Tải xuống ứng dụng
4.43% Supreme Asura / Chapter 32: Chapter 32

Chương 32: Chapter 32

"Isang malaking surpresa ang pagdating ng anak ng Chief ng Peacock Tribe. Ipinapakilala ko sa inyong lahat, si Huang Mei!" Malakas na sambit ng Host na siyang umalingawngaw sa buong stadium. Nakangiti rin ito ng malaki lalo na sa nakikita nitong isang batang babaeng napakaamo at mala-anghel na mukha.

Tila naging center of attraction ang batang babaeng nagngangalang Huang Mei kung saan ay tuloy-tuloy lamang ang pagpunta nito sa loob ng nasabing stadium patungo mismo sa Giant Boulder.

Maraming namangha sa taglay na confidence ng batang babaeng nagngangalang Huang Mei na anak ng Tribe Chief ng Peacock Tribe.

Bata pa lamang ito ngunit litaw na litaw ang kagandahan nito na siyang bumagay sa kasuotan nitong napakagara at napakaganda rin. Kahit ang mga nakaupong mga babaeng mga dating estudyante na rito ay tila na-curious sa kanilang sariling pagmumukha.

Ngunit kung ang mga taong naririto ay halos namamangha sa paglitaw ng batang si Huang Mei na anak ng Tribe Chief ng Peacock Tribe ay meron din ang hindi nagustuhan ang pinakitang pag-uugali ng dalaga lalo na sa ma-attitude nitong presensya lalo na ang mga kaedaran nitong mga batang babaeng nasa grounds din ng nasabing napakalawak na Ooen Ground Stadium.

"Kala mo naman ay diyosa ng kagandahan eh ginamit niya lamang ang pagiging anak ng Chief ng Peacock Tribe na ito para makapasok rito Hmmp!" Sambit ng tinig ng batang babae. Napakatinis ng tinig nito ngunit ang uri at tono ng pananalita nito ay masasabing mayroong mapanghamak na mga salita.

"Oo nga eh, malay natin diba baka palabas lamang ito ng babaitang iyan. Porket anak siya ng Tribe ay magrereyna-reynahan na rito grrrr...!" Tila pagsang-ayon naman ng isang batang babaeng nang makita nitong nalagpasan na sila ng anak ng Tribe Chief ng Peacock Tribe na si Huang Mei. Sa pagdating nito ay tila naging props lamang sila ng babaeng taga-tribo na ito. Porket prinsesa siya ng Peacock Tribe ay dapat na itong umasta na parang reyna. Naiisip nitong mas bagay na maging reyna ng putikan ang babaeng kaedaran niya na Dirt Queen.

"Hmmp! Hindi ko talaga alam na ganito pala ang ugali nito. Parang hindi anak ng Tribe Chief kung umasta. Nakakahiya, kung sino pa naman ang nagpopromte ng pagkakapantay-pantay ay siya rin naman palang hindi naapply ng anak nito!" Panghahamak ng isa pang batang babaeng kaedaran lamang ng dalagang si Huang Mei. Bakas sa tono ng pananalits nito ang galit.

"Ano pa nga ba ang magagawa natin dahil isa siyang prinsesa ng tribo nila diba?! Ano ang panama natin sa kaniya kahit na mababa ang grade ng Martial Talent nito ay mabuhuhay pa rin ito ng maginhawa at marangya dahil sa magulang nito." Tila napabuntong hininga na lamang ang isang batang babae dahil sa obserbasyon nito. Wala silang magagawa pa rito dahil isa lamang silsng hamak na taong nabibilang sa ordinaryong pamilya at ordinaryong mamamayan.

"May punto ka nga sa sinabi mo. Ngunit hindi rin naman magtatagal ang pamumuno nila at pag-exist ng Peacock Tribe kung napakahina ng Tribe princess na ito. Isang nakakahiya at napakasaklap naman na pangyayari para sa Peacock Tribe kung sakali dahil nag-iisang anak lamang ito ng Tribe Chief hahhahaha!!!" Sambit naman ng batang babae. Hindi niya aakalaing maghihintay lamang siya ng pagkakataon o oras kung sakaling mangyari ang pinakananais niyang mangyari rito. Tiyak siyang magiging masaya iyon kung sakaling totoong mangyari ang bagay na ito.

"Oo nga eh, ako na ang isa sa tatawa mismo sa Tribe Princess daw ng Peacock Tribe kung napakababa ng grado ng Martial Talent nito. Siguradong magiging kahiya-hiya ang magiging tagapagmana ng Peacock Tribe lalo na ng buong malaking tribo na ito Hahaha!!!!" Tila hindi mapigilang tumawa ng isang batang babaeng napakaamo rin ng mukha. Gustong-gusto nila mangyari ang bagay na ito. Yung tipong gusto niyang makita ang babaeng nagngangalang Huang Mei na siyang anak ng Tribe Chief ng Peacock Tribe na malugmok sa kahihiyan. Pinakaayaw niya rin ang kasamaan ng budhi o pag-uuglai nito.

"Hahahahahaha...!!!!!!!" Malakas na tawanan ng mga grupo ng mga batang babaeng nakapila. Tila ba masaya silang mag-isip ng bagay na ikakasama ng batang babaeng kaedaran lamang nila.

Napatahimik lamang ang batang si Li Xiaolong dahil sa narinig nito. Ngayon lamang siya naka-encounter ng ganitong klaseng mga batang babaeng halos kaedaran niya lamang ngunit masasama ang pag-uugali ng mga ito lalo na sa pag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Hindi kasi maganda ang bagay na ito na pag-usapan o pag-isipan ng masama ang kanilang kapwa tao.

Sa kabilang banda naman ay nag-uusap rin ang mga batang kalalakihan na nakapila habang pinag-uusapan ang dumaan sa kanila kanina na anak ng Tribe Chief Huang Chen ng Peacock Tribe na si Huang Mei. Tila halos maghugis puso ang mga pares ng mga mata ng mga ito.

"Napakaganda talaga ni Huang Mei. Hindi ko aakalaing makikita ko siya ng personal at malapitan. Kahit umuwi pa ko sa angkan na aking kinabibilangan ng bigo ay panalo natupad ko naman ang aking pangarap." Sambit ng batang lalaking halos hindi nito magawang ilihis ang mata nito sa batang babaeng nagngangalang Huang Mei na anak ng Tribe Chief ng Peacock Tribe.

POOKKKK! Tila nakatikim ng malakas na batok ang batang lalaki sa sinabi nito.

"Tanga ka ba, mangarap ka ng gising boy dahil ako lamang ang nararapat sa kaniya. Nakita mo na siya eh, pwede ka ng umuwi sa inyo kahit ngayon din mismo! Basta ako gusto kong manatili rito para makikita ko siyang parate hehehe...!!!!" Tila nakangiting aso naman ang isang batang lalaking bumatok sa kaedaran nitong batang lalaki.

"Oo nga eh. Sino bang gustong umuwing luhaan sa angkan natin?! Pero isa lang ang masasabi ko sa ngayon, napakaganda ng aking diyosang si Huang Mei!" Tila nagdi-daydream naman na sambit ng batang lalaki habang naiisip nito ang napakagandang batang babaeng si Huang Mei. Halos maghugis puso na ang mata nito sa lawak ng imagination nito.

Napatahimik na lamang ang mga batang lalaking nagsalita. Tila naiisip nilang may sayad na sa utak ang batang lalaking kausap nila na kulang na lamang ay tumulo ang laway nito sa kaka-imagine.

Ngunit natigil lamang ito ng nagsalita ang isang batang lalaking kanina pa tahimik.

"Hello, nangangarap lamang kayo dahil ang isang diyosang si Huang Mei ay nararapat lamang sa malakas at matipunong kagaya ko hehehe!!!!" Sambit naman ng batang lalaiing animo'y makahulugan pa itong ngumisi. Ang confidence rin nito ay halos lumagpas ng langit at kahit pa ang mga kaulaban at mga ibon ay mahintatksutan sa labis nitong kumpiyansa sa sarili. Proud siyang siya ang pinakamalakas sa kanila rito lalo na sa kanilang grado ng Martial Talent ay siya ang may pinakamalakas at pinakamataas rito.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C32
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập