Tải xuống ứng dụng
2.35% Supreme Asura / Chapter 17: Chapter 17

Chương 17: Chapter 17

"Hindi ako sigurado sa aking sinasabi Xi Lian ngunit iyon lamang ang unat at huli kong punta roon. Isa pa ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa batang iyon. At ang hangin mula sa paligid nito ay mistulang distorted. Ngunit baka guni-guni ko lamang iyon."sambit ni Night Spider habang makikita sa mukha nito ang naguguluhan.

Tuluyan na ngang lumaki ang mata ni Xi Lian sa sinabi nito.

"Anong sabi mo?! Distorsyon?! Nangyayari lamang iyon kapag nagkakaroon ka ng Breathing Technique mula sa acupoints mo. No way!" Sambit ni Xi Lian dahil halos laglag panga siyang nakatingin kay Night Spider na naguguluhan.

"Hindi pa naman ako sigurado eh. Tsaka kahit isang porsyento lamang ay walang tsansa na magkakaroon ng isang 10th Grade Martial Talent. Kahit sa buong Sky Flame Kingdom ay mabibilang lamang sa kamay ang mayroong 10th Grade Martial Talent at isa na doon ang kasalukuyang hari ng kaharian nila. Kung kaya't ayokong umasa sa posibilidad na iyon." Sambit ni Night Spider habang makikita ang sobrang kalituhan rito.

"Pookkkk!"

Isang malakas na batok sa ulo ang ipinatikim ni Xi Lian kay Night Spider.

"Aray ko naman... Hanggang ngayon ba naman ay amasona ka pa rin! Gusto mo ba kong mabalian ng mga buto at magpagaling ng tatlong buwan ha?!" Daing at reklamo ni Night Spider sa malakas na pagkabatok nito sa kaniya. Kung hindi lang mataas ang cultivation level niya na halos kapantay lang kay Xi Lian ay baka tumilapon na siya sa malayo.

"Hoy gagambang gabi, wag mo kong drama-dramahan diyan ha... Chance mo na to para matuwa naman si Master sa'yo. Palagi nalang si Black Tiger yung nagpapasikat at nagmamayabang ang ungas na yun. Ano ba naman yan gagamba ka, pwede mo namang suukan man lang ulit diba dahil wala namang mawawala sa'yo." Sambit ni Xi Lian habang animo'y nagpipigil lang na pektusan si Night Spider.

"Ano'ng ginagawa mo ha?! At bakit parang gigil na gigil kang amasona ka?! Pe-pektusan mo ba ko ha?!" Sambit ni Night Spider habang animo'y naiirita ito sa pagiging mapanakit ni Xi Lian. Kung di lang to babae ay malamang ay noon pa nito ginulpi ang mapanakit na nilalang na ito na malayong-malayo sa magandang kaanyuan nito.

"Pe-pektusan talaga kita kapag di ka umalis ngayon din at gusto mong kaladkarin kita o mas magandang tatalian kita ng Golden Tie at ipaguguyod kita sa Tiger Horses papunta sa Li Clan mamili ka?!" Sambit ni Xi Lian habang animo'y may nakapaskil na kakaibang ngisi sa mukha nito.

Napanganga naman si Night Spider sa hindi mapapantayang ka-amasona-han ng babaeng mapanakit na ito at ang pagiging bossy nito. Ngunit ang pinakaayaw nito ay ang pagiging competitive at bratty attitude nito. Yung tipong minsan masasabi niyang parang baliw din ang babaeng ito yung tipong magmamaldita tapos sobrang seryoso, minsan isip-bata tapos ang pinakamalala ay ang pagiging amasona nito yung tipong mapanakit na pisikal. Kurot, tadyak, sipa, sampal at iba ay naranasan na nito mula sa babaitang ito.

Parang yumukot naman ang mukha ni Night Spider at hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha nito kung matatae ba o hindi ito. Lumaki pa ang butas ng ilong nito yung tipong parang nauutot.

"Ito na po, aalis na kamahalan..." Sambit ni Night Spider habang mabilis itong tumayo at kumaripas ng takbo dahil alam nitong hindi nagbibiro ang babaeng si Xi Lian na pakiramdam niya ay may multiple personality Syndrome dahil sa parang abnormal na klima ang mood nito. Yung tipong akala mo iinit ang panahon ngunit maya-maya lang ay uulan pala at may kasamang kidlat.

Samantala naiwan naman si Xi Lian na animo'y isang magandang demonyong may nakakapangilabot na awra sa katawan nito.

"Hehehe... gusto ko pa namang ako yung kumaladkad sa'yo doon. Sayang naman hehe...!" Sambit ni Xi Lian habang nakangiting demonyo.

Maya-maya pa ay patalon-talon pa itong lumabas sa Cultivation room ni Night Spider habang may nakapaskil na ngiti sa mapupula nitong labi na animo'y walang nangyaring kakaiba o walang kademonyuhan itong ginawa sa kawawang si Night Spider.

"Masyado ba akong nakakatakot para matakot sakin ang gagambang gabi na yun...di ba ko maganda sa paningin nito at ayaw akong isama hmmmp! Lalalalala..." Sambit ni Xi Lian habang sumasayaw-sayaw pa ito sa malawak na pasilyo na animo'y isang babaeng mahinhin na sumasayaw.

...

Samantala...

Halos mangiyak-ngiyak si Night Spider sa naging kapalaran niya sa kamay ng amasonang si Xi Lian.

"Hayst, sana lang ay tama ang hinala ko at nang sa ganon ay mabago ko ang takbo ng buhay ng batang iyon. Hindi man nito sabihin ay alam kong gustong-gusto nitong maging isang malakas na Martial Artist sa hinaharap." Sambit ni Night Spider sa kaniyang isipan habang nakasakay na ito sa isang Tiger Horse. Hindi na siya makapaghintay na madala ang batang iyon papunta sa kanilang Sect at malaman ang grado ng Martial Talent nito. Kung sakalaing tama ang kanilang hinala ni Xi Lian ay maging disipulo niya ang batang si Li Xiaolong. Isa rin niya itong achievement sapagkat magkakaroon na rin siya ng tuturuang maging estudyante niya katulad ni Black Tiger. Ipapamukha niya rito sa hambog na kapwa niya disipulo ng kaniyang master na kaya niyang maging guro o tagapagturo.

"Heeeeyaahhhh!!!"

Sambit ni Night Spider habang mabilis nitong pinatakbo ang sinasakyan nitong Tiger Horses. Marami pa ring bumabagabag sa isip nito.

...

Ilang oras lamang ang lumipas ay nakarating na si Night Spider sa labas ng teritoryo ng Li Clan na nasa Green Valley na sakop ng Sky Flame Kingdom.

Napansin niyang ganoon pa rin ang ayos at anyo ng lugar na ito. Napakatahimik at halos walang dumadaan na siya namang alam niyang normal lamang sapagkat ang ganitong araw ay nagsasaka ang halos lahst at konti lamang ang naglalabas-pasok na mga tao sa bawat angkan.

Hindi rin siya agaw-atensyon sapagkat ginamitan niya ng illusion technique ang kaniyang sinasakyang kabayo at nagmumukha lamang itong napakaliit at napakapayat na donkey at siya naman ay parang ordinaryong mamamayan lang rito. Alam rin niyang halos normal na tao lamang ang nakatira rito sapagkat sobrang baba ng Martial Talent ang mga ito at masyado pang salat sa Cultivation resources. Sino ba naman ang magpapatuloy sa nangangarap na taong maging malakas na Cultivators pero wala namang mga kasangkapan at Cultivation resources na maaaring mag-aid sa kanilang isasagawang pagcucultivate. Nakaramdam ng lungkot si Night Spider rito.

Napagdesisyunan niyang pumasok na sa loob ng teritoryo ng Li Clan at masagot na rin ang mga katanungang bumabagabag sa kaniyang isipan na puro Bakit, sana at baka ang mga ito kung saan ay patuloy na gumugulo sa kaniyang isipan.

A/N: Night Spider, Black Tiger ay mga Code Names lamang. Kung walang code name si Xi Lian ay may rason po iyon. I don't want to spoil you guys.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C17
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập