Third Person Point Of View
Bumangon si Sario matapos tamaan ng mabigat na club na hinampas sa kaniya ni Star.
"You bastard." Sigaw ni Sario kay Star sa galit na naramdaman.
"Bastard ka din." Pabalang na sabi naman ni Star kay Sario.
"The fuck man, you're also Stage 2..... you think you can take me on with you the stronger?" Naghahamon na sabi ni Sario na ikinataas ng kilay ni Star.
(I got the hang of this club.) Sabi naman ni Star sa kaniyang sarile patungkol sa mabigat na club niyang hawak. "Don't worry. I will bring you down!" Kampante na sabi ni Star kay Sario.
"Barrier Wall." Gumawa ng pader na gawa barrier si Sario na pinasugod kay Star.
Hinampas ni Star gamit ang club ang barrier. Nagulat siya sa pag-sulpot ni Sario habang pinipigilan niya ang pag-galaw ng barrier wall. Nakabalot ng barrier ang paa ni Sario na siyang ipinangsipa sa tagiliran ni Star.
Nabalibag si Star subalit nabawi niya din agad ang kaniyang balanse. Hindi niya nabitawan ang hawak na club kahit na nabalibag siya.
"That's painful bastard!" Angal ni Star.
"Papatayin kita huwag kang mag-alala." Sabi naman ni Sario. "Sky Tiles" Gumawa siya ng mga Barrier Tiles sa ere. Lahat ng mga ito ay pinagbagsak niya kay Star na inilagan bawat barrier tiles na bumabagsak.
"Lightning Bolt." Nagpakawala ng boltahe ng kidlat si Star kay Sario subalit gumawa lamang ng barrier na bilog kung saan nakapaloob dito si Sario at sinangga ang kidlat.
Patuloy na umilag sa mga bumabagsak na Barrier Tiles si Star.
"This is not easy especially...with that fucking strong magic this guy have. I'm lucky enough that I was able to maintain my former Stage, my magus rank." Sabi ni Star sa hangin habang patuloy sa pag-ilag sa mga tiles na bumabagsak. "I wonder if these remaining 7 high granades will work against his barrier? Wait, I have lightning magic for goodness sake... I'll try using method like that."
Nagtago sa mga gusali si Star upang gawin ang kaniyang naisip gawin. Kalaunan at agad din siyang sumugod sa kinaroroonan ng nakapasok sa barrier nito na si Sario.
"What are you plotting you bastard?" Tanong ni Sario kay Star. Gumawa ng mga poles na gawa sa barrier si Sario at lahat ng mga ito pina-galaw niya at humampas kay Star.
Mabilis umiilag sa mga ito si Star gamit ang kaniyang Lightning Ability at tuluyan na nakalapit kay Sario.
Pinalibutan niya ito at hinulog ang mga high granades na mayroong nakabalot na kidlat sa mga ito.
"Go to hell bastard." Umalis agad si Star sa kinaroroonan ni Sario.
Nagkaroon ng malakas na pag-sabog sa lugar dulot ng mga granada na binalutan ni Star ng kidlat upang sumindi at sumabog ang mga ito.
Matapos ang pagsabog ay nakita ni Star ang parang salamin na nabasag na barrier ni Sario. Nangitim sa pag-sabog at pagkakuryente nito si Sario.
Hindi parin ito nawawalan ng malay, kaya naman sumugod si Star. Binalutan ng natitirang pwersa ng lightning magic niya ang hawak niyang club at hinampas sa ulo nito si Sario.
Bumagsak at bumaon sa lupa ang nabasag nitong ulo.
"Mabuti naman at gumana ang naisip kong gawin." Sabi ni Star sa bangkay ni Sario. "Nasaan na kaya si boss?"
*****
Sa dako naman nina Don Celestial at Team Arsah.....
Patuloy sa paglalaban ang magkabilang panig, pabor kay Don Celestial Mañokaw ang laban.
"Ultimate Scythe!" Gumawa ng malaking Wind Scythe si Arsah at winasiwas kay Don Celestial Mañokaw na sinangga ito gamit ang kaniyang espada.
Nabuwag ang Wind Scythe na ginawa ni Arsah at agad siyang sinugod ni Don Celestial Mañokaw. Nahiwa sa dibdib si Arsah at tumilapon. Sinalo siya ni Marco na dumudugo ang ulo.
Si Mane naman ay sumugod kay Don Celestial Mañokaw kung saan nagcombine sila ni Aimer ng kanilang Ability.
Pinana ni Aimer ang espada ni Mane upang dito bumalot ang kaniyang Elemental Arrow magic.
"Combination Slash." Nakipagsabayan ng talim ng espada si Mane kay Don Celestial Mañokaw. Nadaig ng kaunti si Don Celestial Mañokaw at napabitaw sa kaniyang espada kaya muli siyang sinugod ni Mane.
Akmang hihiwain niya ito sa ulo nang bigla siyang tamaan ng boltahe ng kidlat na malakas. Napaluhod siya sa lupa. "Puta. Nakalimutan ko." Inis na sabi ni Mane sa kaniyang sarile.
Ang nakalapit na si Don Celestial Mañokaw sa kaniya ay sinipa siya ng paa nitong balot ng kidlat. Tumilapon si Mane.
Pinulot muli ni Don Celestial Mañokaw ang kaniyang espada at tumawa nang malakas. "Mukhang nawawalan na nang bisa ang ininom ninyong pills. Mahina na ang mga atake niyo sa akin na ginagawa. Hahahaha.....ang hirap talagang maging Don, walang makakapantay sa lakas namin 'kundi kapwa lang naming Don."
Tumayo ng dahan-dahan si Arsah. "Don't worry. You'll see your match later." Anunsyo ni Arsah kay Don Celestial Mañokaw na kumunot ang noo.
*****
Sa dako naman ni Shannon Petrini.....
⟨⟨Shannon Petrini, let me take over your fucking consciousness. I'll be able to handle those Dons so easily.⟩⟩ Pag-kausap kay Shannon ng isang nilalang na natatakpan ng purong itim na enerhiya.
⟨⟨Tumahimik ka. Hindi iyon mangyayari. Ako ang dapat tumapos sa mga Don, kaya manahimik ka na lamang at manood, Demon.⟩⟩ Katwiran naman agad ni Shannon sa kumausap sa kaniya na tumawa lamang.
⟨⟨You will let me take over that consciousness of yours soon, Mary Mchavoc!!⟩⟩
Biglang nagising si Shannon mula sa kaniyang ilang oras na pahinga na ginawa matapos kalabanin ang Celestial Thieves Troupe.
"Damn annoying Demon, trying to take over my body again." Inis na sabi ni Shannon sa hangin.
Madalas mangyari kay Shannon ang bagay na pag-kausap sa kaniya ng nilalang sa kaniyang isipan.
"I really regret that I accidentally drank that Demon's blood."
Napatingin si Shannon sa kaniyang kanang likurang palad. Nakita niya ang isang bilog na marka rito na nahahati sa siyam na division sa loob ng bilog. Ang bilog ay kulay puti, ngunit ang mga guhit na siyang humahati sa loob ng bilog sa siyam na bahagi ay kulay itim. Kapansinpansin ang isang division sa loob ng bilog na may kulay na violet.
(What the hell is this?) Nagtaka na sabi ni Shannon. Agad niya itong pinahid sa kaniyang damit bakasali na mabura ngunit hindi ito nabura.
Napansin din ni Shannon ang kidlat na pader na pumalibot sa buong bayan ng Uzbane. Sa itaas ng bayan ay nakita din niya ang mga bola ng kidlat na malapit ng sumabog at tumama sa buong bayan na siyang magdudulot nang malaking pinsala sa lugar at kikitil sa buhay nang marami.
Agad bumangon sa kaniyang kinahihigaan si Shannon at mabilis na nagtungo sa Uzbane. Sa kaniyang paglapit sa lightning wall na ginawa ni Don Celestial Mañokaw, hinugot at ginamit ni Shannon ang kaniyang espada na binalutan niya ng Dimensional Slash magic niya at humiwa sa kidlat na pader upang gumawa ng daan papasok sa Uzbane City.
Nakapasok si Shannon nang walang aberya sa Uzbane City.
Sa kaniyang pag-pasok ay aura agad ng mga naglaban sa lugar ang tumambad sa kaniyang pandama.
Tinungo niya ang kinaroroonan ng mga naglalaban dahil galing sa kaniyang kapatid ang isang aura na kaniyang naramdaman sa mga naglalaban.
Nang makarating na siya sa lugar, nakita niya ang isang malawak na mababaw na hukay dulot ng labanan na naganap. Nakita niya din ang kapatid at mga kasama nitong nakahandusay sa lupa.
Akmang pupugutan na ng ulo ni Celestial Mañokaw si Arsah Mchavoc nang sugurin siya ni Shannon. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit na naramdaman.
Winasiwas niya ang binalutan ng malakas na pwersa ng apoy na espada kay Don Celestial Mañokaw. Kumawala at sumabog ang malakas na lagablab ng apoy. Dahilan para dumistansya si Don Celestial Mañokaw at alamin kung sino ang umatake sa kaniya.
Lumuhod malapit sa kapatid si Shannon at hinawakan ito sa kaniyang pisnge. Maraming pasa at sugat sa katawan si Arsah na natamo, lalo na sa kaniyang dibdib na may hiwa at ulo kung saan puno ito ng dugo.
Umubo si Arsah at idinilat ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang haplos ng palad ni Shannon sa kaniyang pisnge. Tinignan niya ang kaniyang nakatatandang kapatid ng may nalulungkot na ekspresyon.
"A-Ate.....p-patawad.....napaka-hina ko pa, para labanan ang isang Arcane Stage. M-Malas na misyon. M-Mukhang n-nasa kamay na niya ang C-Compass P-Piece na inutos sa akin ng Guild Master na kunin dito sa bayan na 'to." Unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ni Arsah. "Ikaw na ang bahala sa kaniya, ate Mary!"
"Mmm....." Tugon ni Shannon sa kapatid na umiiyak. "Leave all the rest to me. Didn't I say we're in this together? Rest well youngest." Tumayo si Shannon, mahigpit na nakahawak sa kaniyang espada at humarap kay Don Celestial Mañokaw na nasa malayong distansya.
Gumawa si Shannon ng Fire Barrier upang protektahan sina Arsah at ang mga kasamahan nito.
Matapos ay tumalon siya para makalapit kay Don Celestial Mañokaw ng ilang metro.
"Quite strong for a woman. The only woman I acknowledge was Don Nova.....this might change my views in life." Si Don Celestial Mañokaw ang unang nagsalita sa kanilang dalawa ni Shannon.
"I don't feel the auras of the other two people I met along with your brother earlier before I abducted him. It looks like they were also killed." Sabi naman ni Shannon kay Don Celestial.
"I see, ikaw ang pumatay sa kapatid ko at kay Ringgo." Humigit si Don Celestial Mañokaw sa kaniyang paghawak sa espada.
Unti-unting nagbago ang kaniyang anyo, naging isang Goblin muli, ang kulay ng balat at itsura ng mukha nito. Namuo ang kulay transparent na enerhiya sa hawak nitong espada.
"Let's see the strength of the one who killed two important people in my life." Naghahamon na sabi ni Don Celestial Mañokaw kay Shannon na diretsong nakatingin sa kaniya mata sa mata.
"You're a monster blood drinker too huh? But it's not good looking to see an 8 footer like you to have the form of a Goblin." Opinyon ni Shannon sa itsura ni Don Celestial Mañokaw ngayon.
"Haha..... I'm a proud member of Giant Human Tribe for being 8 feet. This Ability I got from the Goblin corpse that I drank was perfect. I don't care about what I look." Itinaas ni Don Celestial ang kaniyang kamay na may hawak sa espada. "This Ability will kill you in one slash." Mayabang na sabi nito kay Shannon.
Pinatunog naman ni Shannon ang kaniyang leeg. Binalutan niya din ng transparent na enerhiya ang kaniyang espada na hawak. "Go with the full force of that ability if you're confident enough. Dahil kung hindi, ikaw ang mamamatay." Anunsyo ni Shannon kay Don Celestial Mañokaw.
Mabilis na sumugod si Shannon kay Don Celestial Mañokaw. Mula sa baba ay winasiwas pataas ang kaniyang espada nang malapit na malapit na siya kay Don Celestial Mañokaw. Si Don Celestial Mañokaw naman ay malakas na winasiwas ang kaniyang espada mula itaas pababa kay Shannon.
"Inflicter Sword Cut!" Sabay na bigkas ng dalawa sa kanilang pag-sabayan ng pag-wasiwas sa kanilang mga espada.
Gumitgit ang talim ng kanilang mga espada na siyang nagpabulabog sa hangin sa paligid at nagpalalim pa sa hukay na kanilang kinaroroonan dulot ng shockwave.
"I'll kill you, Don Celestial Mañokaw!" Sigaw ni Shannon sa galit na nararamdaman.
To be continued.
An; This is it pancit! Maglalaban na si Shannon at Don Celestial Mañokaw!! Sino kaya mananlo? Pusta na kayo!! Joke.
Stay tuned for the next chapter.