Tải xuống ứng dụng
75.47% FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION) / Chapter 40: CHAPTER 39 "LIFE WORTH LIVING"

Chương 40: CHAPTER 39 "LIFE WORTH LIVING"

"KUNG anuman ang ibig mong sabihin, mas maganda kumain na tayo para makapagpahinga ka na," aniyang pinakawalan ang sarili mula sa binata at pinagkatapos ay hinawakan ang braso nito saka iginiya paupo sa isang silya.

"Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa'yo uuwi si Mama, kasama si Ate Danica," makalipas ang ilang sandali nang kumakain na sila ay iyon ang narinig niya sinabi ng binata.

Nahati sa dalawa ang nararamdaman ni Ara dahil doon.

Natuwa siya dahil matapos ang mahabang panahon ay makakasama na ni Daniel ang ina nito sa wakas. At nalungkot dahil kahit hindi pa nasasabi sa kaniya ng binata ang totoong dahilan ng pag-uwi ng kapatid at nanay nito ay tila ba nahuuhulaan na niya kung ano iyon.

"Kukuha tayo ng second opinion," anitong pinasigla ang tinig saka hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.

Tumango siya saka inabot ang mukha ng binata at banayad na hinaplos ang pisngi nito. "Iyon naman talaga ang dapat, sana nga mali lang ang unang diagnosis sa'yo," sa totoo lang ay parang nakaramdam siya ng pag-asa sa sinabing iyon ni Daniel kahit kung tutuusin ay wala pa.

"Sa lalong madaling panahon, sana maikasal na tayo," nang manatiling tahimik si Daniel ay iyon ang muling namutawi sa mga labi ng dalaga.

Nakita niyang kumislap ang mga mata ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. "Pwede ba nating ipaalam kay Mama at kay Ate Danica? Okay lang ba iyon sa iyo?" tanong nito.

"Okay lang, para sila nalang ang mag-witness sa atin," sa sinabi niyang iyon ay naramdaman ni Ara ang mabilis na pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata, pero nagpigil siya.

"Pasensya ka na kung hindi ko maibibigay sa iyo iyong klase ng kasal na talagang deserve mo, gusto pa naman din sana kitang makitang nakasuot ng wedding gown," ramdam ni Ara sa tono ng pananalita ni Daniel ang matinding panghihinayang pero sa halip na malungkot ay napangiti lang siya.

"The fact the pakakasalan mo ako, kahit yata basahan lang ang isuot ko okay lang. Ang importante naman kasi sa akin ay makasama ka, iyon ang totoong magpapasaya sa akin Daniel, wala nang iba pa," sa huli niyang sinabi ay hindi niya napigilan ang tuluyan nang pagkawala ng kaniyang emosyon na mabilis rin naman niyang tinuyo.

"Pasensya kana, masyado lang akong masaya kaya hindi ko mapigilan ang mapaiyak," aniya pa nang manatili si Daniel na nakatitig lang sa kanya. "At isa pa, hindi naman iyon ang una at huling beses tayong magpapakasal, kasi ikakasal pa tayo sa simbahan tapos may silver at golden wedding anniversary pa, hindi ba? Kaya makikita mo parin akong naka-gown," aniya pa sa binata.

Tumango lang ang binata saka ngumiti, inabot siya nito saka hinalikan sa kaniyang noo.

"Mauna ka na sa kwarto, ako nang bahala dito," pagtataboy pa niya kay Daniel nang mapuna niyang tapos narin itong kumain.

"Are you sure?" tanong nito sa kanya.

"Oo naman, sa pagluluto lang ako hindi pa masyadong natuturuan ni Nanay, pero magaling na ako sa mga gawaing bahay. Naalala mo, may sarili nga akong basahan na ginagamit ko sa library hindi ba?" pagpapaalala pa niya dito.

Nang maiwan siya sa kusina ay agad na sinimulan ni Ara ang paghuhugas ng pinagkainan nilang dalawa at pati narin ang mga ginamit nilang kasangkapan sa pagluluto kanina. Kung tutuusin ay kaunti lang ang mga iyon. Pero natagalan siya dahil ang totoo saktong paglabas ni Daniel kanina ay hindi na niya nagawang kontrolin pa ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

Agad niyang inilagay sa lababo ang mga hugasina at itinodo ang bukas ng gripo para hindi marinig ng binata kung sakali mang ang mahina niyang pag-iyak.

Kulang ang kahit anong salita upang maipaliwanag kung gaano kabigat ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Pero hindi niya pwedeng ipakita kay Daniel na ganito siya. Dahil katulad nga ng sinabi niya kanina, sa kaniya ito huhugot ng lakas at tatag ng kalooban, kaya kailangan marami siya noon, kailangang mag-ipon siya para mayroon siyang maibigay.

*****

KALALABAS lang niya ng banyo at katatapos lamang maligo ng saktong pumasok ng kwarto niya si Ara na alam niyang nanggaling sa kusina at naghugas ng plato.

"Gusto mo bang pahiramin kita ng shirt para may pamalit ka? Baka kasi gusto mong maligo?" tanong niya sa dalaga na napansin niyang namumugto ang mga mata pero minabuti niyang huwag nang batiin ang mga iyon at mag-pretend na parang walang nakita o napansin.

"Oo sige, para kapag niyakap mo ako mabango ako," sagot nito sa kaniya na tumawa pa ng mahina.

Sa isang iglap ang lungkot na nasa mga mata ni Ara kanina ay nakita niyang agad na naglaho at sa halip ay natakpan ng kasiyahan dahil sa ginawa nitong simpleng pagtawa.

"Ang swerte-swerte ko talaga at mahal na mahal mo ako," aniyang inabot ang kamay ng dalaga saka ito hinala payakap sa kaniya.

"Mas maswerte ako, kasi sa dinami-rami ng magagandang babae sa school na nagpapapansin sa'yo, ako ang pinili mong pakasalan, ako ang pinili mong mahalin ng sobra," sagot naman ni Ara.

Pinuno ng labis na kaligayahan ang puso ni Daniel ng sinabing iyon sa kaniya ng kaniyang nobya. Kung alam lang nito na ganoon rin siya. Na sa kabila nang maraming lalaking pwede nitong mahalin ay siya parin ang pinili nito. Na kahit nasa ganitong sitwasyon na siya ay hindi parin siya nito iniwan?

Noon niya buong pagmamahal na ikinulong sa kaniyang mga kamay ang maliit at magandang mukha ni Ara. Pagkatapos ay tinitigan niya ito. Hinagod ng humahangang tingin sa paraan na tila ba kapag ginawa niya iyon ay makakabisa niya ang bawat anggulo niyon.

"Mas maswerte ako kasi sa kabila ng lahat, pinili mo paring mag-stay sa tabi ko," aniya rito.

"Maligo ka na, iaabot ko nalang sa'yo ang damit mo," pagpapatuloy pa niya pagkatapos dampian ng isang simpleng halik ang maganda at maliit na noo ni Ara.

Tumango lang ang dalaga saka na pumasok ng banyo. Sinundan lang niya ito ng tingin at nang makapasok ay doon naman aksidenteng napadako sa kama ang kaniyang paningin. Ang marka ng dugo na naiwan doon ang agad na umagaw sa pansin ni Daniel. Kasabay noon ang mainit na haplos ng kaligayahan sa kaniyiang puso.

Hindi si Ara ang unang virgin na babaeng dumaan sa buhay niya pero nakatitiyak niyang ito na ang huli. Hindi iyon dahil sa sakit niya na pwede niyang ikamatay. Dahil iyon sa katotohanan na gumaling man siya ay wala na siyang ibang babae na mamahalin maliban rito, at iyon ang dahilan kung bakit inalok niya ng kasal ang dalaga.

Nasa ganoong ayos siya nang marinig niya ang magkakasunod na pagtawag ni Ara sa kaniya mula sa loob ng banyo. Noon siya nagmamadaling kumilos saka kumuha ng damit sa kaniyang built-in cabinet pagkatapos ay iniabot iyon sa dalaga.

"Naku iyong bedsheet," si Ara na agad ring napansin ang kulay pulang marka sa takip ng kama.

"Oo nga, papalitan ko iyan huwag kang mag-alala," aniya rito.

"Pero makikita iyan ng katulong ninyo kapag nilabhan niya," ang nag-aalala pang sabi ng dalaga.

"Lalabhan ko na ngayon, don't worry," aniya rito.

Tumango lang si Ara sa sinabi niyang iyon at hindi na nagsalita pa.

"Saglit lang ito, o gusto mo akong samahan?" tanong pa niya habang nagpapalit ng bedsheet."

"Sige, para may kasama ka," sang-ayon pa ng dalaga sa kanya.

Napangiti doon si Daniel saka tinitigan ng buong pagmamahal ang kaniyang nobya. Gaano man kaikli ang maging buhay niya, masasabi niyang naging makabuluhan ito, dahil kay Ara.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C40
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập