ko na halata sa mukha ni Rialyn na gusto niyang magwish. "Hindi ko na dapat tinanong."
"Wish din, okay?" Sinabi niya sa akin. Inabot niya sa akin ang isang Gilden Coin.
Higit pa rito, naghagis siya ng Gilden Coin sa fountain. Tsaka pumikit siya ng ilang segundo bago siya muling dumilat at ngumiti sa akin. "Come on, wish." She said, nakatingin sa coin na hawak ko.
Nagtaas ako ng kilay. "O-Okay." simpleng sabi ko. Inihagis ko ang gilden coin sa fountain at pumikit. (Ngayon lang, maniniwala ako sa Wishing Fountain mo, Palkia City. Please let me have a successful mission of bringing down World Conquerors Familia, the organization who killed my father, my mother, and my comrades.) Sinabi ko ang aking hiling na aking isipan.
Pagdilat ko. Tumambad sa akin ang curious na mukha ni Rialyn. "Anong hiniling mo?" Tinanong niya ako.
(I knew it. She'll ask.) Sabi ko sa sarili ko. "Gusto ko lang magkaroon ng matagumpay na buhay." I bluff at her.
"Ang babaw naman nang iyong nais." Ngumuso siya. Parang bata. Hindi ko akalain na siya pala ang Rialyn na inakala kong weirdo nang pumasok ako sa Ichi Class Section 5. "Ako nga hiling ko na magbago ang papa ko." Sinabi niya ang wish niya sa akin kahit hindi ko naman tinatanong.
"Medyo malalim iyon kumpara sa akin." sabi ko sa kanya na medyo malungkot ang tono.
"Don't worry Shannon. That's nothing. Don't take it seriously, there's nothing wrong-serious going between my dad and I..." Agad niyang paliwanag sa akin.
Kaya lang, hindi maganda ang relasyon nila ng papa niya, kaya naman hiniling niya na sana magbago ang papa niya.
"Tara sa ibang lugar... Nakakatuwang mamasyal at mag-wish dito... Nakakapagod na ngayon..." mungkahi ko.
Masaya siyang tumango, at lumabas na kami ng Fountain Park.
"Saan tayo sunod?" Nagtataka niyang tanong.
"Paano kung pumunta tayo sa isang arm wrestling match at sumali para lumaban at manalo ng mga papremyo?"
"Iyon ay isang bagay na kadalasang ginagawa ng mga lalaki lamang. I'm a woman for goodness sake para pumatol sa pakikipagbuno sa braso. " Seryosong sabi niya sa akin. Malinaw niya na pagtanggi sa sinabi ko.
"Kung gayon saan tayo pupunta?" Tinanong ko ngayon kung saan pupunta ang susunod.
"Kahit ako hindi ko alam." Malungkot niyang sagot sa akin.
"Bakit hindi bumili ng protection charm para sa gang natin?" Sabi ko.
Nanlaki ang mata niya at ngumiti sa akin. "Magandang ideya iyon, Shannon." Masayang sabi niya sa akin. "Gawin natin yan." Hinawakan niya ang wrist ko at tumakbo.
"Kumalma ka, Rialyn." kinakabahan kong sabi dahil sobrang bilis talaga niyang tumakbo habang hawak ako sa may pulsuhan.
Nakarating kami sa isang 'Item Shop'. Naghanap kami ng mga protection charm. Higit pa rito, hindi kami nahirapan sa pagpili ng anting-anting na binili namin.
"Hahawakan mo 'yan, tanda ng responsibilidad mo bilang vice-president." Seryosong sabi ko sa kanya.
Hawak ni Rialyn ang protection charm na nakabalot sa pulang tela, na may nakasulat na 'Honor of Protection' sa harapan. Ang mga nilalaman nito ay walang halaga, manipis na mga cards na pwedeng sulatan ng kahit ano.
"Ako na ang bahala. I'll appreciate this charm, patunay na magiging magandang organisasyon ang Havoc Gang, Miss President." Seryosong sabi rin ni Rialyn sa akin.
Na-touch ako sa sinabi niya sa akin.
"Don't worry, I'm with you. Syempre makakasama mo rin yung dalawang tanga." Siniguro ko sa kanya.
"Gusto ko talagang makilala ang dalawa pang miyembro ng Havoc Gang sa lalong madaling panahon."
"Kahit mahihirapan tayo in the future, we will work together to overcome the trials we will be facing. Ganyan tayo bilang Gang... Don't worry, hindi ka na magugulat kapag nakilala mo yung dalawang ibang mga miyembro."
"Nagkakaroon tayo ng dramatikong eksena, Shannon." Agad akong nag-pout pagkatapos niyang kontrahin ang sinabi ko.
"You dummy..." Medyo inis na sabi ko.
Tumawa siya. "Wag kang mag pout, ang cute mo."
Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo niya akong tinawanan. "Super cute."
Ugh... asar na asar ako pero masaya din sa isang banda.
Itutuloy.