Tải xuống ứng dụng
26.66% One Night Stand - Season 1 / Chapter 12: ( Fight Miss Santos! )

Chương 12: ( Fight Miss Santos! )

Nakakatawa kapag si sir Carllex ang laging kasama ko. Sasakit ang tiyan mo kapag siya ang kasama mo. " Sir, bat niyo pala tinataguan ang mga bodyguards niyo? " usisa ko sa kaniya. Lilingon lingon siya sa paligid sabay sabing, " pogi kasi ako kaya dapat magtago. " pabiro niyang tugon sa akin.

Sabay naman kaming tatawa parang nakahithit lang si sir Carllex eh. Ang lakas ng trip niya na parang takas sa mental. " kamusta nga pala final mo? " baling niya ng usapan. Sus, interesado talaga siya sa final exam namin. " sir, wala pang result saka mayron pa kaming exam mamayang hapon. " sabi ko kay sir habang paakyat sa hagdan.

Mauuna naman siya sa pag akyat sa hagdan at may kinuha sa bulsa niya. Hala, may duplicate siyang susi. Pambihira din itong si sir Carllex at may pa duplicate pang nalalaman eh. Nakakapagtaka na talaga siya. " Jen, hindi ko agad nasabi sayo na may duplicate akong susi sa bahay mo incase na mawala yang hawak mo. " pa alam niya sa akin. Parang boy scout lang si sir Carllex laging handa eh.

Pagpasok ko sa sala ay napaupo na lamang ako habang hinuhubad ang masakit kong paa. Argh, masakit talaga ang magsuot ng pointed na shoes. " are you ok? " ask niya sa akin at umupo sa harapan ko. Nabigla na lamang ako ng hinawakan niya ang paa ko. " sensitive din pala ang paa mo. Imamasage ko ito Jen magrelax ka lang diyan. " upo niya sa lapag habang nakahawak sa paa ko. Nakakahiya si sir Carllex pa ang nagmasahe ng paa ko. Nakakahiya ka talaga Jen.

Ilang minuto niya itong minasahe pagkatapos ay kinuha niya ng malambot na sandalyas. Wow, ang cute ng kulay saka mala balahibo na kulay pink. " bagay na bagay sayo Jen. Magbihis kana at maglunch na tayo. " tayo niya at saka pumunta sa kitchen. Tumayo na lamang ako at nagbihis ng pangbahay.

Tumungo na ako sa kusina nang maabutan kong naghahain siya. " wow, luto mo sir Carllex? " tanong ko agad sa kaniya na manghang mangha sa mga niluto niya. Oh my jen, may paborito adobong manok. " yup, maaga akong umuwi para magluto para sayo saka ayokong mafailed ka sa final exam mo. Upo kana at sigurado akong takam na takam kana diyan. " paupo niya sa akin sabay hawak sa dalawa kong balikat.

" sir, pwede bang kunin niyo yang mga kamay niyo. " ilang kong sabi sa kaniya. Matatawa na lamang siya sabay bulong,

" dont worry! " wika niya. Umupo na lamang siya sa kabila. Hindi pa talaga siya nakuntento at pinuno niya ng gulay ang pinggan ko.

" ubusin mo yan saka hindi ka pwedeng magutom. Final mo pa naman, " pag alala niyang sabi. Pa fall talaga si sir Carllex laging may ginagawa para lang sa ikakabuti ko. Ang sarap niyang ibulsa sabay zipper.

" sir bat ang bait niyo sa akin? " tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. Pero gaya pa rin ng dati hihinto muna siya sa pagkain at titig sa akin. Sige pa sir Carllex, baka mafall ka sa pangit kong mukha.

" because you deserve it! " sabi niya sabay punas sa labi ko ng kamay niya. Jusko Jen, pafall nga siya lagi kang inaalagaan kahit na hindi mo naman inuutusan.

" may ganun sir? Paano yong pagtulong niyo may kapalit ba yon? " usisa ko kay sir habang titig na titig sa mukha kong pangit.

Kukuha na lamang siya ng tubig at iniabot niya sa akin. " yon ba, dont mind it saka maliit lang na bagay yon. Compare to my life na iniligtas mo. Pangako ko sayo na tutulungan kita sa paraang alam ko. " paliwanag niya sa akin.

Sadya ngang napaka importante ng buhay niya kaya nagtatanaw siya ng utang na loob sa akin.

Hindi ko naman na araw araw niya akong tulungan. " sir, ayos lang ho naman ako saka tama na ho yong ibinigay niyong mga tulong. " sabi ko sa kaniya habang kumakain.

Pero ayan, ngingiti lang siya sabay kuha uli ng kutsara at tinidor. Ang cool talaga ni sir Carllex kapag kumakain. Napaka profesional niya saka parang señorito siya kung gumalaw.

" Jen, kain ka pa para hindi ka magutom mamaya. Sa katawan mong yan ay kailangan mo ng maraming gulay para maging healthy ka at iwas sa sakit. " sabi pa niya sabay lagay ng gulay sa plato ko.

Mapapakamot na lamang ako, " kainin mo na yan. " dagdag pa niya sa akin.

" sir ang galing niyo hong humawak ng kutsara at tinidor. " hanga kong sabi sa kaniya habang umiinom ng tubig.

Tatawa na lamang siya at binitawan ang kutsara at tinidor. " marunong din naman akong magkamay gaya ng sa inyo." hugas niya ng mga kamay niya at pinakita sa akin. Namangha na lamang ako sa pagkamay ni sir Carllex sa pagkain. Grabi, hindi lang pala siya marunong sa kutsara at tinidor. Marunong pala siyang kamay,

" sir, saan kayo natutung magkamay? " usisa ko kay sir.

Hihinto na lamang siya at magsasalita, " si lola kasi habang maliit pa kami ay minulat na kami sa mga bagay na tanging mahihirap lang ang gumagawa. Tulad ng pagkamay sa pagkain at igalang ang bawat babaeng nakakasalamuha namin. " paliwanag niya.

" ibig sabihin sir Carllex hindi kayo mapanghusga? Tulad ng ibang mayayaman na nanlalait ng kapwa? " usisa ko ulit kay sir Carllex.

" alam mo Jen ang cute mo! " pabiro na naman niyang sabi sa akin. Si sir talaga palabiro lagi nalang iniiba ang usapan. Maki kain na nga lang baka sa akin na naman mapunta ang usapan.

Matapos naming kumain ay sabay kaming nagligpit ng gamit at naghugas ng pinangkainan.

" Jen, magbihis kana at makakapag review ka pa for the next subject. " payo na naman niya.

" sir, nakakahiya naman ata saka babae dapat ang naghuhugas ng pinggan. " sabi ko naman.

" Jen, kahit lalaki basta marunong maghugas ng pinggan ay pwede. Doon kana Jen at ako na ang bahala dito. " sabay kindat niya sa akin.

Hala, mukhang adik nga si sir Carllex oh! Trip na naman niyang kumindat sa harap ko.

Nakakafall na talaga siya. " sir, ayos lang ba talaga kayo diyan? " silip ko ng bahagya.

" oho Ms. Santos saka magreview kana lang diyan. " tugon niya habang nakapokus sa paghuhugas.

Nagreview na lamang ako sa sala. Haysst, Math subjects na pala ang susunod. Ayoko talagang magreview pag numbers ang exam. Kaya nga itong subjects na ito ang pinakamababa ko pero pasa naman. " oh, nahihirapan ka ba sa Math. Halika may ituturo ako sayo. " sulpot na naman ni sir sa tabi ko na ikinagulat ko.

" ay palaka! " tuloy kong sambit at nasagi ang phone ko.

Kaagad naman siyang sumaklolo para saluhin heto.

" ingatan mo naman ang phone mo kasi bago yan. " lapag niya rito.

" nanggugulat kayo sir eh, " palusot ko sa kaniya.

" ok lang saka makakagulatin ka naman eh. " sabi pa niya at kinuha ang libro ko.

Tingnan mo nga naman mukhang siya ata ang sagot ng reviewer ko.

" Jen, pag sum of numbers ang hinahanap. Just add the last number at para hindi kana mahirapan pa. " payo niya.

" ganun sir! Paano naman kapag multiply?" ask ko habang tinititigan si sir sa pagsasalita.

Ang cute ni sir Carllex eh, " well do the same! " sabi niya saka nagbigay ng halimbawa.

Sana all talaga marunong sa Math. Ako kasi ewan, hindi na nga binigyan ng magandang mukha hindi pa marunong sa math.

" Jen, magbihis kana at malapit na ang time para sa next subject mo. " sabi niya sa akin. Hala, parang timer lang eh. Alam na alam niya ang schedule ko. Ang lupit ni sir Carllex eh no! Parang teacher lang namin.

Tumayo na lamang ako at sinunod ang utos niya.

" Jen, pwede ba akong matulog dito mamaya? Ayoko kasing umuwi muna. " paalam niya sa akin. Aba, ano kaya ang pumasok sa kukuti ni sir at dito siya matutulog.

Tinakasan daw niya ang mga bodyguards niya. Nagkatampuhan ata sila ng mama at papa niya. Nagtatago kasi siya sa mga bodyguards niya. " sige sir pero magpahinga dapat kayo saka wag kayong makipag inuman sa mga lasinggero baka mapaaway kayo. " kondisyon ko sa kaniya.

" yes ho ma'am Santos! " tugon niya na halatang nakahiga sa may sofa. Mukhang pagod ata siya kanina. Biruin mo nagluto siya para sa akin. Ang sipag talaga ni sir Carllex.

Papalabas na ako ng kwarto ng bigla niya akong tinawag, " Jen, " mahina niyang tawag na tila inaantok na. " bakit ho sir? " lapit ko sa tabi niya habang inaayos ang neck tie ko.

" andoon na yong research mong na ibook na. " turo niya sa may sofa.

Oh my gosh, totoo nga ang sinabi niya.

" sir, thank you ho talaga! " luha luha kong sabi habang hinihintay siyang bumangon.

" wag kang umiyak diyan! Gusto ko mo nang matulog ngayon. " bangon niya sa sofa.

" sir, thank you po talaga saka im so happy! " bigla nalang nadala ako ng emosyon ko at nayakap ko siya bigla.

Napahigpit na lamang ang yakap ko.

" sir, thank you po sa lahat! " sabi ko pa nang maramdamang yakap niya rin ako.

" you're always welcome, Ms. Santos! " sabay tapik niya sa likod ko.

" sir, paano ko ba kayo pasasalamatan? " usisa ko na ikinangiti niya.

" just forget it! " tugon niya sa akin.

Matapos kong mag ayos ay hinanap ko yong shoes ko kanina pero hindi ko makita.

" Jen, heto mas komportable to sa paa mo saka malambot ito ay hindi ka masusugatan. " abot niya sa akin ng bagong shoes.

" sir nakakahiya naman ata! " bahagya kong tiklop na parang makahiya.

" isuot muna! Sige Jen, matutulog muna ako sandali at ipaghahanda kita ng meryenda mamaya. " sabi niya at pumasok na sa kwarto.

Im so thankful dahil napakabait ni sir Carllex sa akin.

Someday talaga mababayaran ko rin lahat ng kabutihan niya.

Pagtapos kong magsuot ng sapatos ay lumabas na at isinarado ang pinto.

Last na to! Kaya pag igihan mo Jen.

Kailangan mong makapasa sa lahat ng exam mo.

For your future at para sa mga nagmamahal sayo.

@YhunaSibuyana


Load failed, please RETRY

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C12
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập