Tải xuống ứng dụng
50% The Dark School / Chapter 8: Chapter 7

Chương 8: Chapter 7

Umalingawngaw sa labas ng building na tinutuluyan namin ang tunog ng mga nag liliparang drop ships. Sumunod pa ang malalakas na yabag mula ibabang floor pataas ng floor na tinutulugan namin ngayon.

Dahil sa ingay na 'yon ay agad akong bumangon. Inayos ko ang suot kong Visor Glasses at pinulot ang katana ko na katabi ko sa pagtulog. Kasabay ko lang palang nagising ang mga kasama ko, pati na rin si Heleus Blue.

"Dito lang kayo, tignan ko sa baba kung sino ang paparating," saad ni Kelvin na ikinatango namin. Naglakad ako palapit sa butas ng dingding, tumingala ako at nakitang may drop ship na nasa taas lang mismo ng building kung nasaan kami ngayon. Tumingin naman ako sa ibaba at nakita ang mga taong sa tingin ko ay special force, marami sila at isa-isang nagsisi pasok sa building.

"The special forces are here," saad ko ng hinarap ko ang mga kasama namin. Agad na lumapit si Smiley kay Heleus.

"P-paano siya?" tanong niya.

"What do you mean paano siya? If the special forces are here to take us, then we need to leave him," sagot ni Zhaile na kalmado pa rin ang itsura.

"No. We can't leave Heleus behind. He was a big help to us," giit ni Hanna. Lumapit rin siya kay Smiley at hinaplos si Heleus.

"They'll kill him once they find him," saad naman ni Zhaile.

Tumingin sa akin si Hanna, ilang segundo lang ang lumipas ay lumapit siya sa akin at kinausap ako. "Do you think we can hide Heleus inside that gauntlet?" mahinang tanong ni Hanna sa akin. Sabay kaming napatingin sa gauntlet ko, ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya bago itinuon ang atensyon kay Heleus.

"I'll give it a try," sagot ko. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Smiley. Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa katawan ni Heleus at pinindot ni Smiley ang 2nd button sa gauntlet ko, nang lumabas ang inventory ay in-long press niya ulit ito.

Sana gumana...

Rinig na namin ang malalakas na yabag na nagsisilbing signal na pataas na sila sa kinaroroonan namin. Eksaktong nakarating sila sa 3rd floor ay siya namang pagkawala ni Heleus. Nagkatinginan kaming tatlo nila Smiley at Hanna, bago sabay-sabay na napatingin sa inventory ng gauntlet.

Napangiti kami ng makitang naroon sa isang box ang larawan ni Heleus Blue.

"Examinees, sinusundo na namin kayo. Dalhin na ninyo ang inyong mga gamit at lumabas ng building na ito, iga-guide kayo ng aming kasamahan para makasakay na sa ship," matigas na saad ng isa sa mga lalaking nakasuot ng dark blue na uniform.

"But sir, the examination is not yet done. It's only our 4th night here," saad ko na sinang-ayunan naman ni Kelvin.

"Nga naman sir. Diba one week pa kami dito?" ani Kelvin na nakatayo sa may hagdan na kumokonekta sa 3rd floor at 2nd floor ng building.

"Saka na ie-explain sa inyo ang pagbabago sa examination, pagka balik natin sa mga tents ninyo," sagot naman ng isa. Kahit nagtataka kami ay sumunod nalang kami sa kanila.

Dala-dala ang kaniya-kaniyang weapons na nakuha namin, ay nagsibaba na kami ng building. Sumakay na rin kami sa drop ship, pagkapasok sa loob ay tabi-tabi kaming umupo. Marami naring examinees sa loob ng makapasok kami.

"Ano naman kayang pagbabago sa exam ang mangyayari?" nagtatakang tanong ni Kelvin na nasa kanang bahagi ko.

"We'll know once we're back," sagot ni Hanna na nakaupo naman sa bandang kaliwa ko.

"The question is... what's with the sudden change?" tanong ko naman.

"I have a bad feeling about this," rinig kong bulong ng babaeng nakaupo sa may harapan ko. Kausap niya ang lalaking katabi niya. Nagsimula ng umandar ang ship kaya hindi ko na sila binigyang-pansin pa.

Ilang minuto rin ang itinagal ng pag-upo namin sa ship bago ito huminto at bumukas ang malaking pinto sa likod. Tanaw ko hanggang sa kinauupuan ko ang napakaraming tent. Nakabalik na kami dito sa lugar kung nasaan kami no'ng una palang.

Nagsilabasan na kaming lahat at hinanap ang kaniya-kaniya naming tent. Magkasamang umalis sila Kelvin at Hanna dahil magkalapit lang ang tent nila, si Zhaile naman ay umalis mag-isa upang hanapin rin ang tent niya at kami naman ni Smiley ang magkasama dahil kami ang magka tent mate.

"O-okay ka lang ba?" biglang tanong niya habang naglalakad kami papuntang tent. Medyo malayo ang tent namin sa pinaglapagan ng drop ship kaya hindi pa agad kami makakapag pahinga.

"Yup, Im fine as always. How about you?" tanong ko sa kaniya na hindi siya nililingon dahil busy ako sa katitingin ng tent number, baka kasi nalagpasan na namin ang tent namin. Katabi ko lang siya sa paglalakad.

"Okay lang rin ako. Salamat ah, at sorry," tugon niya. Sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya, nakayuko siya habang naglalakad.

"Why are you thanking me? And why are you sorry?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga tent na nadadaanan namin.

"Thank you for protecting me...and sorry, I'm the reason why your arm-"

"Diba sinabi ko na sayong wag kang mag sorry, dahil 'di mo naman kasalanan na nabalian ako ng braso? It's nobody's fault," putol ko sa sinasabi niya.

"Hey! Jaiho!" sigaw ng isang tinig sa aming likuran. Sabay naming nilingon kung sino 'yon, nakita ko ang isang pamilyar na babae sa harap ng isang tent 'di kalayuan sa amin. Kumakaway siya.

"Jhanah?"

"Dito 'yong tent natin. Saan kayo pupunta?" tanong niya. Nagkatinginan kami ni Smiley bago naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Jhanah.

"Nakalimutan ko 'yong tent number eh. Nalagpasan na pala namin," tugon ko ng makalapit kami sa kaniya. "Buti nalang at nakita ko kayo," natatawa niyang saad. Sinenyasan niya kaming magsipasok na, kaya 'yon ang ginawa namin.

Naupo na si Smiley sa kama niya, ako naman ay dumeretsong nahiga sa kama na katabi ng kay Jhanah. Tatlo lang kami ngayon dito, kaya ibig sabihin ay hindi pa nakaka balik dito 'yong depungal na bumasag ng ilong ko at nanguha ng compound bow na ako naman ang nakahanap.

"What happened to you pala? Bakit ganiyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong ni Jhanah. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama niya habang nakatingin sa akin. Naupo na lang ako sa kama ko at hinarap ang direksyon niya.

"Well as you can see, nagmukha na akong taong grasa. It's because of my stupidity, so no worries," sagot ko. "How's your three days and four nights stay in the Lost City? I haven't crossed paths with you eh."

"May nakasama naman ako do'n, kaso 'di kami nagkapalitan ng pangalan. Normal lang naman, naghanap ng drops then makikipag laban sa mga cryopus ganun" sagot naman niya. "By the way, what's your weapon?" tanong niya.

Inabot ko ang espadang inilapag ko sa sahig at ipinakita sa kaniya. "This, Cyan Blue Nona Core Katana that my sister gave me. And this, black gauntlet which I named Moonlight," sagot ko. "How about you?" balik ko ng tanong sa kaniya.

"I see, so you're a swordsman. Well, I'm a lancer," sagot niya. May inabot siyang bagay sa ilalim ng kama niya at ipinakita 'yon sa akin. Mana Spear 'yon na kaparehas ng kay Zhaile, iba nga lang ang kulay dahil pink ang sa kaniya.

Nahinto ang pag-uusap namin ng pumasok ang babaeng depungal na 'di ko na uulitin ang ginawa niya sa akin dahil alam niyo na kung ano iyon. Nakasabit sa likod niya ang compound bow ko na kinuha niya sa pamamagitan ng dahas. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papuntang kama niya, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang paningin namin. Nagtitigan kami ng ilang segundo, bigla siyang nag smirk bago naupo sa kama niya, na nakapatalikod sa akin.

"What's with the two of you? I saw it, she smiled at you," bulong ni Jhanah sa akin na lumipat pa ng upo sa kama ko para 'di siya marinig.

"Smiled? She's not smiling at me, she was annoying me," pagtatama ko sa sinabi niya. "And nothing happened between the two of us."

"I don't think that's true. She'll not annoy you if nothing happens between the two of you," giit niya. Bumuntong hininga ako bago inilapit ang mukha ko sa tenga niya.

"Fine I'll tell you. Naglaban lang naman kami ng fist fight, that's all," bulong ko. Nangunot ang noo niya at bakas sa mukha ang pagtataka. Bumukas ang bunganga niya at magtatanong sana ngunit 'di niya na naituloy dahil sa isang staff na pumasok sa tent namin at inabot sa amin isa-isa ang case na iba't iba ang kulay. Blue suitcase ang binigay niya sa akin, ng matanggap na naming apat ang suitcase namin ay lumabas na siya.

Nagkatinginan muna kami ni Jhanah bago namin binuksan ang sari-sariling suitcase na aming natanggap. Ng mabuksan ko ang akin, isang pares ng shirt at jogger pants na parehong blue ang kulay ang naroroon.

"Eksakto, mapapalitan ko na rin 'tong damit ko sa wakas," mahina kong saad sa sarili ko. Tumayo ako at naglakad patungong gilid ng tent na may maliit na parang mini changing room. Pumasok ako doon at nagpalit na ng damit at pantalon, paglabas ko ay itinapon ko na ang gutay-gutay na uniform sa trashbin bago bumalik sa kama ko.

May maliit na box sa loob ng suitcase. Tracking Device. Tinanggal ko 'yon sa box niya at ikinabit sa shirt na suot ko. 'Yon lang ang laman ng suitcase kaya nilagay ko sa ilalim ng kama ko ang suitcase bago nahiga.

Hay~~ finally makakatulog na ulit ako sa malambot na kama. Madaling araw pa lang kaya inaantok pa ako. Tinanggal ko muna ang Visor Glasses ko bago pumikit at nagpaanod sa antok na nararamdaman ko.

~•~

Maaga ako nagising, 6 am palang ay gising na ako. Gusto kong bumalik sa pagtulog pero ayaw nang pumikit ng mga mata ko. Kaya naman, nanatili na lang akong nakahiga habang nakatitig sa itaas. Tumagal ako sa ganong posisyon ng halos 30 minutes bago ko napag desisyunang maghilamos muna at maglakad-lakad sa labas.

"You woke up early, eh?" sambit ng isang tinig, napahinto ako sa paglalakad palabas ng tent at liningon ang nagsalita. Nakita ko si Jhanah na nakaupo sa kama niya habang nag-iinat inat.

"Yeah, you too. Im going outside to walk around, wanna come?" yaya ko sa kaniya. Nagsuklay siya ng kaniyang buhok bago tumayo at naglakad patungong 'mini banyo' ng tent namin.

"I'd like to. Wait for a moment, maghilamos lang ako," sagot niya bago pumasok na sa maliit na banyo namin. Tumango lang ako at lumabas na ng tent, nakatayo lang ako sa labas, patingin-tingin sa paligid habang hinihintay na lumabas si Jhanah.

Lagpas alas-sais na pero hindi pa rin tuluyang lumilitaw si haring araw, kaya medyo madilim pa. Kung sa Baguio, parang alas singko pa ang oras ngayon dahil sa pag-aagaw ng araw at buwan. Wala pa ring ibang tulad naming gising na pagala-gala. Siguradong tulog pa ang karamihan dahil sa pagod.

Kailangan nga naman talaga naming magpahinga ng puspusan, lalo pa't mukhang may second half ang examination namin. Ngunit gustuhin ko mang magpahinga ng puspusan, ayaw naman ng mata ko. Nasanay ata akong maagang magising kahit pagod.

Narinig ko ang pagkahawi sa tela ng tent, liningon ko ang taong humawi no'n sa pag-aakalang si Jhanah, pero nagkamali ako.

"Let's go- oh, Smiley where are you going this early?" tanong ko nang makitang si Smiley pala ang lumabas. Halatang kakagising niya lang dahil mapungay pa ang mata niya. Pero kahit pa kakagising niya lang ay maayos ang buhok niya, malinis rin ang mukha na akala mo naman ay bagong ligo na kahit sa katunayan ay kagigising niya lang naman.

"I should be the one asking you that," tugon niya. Mapungay ang matang nakatingin siya sa mukha ko, naka-pout habang naghihintay ng sagot. Ang attractive pala ng mata niya lalo na kapag kakagising niya lang, ngayon ko lang napansin.

"Ah right, I can't go back to sleep so I'm gonna walk around with Jhanah," sagot ko. Tumango-tango siya sa sagot ko. "You? Where are you planning to go at this time? You should still go back to bed, you need rest."

"You're the one who needs rest, para hindi masyadong magalaw yang braso mo," tugon niya at inginuso ang kaliwang braso ko. Inilipat ko ang tingin ko sa braso ko at itinaas. Nakatali pa rin dito ang stick na nilagay ni Smiley, hindi ko pa rin tinatanggal.

"Don't worry about this. Okay na 'to, thanks to you," saad ko. Hinawakan niya ang braso ko at pinagmasdan saglit bago binitawan.

"Hindi pa 'yan okay. Kailangan niyan masemento para maayos ang bali" saad niya. Tumango-tango lang ako. Nakaramdam ako ng saya, parang ilang araw lang ang nakakaraan noong hindi pa siya nagsasalita sa akin, puro ngiti lang siya pero ngayon komportable na siya sa pakikipag-usap sa akin. Ang saya lang sa pakiramdam.

Muling nahawi ang tela ng tent kaya sabay kaming napalingon ni Smiley. Si Jhanah ang lumabas, bahagya siyang nagulat ng makita si Smiley na kasama kong nakatayo. Ngumiti siya dito.

"Good morning," bati ni Jhanah kay Smiley habang nakangiti. Hindi sumagot si Smiley, bagkus ay ngumiti lang. Sa'kin naman bumaling si Jhanah. "Let's go?" tanong niya.

"Yeah, oh by the way. Smiley, you wanna come?" baling na tanong ko kay Smiley na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko. Tumingin sa kaniya si Jhanah at naghintay ng sagot. Nahihiyang tumango si Smiley bago pumasok sa tent, siguro ay maghihilamos lang rin.

Nang makapasok na si Smiley ay lumapit sa akin si Jhanah, at pabulong na nagwika. "Smiley? That's her name?" nagtataka nitong tanong. Liningon ko siya at natatawang umiling.

"No, that's just a nickname I gave her. She always smiles so I called her Smiley. But, her real name is Zehiah Fortez,'' sagot ko.

"Oh I see. Nakikipag-usap na siya sayo? Ba't sa'kin hindi pa rin? Puro ngiti lang siya," tanong niyang muli, may bahid ng pagtatampo sa tono ng boses niya. Pareho kaming nakatingin sa tent namin at hinihintay na lumabas si Smiley.

"Don't worry, makikipag-usap rin 'yan sayo soon. Hindi lang siguro siya sanay na makipag-usap," tugon ko naman. Bahagya ko siyang tinapik-tapik sa balikat para mawala ang pagka dismaya niya.

"So, you mean sanay na siyang makipag-usap sayo?"

"Hmm magkakasama kasi kaming apat do'n sa Lost City kaya gano'n" sagot ko naman. "Me, her, Jaihanna and Kelvin."

"Ang daya. 'Di niyo man lang ako sinama."

"Hindi naman kita nakita eh, kaya 'di ka namin naisama. Sorry na," natatawa kong tugon. Naputol na ang pag-uusap namin ng lumabas na si Smiley. Naglakad na kami papuntang SFB01. Wala lang, trip lang naming pumunta do'n and one more thing, gusto naming libutin ang kabuuhan ng building na puno ng weapons. And, magtatanong rin kami sa mga guards doon kung paano namin malalaman kung magkanong points na ang na-acquire namin and pano namin 'yon magagastos.

Habang nasa daan kami ay nag-uusap kami ni Jhanah. Hindi naman namin makausap si Smiley, even me, dahil puro smile lang na naman siya. Kahit isinasali namin siya sa topic, hindi pa rin siya sumasagot, kahit pa ako mismo ang kumausap sa kaniya. Maybe, hindi lang talaga siya sanay, lalo na at meron si Jhanah na hindi niya naman nakasama sa Lost City.

"I really think na may second half pa ang exam na ito," saad ni Jhanah na diretso lang sa daan ang tingin. May mga nadadaanan kaming tents na maingay na dahil gising na ang mga taong naroon. Meron ring mga tents na as in tulog pa silang magte-tent mates.

"We're thinking the same thing. It just bothers me though, ano kaya 'yong second exam? Kapareho kaya ulit ng hunting or mas mahirap pa do'n?" sambit ko naman na diretso rin ang tingin. Magkasabay kami ni Jhanah sa paglalakad at nasa likod namin si Smiley. Nililingon-lingon ko siya at ngini-ngitian para kahit papano naman ay hindi niya mafeel na mag-isa lang siyang naglalakad.

"I have this feeling na mas mahirap pa 'yong second half kesa do'n sa hunting exam natin," tugon ni Jhanah. "Pero sana mali 'yong gut feeling ko. Haysst," dagdag niya pa.

'Yon din ang pinagdadasal ko. Sana lang ay mas madali pa 'yong next na exam kesa do'n sa naranasan namin sa Lost City. Sana lang talaga...

"We're here."

May mga naabutan kaming examinees na nagkukumpulan sa isang parte. Nandito na kami ngayon sa harap ng SFB01. May mga special force din na mukhang busy, lakad dito lakad doon ang ginagawa nila. May mga examinees rin na pumapasok sa SFB01, pero nagtataka talaga ako kung anong pinagkukumpulan ng mga examinee sa bandang kaliwa namin.

"I'll go check," boluntaryo ni Jhanah. Iniwan niya kami ni Smiley at naglakad siya palapit sa mga nagkukumpulan. Sinundan ko siya ng tingin, ng makasali na siya sa kumpulan ay ibinaling ko naman ang tingin ko kay Smiley, na nakatingin pala sa akin. Bahagya pa siyang nagulat ng magtama ang tingin namin.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya.

"Y-yeah, Im fine. Ang bait ni Jhanah noh?" tugon niya. Nakatingin siya sa kumpulan.

"She's really nice and kind. That's why you don't need to be cautious around her, just relax," sambit ko naman. Nakatingin pa rin ako sa kaniya, kahit na hindi siya sa'kin nakatingin.

"Cautious around her?" nagtataka niyang tanong, lumingon siya sa'kin pero muli ring ibinalik ang tingin sa kumpulan.

"How do I say this? Hmm...I just can feel it, that you are being cautious around her. I don't know, HAHA aish nevermind," awkward kong sagot at pilit na tumawa.

"I not being cautious. Hindi lang ako sanay na kasama siya," saad niya. Biglang lumipat ang tingin niya sa isa sa mga guard na nakatayo sa tabi ng body scanner sa harap ng SFB01. "Tara, tanungin na natin kung paano malalaman kung ilan na ang na-acquire na points," anyaya niya na ikinatango ko naman.

Sabay kaming naglakad papunta sa guard, nang makalapit kami ay ako na ang kumausap sa guard, dahil siguradong hindi makikipag-usap si Smiley sa kaniya.

"Uhmm hi good morning po, can I ask a question?" tanong ko sa guard. Well, I'm already asking a question.

Ngumiti ito at tumango.

"Uhmm, how can we know how many points we have?" tanong ko.

"Hindi niyo pa malalaman kung ilan na ang points niyo ngayon. Pero maya-maya, idi-distribute ng special force ang personal cards niyo," mabait na sagot nito.

"Personal cards?" nagtatakang tanong ni Jhanah na kakarating lang. Tumayo siya sa tabi ko, sa bandang kanan dahil nasa kaliwa ko si Smiley.

"Malalaman niyo rin mamaya kung para saan ang personal cards. Pasensya na pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo ngayon," sagot nito, nakangiti.

"It's okay po. Thank you for answering our questions po," tugon ko. Nginitian kami nito, umalis na kami sa harap niya at tumayo lang sa isang gilid.

"Maybe yung personal cards ang pinag bi-busyhan ng special force," saad ni Jhanah. Itinuro niya ang mga naka unipormeng tao na lakad ng lakad, habang may dala-dalang box na pinag patong-patong nila sa harap ng SFB01.

"Personal cards huh? If that's the case, bakit ngayon pa nila idi-distribute? Diba dapat saka na nila ibigay ang personal cards natin kapag pumasa na tayo, at talagang makakapasok na tayo ng ANU?" tanong ko. Nakita ko sa peripherals ko na bahagyang tumango si Smiley, panandang sang-ayon siya sa sinabi ko.

"I don't know either. We'll certainly find out later, baka magpatawag sila ng meeting dito mamaya. Oras lang ang tanong," sagot ni Jhanah.

"Siguro. Tara, ikot-ikot muna tayo do'n," sambit ko sabay turo sa building na puno ng weapons. Parehas na tumango ang dalawang babaeng kasama ko. Nagpaumuna na akong naglakad, ako na rin ang naunang umapak sa scanner at pumasok sa building.

Wow! It's not my first time, pero grabe. Ang ganda at cool talaga sa loob. Breath-taking 'yong lugar, tapos pati 'yong mga weapons taena, nakaka-amaze. Jeez, I want it all.

Narinig ko ang bahagyang pag gasp ni Smiley ng makapasok na siya. Napabungisngis ako at nilingon ko. "Is it your first time coming here?" I asked. She nod bashfully.

"It's not our first time here, but we're still amazed. Kaya normal lang 'yang reaksyon mo, no need na mahiya," nakangiting tugon ni Jhanah. Tinapik niya ng bahagya si Smiley sa balikat, na ikinagulat ng nahuli ngunit hindi niya masyadong ipinahalata.

Naglakad-lakad na kami sa palibot ng building. Bawat weapon na madadaanan namin ay humihinto kami at pinagmamasdan ito. Binabasa ang description at tinitignan kung magkanong points ang kailangan para ma-own 'yong weapon. Sa bawat weapon rin na madaanan namin ay hindi namin mapigilang mamangha sa cool na feature nito.

Andito na ata halos lahat ng klase ng armas eh. May mga shotguns like RS-38K, PB-3 (Pistol w/ Silencer), TT-41 (Heavy Pistol), Rifle and Assault Rifle (AVS-36). Meron ring Nona Core Katana, iba't ibang klase ng swords, knives, daggers, axes, spears, compound bows, light sabers, at marami pang ibang weapons.

Nadaanan rin namin 'yong espada na nakakuha ng atensyon ko no'ng unang beses na pumasok kami dito ni Jhanah. Huminto ako at nilapitan ang kinaroroonan nito. Ang cool talaga ng itsura, pero 'yong price, hindi cool.

3 million Diamond Stones ba naman. Saan naman ako kukuha ng gano'n kadaming stones? Baka makagraduate na lang ako ng ANU, kung makapasa man, ay hindi ko pa rin mabili ang espadang ito.

"Don't lose hope Jaiho, you'll be able to buy it...someday," bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang espada.

"You are Jhanah, aren't you?" tanong ng isang tinig ng lalaki. Napalingon ako sa pinanggalingan no'n at nakita ang isang lalaki na nakaharap kay Jhanah.

Parang pinya ang haircut nito, kaparehas ng kay Kelvin. Pero ang pinagkaiba lang ay red ang buhok ni Kelvin, ang sa lalaki namang ito ay itim ang buhok, pero may ibang hibla ng buhok niya na color blue. Matangkad siya pero mas matangkad ako, maputi at mukha namang mabait.

"Oh? Ikaw 'yong kasama ko sa Lost City, right?" tanong ni Jhanah, namukhaan niya siguro ito. Naalala ko na sinabi niya kahapon na may ka-duo siya sa Lost City pero 'di niya daw alam ang pangalan. It turned out to be this guy.

"Yes, ahh thank goodness you remembered me," masayang sagot no'ng lalaki. "By the way, can I have a minute?"

Lumingon sa direksyon namin si Jhanah, na animo'y nagtatanong telepathically kung okay lang ba sa amin na makausap niya ang lalaki sa harap namin.

"Uhmm, me and Smiley need to go somewhere. Go on, take your time," sagot ko sabay hawak sa braso ni Smiley at naglakad palayo sa kinaroroonan nila para maka pag-usap sila ng maayos.

"So~~ where should we go?" tanong ko sa hangin habang iniikot ang paningin ko sa paligid. Nang mapadako ang tingin ko sa tagong bahagi ng SFB01, nakita ko ang isang pamilyar na babae. Guess who it is? Siya lang naman ang tukmol kong kapatid...none other than, Hanna.

Nakatalikod siya sa kinaroroonan namin pero paraan pa lang ng pagtayo ay kilalang-kilala ko na.

Inikot niya ang paningin niya sa paligid, at nang makita niyang walang nakatingin sa kaniya (she didn't saw me staring at her) ay hinawi niya ang kurtina na naroon at in-open ang sliding door, muling inayos ang kurtina at naglaho na sa paningin ko.

What is she up to?

Why does it seem like she's cautious of her surroundings?

Well, only one way to know what's she's up to. Gotta follow her. Inilipat ko ang tingin ko kay Smiley na busy sa pag sa- sightseeing sa mga cool items na malapit sa kinatatayuan namin.

"Smiley," tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin at muling bumalik sa tabi ko.

"Yes?"

"Wanna come with me? Susundan ko si Hanna, dumaan siya do'n oh" wika ko kasabay ng pagnguso sa direksyon kung saan ko nakita si Hanna. Lumingon siya sa gawing tinuro ko bago ibinalik ang tingin sa aking mukha at walang ano-anong tumango.

Sabay na kaming naglakad patungo sa pinuntahan ng kapatid ko.

•-/-•/-•/•

"What are you doing here?" agad kong tanong pagkapasok pa lang namin ni Smiley sa lugar na pinasukan ni Hanna. Naabutan namin siyang nangangalkal ng kung ano. Mukhang storage room ang lugar, puro naka-kahon na mga equipments sa paglilinis, cooking tools ang equipments, weapons at iba pa.

"I'm looking for something, come on help me bago pa tayo maabutan," sagot niya ng 'di man lang kami nililingon. Tuloy lang siya sa ginagawang pangangalkal at panggugulo ng mga gamit na nakaayos ng lagay sa mga box.

"And what is that something?" tanong ko na sumama na rin sa paghahalungkat. Tumulad na rin sa amin si Smiley.

"I don't know," sagot niya na nagpahinto sa'min ni Smiley. Sabay namin siyang nilingon.

"What? You're looking for something you don't know?" tanong ko. Lumingon siya sa akin na may bahid ng inis sa mukha.

"They're hiding something from us, got it? And I'm looking for anything that might prove my deduction. Now if you don't mind, would you please go out and leave me if you're not gonna help me. Look, I need to focus, okay?" sagot niya, tinalikuran niya na ulit kami kasabay ng mahabang buntong-hininga.

"It's not tha-"

Nahinto ako sa pagsasalita ng hilahin ni Smiley ang laylayan ng damit ko. Tumingin ako sa direksyon niya. "Why?"

"Look."

Nakatingin siya sa labas sa pamamagitan ng maliit na pagitan sa kurtina. Sumilip ako do'n at biglang kinabahan.

The F! May parating na special force, amputekk!

"Hanna, we need to hide. 3 special forces are coming this way," I hissed. Napahinto si Hanna at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Halatang kinakabahan siya. Dali-dali niyang ipinasok ang mga kinalkal niyang gamit pabalik sa mga kahon.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya, inilibot ko ang paningin ko sa maliit na storage room.

"There," saad ko sabay turo sa isang aparador. Bat may aparador dito? Nagsipunta kaming tatlo do'n, si Smiley ang bumukas ng pinto ng aparador ngunit dalawang tao lang ang kasiya.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"You two hide here, I'm gonna look for my own hiding spot," wika ko. Sumang-ayon silang dalawa at pumasok na sa aparador, buti nalang talaga at payat sila pareho. Isinara ko ang pinto at akmang magtatago sa likod ng mga karton na nagpatong-patong ng marinig kong bumukas ang sliding door.

Amputek!

Wala na akong pinalampas na segundo, umupo na agad ako sa kinaroroonan ko at gumapang patungo sa mga mas matataas na karton. Phew...

"... 'yon na nga eh." rinig kong wika ng isang boses. Boses lalaki.

"Pero mas madali silang mababawasan sa next half ng exam," sagot naman ng isa.

"HAHAHA why don't we make a bet? Out of 1, 246 examinees, ilan sa tingin mo ang matitira?" tanong ng isang babae sa mga kasamahan niya. Palakas ang yabag nila, meaning palapit sila sa pinagtataguan ko ngayon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako sobra. Ano kayang mangyayari pag nakita nila ako dito?

And the f! Anong ibig niyang sabihin sa 'ilan sa tingin mo ang matitira?'. Could it be na marami na namang mamamatay tulad ng unang test sa Lost City? Putek! Ano bang klaseng school ang in-enrollan namin? Balak ba nilang ubusin kami lahat?

"HAHAHA ang hirap naman niyan. Pero sige agree ako sa bet. Around 400 or less ang pusta ko," wika ng lalaki. Binuhat niya ang isang karton na humaharang sa'kin. Apat na kartong nagpatong-patong 'yon, at dahil kinuha niya ang isa ay tatlo na lang ang natira.

"100 and less sa'kin," wika naman ng isa pang lalaki. Tulad ng nauna ay binuhat niya rin ang isa pang karton, kaya pusang gala, dalawang karton na lang ang natira.

Muli ay dahan dahan ngunit mabilis na gumapang ako papunta sa ibang karton na nagpatong-patong.

"Mga 50 examinees sa'kin HAHAHA," wika ng babae kasabay ng pag buhat niya ulit sa isa pang karton. Narinig ko ang yabag nila na papalayo, umupo ako at sisilipin sana sila pero bigla kong nasagi ang isang bote ng spray paint na 'di ko napansin.

"Ano 'yon?" tanong ng lalaki. Rinig kong ibinaba niya ang karton na buhat buhat niya at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Tangna! Yan silip pa putcha.

Gagapang sana ulit ako palayo pero...

*KRINGGGGGGGG*

"Hey! Halika na. Magagalit na naman si Sir Andromeda!" malakas na wika ng babae. Patakbong umalis ang lalaki na patungo sana sa kinaroroonan ko.

For a few seconds, parang huminto ang heartbeat ko. Muntik na 'yon. Bumuntong hininga ako, at dahan dahang tumayo. Naiwang nakabukas ang pinto dahil sa pagmamadali nila. Pero for sure, babalik ulit' yon para isara ito kung sakaling maalala niya.

"Agad kong binuksan ang pinto ng aparador at nakita ang dalawa kong kasama na pinag papawisan. Kinabahan siguro sila ng sobra...or talagang mainit lang.

"That was soooo close," wika ni Hanna habang pinapaypay ang mukha gamit ang kamay. "And so hot...I'm so hot."

"Enough with your self-love. Tara na dahil for sure babalik 'yon, and kailangan nasa labas na tayo," wika ko. Nagpaumunang lumabas ako at sila naman ang sumunod, iniwan na namin nakabukas ang pinto dahil gano'n naman ang ayos no'n no'ng iniwan ng mga special force.

Nang lumabas kami ng building ay marami ng examinee ang naroroon. Nakisama na rin kami sa kumpulan at hinintay na magsalita ang lalaking nakasuot ng uniporme na nagpakilalang Andromeda no'ng unang time na nakita namin siya.

"Good morning everyone! It's good to see you again!" malakas na wika ni Andromeda. May mga nag good morning back rin pero karamihan ay nakatunganga lang sa kaniya.

"So the first half of your exam is already done and the second half will begin shortly after I announce the mechanics and rules," wika niya. May pinindot siya na button sa maliit na remote na hawak hawak niya. Biglang may nag-appear na malaking holographic screen sa harap namin, na nasa likod niya. Mapa ang makikita dito, parang mapa ng isang battlefield sa mga video games.

Oh gosh...I have a bad feeling about this.

Nilingon ko ang dalawa kong kasama, seryoso ang mukha nila habang nakatingin sa holographic screen. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa harap.

"I have a list of examinees here," wika niya sabay pakita ng folder na hawak hawak niya. "I will be announcing the names of your teammates. Once na malaman niyo kung sino ang ka-team niyo ay puntahan niyo na agad sila. But before, I'm going to explain how this exam works."

"This exam is to test your fighting and survival skills, as well as your teamwork. Each team will be transported to their designated area in this map. You can do anything you like, you can just stay in your designated place, loot things and eat anything you can find. But the main mission to pass this examination is to...kill every enemy you spot," wika niya habang nakangiti ng malawak.

What? That's it?

"Parehas lang naman pala noong unang test, the only difference is we now have our own teams," wika ko sabay lingon kay Hanna. Seryoso ang mukha niya ng lingonin niya rin ako.

"No.. it's different," sagot niya. Bakas ang kaba sa tono ng boses niya. "The instruction is a bit tricky. I think the enemy he was talking about are the other teams"

"Let the examination begin!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C8
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập