Tải xuống ứng dụng
46.34% "You're Only Mine" / Chapter 19: KABANATA 19

Chương 19: KABANATA 19

Clifford Point of View...

Dali-dali akong umakyat mula sa hagdanan, where Marilou would be arranged. Naabotan ko kasing umiiyak ang isa sa mga katulong namin dahil nag wawala daw si Marilou. Ano kaya ang problema ng babaeng iyon? she seems to be the craziest person I have ever met. Kakaiba ka Marilou.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Marilou na inaaway ang make-up artist niya.

"Umalis kana kong ayaw mong basagin ko lahat ng make-up mo." sigaw niya sa bakla. "Sabing ayaw kong mag ayos kaya lumabas kana dito ngayon din!!!" isang malakas na sigaw rason kong bakit dali-daling lumabas ang make-up artist ni Marilou.

Napapikit ako habang hinihilot ang aking sentidu.

"Wait...." hinila ko ang braso ng make-up artist. "I'm sorry," iyon lang ang tanging nasabi ko. Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago ko sya binitawan.

"Mr. Edelbario, kailangan ko ng umalis. Hindi ko na po sya kaya. Sana ay hindi kayo ma offend sa sasabihin ko." kumunot ang noo ko sa wika niya. "Humanap nalang po kayo ng iba, deserve nyo po ang sumaya sa ibang tao hindi sa kanya. Excuse me," huli niyang sabi bago ako tuloyang tinalikuran.

Napailing ako, that's also why I think of now, why I am here in this situation, why I have to comply with what they want fo me. Napakuyom ang kamao ko at dahan-dahang binuksan ang pintoan, naabotan ko syang umiiyak habang kinakausap ang sarili.

I dont know pero parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Marilou. Sa puntong ito ay iisa lang ang nasa aking isipan.

I have to finish it all and after all of this, I will try not to get lost, Marilou.

Kinausap ko si mommy at daddy at ang lahat. Maging ang pamilya ni Marilou, sinabi ko sa kanila kong ano ang binabalak ni Marilou sa kanyang sarili. Alam naming lahat kong ano ang ginagawa niya sa kwarto, kong pano niya pahiyain ang kanyang sarili sa lahat. I told everyone and I wanted, no one to judge and laugh Marilou because she would go even more crazy if alam niyang alam namin ang kabaliwan niya.

Sige Marilou, baliwin mo kami dahil sisiguradohin ko mamaya, ikaw na ang mababaliw sakin.

I laughed as I thought about everything I would do after our wedding.

Marilou Point of View...

Hanggang ngayon ay halos maiyak ako sa kakaisip, nagagalit ako sa ginawa sakin ni Clifford. Ang daming ganap na nangyari at hindi ko alam kong ako pa ito o baka nananaginip lang ako. Gusto kong sumigaw sa lahat ng FUCK THEM ALL!!! pero hindi, hindi ko magawa.

"Girl you okay?" bumalik ang diwa ko ng hinawakan ni Jazzy ang kamay ko. Nasa iisang table kami sa venue ng kasal ko. Simple lang din at tanging pamilya ni Clifford at pamilya ko ang nandito kasama ang mga kaibigan namin.

"Are you really asking that?" singhal ko kay Jazzy kaya napahalukipkip ito. Napabuntong hininga ako!

"Just asking lang naman kasi, kasi kanina ka pa tulala dyan. Kanina pa kami nagsasalita dito Marilou pero wala ka sa iyong sarili." wika niya ulit. Napasandal ako upoan. Sa dalawang ito talaga ako komportable at gustong umiyak.

"Im happy for you," singit ni Jilheart. Nag taas ako ng kilay sa sinabi niya. "I mean masaya naman talaga kami sa kasal mo kahit ayaw mo, pero girl tignan mo oh---" nguso niyang turo kay Clifford mula sa unahan. Nagtatawanan sila sa gitna kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko kilala ang iba at tanging si Robi lang ang naaalala ko dyan.

"Tssss... anong meron sa kanila? Hindi ko sila kilala." umiwas ako ng tingin pagkatapos sabihin iyon. Sobrang laki ng mga ngiti ng kanyang kaibigan na para bang nasisiyahan sila sa araw na ito.

"Alam mo Marilou, ang dami kong narinig kanina tungkol kay Clifford." napalingon ako kay Jazzy. "Mabait naman pala yong tao, kaya mdaming kaibigan kasi malalapitan at totoo. Mar, baka naman mabigyan mo sya ng pagkakataon, look oh ang gwapo gwapo kaya ng husband mo!"  natawa ako sa sinabi ni Jazzy, gusto ko syang hampasin ng bag ko ngunit kaibigan ko sya.

"Then? anong mapapala ko dyan?" singhal ko kaya humalukipkip si Jazzy. Natawa naman si Jilheart.

"Ewan ko nalang talaga sa kaibigan natin, palaging galit eh nag sa'suggest lang naman kami Mar." sambit naman ni Jilheart. Napabuntong hininga nalang ako at umiwas nalang sa dalawa.

Hindi ko alam kong bakit ako palaging galit sa kanino man. Hinanap ng mata ko si mommy at lolo at kausap niya ang mga bisita namin. Kaya agad akong umupo sa dalawa kong kaibigan dahil kanina pa ako binabati ng lahat at nahihilo ako sa kanila.

"Apo," napalingon ako sa likuran. Bumungad sakin si lolo na sobrang pagod ngunit nakangiti. Agad akong tumayo ng hindi ko manlang namalayan. "Kailangan ko nang umuwi, bigla kasing sumakit ang mga paa ko." aniya.

Biglang sumikip dibdib ko. Ramdam ko ang pagod ni lolo sa araw na ito ngunit mas pumangibawbaw ang ka gwapohan niya.

"Hatid na po kita lolo," biglaan syang umiling sa sinabi ko. Kinawayan niya ang isa naming driver at ang isa niyang body guard.

"Dont worry nandyan sila," lumapit sya sakin at bigla akong niyakap. "Congratulations apo, masaya ako sa desisyon mo. Magpakabait ka sa bago mong bahay." huling sabi ni lolo bago ako hinalikan sa noo.

Iniwan niya akong nakatulala. Bigla akong napaisip sa sinabi niyang bagong bahay? Shit, huwag mong saihing.....

"Marilou hija!" mabilisan akong napalingon sa papalapit sakin. Si daddy, at stepmom ko kasama ang mommy at daddy ni Clifford. Sa puntong ito ay hindi ko alam kong ano dapat ang itatawag ko sa kanila. Shit!!! bakit ako pa....

"Uuwi narin kami kasi may maaga akong meeting bukas," niyakap ako ni Mrs. Edelbarion, ngumiti sya sakin at tanging pag tango lang ang isinagot ko. "Congratulations ulit, hindi mo alam kong gano kami kasaya sa gabing ito. Finally my son is already married." kitang-kita sa mata ng mommy ni Clifford ang saya. Hindi ko magawang ngumiti dahil sila lang naman ang masaya at hindi ako.

"Aalis na kami, enjoy your night." mahinang tinapik ni Mr. Edelbario ang likod ko at tuloyan silang umalis.

Sa pagkakataong ito ay nasa harap ko si daddy at stepmom ko. Umiwas ako ng tingin habang naka cross arm.

"Maiwan ko muna kayong dalawa, mauna na ako sa kotse, hon." paalam ng stepmom ko bago ito humalik sa pisnge kay daddy. Umirap ako sa nakita.

"Ngayong tapos na at successful ang lahat ng gusto naming mangyari sa kasal nyo. Nais ko lang sabihin sayo Marilou na galit ako," kuyom ang kamao ko sa narinig. Sya pa talaga ang galit? Pano naman ako?

"Lagi ka lang naman galit, not new to me." sagot ko at rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga ni daddy.

"Okay, ayaw kong makipag away sayo ngayon dahil pareho tayong pagod." dahan-dahan syang lumapit sakin at bigla akong niyakap. Hinayaan ko syang yakapin ako, sobrang sakit ng puso ko ngayon dahil sa galit. "Kahit galit ako masaya ako para sayo, anak." dugtong niya bago ako bitawan. Umiwas ako ng tingin dahil may iilang luha sa gilid ng aking mata. Bakit ako nasasaktan ng ganito? diba dapat ako nagagalit. "Congratulations Mrs. Edelbario, mag pakabait ka anak, mahal na mahal kita." hinalikan niya ang noo ko bago niya ako tuloyang iniwan.

Napatakbo ako sa isang sulok at humagulgol ng iyak. Pareho sila ng ginawa ni Lolo dahil iyon ang kinahiligan nilang dalawa, ang halikan ako palagi sa noo. Ayaw ko na, napakasakit naman itong ginawa nila sakin. Ako pa ang itinulak magpakasal sila pa talaga ang galit sakin?

How come? bakit ganon?

Nanatili akong nakasandal sa isang pader sa may sulok. Nakatingala sa isang malaking chandelier. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang umiiyak.

"I've been looking for you and you're just here," mabilisan akong napatuwid ng tayo at isa-isang pinunasan ang mga luha. Bumungad sakin si Clifford na nakapamulsa habang nasa kaliwang kamay niya ang dala niyang itim na suit. Tinaasan ko sya ng kilay bago binangga.

Nakasalubong ko ang isang buntis na  babae. Napatitig ako sa kanya dahil nakangiti sya sakin ngayon. Mag kasing haba kami ngunit mag pumangibabaw ang ganda niya dahil sa mataas niyang buhok.

"Hi Marilou," nakipag beso-beso sya sakin. Hinayaan ko sya at nanatili syang nakangiti sakin. "Ang ganda-ganda mo pala, kaya inlove sayo kaibigan namin." umismid ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko magawang sumagot dahil napatitig ako sa tyan niyang malaki. "I'm happy because you became a part of Clifford's life. I wish you had a baby soon." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Nag taas ako ng kilay. Sino ba ang babae na ito, at kong makapagsalita ay feeling close lang?

"Would you please stop, who you?" naging maldita ang tono ko ngunit nakangiti parin sya sakin.

"Mary!?" sabay kaming napalingon kay Clifford na palapit samin. "Akala ko ba ay umuwi na kayo?" kunot noong tugon ni Clifford.

Lumingon sya sakin nang walang ekspresyon. Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa, pinulupot niya sakin ang suit niyang dala.

"Aalis na sana kami kaso nakita ko si Marilou, kaya nilapitan ko agad. Nag-usap lang kami saglit." mahinhin niyang sugot. Bakit feeling ko ay kabaliktaran ako sa babaeng ito, sobrang lambing magsalita. Nilapitan sya ni Clifford at hinimas ang tyan nito. Kumunot ang noo ko, ganon ba talaga sila ka close?

"Hatid na kita, nasan si Rocky?" inilalayan niya si Mary at tinalikuran akong nag-iisa. Nakagat ko ang aking labi sa galit habang pinapanuod silang dalawa na palayo.

"Bye Marilou, sana makapag-usap pa tayo ulit." kaway niya habang papalayo. Napakapit ako saking dibdib, hindi ko rin alam kong bakit ko nararamdaman ito ngayon.

Bakit ganon kabait si Clifford sa mga kaibigan niya?

Hinanap ko ang dalawa kong kaibigan at umuwi na pala sila ng walang paalam. Galit na galit ako aa ginawa ng dalawa dahil mismong mga body guard ni Clifford ang naghatid sa kanila. Napaupo ako sa sulok habang nagtitipa at binibweset ang dalawa kong kaibigan.

Sobrang ramdam ko ang init at galit ng aking katawan. Bigla akong napahimas sa suit kong pumangibawbaw saking katawan.

"Lets go," isang bagsak boses ang nagsalita mula saking likuran. Nag taas ako ng kilay sa anyaya na.

"Lets go mo mukha mo!!!! bweset!!!" sigaw ko bago tumayo at hinampas sa kanya ang suit. Kanina pa ako nagagalit sa kanya.

"Marilou anong problema mo?" tawag niya sakin mula sa likuran habang nakasunod sakin patungong parking area. Padabog akong naglakad kahit hindi ko alam kong nasan bweset niyang kotse. "Marilou," sigaw niya at tuloyan akong nahuli. Nag tama ang dalawa naming mga mata.

"What????" singhal ko.

"Bakit ka galit? uuwi na tayo." namangha ako sa anyaya niya. Tinawanan ko sya ng malakas habang nakahawak saking tyan. Ano ito joke? Anong problema ng lalaking ito?

"Abay nag anyaya kang umuwi na tayo? Eh dapat kanina mo na yan sinabi at hindi ako iniwang mag-isa. Baliw ka ba Clifford?" sunod-sunod kong sabi habang tawang-tawa. Igting panga niya akong tinignan. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ayaw kong makipagtalo sa bata, pagod ako. Kong ayaw mong umuwi edi mag-isa ka dito." nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Tinalikuran niya ako agad ng walang pag alinlangan, hindi ko alam pero sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sabay ng aking katawan.

Agad syang pumasok sa kanyang kotse at tuluyan akong iniwan. Mas lalo akong namangha ng pinaandar niya ang kanyang kotse at pinaharurot palabas. Napahawak ako saking dibdib, napalinga ako sa buong paligid. Hindi ko nalang namalayan na isa-isang tumulo ang aking mga luha.

Maldita akong tao pero natatakot parin akong iwanan ng lahat. Matapang ako sa lahat pero matakotin ako sa ulan multo. Dahan-dahan akong  napaupo sa sahig at umiyak nalang. Yakap-yakap ko ang aking sariling tuhod sabay ng malakas na ulan. Mas lalo akong natakot sa puntong ito.

Napasigaw ako sa takot habang umiiyak.

"Mommy!!" halos mawala ako ng boses habang humagulgol ng iyak. Sobrang bigat ng damdamin ko ngayon, napakabigat. Sigaw ako ng sigaw ng mommy.

Inaantok na ako dahil sa malalaki kong luha. Pagod na ang puso ko sa lahat, gusto ko nang mawala. Mas lalong lumakas ang kulog at kidlat mula sa labas.

"Stupid brat," isang buo at basag na boses ang narinig ko. Dahan-dahan niya akong binuhat, hindi ako makaimik at hinayaan akong buhatin. Hindi ko alam kong sino ang lalaking ito at sinubsob ko nalang ang aking mukha sa kanyang leeg.

Familiar sakin ang amoy at hubog ng kanyang katawan. Nanatili akong nakapikit at hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Sa pagkakataong ito ay tuloyan na akong nakatulog at bago man iyon nangyari ay narinig ko pa makisig niyang boses.

"Hindi ko alam kong mag tatagumpay ako sa gagawin ko sayo!"


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C19
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập