Tải xuống ứng dụng

Chương 17: Chapter 16

Sam's POV

Katatapos ko lang maligo at magbihis while Aljosh is currently taking a bath. Nailagay ko na sa ibabaw ng kama ang kanyang mga susuotin at nakaluto na rin ako ng almusal namin kanina kaya wala na akong gagawin. Umupo ako sa kama at kukunin sana ang librong nasa ibabaw ng bedside table ko nang makita ko ang cellphone ko. At naalala kong may kailangan nga pala akong tawagan kaya naman agad ko itong dinampot at tumawag.

"Hello? Sam?" agad na saad ng nasa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag pagkatapos ng dalawang ring.

"Atty., about sa case-"

"You're too formal, Sam. Just call me 'Kuya' or by my name." putol niya sa sinasabi ko.

"B-but tungkol sa kaso ang dahilan ng pagtawag ko."

"Kahit tungkol pa 'yan sa kaso, sa trabaho, sa business, o kung saan pa, the fact that you are my brother's wife, that you are my sister-in-law doesn't change. Kaya walang masama kung tatawagin mo akong 'kuya' or sa pangalan ko. But to be honest, mas gusto ko kung 'kuya' itatawag mo sa akin." mahabang paliwanag ni Atty. Fralanciana, I mean ni Kuya Jacob, ang kapatid ni Aljosh.

"O-okay." napipilitan kong sang-ayon.

"So, bakit ka napatawag?"

"About sa income na hindi ko nakuha galing sa company ni Sherwin at restaurant ni Rina, I want to get those as soon as possible. At gusto ko na rin ibenta ang mga shares kong 'yon."

"Why? Are you short of money? You know that as the wife of Albert you have access to all of his finances. And I'm sure na mas gugustuhin pa ni Albert na gastusin mo ang pera n'ya."

"I'm not short of money. May uumpisahan kasi akong bagong business three months from now. At gusto kong bago magsimula ang business kong 'yon eh wala na akong koneksiyon sa dalawang iyon. At ang una kong puputulin ay ang business na nag-uugnay sa amin." paliwanag ko.

"Okay. Don't worry, everything is ready. Inumpiasahan ko ng gawin lahat ng dapat gawin pagkasabi mo pa lang sa akin noon. Kaya ngayon, I'll just need you need to sign some documents then I'll send it to them."

"Thank you, K-kuya." nag-aalangan kong saad.

"That's better." saad ni Kuya Jacob na nasisigurado kong nakangiti. "Asan ka ba? Are you at your home? I'll be there in a few minutes mapirmahan mo na."

"No need, Kuya, ako na lang pupunta sa office mo para hindi ka na maabala."

"Don't worry, we were neighbours, our house is next to each other kaya hindi hindi magiging abala sa akin ang pagpunta diyan."

"Eh? Magkatabi lang?" panimigurado ko.

"Oo. I'll be there in a few minutes."

"Nag-breakfast ka na ba, Kuya?" nag-aalangang tanong ko.

"Not yet. I'll just grab coffee and sandwich on my way to office."

"If you want, you can have breakfast here." suggest ko sa kanya. "May kailangan rin kasi ako sabihin sa 'yo about sa business ko." dagdag ko ng hindi siya sumagot.

"Sure. I'll be there in a few minutes. Bye." saad niya.

"Bye." paalam ko at ini-end na ang call.

Inilagay ko na ulit sa bedside table ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto para pumunta sa kusina. Wala pa akong lakad kaya naman plain pink shirt at maong na walking shorts ang suot ko.

Nang makarating ako sa kusina ay agad kong tinungo ang ref. Nakaluto na ako ng almusal namin kanina bago pa ako makaligo; pritong itlog, tortang talong, tuyo, tinapa, hotdog, beef tapa, homemade tocino, sinangag at hot cake, meron din palang bagong saing na kanin para kung sakaling ayaw ni Aljosh ng sinangag pede pa rin siyang magkanin.

Kung ako ang tatanungin masaya na ako sa sinangag, itlog, tuyo, tinapa at talong, pero hindi ako sigurado kung nakain ba si Aljosh ng mga 'yon kaya nagluto din ako ng hotdog, tocino, beef tapa at hot cake. At dahil inimbitahan ko dim si Kuya Jacob, kaya magdagdag pa ako ng bacon at ham.

Nang makakuha ako ng ham at bacon ay agad akong lumapit sa pwesto kalan at inumpisahan nang lutuin ang mga iyon.

Kung ako tatanungin hanggang maaari ayaw ko sana ng mga frozen at canned foods. Pero minsan talagang hindi naiiwasan eh.

"Ang dami na ng niluto mo ah, bakit nagluluto ka ulit?" tanong ni Aljosh na hinawakan pa ang dalawang balikat ko. Iniluluto ko na kasi yung bacon at ham.

"Pupunta kasi si K-kuya Jacob." medyo alangan kong tugon. Hindi ko kasi sigurado kung ayos lang ba sa kanya na tawagin kong 'kuya' ang kapatid n'ya.

Pero wala akong narinig na pag-angal sa kanya. Sa halip ay marahan niyang pinisil ang mga balikat ko na tila sinasabing natutuwa siya na 'kuya' ang tinawag ko sa kapatid niya. Pero para makasigurado ay nilingon ko siya. At nakita ko na medyo nakangiti siya, ngiting hindi mo mapapansin kung hindi mo siya tititigan ng mabuti.

Babawiin ko na sana ang pagkakatitig ko sa kanya ng bigla din siyang lumingon sa akin, sa niluluto ko kasi siya nakatingin kanina. At nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ang mukha niya at lumapat ang kanyang labi sa labi ko.

He gave me several smack kisses hanggang sa hindi na lumayo ang labi niya sa labi ko at unti-unti nang lumalim ang halik niya. Inilagay ko ang dalawa kong braso sa kanyang batok na naging dahilan para mas palalimin pa niya ang kanyang mga halik.

"I don't want to interrupt your-whatever you called to what you are doing. Pero baka masunog yung niluluto n'yo."

Agad kaming naghiwalay ni Aljosh nang marinig namin iyon at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng tinig. At nakita namin si Kuya Jacob na nasa may pintuan papasok ng kusina na may nakakaloko at mapang-asar na ngiti.

Nakaramdam ako ng hiya at pag-iinit ng pisngi kaya naman agad akong tumalikod at ipinagpatuloy ang pagluluto.

"F*ck! Bakit ba lagi na lang may istorbo?" narinig kong naaasar na bulong ni Aljosh.

Medyo natigilan ako sa sinabi niya, because this is the first time I heard him cussed. But beacause of the tone of his voice and his statement I'm not sure whether I would laugh or cry. But one thingbos for sure, he really is frustrated.

Tapos ay tiningnan ni Aljosh ng masama si Kuya Jacob na mahinang tumatawa. At ako naman ay nahihiyang ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Tsk. Maupo ka na nga lang diyan." narinig kong naiinis pa ring wika ni Aljosh kay Kuya Jacob. Tapos ay hinawakan ni Aljosh ang kanang kamay ko. "Ako na magtutuloy nito." sabi niya at kinuha sa akin ang syanse.

Gusto ko na sanang ayusin ang mga pagkain sa breakfast table, pero dahil nasa breakfast table si Kuya Jacob at nahihiya pa akong harapin siya, kaya mas pinili ko na lang na kumuha ng kamatis at itlog na maalat at hiniwa ang mga ito.

Saktong kakatapos kong maghiwa ng matapos din si Aljosh sa pagluluto. Kaya naman magkatulong na kaming nag-ayos ng mga pagkain sa breakfast table.

"Wow. I can't believe what I am seeing. The Emperor of Fralanciana Empire is now setting up the table with his wife." namamanghang saad ni Kuya Jacob. By the way, where's Manang Lydia and Manong Alfredo?"

"They moved out last week." Aljsoh answered. "We tried to stop them pero hindi sila nagpapigil."

"Why?" takang tanong ni Kuya Jacob.

"They said that now that they are old, they want to spend more time with each other." Aljosh answered again. "We give them other options for them to have more time with each other, like allowing them to work within a given time but they insinsted on moving out. We even offered them the house next to yours, but still, they didn't agreed." Aljosh added.

"Bakit pinilit nilang umalis? May nangyari ba?" taka pa ring tanong ni Kuya Jacob.

"Tapos na daw kasi yung pinagawa nilang bahay sa kabilang subdivision, sa Magnificent Meadows. Gusto nilang doon tumira." sagot ko naman nang matapos na ako sa paghahain.

"Oh, yeah, I forgot about that."

"Kain na tayo." nakangiti kong aya sa magkapatid at umupo na ako sa tabi ni Aljosh.

"Bakit ang dami naman atang pagkain?" tanong ni Kuya Jacob ng makita ang mga nakahaing pagkain.

"You should ask her, siya ang nagluto ng mga iyan." natatawang saad ni Aljosh.

"Well, natakam kasi ako sa sinangag, itlog, tuyo, tinapa, talong at itlog na maalat na may kamatis. But I'm not sure kung kumakain kayo no'n kaya nagluto pa ako ng iba." paliwanag ko naman.

"What made you think na hindi kami kumakain ng sinangag, itlog, tuyo, tinapa, talong at itlog na maalat na may kamatis?" kunot-noong tanong ni Kuya Jacob.

"W-well, mayaman kayo and hindi palakain ng ganyan ang mayayaman." katwiran ko.

"Who told you that? You also came from a wealthy family pero kumakain ka din ng mga iyon."

"Rina. She makes fun of me nung nalaman niyang kumakain ako no'n. She even said na pangmahirap lang daw na pagkain yon at hindi kumakain no'n ang mayayaman. Pero ano magagawa ko? Mula pagkabata kumakain na kami no'n, and honestly I really love simple Filipino dishes."

"Same with us. Mula pagkabata kumakain na kami ng mga simple Fililino dishes at kung ako ang tatanungin mas gusto ko pa talaga ang mga Filipino dishes kaysa sa mga foreign dishes. Kaya huwag mo na lang pansinin mga sinabi ni Rina. Just cook and eat whatever you want. Right, Albert?"

"All I know is that she can do whatever she wants to do and go wherever she wants to go. I will just support her in everything." Aljosh answered seriously.

"What the- When did you become so cheesy? We should start eating bago pa ako mawalan ng gana." naiiling na wika ni Kuya Jacob na tinawanan lang ni Aljosh. "And now you're laughing?" hindi makapaniwalang dagdag pa nito. "Neil was right. You really changed a lot since you met Sam. But changing for the better. I'm not used to it yet but I'm happy that your slowly turning back to your old self Albert Joshua Ezekiel Banasiewicz Fralanciana." nakangiti ngunit tila naninimbang pa niyang saad.

"Ezekiel? You have a third name?" nagtataka kong saad.

Hindi ko kasi alam na may 'Ezekiel' pa pala siya sa pangalan niya. Kahit kasi sa binigay niyang information sa akin noon wala ako nabasa na may Ezekiel siya sa pangalan niya.

"Yeah. I didn't put it at my information that I gave you, but it is definitely on the copy of my birth certificate that I gave you together with my information."

Now that he said it, I kinda remember seeing his birth certificate when he gave me his informations. And it really has 'Ezekiel' on it.

"Yeah, naalala ko na. I guess hindi ko lang naalala agad kasi sa copy lang ng birth certificate mo ko iyon nakita."

"Hindi naman na nakakapagtaka 'yon. He only uses his name 'Ezekiel' if it is really needed." saad ni Kuya Jacob.

"Why?" takang tanong ko.

"It started when our father died. Although he is really strict, I am still close to him. He is the only one who calls me on my third name. Ayaw kong may tumawag ulit sa akin ng 'Ezekiel' kaya madalang ko na lang iyon gamitin." paliwanag naman ni Aljosh.

"Wow! You really have changed. Noon ayaw na ayaw mo man lang pag-usapan ang dahilan kung bakit hindi mo na ginagamit ang Ezekiel, ni marinig nga ang pangalang iyon nag-wo-walk-out ka na. But now, not only you have stayed after hearing it, you also explained the reason." namamanghang saad ni Kuya Jacob.

Aljosh just shrugged his shoulder as an answer.

"Mabuti pa eh kumain na tayo. We can still talk while eating." sabi ko na sinang-ayunan naman nila.

Inunang kunin ni Kuya Jacob ay tuyo, tapa, itlog na maalat at tortang talong. Habang si Aljosh naman ay naglagay ng sinangag sa pinggan naming dalawa at kumuha ng tigkakaunting sa lahat ng ulam at inilagay sa pinggan ko at pinggan n'ya. Ako naman ay kinuha ang tray na may tatlong tasa, teapot na may mainit na tubig at lalagyan ng kape, asukal at creamer.

"Ano ba ang gusto mong timpla ng kape mo, Kuya Jacob?" tanong ko kay Kuya Jacob na sinulyapan siya saglit.

"Black coffee with a little bit of sugar." sagot naman niya.

Ipinagpatuloy ko na ang pagtitimpla. Pero habang nagtitimpla ako ramdam ko na maya't mayang tinitinggan ni Kuya Jacob ang gonagawa ko. I felt awkward pero ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

Nang matapos akong magtimpla ng kape ay ibiigay ko na agad kay Kuya Jacob ang kanya. Sunod kong ibinigay ay ang kay Aljosh na agad naman niyang ininom.

I was drinking my coffee when I felt something weird with Kuya Jacob and Aljosh. Kaya naman tiningnan ko silang dalawa.

Kuya Jacob is looking at Aljosh with a expression na parang hindi makapaniwala. While Aljosh is looking at him na parang sinasabing 'walang mali sa ginawa niya'.

"Ah, is there a problem?" nagtataka kong tanong.

Umiling si Aljosh at nginitian ako.

"Walang mali. Don't mind him. Kumain na lang tayo. Hindi lang sanay si Kuya na may kasabay kumain." saad ni Aljosh na tinawanan lang ni Kuya Jacob.

And with that we start eating our breakfast.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang muling magsalita si Kuya Jacob.

"By the way, Albert, have you heard na magsisimula na ng operations ang isang bagong company?"

"Which company?" sagot naman ni Aljosh.

"Yung bagong building a few blocks away from yours. They just announced earlier their company name and that they are now  hiring employees. I guess they will start in a few months."

Natigilan ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi ni Kuya Jacob. I have a feeling na alam ko ang company na tinutukoy n'ya.

"What's their company name?" tanong naman ni Aljosh.

"SABC Company. They said na galing iyon sa pangalan ng owner."

The moment Kuya Jacob said the company's name naramdaman kong tumingin si Aljosh sa akin. Others won't recognize it but Aljosh definitely would. Because he calls me by that name when he is teasing him.

I looked at Aljosh and slightly nodded. Habang si Kuya Jacob naman ay tuloy sa pagkain kaya hindi niya nakita ang nangyari.

"Do you want me to know more about them? Madaming gustong makaalam kung sino ang may-ari ng company na iyon at kung anong uri ng business meron sila, but no one succeeded . They were so private, secretive, mysterious."

"No need. I already know." sagot naman ni Aljosh.

"What? Kailan mo pa nalaman?"

"Ngayon lang, nung sinabi mo ang pangalan ng company."

"Huh? How?" naguguluhang wika ni Kuya Jacob."

"It's mine." singit ko sa usapan nila.

"What do you mean? What is yours?" takang tanong ni Kuya Jacob.

"SABC is the acronym of my name, Samantha Archelsea Brianna Cassandra." sagot ko.

"SABC Company is yours?" tanong pa ulit ni Kuya na tinanguan ko. "Okay. I'm just curious, why did you make it so private and secretive. Everyone thinks of you as a mysterious person, more mysterious than Albert."

"It's not my plan. Piniling isikreto muna nila Lolo, Grandad at Papa ang tungkol sa company because I just found about it's existence yesterday." paliwanag ko.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Kuya Jake. At maging si Aljosh ay nakatingin sa akin na naghihintay ng sasabihin ko.

"Papa, Grandad, Lolo and Katherine were the ones who plan about the company from the start. At wala silang balak ipaalam sa akin ang tungkol do'n hanggang hindi kami nagkakahiwalay ni Sherwin. But because I am already married to Aljosh and my eyes being 'opened', sinabi na nila sa akin kahapon about sa company." paliwanag ko sa kanila.

"Pero dahil sikreto pa ang tungkol sa inyo ni Albert kaya hindi pa nila ini-announce kung sino ang may-ari?" saad ni Kuya Jacob.

"Yes." pagsang-ayon ko na sinabayan ko ng pagtango. "Because they believe that once Sherwin knew about the SABC Company, he and Rina will think of ways to take advantage of me."

"Well, they have a point." pagsang-ayon naman ni Kuya Jacob.

"By the way, since we are now talking about SABC Company, I'm going to give you a heads up." sabi ko na nakatingin kay Kuya Jacob. "Katherine is going to contact your secretary later to set an appointment. Gusto ko kasi sanang ikaw ang maging head ng Legal Department namin. Hindi ka naman namin pipiliting tanggapin yung position, ikaw ang mag-de-decide kung papayag ka o hindi. What I am asking is makinig ka lang muna sa mga sasabihin ni Katherine. And kung tatanggapin mo man ang position, si Katherine ang mas madalas mong makakaharap." sabi ko kay Kuya Jacob.

And I swear, I saw his lips curved a little at my last statement.

'Hmmm. I smell something fishy.' I thought to myself.

"Sure. You can know my decision after the meeting." sagot ni Kuya Jacob na hindi nawawala ang tipid na ngiti sa labi.

Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Nandito na kaming tatlo sa opisina ni Aljosh dito sa bahay. Dito kami pumunta pagkatapos naming kumain.

"Here are the papers na kailangan mong pirmahan." sabi ni Kuya Jacob habang inilalabas ang isang envelope na nasa loob ng dala niyang suit case. Inilabas niya ang mga papeles doon at iniabot sa akin.

Binasa kong isa-isa ang lahat ng iyon. At nang wala akong makitang mali ay agad kong pinirmahan. Tapos ay ibinalik ko ang mga iyon kay Kuya Jacob.

"Don't mind me asking, is SABC Company the reason kung bakit nagmamadali kang kunin na shares mo sa Velasquez Construction at Rina's?" curious na tanong ni Kuya Jacob ng maitabi na niyan ng maayos ang mga papeles.

May pagka-chismoso si Kuya Jacob. Kung maki-chismis rin kaya ako kung bakit tila natuwa siya nung sabihin kong si Katherine ang madalas niyang makakaharap kapag siya ang naging head ng Legal Department ng SABC Company?

"That and I also want to slowly detach myself from them. I'll start by getting what is rightfully mine. If possible, gusto kong makuha ang lahat before the company start it's operation."

"Kelan ba mag-start company mo?" tanong naman ni Kuya Jacob.

"Two to three months. Bukod kasi sa pag-hire ng empleyado may iba pang inaasikaso si Katherine, and may konti rin akong pinapaayos sa office ko." sagot ko naman.

"I'll do everything I can to finish everything in two months or less."

"Thanks, Kuya Jacob." nakangiti kong saad.

"Mauna na ako. Madami pa akong gagawin sa office."

"Thank you ulit, Kuya. If you want, you can have your breakfast here today." aya ko sa kanya.

"I'd love to. But maybe kapag wala akong masyadong trabaho.  Most of the time kasi kailangan ako ng maagap sa office. And judging from today's happening, I can say na tuwing dito ako magbe-breakfast eh tatanghaliin ako ng pasok." natatawang sabi ni Kuya Jacob.

"W-what?"

"Don't get me wrong, Sam. What I mean is I'm sure na tatanghaliin ako pag pasok kapag dito ako mag-aalmusal dahil bukod sa masarap ang pagkain eh napapasarap din ang kwentuhan. Tulad na lang kanina, bago tayo makakain eh kung saan-saan muna napunta usapan natin. At kahit nung kumakain na tayo eh ganon din. To think na hindi pa tayo ganon kakomportable sa isa't isa, paano pa kaya kung komportable na tayo sa isa't isa?" mahabang paliwanag ni Kuya Jacob.

Well, he has a point kaya naman napakamot na lang ako sa ulo ko.

"I really have to go. Ikaw ba, Albert, sasabay ka na?" tanong ni Kuya Jacob kay Aljosh na katabi kong nakaupo sa couch.

Aljosh look at his wrist watch then he shakes his head. "Nah, it's still early."

"Early? It's already fifteen minutes past seven, and you think that it is still early? Ikaw ba talaga ang kapatid ko?" gulat na wika ni Kuya Jacob.

"Office hours starts at eight, and my office is only ten minutes away from here. Kaya bakit ako magmamadaling pumasok?" Aljosh said in as-a-matter-of-fact tone.

"Nagsalita ang halos sa opisina matulog." saad ni Kuya Jacob sa nang-aasar na tono.

"That was before I married Sab. Try to look for someone na papakasalan mo for you to know the difference of being a bachelor and married." sabu ni Aljosh sa nang-aasar na tono.

"Maybe soon. It may happen sooner than what you expected." nakangiting saad ni Kuya Jacob.

"Oww, wait, wait, wait. So you already have someone in mind. Who is it?"

"I won't tell you. I'm not sure about my feelings for her yet. I'll just tell you about it when it is clear already. I really have to go." tumayo ako para sana ihatid siya hanggang sa pinto pero pinigilan niya ako. "Stay here. Hindi mo na ako kailangang ihatid."

And with that, umalis na si Kuya Jacob na may ngiti sa labi.

Cindy's POV

I am pacing back and forth here in my bedroom while waiting for Fernan's call. And when my cellphone rung, I answered it on the first ring.

"Any news?" I asked anxiously.

"I'm sorry, I tried but I didn't do much. I tried to talk to the ones with low position and even with high position, I even tried bribing them but all of them insisted on following FE's rules." he explained.

"What? Ano lang nagawa mo?" inis kong sagot.

"Nothing much. I just scheduled you for an interview at ten in the morning today. I'm sorry pero 'yon lang talaga nakaya ko."

"Aaarrrgggghhhh." I frustatingly shout. "You're useless!"

"Let's just think of the bright side. It is much better for you to be interviewed today than going to the process of personally sending resume and then wait when you will be scheduled to be interviewed."

"Whatever." I angrily said ang hang-up the call.

Inis kong hinagis ang cellphone ko sa kama tapos ay dumapa at nagsisigaw sa aking unan.

Bakit ba hindi na lang kagaya sa iba ang mga empleyado ng Fralanciana Empire? Let's face it, kahit naman saan madami ang nasusuhulan pero bakit ang mga empleyado ng Fralanciana Empire masyadong loyal?

Pagkatapos kong ibuhos lahat ng inis ko ay naligo na ako at nag gayak na ako para sa interview.

I just finished attending my interview at lalo lang akong nainis. The interviewer recognized me and yet she still insisted to do the proper interview. She doesn't care that I am Albert's girlfriend.

Well, my relationship with Albert ended years ago. But still she should have given me a little consideration. Kung pwede ko lang siyang sigaw-sigawan kanina ginawa ko na.

At ang nakakainis pa, she hired me pero bilang call center agent.

Imagine, me, the Cindy Montecillo, iha-hire as a call center agent!

Pasakay na sana ako ng elevatot nang mag-ring ang cellphone ko. Fernan is calling kaya naman agad ko iyong sinagot at naglakad papuntang fire exit.

"How's the interview?" agad na tanong niya bago pa man ako makapagsalita.

"I don't want to talk about it." singhal ko sa kanya.

"Why? What happened?" nag-aalala niyang tanong.

"She hired me-"

"That's great news, right?" putol niya sa sinasabi ko.

"Great?! She is hiring me as a call center agent! How is that great news?" at dahil nandito ako sa fire exit at solo lang ako dito, hindi ko na pinigilan ang sarili kong sumigaw.

"What? How? Why? Wait, is it the first position offered to you?" sunod-sunod na tanong ni Fernan.

"No. She initially hires me as the manager of  of FE Hotel. But I declined and insisted na O want to work here at the Fralanciana Empire Office. Tapos sabi n'ya call center agent lang daw ang available. Imagine, me working as a call center agent. Ako ba eh niloloko n'ya?" inis ko pa ring sambit.

"Cinds, think of it this way, kapag tinanggap mo ang pagiging call center agent you will be one step closer to Albert."

"Ibang position na lang. Kahit hindi ako manager or department head, basta huwag lang call center agent."

"Pwede naman. But you have to wait for a few more months. Sa ngayon kasi wala talagang ibang vacant diyan kundi call center agent."

"What? Few more months? I don't have much time. Kailangan na naming magkabalikan ni Albert."

"The decision is yours, Cinds."

"Fine! I'll go back inside and accept that position!" nagmgingitngit kong saad at pinatay na ang tawag bago nagmamadaling bumalik sa interview room.

I am the last interviewee, kaya hindi ko sigurado kung nandon pa yung interviewer. But I really hope na nandon pa siya.

Nang marating ko ang interview room ay agad akong kumatok.

"Come in." nakahinga ako ng marinig ko ang tinig na iyon, the interviewer is still here.

Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Isinara ko din iyon bago ako lumapit sa nag-interview sa akin kanina.

"I think about it, at willing na ako tanggapin ang position na sinasabi mo." saad ko ng makalapit ako sa kanya.

"I'm glad to heat that, Ms. Cindy. You can start tomorrow. Tatawagan ko po agad ang FE Hotel para malamang dadating kayo." nakangiti nitong sabi.

"No, not that one. I mean I am accepting the call center agent job."

"A-are you sure, Ms. Cindy?" paninigurado pa nito.

"Yes." walang pagdadalawang-isip kong sagot.

"W-well, if you're really sure. You can start tomorrow." hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.

"Thank you." I said as we shake our hands. "See you tomorrow." dagdag ko pa bago ako tumalikod.

Habang naglalakad ako papuntang pinto ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi siguro siya makapaniwala na mas pinili kong maging call center agent kesa hotel manager.

I can't blame her though. Dahil kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa desisyon kong iyon. Kung hindi lang dahil kay Fernan hindi ko talaga pipiliing maging call center agent.

But maybe may paraan pa para maiba ang trabaho ko. Baka ngayong nakapasa ako sa interview eh tulungan na ako ni Albert.

At dahil sa naisip kong 'yon, agad akong nagtungo sa elevator para puntahan si Albert sa opisina niya.

When I reached the top floor, busy lahat ng secretary ni Albert at kahit si Travis ay busy din. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon at dumiretso na agad ako sa pinto ng opisina ni Albert.

I was about to open it nang bigla iyon bumukas.

"What are you trying to do?" kunot-noong tanong ni Albert.

"I-I want to t-talk to you."

"Why are you going straight to my office? You should have asked one of my secretaries or Travis." he said in a very serious tone.

"I-I know that t-they won't let me get inside of your office. B-but if I enter your office without telling Travis or any of your secretaries-"

"You can at least have a step inside of my office."

Gosh. I am now feeling a little scared. He is very serious as if I have committed a very serious crime.

"Y-yes." I said with a little nod at lalo namang tumiim ang tingin niya sa akin. And I can tell that he really is mad.

"Tsk."

"I-I'm sorry. I just want to ask you something?"

"What is it?" seryoso pa rin niyang wika.

"C-can we talk inside?"

"No. If you have to tell me something, you have to tell it now here."

"H-here?"

'Dito talaga? Although malakas loob ko na harapin si Albert pero I am not 100% sure na papayag siya sa hihilingin ko. What if hindi siya pumayag? Siguradong pagtatawanan lang ako nitong mga secretary n'ya.'

I look around and sa tingin ko naman eh busy lahat sila at wala silang oras para maki-chismis. So I take a deep breath at sinabi na kay Albert ang pakay ko.

"I already pass the interview. The interviewer hired me as a manager of FE Hotel. Pero gusto ko kasing magtrabaho ay dito sa main office kaya tinanggihan ko and requested a job na nandito sa office."

One look at his face at masasabi kong naiinip na siya sa pinagsasabi ko kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagsasalita at sinubukan kong wag nang magpaligoy-ligoy pa.

"But call center agent lang ang may available position. I already accepted it, kaya lang parang hindi kasi bagay sa akin ang mag-call center. Kaya I just want to ask you na kung pwedeng bigyan mo ako ng ibang trabaho or position."

"I already told yout that Fralanciana Empire doesn't tolerate palakasan system." yun lang ang sinabi niya at tapos ay nilampasan niya ako at lumapit sa office ni Travis. "Cancel all my appointments this afternoon. But ask them first if they are willing to do the meeting here. If they agreed, let them come here. If they don't, re-schedule the meeting." narinig kong utos ni Albert. Nasa pintuan lang siya kaya naman rinig ko ang mga sinasabi nila.

"Done, Boss. I have a feeling kasi na gugustuhin mong maluwag schedule mo sa hapon kaya naman inayos ko na. Although some of them eh nagpa-schedule weeks ago pa, I still managed to arranged it."

Wala akong narinig na sagot kay Albert. Pero agad nangunot ang noo ko ng marinig kong tumawa ng mahina si Travis.

"No, Boss, di pa siya dumadating."

"Okay, notify me immediately when she arrived."

"Yes, Boss, don't worry."

Pagkatapos ng sagot na iyon ni Travis ay umalis na si Albert sa pintuan ng office ni Travis at pumasok na siya sa sarili niyang opisina nang hindi ako tinitingnan, maski sulyap ay wala.

'It is as if I didn't exist. Ibang-iba na siya sa Albert noon. If only I could turn back time, mas pipiliin ko siya.'

With a teary eye, humakbang na ako para magtungo sa elevator. Nasasaktan ako pero kakayanin ko. Gagawin ko lahat para bumalik kami sa dati, para bumalik siya sa akin.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may marinig akong bumukas na pinto. Akala ko eh opisina ni Albert ang bumukas kaya naman lumingon ako. Pero receiving area pala ang bumukas na pinto, at nakita kong lumabas doon si Sam.

She is wearing pink shirt, maong pants and black rubber shoes. May dala rin siyang mga eco bag at backpack.

Looking at her wala akong makitang special sa kanya. She is so simple at sa tingin ko hindi niya alam kung ano ang word na fashion kung pananamit niya ang pagbabasehan. Hindi siya pinong kumilos at medyo siga siyang maglakad. Even her clothings and accessories were not branded. At hindi rin siya marunong mag-make-up. She's a woman pero kahit light make-up or blush-on at lip gloss wala siyang inilagay. At marami pa akong nakikitang kapintasan niya.

Pero bakit ang lahat ng iyon eh hindi nakikita ni Albert? Bakit iba ang pakikitungo niya kay Sam kesa sa akin kahit noong may relasyon pa kami? Ano ang meron sa Sam na ito para ituring ni Albert na special?

Nakita kong lumapit si Sam sa mesa ng isa sa mga babaeng secretary ni Albert. Kung hindi ako nagkakamali, 'yon yung kapatid ni Zach, hindi ko nga lang maalala kung ano ang pangalan niya.

"This is for you. Itong mga ito naman para sa mga kasamahan mo. Pakibigay na lang sa kanila." sabi ni Sam at iniabot niya yung iba niyang dalang mga paper bag sa kapatid ni Zach.

"Ang dami naman nito, Sam."

"Maaga kasi ako ngayon at alam kong maaabutan ko sila, kaya ipinagdala ko na rin sila ng lunch. Ang sama naman sigurong tingnan kung ikaw at si Travis lang ang bibigyan ko di ba?" paliwanag ni Sam.

"Maiintindihan nila 'yon. You don't know them and they don't know you." pangangatwiran ng kapatid ni Zach.

"Eh di ipakilala mo ako sa kanila, problema ba 'yon."

"Tama nga si Brent, makulit ka at hindi nauubusan ng dahilan." napapabuntong-hininga na sabi ng kapatid ni Zach.

Bumuka ang bibig ni Sam para magsalita sana, pero hindi natuloy iyon dahil bumukas ang pinto ng office ni Travis.

"Ms. Sam, nandito ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Boss. Sabihin ko lang sa kanya na nandito ka na." agad na wika ni Travis nang makita niya si Sam.

"Huwag na. Papasok na din ako." pigil ni Sam kay Travis. Tapos ay hinarap naman niya ulit ang kapatid ni Zach. "Next time mo na lang ako ipakilala sa kanila, Zoe."

"Sige, Sam." nakangiting tugon ni Zoe.

Tapos ay lumapit si Sam kay Travis at inabutan rin ito ng isa pang eco bag.

"Ito ang para sa 'yo, Travis."

"Salamat, Ms. Sam. Nasaan pala sila Trent at Trinity?"

"Nagpahatid lang ako sa kanila hanggang elevator. Safe naman na ako dito eh."

"Pero-"

"Ako ang may sabi no'n. Ayaw sana nila akong iwan pero wala silang nagawa sa kakulitan ko." natatawang wika pa ni Sam. "Sige na, pasok na ako."

Tapos ay naglakad na siya palapit sa pinto nf office ni Albert. She was already holding the door knob nang lumingon siya sa pwesto ng mga secretary ni Aljosh kaya naman napatingin din ako do'n.

All of Albert's secretaries were looking at Sam with a confused look except for Zoe na inilalabas ang laman ng eco bag na para sa kanya.

Ngumiti ng tipid sa kanila si Sam and then she sligtly nodded to them as a sign of greetings. Tapos ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto at hindi man lang siya pinigilan ni Travis.

I stayed for few more minutes kung papaalisin ba ni Albert si Sam. But it is already five minutes pero hindi pa rin bumubukas ang pinto.

I don't know if she just ignored me o hindi niya lang talaga ako pinansin. But one thing is sure.

'She is really welcome in Albert'd office. But why? Why is Albert treating her different from others? Bakit lagi siyang may special treatment? Ano ang meron siya na wala ako?'

Albert's POV

Sab texted me earlier na pupunta na siya dito. But it's been thirty minutes since she texted but she's still not here. I'm starting to get nervous because it is only twenty minutes drive from home to here in my office.

I tried calling any of her bodyguards didn't answer my call. And even those that were secretly guarding her were not answering my calls.

I stand up, went to the glass window  picked up my cellphone and call Travis. But the weird thing is Travis didn't answered my call either.

I really am starting to get worried.

I went to my chair and grab my suit. I am just wearing it when I heard the door opened. I was about to snapped at whoever opened the door, but then I smelled the unique and yet familiar fragrance.

I looked at the door and there I found my wife, Sab.

"You're here." I said gladly.

"Yeah. Nag-text ako sa 'yo di ba?" she confusedly asked.

"Yes. But it's been more than thirty minutes since you texted but you're not still here. Our house is only twenty minutes away from here. I thought something happened. When I tried calling you or your bodyguards, whoever I called, they didn't answered. I just got worried and-"

"I'm sorry, I think it's my fault." Sab cut my words.

Bago pa siya magpaliwanag ay lumapit na ako sa kanya at hinila siya papuntang sofa. I first put the paper bag that she was holding at the center table bago ko siya hinarap.

"Care to explain what happened?" I asked her.

"Well, Trevor, Trent and Trinity want to accompany me sa pag-akyat dito sa office mo. But I don't want them to." saad niya na nagpakunot sa noo ko.

Magsasalita na sana ako para ipaliwanag sa kanya na kailangang lagi niyang kasama ang mga bodyguard niya pero inunahan na niya ako.

"Before you say anything hear me out first." she said and I nodded. "Nahihiya kasi ako sa kanila. Kasama ko sila sa pag-akyat but then kapag kasama na kita bababa na ulit sila. I know that it is their job pero nahihiya pa rin ako. At isa pa nagpahatid naman ako hanggang sa elevator, yun nga lang ako lang ang sumakay ng elevator."

"What? They let you-"

"Ayaw naman talaga nilang pumayag. Pero pinilit ko sila. At dahil sa kakulitan ko napapayag ko sila. Pero siyempre pinangako ko na ako ang magpapaliwanag sa 'yo."

"Why would you do that?" tanong ko sa kanya at ipinatong ko ang kaliwa kong kamay sa sandalan ng sofa while my right hand pinch my nose bridge.

"Tama lang naman iyon. Ako ang may gustong huwag na nila akong samahan kaya dapat lang na ako din ang magpaliwanag."

"I mean bakit hanggang sa elevator ka lang nagpasama? The three of them were wearing casual clothes, right? And the twins were now your personal assisstant. Kaya naman walang masama kung lagi mo silang kasama." I asked her intently.

"Oo nga, pero nahihiya ako na mag-akyat baba sila ng dahil lang sa akin. Kaya mas gusto kong maghintay na lang sila sa akin. I will just text them kapag paalis na ako. Isa pa, Fralanciana Empire has the best facility, staff and security kaya alam kong hindi ako mapapahamak basta dito."

"Tsk. Fine. But dito lang. Pagdating sa ibang lugar kailangang kasama mo pa rin sila." sabi ko na tinanguan naman niya. "Wait, your explanation didn't answer my question why all of you didn't answer my call."

"Ako nagsabi sa kanila na huwag na muna sagutin tawag mo, para hindi mo sila mapagalitan."

I don't know kung ano ang isasagot ko sa kanya. She is really not a selfish person. Iniisip rin niya ang mga nasa paligid niya.

"Anyway, it is only 11:30 a.m., meaning it is still time for work. Kaya you better do your work at ako naman eh dito lang at may gagawin din. We will have our lunch if it is already lunch time."

"Whatever you say."

With that I stand up and went on my table. I get my laptop at dinala ko iyon sa center table.

"What are you doing?" I asked her.

Iniisod kasi niya yung sofa kaya naman may malaking pag-itan ang sofa at center table.

She just gave me a smile as an answer. Tapos ay kinuha niya ang kanyang backpack at inilabas doon ang sketch book, notebook at pencil case. And then umupo na siya sa carpet at inumpisahang gumuhit sa sketch book.

Iiling-iling ako na umupo sa katabi niya at sinimulan na rin ang trabaho ko.

Hanggang ngayon na-a-amazed pa rin ako sa kanya. Wala kasi siyang arte sa katawan at kung saan talaga siya komportable 'yon ang gagawin niya.

I tried working but I can't concentrate on my work kasi I'm curious on what she is drawing.

"What are you drawing?" I asked when I couldn't contain my curiousity anymore.

"I'm trying to decorate my room at my office." she said smilingly while drawing.

"Don't forget to put a bed. So that you can rest whenever you get tired."

"Oh. This is like a second room at my office. So I didn't need to put a bed."

"A second room?"

"Yes. Katherine really knows me well. My office has a secret room kung saan may bed and other staff para makapagpahinga ako at makapag-relax. And then may pinagawa rin siyang dalawa pang room na pede kong gawin na kahit anong gusto ko. Kaya naman yung isa gagawin kong room para kina Hikaru at Lantis. Para naman pwede ko silang isama sa office. While the other room, I'll leave it vacant for now. Wala pa kasi akong maisip na gagawin do'n." she said smiling.

"Hmmm. That gives me an idea. I guess-" my words were cut-off by Sab's cellphone, someone is calling her.

Sam's POV

Agad kong kinuha ang cellphone ko bang mag-ring iyon. Iniharap ko agad kay Aljosh ang cellphone ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Nang tumango siya ay sinagot ko na ang tawag at ini-speaker iyon.

"He-"

"Sam, what's happening?" wika ni Sherwin pagkasagot ko ng tawag. "May sulat na dumating sa amin ni Rina na nagsasabi na kukunin mo na lahat ng shares at income mo for the past years."

"Yes. Why?"

"Bakit biglaan? Bakit hindi mo man lang muna kami kinausap ng personal?"

"Sherwin, I don't want to talk about this without my lawyer. Siya na ang magpapaliwanag sa iyo ng lahat."

"Isa pa 'yan. Bakit nagpalit ka din ng abogado? What would Nelson think?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kaibigan niyang abogado.

"Someone recommended him to me. And since magaling at maganda naman records n'ya I hired him na maging lawyer ko. Is there a problem with that?" nakangisi kong tanong.

"Bakit ka nagpalit ng lawyer? May problema ba kay Nelson?"

"Wala naman."

'I'm just slowly withdrawing myself from your circle of friends.' dugtong ko sa isip ko.

"Can we talk about this? We can't give you all of it right now. Medyo nasa crisis kasi ang Rina's at Velasquez Construction."

"Sure. Just call Atty. Fralanciana at siya na bahala makipag-usap sa 'yo about that."

"Fine." napipilitang pagsang-ayon ni Sherwin. "Pero sana naman our date tomorrow will not be cancelled."

"Don't worry, tuloy pa rin iyon."

"Can you now tell me kung saan ka lumipat? Para naman susunduin na lang kita."

"No need. Just send me the address kung saan tayo magkikita at ako na ang bahala kung paano kao makakarating doon." sabi ko naman.

"Ano ba ang meron diyan sa bago mong bahay at ayaw mo kaming papuntahin ni Rina?" wika niya na pilit itinatago ang inis.

"It is my place kaya I can choose kung sino ang makakaalam ng bahay ko." saad kong medyo naiinis. "Isa pa, alam ko namang hindi niyo magugustuhan iyon."

"Paano mo nasabi?"

"I have two puppies, two St. Bernard puppies."

"What? You know that Rina is allergic to cats and dogs, bakit nag-alaga ka pa rin niyan?" inis na saad niya, and this time hindi na niya iyon pinigilan. "And of all the dog's breed, St. Bernard pa talaga!"

"Alam mo na bata pa lang ako gusto ko nang mag-alaga ng St. Bernard. It's just that in the past wala akong makitang St. Bernard puppy na exactly three months old." medyo inis ko nang saad.

At the corner of my eye, nakita kong kumunot ang noo ni Aljosh at tapos ay tumayo siya at pumunta sa pantry.

"Who are you? Hindi ikaw yung Sam na kilala ko. Malayong-malayo ka sa Sam na fiancée ko. Lagi mo sinasabi sa amin ni Rina lahat ng gagawin mo. You always consider our opinions. Pero ngayon-"

"Iyon na nga eh, laging kayo ang iniisip ko noon. Hindi ba pwedeng sarili ko naman isipin ko ngayon? Hindi ba pwedeng gawin ko naman kung ano ang gusto ko?" inis na inis kong putol sa mga sinasabi niya. "May mga kailangan pa akong gawin. Bye." I said before hanging-up the call.

Inis na ipinatong ko ang cellphone ko sa sofa.

"Don't let him ruin your mood." saad ni Aljosh na may dala-dalang isang basong tubig.

"I wish na makuha ko na agad lahat ng dapat kong makuha. Para naman maputol ko na nang tuluyan ang kung ano ang communication namin. At para wala ng dahilan para magkita kami."

Agad na iniabot sa akin ni Aljosh ang tubig nang makalapit siya sa akin na agad ko namang ininom.

"Huwag mo na silang isipin muna. How about we go to FE Mall later?"

"Huh? Why?" takang tanong ko.

"For us to unwind and relax."

"No need, Aljosh. Nakakapag-unwind at relax naman ako sa atin."

"I insist. Mula nang maging mag-asawa tayo eh madalas na dito lang tayo sa opisina ko or sa bahay tayo. Kaya gusto kong lumabas tayo ngayon. Just let me finish my meeting this afternoon then we will go on a date."

"Are you sure?" paninigurado ko.

"Yes. Magiging busy ka na rin once that your company starts operating kaya gusto kong sulitin ang oras na hindi ka pa busy. Will you go on a date with me, My Wife?"

Agad na nag-init ang pisngi at mukha ko dahil sa itinawag niya sa akin. Aaminin ko, kinikilig ako.

~sweetbabyrsmwx~

Next chapter ang 1st date nila Sam at Albert. Pasensya na kayo at natagalan... Medyo busy eh... Sana suportahan n'yo pa rin mga gawa ko kahit matagal ang update...


Load failed, please RETRY

Chương tiếp theo sắp ra mắt Viết đánh giá

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C17
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập