Inilibot ni Ferol ang kanyang paningin sa sala ng bahay ni Cash. Maaga pa lang ay pinasok na niya agad ang pamamahay ng "querido niya". Mahihiya ang alarm clock sa sobrang aga niya. Napakamot siya sa kilay nang makitang malinis naman ang buong kabahayan.
"Ano naman kaya ang gagawin ko dito?" naupo siya sa sofa. Napabuntong hininga siya. "Nasaan kaya ang lalaking iyon?"
Nasagot ang katanungan niya. Mula sa kusina ay lumabas ang gwapung-gwapo na si Cash. "Ang aga mo ah. Morning." Bati nito sa kanya. "Kumain ka na ba?"
"Ah.." Nararamdaman na naman niya ang pagrarambulan ng mga kung anu-ano'ng nilalang sa dibdib niya. Kung noon, ang alam lang niya ay kaya tumitibok ang puso ay dahil nagpa-pump ito ng dugo para sa buonng katawan. Pero ngayon, tila nag-iiba na ang pananaw niya sa buhay. Mula nang makita niya ang fafaru na nasa kanyang harapan.
Ferolyn, nanuno ka ba? Ang lalim na naman, pag iba talaga ng pananaw?
"Ferol." Tawag nito sa kanya. Sinalat nito ang kanyang noo. "Masama ba pakiramdam mo?"
"Ah.." Umiling siya. "Ano kasi.. teka akala ko ba may lakad ka?"
Diosmio marimar. Boy tameme naman ako. What should I do?
"Hindi naman natuloy, may problema yata si Marco." Iiling-iling na sabi nito. "I hope maging okay na sila ni Kristin."
"Seryoso na talaga sila. Hay, si Miss Kristin talaga. Binalaan na nga at lahat." Hinawi niya si Cash at hinalungkat niya ang ref. "I-raid ko lang itong predyider mo ha? Luto ako ng breakfast natin."
"Okay. I'll be upstairs." Nilingon siya nito. "Be careful, baka mahiwa ka ha." And then he left.
"Sabi mo eh." Inilabas niya ang mga nakita niya'ng mailuluto. "Ano kaya? Adobong chicken kaya? Para sakto. Laglag ang puso mo sa akin." Napangisi na lang siya.
Sira ulo ka kamo. Baliw.
Makalipas ang medya ora. Natapos ni Ferol ang pagluluto. Naihanda na rin niya ang hapag at kakain na lang siya. Aakyatin na sana niya si Cash sa kwarto nito kaso nagdadalawng -isip pa siya. Inayos muna niya ang kanyang sarili bago man lang niya harapin ito.
"Biglang nag-ayos Ferol? Aba matindi ang tama." Napangisi na naman siya. "Maganda naman ako kaya keri na iyan." Pumunta na siya sa silid ni Cash at kumatok. Pero hindi ito sumagot, kung kaya pinihit na niya ang sedura ng pinto. "Cash, kakain na."
She entered his room and the sight that greeted her almost took her breath away. Cash was sleeping in his bed. Nakadapa ito kaya kitang-kita niya ang likod nito. Nakatabing ang kumot nito hanggang sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi tuloy niya matukoy kung..
"Magtigil ka nga Ferol." Saway niya sa kanyang sarili. Napalunok siya. May aircon naman ang kwarto nito pero bakit parang pinagpapawisan siya habang [inagsasawa niya ang kanyang tingin sa natutulog na pigura nito. Hindi ba ito nilalamig? Aminado siyang humahano ga siya sa magandang katawan ni Cash. Yon nga lang, umaariba ang kakaibang bagay sa isip niya. Ano kayang feeling ng mapadausdos ang mga kamay ko sa likod niya?
Dahan dahan siyang lumapit dito. umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi nito. Hindi niya itatanggi na gwapo itong si Cash. Unang kita pa lang niya dito ay nahumaling agad siya. Kung totoo yon sparks na sinasabi ng kaibigan niya malamang taob ang poste ng Meralco sa spark slash kuryente effect ni Cash sa kanya. Kung tatantyahin malamang mga nasa six feet ang height nito. His eyes were brown that seemed to captivate her. His nose was slightly crooked and that made him sexy. Sexy? Wew. Mapupula ang labi nito na minsan ng dumampi sa pisngi niya. Napadako ang mga mata niya sa labi nito. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan nito? As in kiss.
Napapikit siya ng mariin para burahin ang naiisip niya. Inaagiw na ang utak ko. Masama na ito.
Akmang gigisingin na niya ito nang bigla itong dumilat dahilan para mapasinghap siya. Huling-huli kasi siya nitong nakatitig dito.
"Hey, Nakatulog pala ako. Ferol." His voice was husky from sleeping and that was sexy.
Anak ka ng tatay mo, bakit parang naaakit ako? Bakit nakakaramdam ako ng ganito. Waaa.
"Ferol?"
Napalunok siya. Hindi niya maiwas ang kanyang paningin kay Cash na umayos sa pagkakahiga. His chest was bare in front of her eyes. She licked her lips. Deym! Walang deny deny ito! Attracted siya sa magandang tanawin na nakikita niya. Kahit siguro hilahin niya ang kanyang buhok parang kay hirap matauhan.
"Ahm, ano kasi barya, downy..." Seven! Hindi iyon ang gusto niyang sabihin sa binata. Sobrang na-didistract siya sa nakikita niya. "Ano kasi.. yo'n.. aah. Ano.." Lintek pakiramdam niya ay namumula na ang pisngi niya sa pinagsasabi niya.
He chuckled. Naupo ito ng ayos at nakasandal sa headboard ng kama. The sheet fell off into his sexy hips. Isang galaw na lang nito may bagay siyang hindi dapat makita. Napalunok na naman siya at ramdam niyang pinagpapawisan na ang palad niya. Pati puso niya. Nakikisabay sa bilis ng pagtibok nito.
"Ferol, do I make you feel uncomfortable?" Pilyong nakangiti ito sa kanya. Nang marinig niya ang tinig nito ay natauhan siya. Padarag siyang tumayo pero sa pagmamadali ay nahila niya ang kumot nito. At nakita niya ang...
Waaaaa!!
"Boxers, boxers lang ito Ferol." Tatawa-tawang sabi ni Cash. Binato niya ito ng kumot na nahila niya. Saka dere-deretso siyang lumabas ng kwarto nito. Rinig pa rin niya ang lakas ng tawa ni Cash.
"Ferol, ang ganda mo pala talaga." Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti nito sa labi. "Nakita mo ang tinatago ko."
"Abno ka'ng barya ka!" singhal niya dito. susmaryosep Ka Inggo! May sanib din pala ito'ng si Cash.
"Misis, ayos lang iyan. Makikita mo naman ang lahat sa akin."
Nagbilang siya ng sampu. Pamapakalma. "Mister, wag gayon." Natigilan siyang bigla. "Hoy! Cash! Lakas din ng trip mo ah, pambihira ka. Ewan ko sa iyo."
"Sa pagkakatanda ko nag-apply ka na maging Misis ko di'ba?" humalukipkip ito saka ngumisi sa kanya. "You're drooling over my body."
"Hah!" mukhang matutuluyan ako nito ah. Abno talaga itong lalaking ito. "Cash, maka-drool naman." Pwes sakyan ko ang trip nito. "Sa susunod kabayan. Isarado mo'ng maigi ang pinto ha? Mahirap na baka.."
"Baka ano Ferol?"
"Basta." Kasalukuyan sila'ng nagpapatay ng oras. Biglaan ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kaya heto, pareho silang dalawa na walang matinong mapag-usapan. Paulit0ulit nito'ng binabanggit ang nang yari kanina sa silid nito. Siya naman ay tila naimmuned na sa pang-aalaska nito. "Lakas din ng sapak mo Cash. Papano na lang kung hindi ako iyon. Malamang ginapang ka na."
"Magpapagapang ako kung ikaw ang gagapang."
"Baliw ka rin ano? Hayaan mo, hahanapin ko ang balon ni Sadako. Iyon expert sa gapang iyon."
Natawa lang ito. "Ibang gapang naman iyon. Nakakatakot." Lumapit ito sa kanya at bigla siya nitong niyakap. Sa loob na ilang segundo, sa lakas ng ulan at silang dalawa lang sa bahay nito.
"Oy teka naman." Nagtatakang tinignan niya ito. "Anyare sa iyo Cash? Nilalamig ka? Ikukuha na lang kita ng jacket." Akmang bibitaw siya dito pero hindi siya pinakawalan. Napatitig siya sa brown na mga mata nito. Tila ba iisang emosyon lang ang nakikita niya dito. at ayaw niya iyon pangalanan.
"Ferol. Let's just stay like this... for a while." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"May problema ba Cash? Masyadong malakas na ang ulan, nakaka emote tapos yayakap ka pa. Aba naman maawa ka sa akin." Napapakunot-noo siya sa ikinikilos ni Cash. Nagtataka na naman siya parang out of the blue biglang umaakto ng ganito ang binata. "May bagyo ba? Bigla naman kasi. Hindi ako prepared."
Ano ba iyan pinagsasabi ko! Ilalayo ko lang ang topic sala-salabid pa.
"If you still remember, you asked me if I believe in love at sight." He pressed his face on her neck as he inhaled her scent. "Yes, I believe in that."
Lalong nagkagulo ang sistema niya sa pinaggagawa ni Cash! May napatigil ang oras. Natulala siya ng bahagya. Nagliparan ang mga puso sa mata niya. Basta mahirap na ipaliwanag. Dahil hindi siya makakilos man lang. ninamnam na lang niya yakap nito.
"Cash. Ano ba'ng nangyayari sa iyo?"
Hindi ito sumagot. Ngayon naman ay nakatitig ito sa kanya. Sa paraan ng pagkakatitg nito parang may nais itong ipahiwatig sa kanya. Napakatinding emosyon ang nakikita niya.
"Ferol, if I.."
"Ano ba iyon? Nakakakaba ka naman."
"Ferol, what If I do this." Pagkasabi niyon ay hinawakan siya nito sa batok at hinapit papalapit sa mukha nito. Napapikit na lang siya nang maramdaman niya ang mainit at malambot nitong mga labi sa mga labi niya.
The kiss! She could feel his tounge on her lips asif it was telling her to open her mouth. And she did. He placed his lips over hers, capturing her lower lip and sucking it gently. Imbes na itulak ito palayo. Tila nililiyo siya sa mga halik nito. She saw herself encircling her arms around his neck and pulled him closer.
Dahil sa ginawa niyang pagsagot sa mga halik nito. He kissed her hungrily but gentle. Intense but slow. Pakiramdam ni Ferol nag-iinit ang bawat himaymay ng katawan niya. Bago pa sila kapusin ng hininga ay bumitaw na ito sa kanya.
Catching her breath. She looked intently into his eyes. His dark brown eyes. She could tell that kiss isn't just a kiss. She can see it, like it is intimate, romantic and another word to her vocabulary. Sexual.
"Ferol. I do like you." Sambit nito.
Bago pa makain ng masamang ispiritu ang ang ulirat niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito.
"Eh. Hindi pa ba like yo'n? sinibasib mo ako ng halik. Aba pambihira ka talaga Cash. Panagutan mo ako Mister." Dinuro-duro niya ang dibdib nito. "Ang lupit mo, tinangay mo sa Timbuktu ang wisyo ko."
Hinawakan nito ang kamay niya saka hinalikan. "Seryoso Ferol. Parang.."
"Ano? Cash naman." Leche flan naman! Hindi pa ako nakakarecover sa halik mo kulugo ka! Utang na loob wag mo patulan ang joke ko. Baka hindi ako makapagpigil lalaki ka!
"Ganoon ba talaga ang epekto ko sa iyo? Hinila muli siya nito papalapit para yakapin. "Hmm."
The feels. His warm embrace. And his kiss.
"Ako nga ay naninibago. Ganito ba ang nagyayari? Matapos ang kissing scene nag-uusap ng mga bagay na awkward? Hindi ba pwedeng puro kiss na lang."
Langya. Lubos na itong pagkaloka-loka ko! Peste. Kahiya.
Isiniksik niya ang sarili dito. naririnig tuloy niya ang mahinang pagtawa nito.
"Pwede kitang pagbigyan sa gusto mo babe, yon ay kung papayag ka'ng mapunta ulit sa Timbuktu ang ulirat mo."
"Tama na rin muna ah." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Langya. Nakakapanghina ng tuhod eh."
"Wala pa nga tayo'ng nagagawa ah." Pigil na pigil si Cash sa pagtawa. "Kaya nagugustuhan kita Ferol. You really tell what's inside your mind."
"What's on my mind? Facebook lang. Abno." Huminga siya ng malalim. "Sira ulo ka kapag ako hindi nakatulog ng maayos ikaw ang may kasalanan."
"Sure, I'll take the blame." Then he planted a kiss on her hair.