Tải xuống ứng dụng
43.75% Mga talumpati ni Master MG / Chapter 7: Wikang Filipino, Wikang Katutubo

Chương 7: Wikang Filipino, Wikang Katutubo

Hindi na mabilang ang mga batang nasasangkot sa ganitong uri ng eksena. Krimen kung ituring ang paksang aking ilalahad ngayong araw na ito sa inyo. Ang bullying ay isang malalang problema ng mga maraming  kabataan sa ating bansa o higit pa sa buong mundo.

Sinasabing ang bully na bata ay sadyang nanakit ng damdamin ng iba dahil sila mismo ay nasaktan na ng kanilang kapaligiran o dili kaya masyadong mahigpit o walang kalayaan ang mga batang ito sa kanilang mundong ginagalawan.

Kung kaya't kapag mayroong mahinang bata na alam niyang kayang-kaya niya ito, ito ay kanya nang i-bu-bully.

Matindi naman ang pagdadaanan ng mga na-bu-bully. Sa aspetong emosyunal. Lalong bumababa ang tingin nila sa kanilang sarili. Mahinang-mahina sila at dahil napapahiya sa kanilang paligid lalong bumabagsak ang kumpiyansa nila sa kanilang sarili.

Hindi lamang iyon, minsan ang pambubuska ay humahantong sa pisikalan. Nakakapanakit na ang mga bully lalo na kapag mataas na ang emosyon nito. Tila tigre sila kung magalit at katatakutan talaga ng lahat. Dito nagiging makapangyarihan ang oras ng isang bully dahil alam niyang siya ang siga sa kanyang mundo. Magiging kawawa ang biktima lalo na sa mga pagkakataong mahahambalos, masusuntok o mas malala pa ay humantong sa di kanais-nais na pangyayari.

Ganyan ang mga kabataan ngayon na kumakaharap sa problemang Bullying. Kahit na may nakasaad na sa batas na ipinagbabawal ito patuloy pa rin ang pambubuska ng maraming kabataang Pilipino.

Tuldukan na ang bullying. Rumespeto tayo sa ating mga pagkakaiba sa buhay. Iwasan ang mapanghusga sa kapwa at linisin natin ang ating mga puso upang hindi makapanakit ng kapwa bagkus maging ehemplo sa lahat ng bagay.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập