Tải xuống ứng dụng
93.75% One Night Mistake(on going) / Chapter 15: Chapter 15

Chương 15: Chapter 15

Continued.....

Someone's POV.

"Siguraduhin mong susundin moko"Sabi ko Kay Manang meli,siya si aling Melita isa sa mga katulong namin,yumuko siya sakin.tignan natin Kung gagaling kapa Ella sisiguraduhin kong mahihirap ka!!.

"Wag mo siyang papakainin,magdahilan ka!,higit sa lahat wag mong ibibigay Yung gamot para sa kanya,lakasan mo rin Yung aircon para mas lalo siyang lamigin"Sabi ko at yumuko Ito,masamang balak ang hatid ko sa bwisit na babaeng Yun.

"Pero ma'am Hindi po ba kayo na-aawa sa kanya,baka ho pag nalaman niya na inutos niyo sakin to,baka nagsumbong siya Kay kylle"Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay,hmm anak ko si kylle ako ang masusunod

"Ano ba wag ka na ngang magreklamo,sundin mo nalang"Sabi ko kaya nagbigay Ito ng pekeng ngiti.

"Ano oras na??"tanong ko sa kanya kaya tinignan niya Yung relo niya.

"9:30 am napo ma'am"Sabi nito sabay ngiti kaya nginitian ko rin siya.pinaalis ko muna siya para makapaghanda sa plano.umupo ako sa sofa at nanood muna habang hinihintay ko Yung asawa ko,sabay kasi kaming mag-lulunch ngayon kaya panigurado akong maya-maya uuwi na Yun.

Hmm tignan natin Kung gagaling ka,dahil sisiguraduhin kong mas lalong lalala Yung kondisiyon mo hahahah.

Manang melita's POV.

Hindi ko Alam Kung Tama ba itong gagawin ko,pero talagang nakokonsensya nako diko kayang gawin Yun sa bata,lalo na at may sakit pa Ito.

Nandito ako sa kusina at naghahanda ng mga pagkain nila mamaya para sa lunch,si ma'am kyria at si Sir Charles sabay daw silang mag-lulunch,habang si ella bayun?? Tama siya nga! Hahayaan ko nalang na magutom mamaya.

Hindi ko Alam Kung bakit ganun Yung Galit ni ma'am sa kanya,may atraso ba Ito or may past sila???ayoko nang makisawsaw pa,baka mapahamak pako.

Pilit kong susundin Yung utos sakin ni ma'am,dahil nangako itong dodoblehin niya Yung sahod ko kaya napa-oo naman ako,sayang kasi dahil nangangailangan rin ang pamilya ko sa probinsiya.

Puno ng takot at kaba ang nararamdaman ko,dahil Ito ang unang beses na gagawin ko to.

Sana Lang mapatawad niya ako lalo na si Sir kylle,paniguradong Galit na Galit Yun sakin kapag nalaman niya,lalo na kapag nalaman niya Kung Sino ang nag-utos sakin.

Ellamaine's POV.

Naalimpungatan ako dahil sa lamig ng buong paligid,mas lalo tuloy akong nalamigan kaya halos napayakap ako sa sarili ko,manipis pa naman Yung suot ko kaya ramdam na ramdam ko Yung lamig.

Pagkaupo ko,nakita kong pumasok si Manang melita at nakangiti Ito sakin.

Napatingin ako sa alarm clock at nagulat ako dahil.....

12:36 pm..

Grabe mahaba Pala Yung itinulog ko,kanina 7:00 Lang ngayon 12:36 na!!! Kaloka!!

Nakaramdam ako ng gutom,hindi pako nagtatanghalian,bigla akong nagtaka Kung bakit nandito si Manang.

"Manang ano pong ginagawa niyo dito??"tanong ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

"Ahh naglilinis Lang po ako saglit maam"Sabi niya kaya nginitian ko siya.

"Manang may pagkain ba sa baba,nagugutom na kasi ako eh"Sabi ko kaya bakit?? Bigla siyang kinabahan sa sinabi ko,tinignan ko nalang siya ng may pagtataka.

"Ahh ma'am,pasensya na Pero wla na po eh,naglunch po Sina Sir kanina,nakalimutan ko po pasensya na,tsaka naubos po nila eh"dahilan niya kaya mas lalo akong nagtaka.

Nakalimutan niya na nandito ako,kung sabagay kasalanan ko naman kasi Hindi ako nagising kaagad,aaminin ko nagugutom na talaga ako pero inintindi ko nalang si Manang.

"Ganun po ba,ayos Lang po Alam kong pagod narin kayo,kaya pwede po bang pakibigay nalang Yung gamot sakin?"Sabi ko sabay ngiti pero nagtaka uli ako dahil napakamot siya ng ulo.

"Eh Hindi ko rin po kasi Alam Kung saan nilagay ni Sir,di niya po sinabi sakin ma'am,sorry po"Sabi niya pero puno ako ng pagtataka,imposibleng Hindi sabihin ni kylle sayo!kapag ako nagkakasakit nung bata pa kami kabisado niya Kung saan nakalagay Yung gamot.

"Ahh okay Lang po mamaya nalang siguro"Sabi ko kaya yumuko siya at umalis na muna,nagkumot nalang ulit ako dahil sobrang lamig.hayy bakit ba ang lakas ng aircon,sobrang lamig kaya!!mahinaan nga!!

Tumayo ako at hinanap Kung nasaan Yung remote control para sa aircon,para mahinaan ko Ito pero bakit Hindi ko mahanap.ang Alam ko nasa lamesa Lang Yun Ah,bakit nawala.

Lumapit ako sa bintana para buksan yon at para makatanggap ako ng sariwang hangin,pero bakit Hindi ko mabuksan,nakalock ba toh!!.

Labis na pagtataka ang nasa isip ko,hindi ko Alam Kung bakit ang Weird ng pangyayari ngayon.

Bumalik naang ako sa Kama at humiga ulit,kahit na gutom na gutom nako pinilit ko paring makatulog.

Ilang minuto pa ang makalipas nang makatulog narin ako.

kylle's POV.

Hayysst grabe sobrang busy ko,ang daming files na dapat tignan,nandito ako sa office habang si papa naman nasa kabila.may inaayos din siya kaya halos lahat kami dito busy...

Halos mabaliw na lahat ng employee ko dahil sa mga utos,wla naman silang magagawa Kung di sundin Ito,naku pag di sila sumod paniguradong mapapagalitan sila ni papa.

Habang nagbabasa ako ng mga files,bigla akong napatingin sa relo ko.

12:54 pm..

"Kumain na kaya yun??,nainom niya ba yung mga gamot niya?"tanong ko sa sarili ko,laya naisipan kong tawagan si manang,tatanungin ko Kung kumain na siya at Kung nainom niya Yung gamot niya.

"{Sir,napatawag po kayo}"Sabi sa kabilang linya.

"{Manang kamusta po siya,napakain niyo na po ba??,tsak Yung gamot nainom niya ba??}tanong ko pero bakit?ang tagal niya atang sumagot.

"{Ahh opo Sir,nabigay ko na po}"Sabi nito kaya guminhawa Yung pakiramdam ko,buti naman at maayos siya.

"{Anong Ginagawa niya ngayon??}"tanong ko habang tinititigan Yung ibang files,para ma-check ko ng mabuti.

"{Ahh sa ngayon po natutulog siya}"Sabi nito kaya tumango-tango ako at ngumiti.

"{Sige ikaw muna ang bahala,mamayang dinner sasabay ako kaya,hintayin moko ha?}"Sabi ko at hinintay Kung ano Yung isasagot niya.

"{Sige po sir!!}"Sabi nito kaya Dahan-dahan kong ibinaba Yung tawag.

Kahit sabihin ni manang na maayos siya,namumuo parin Yung pag-aalala ko,sana talaga maayos siya sa bahay.

Hindi ko na inisip pa yun at magpatuloy nako sa pagtingin ng mga reports at files.

Hayy pahirapang takbo nanaman ito sa buhay,masyafong busy eh....

Someone's POV.

"Hmm manang nakuha mo ba yung controller?,Yung bintana ni-lock moba?"tanong ko Kay Manang meli,tumango Ito at ipinakita sakin Yung remote control ng aircon.

"Itago mo Yan,siguraduhin mong wlang makakakita,kapag tinanong ni kylle Kung nasan Yan,sabihin mo nadala mo habang naglilinis ka sa kwarto niya maliwanag"Sabi ko kaya yumukod Ito at ngumiti sakin.hmmm panigurado akong nahihirapan na siya,bagay Lang Yun sa kanya dahil sa pagtataksil ng pamilya niya siya ang nagdurusa ngayon hahahha.

"Ahh ma'am Sabi ni Sir kylle,sasama daw po siya sa dinner mamaya"Sabi nito kaya tumango nalang ako.

"Umalis kana,linisin mo muna ang kwarto namin medyo makalat na kasi eh"Sabi ko kaya tumango Ito at nagtungo na sa kwarto namin ng asawa ko.

Timeskip....

Kylle's POV.

7:56 pm

Kakauwi kolang sa bahay para magdinner,dumiretso ako sa dining table para kumain,nagugutim na kasi ako eh.

Pagdating ko sinalubong ako nina mama at Papa tsaka si Ate,pero bakit wla si ella dapat nandito siya para makakain na rin siya Ah.

Umupo ako at tinignan ko silang lahat,lalo na si mama nakangisi Ito na parang may pinaplano siya at nagtagumpay Yun.

"Ma?nasan si ella diba dapat nandito narin siya?"tanong ko kaya napatingin Ito sakin,kahit si papa nagtataka.

"Oo nga bakit Hindi mo pa pinapababa"Sabi nito pero ngiti Lang ang sinagot sakin ni Mama.

"Ano ba kayo?? Wag kayo masyadong mag-alala,kumain na siya pinauna namin siya ni manang kaya,natutulog Yun ngayon,wag niyo nang gambalain Yung tulog niya"paliwanag nito pero parang ayokong maniwala,masama ang budhi ni mudra pagdating Kay Ella,kaya imposible naman.

Di ko muna inisip Yun at kumain nalang ako,ayokong ma-stress ngayon lalo na sa nangyari kanina,napahiya ako sa kliyente ko dahil sa isang employee,nakakainis sana chineck niya muna Yung reports niya,yun tuloy nagkasira-sira na.

Nang matapos kumain,tumayo ako at nagpaalam na muna sa kanila.

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko Kung nasan si ella.

Pagbukas ko ng Pinto,nagulat ako dahil bakit sobrang lamig dito!!.,parang nasa freezer ata ako Ah!.

Hinanap ko kaagad Yung remote control para sa aircon pero wla talaga,kaya tumawag ko si manang.

"Manang nasan Yung remote control,bakit sobrang lamig dito?"tanong ko pero bigla itong kinabahan.umalis Ito at dumiretso sa kwarto niya,parang may kinuha lang,matapos bumalik siya at ibibigay niya sakin yung remote!.

"Bakit na saiyo toh??"tanong ko habang hinihintay Yung aircon,nedyo humupa narin yung lamig.

"Pasensya na po,nadala ko ata habang naglilinis po ako,ulyanin narin po kasi ako kaya pasensya na talaga"Sabi nito kaya huminahon muna ako at tinanggap Yung dahilan niya.

Umalis siya at bumalik sa baba para maghugas ng pinagkainan namin.

Umupo ako sa Kama habang,mahimbing na natutulog si ella,yakap-yakap nito ang kanyang sarili talagang nalamigan siya dahil sa aircon kanina.inayos ko Yung kumot at pinulupot ko Yun hanggang sa leeg niya.

Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit,kung sabagay Hindi niya Alam na nadala ko na Yung damit niya kanina.

Kinuha ko Yung thermometer para makuha ko Yung temperature niya.

40°c....

Bakit sobrang taas!!Hindi man Lang bumaba kahit konti,mas lalong lumala Yung sakit niya.

Unti-unti siyang gumalaw kaya tinignan ko muna siya,hanggang sa imulat niya ang kanyang mga Mata at tumingin sakin,kinuha niya Yung unan at tinakip sa dibdib niya sabay upo.

"Umuwi kana pala"Sabi niya pero nakatitig Lang ako sa kanya.

"Ella,kumain kana ba talaga?Sabi ni Mama pinauna ka nilang kumain"Sabi ko kaya tumango nalang siya.

"Nakakainis may naging problema nawalan ako ng kliyente!"Sabi ko para naman ma-share ko Yung Nakakainis na naranasan ko kanina.

"Nga Pala,diyan ka muna Ah?baba Lang ako lulutuan kita ng soup tsaka magdadala ako ng pagkain,para kahit kumain kana,may Laman ulit yang tiyan mo"Sabi ko kaya tumango siya,tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina para makapaghain ng pagkain at makapagluto ng soup.

Ellamaine's POV.

Hindi ko sinabing Hindi pako kumakain simula kanina,ayokong ma-stress lalo si kylle kaya nilihim ko nalang.

Gutom na gutom na talaga ako,parang hihimatayin nako sa sobrang Hilo,bakit kaya sinabi ni tita na kumain nako,eh Hindi pa naman,tsaka Hindi naman nila ako ginising para kumain,hinayaan Lang nila ako.

Siguro dahil Galit parin si tita sakin,or kasalanan ko talaga dahil natulog ako at Hindi ako nagising.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na si kylle,maya dala Itong tray,nilagay niya Yun sa may maliit na lamesa,grabe naamoy ko Yung aroma ng pagkain nakakagutom na talaga.

Tumayo ako kasama Yung unan para may pantakip syempre,pinaupo niya ako sa upuan.

"Oh kumain ka ng marami,tapos iinom ka ng gamot Okay para gumaling kana tapos maka-alis ka dito!!!"Sabi nito at tinarayan ako kaya tumango nalang ako,ang sungit naman nitoh.

Nagsimula nakong lantakan Yung pagkain,grabe ang sarap Hindi ko na pinansin pa si kylle at nag-focus ako sa pagkain habang siya nakatitig Lang sakin.

"Ohh akala koba kumain kana,bakit parang gutom na gutom ka tihhh??!!"natatawang Sabi niya habang ako ngumunguya ng pagkain.

"Siyempre sayang,tsaka luto mo yung soup,ikaw na nagsabi na para may Laman ulit tong tiyan ko diba??!"Sabi ko sabay ngiti kaya tumango nalang siya.

"Ito Yung gamot mo,ilalagay ko dito sa first aid kit para ikaw na mismo ang kumuha okayy?"Sabi niya akaya tumango ako,at muling hinigop Yung soup.

"Sa susunod kapag may naging problema,sumbong mo sakin para matulungan kita,oh diba malasakit si Tetch!!,"aniya kaya tumango ako at ngumiti nalang,n napatawa nalang din ako hahah.

"Hindi kaba magpapalit ng damit?kasi naiilang nako bakla ka!!!"tanong niya,oo nga Pala Hindi pako nakakapagpalit Yung long sleeve parin Yung suot ko.

"Nasa'n ba yung damit ko??Sabi mo magdadala ka?"Sabi ko kaya tumayo siya at kinuha yung isang bag,siguro Puro damit ko Yung nakalagay dun.

"Hindi ko kasi nasabi na nandito na dahil tulog ka"Sabi niya,pero Hindi nako magpapalit ng damit,kawawa si Manang dahil dagdag labahan Lang toh.

"Hindi nako magpapalit"mabilis kong sagot na ikinagulat niya.

"Gaga!!baklang toh!ano! Matutulog ka ng ganyan tapos tabi tayo!,ayoko nga baka mahawakan pa kita ewwwww"maarteng Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ako virus!!diring-diri grabe ka naman!,tsaka kawawa si Manang dagdag labahan Lang toh"katwiran ko pero inirapan niya Lang ako.

To be continued...

Guysss its me again and again New update po para sa inyo...

God bless you all

Bye..

Alyson.....


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C15
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập