Tải xuống ứng dụng
20% One Night Stand - Season 1 / Chapter 9: ( He's caring )

Chương 9: ( He's caring )

Matapos isend ang research files ni Jen sa email ng mama niya aya agad siyang nagtanong sa dalaga tungkol sa family nito. Uumpisahan niya itong tanungin sa mga magulang ng dalaga.

" Jen, pwede magtanong? " sandali niyang tawag sa dalaga habang abala sa pagrereview. Titigan na lamang siya nito at saka inis na bibitawan ang libro niyang hawak.

" sige, bilisan mo lang at nagrereview ako sir! " tugon ng dalaga na halatang ayaw niyang makasundo ang binata.

His Pov's

Ang pangit na babaeng to! Ayan siya abala sa ka rereview.

" anong trabaho ng mga magulang mo? " una kong tanong sa kaniya habang seryoso siya sa pagbabasa. Gulatin ko kaya ito para may thrill!

" jen, ipis! " sabay turo ko sa kaniya nang bigla siyang napalukso at tumakbo sa kinauupuan ko at napayakap sa akin.

" ilayo mo sa akin! " pagkatakot niya habang ang higpit ng yakap niya na tila takot na takot. Ang cute niyang matakot sa ipis eh. Kaso wala naman talagang ipis.

" jowk lang! " ngisi kong sabi habang nakayakap siya sa akin. Sige lang Jen yakapin mo lang ako. Maswerte ka talaga dahil ikaw ang unang dalaga na nakayakap sa akin.

Lilingon siya doon sa inalisan niya kanina, " saan na? Niloloko mo lang ata ako eh! " inis niyang tanong sa akin. Tatawa na lamang ako sabay palusot.

" wala na ho siya nag walk out na yong ipis! " seryoso kong sabi habang tinititigan ko siya. Ang cute niyang pagtripan diba? What a pangit Jen na grabi ang takot sa ipis. Bigla nalang niya akong tinulak. " wag mo nga akong hawakan! " kalas niya sa kamay ko na nasa balikat niya. Sus, choosy pa itong pangit na to!

" ikaw kaya ang unang yumakap sa akin. " padinig ko sa kaniya habang nakangisi. Carllex naka one point kana. Uulitin ko talaga ito para lagi siyang tumakbo at yumakap sa akin.

" ako nga, tapos feel na feel mo! " balik niya kung saan siya nakaupo kanina. Tawang tawa ako sa ginawa mo at wala ka ang cute ng pagkatakot niya. Pero ang pangit niya pa rin kapag nagalit.

Iniba ko na lamang ang usapan at tinanong uli siya. " Jen, ano nga uli ang trabaho ng mama at papa mo? " ask ko uli sa kaniya habang may hawak na notes. Syempre baka makalimutan ko kaya ititake down notes ko na. Kakamot lang siya saka hihinga ng malalim. Kawawang pangit problemado. " si papa ay nagtatanim ng gulay si mama naman wala na siya. Kakamatay lang niya nong isang taon. Ang masaklap pa doon hindi ako nakauwi. " malungkot niyang tugon.

Para akong dinurog sa narinig mula sa kaniya. I saw her na nagtitimping lumuha sa harap ko. Pero ayan siya nagawa pang ngumiti. " sir ganun naman talaga ang buhay diba? Even your love ones can left you all the time. " sabi pa niya habang may kinukuha sa bag niya. Hayyst, ang sakit non Jen sana maibsan ko ang kalungkutan diyan sa puso mo. Ito siguro ang plano ng tadhana bat andito ako sa tabi mo.

" Jen, diba nasa probinsya kayo? Malawak ba yong lupa na pagmamay ari niyo doon? I mean kong sapat ba ang pera na kinikita ng papa mo? " tanong ko sa kaniya habang nakahawak siya sa isang picture frame. Mukhang namimis na niya ang mga magulang niya. Ako din nga, mis ko na sina papa at mama. Lalo na lahat ng tao sa mansiyon. " minsan sapat naman ang kita ni papa pero kung minsan ay hindi kaya kinakapos ako sa allowance. Mataas kasi ang bayarin ko sa upa ng bahay. Pero kinaya naman sir Carllex. " ngiti niya ng bahagya ikinaningning ng mga mata niya. Damned, ito yong una kong nasilayan siyang ngumiting ganiyan. Parang isa siyang kuting na matapang sa gitna ng mapanganib na daan.

" diyan muna kayo sir Carllex at magluluto pa ako ng hapunan. " sabi niya saka tumayo sa sofa. Ayon na siya habang ang pangit ng suot niya. Para siyang ewan sa over size tshirt niya. Hindi naman siya mataba pero gusto ko pa rin siya kahit na pangit siya. Well, gustong gusto ko siya mapangasawa at iahon sa hirap. I want her as my wife kahit na pangit siya. Sabi nga ni papa love the person by its content not his/her cover.

Sinundan ko na lamang siya sa kusina mukha kasing magluluto na siya. At magagalit yan sa makikita niya sa loob ng ref niyang bulok walang kalaman laman. " teka, may galit ka ba sa ref at pinuno mo ng gulay? " pagtataka niyang tanong. Yon ang trip ko eh, saka puro non vegetable kinakain niya. " oo, galit ako sa ref mong walang kwenta puro noodles ang inuulam mo. Magkakasakit ka niyan saka wala ka namang pera. " sermon ko sa kaniya na parang tatay niya lang. Palibhasa kasing babaeng ito hindi iniisip ang kalusugan niya.

Tatawa naman siya habang naghuhugas ng kaldero. Ayaw niya bang gamitin ang stove saka binayaran ko na rent niya eh. " sa stove kana magluto Jen saka wag mo nang pahirapan sarili mo. " kuha ko sa kaniya ng kaldero sabay. " ako na ang magluluto para sayo. Magreview ka nalang kaya doon. " sabi ko pa sa kaniya at kumuha sa ref ng gulay. Magluluto na nga ako para sa kaniya para naman maging healthy itong mapapangasawa ko. Papakasalan ko na talaga itong babae na to.

" sir Carllex baka mapaso pa kayo diyan. " sabi niya habang nakatayo pa rin malapit sa mesa. Sus, mapaso daw? Sanay kaya ako sa kusina. " kahit anak mayaman ako marunong din naman akong magluto. " tugon ko sa kaniya sabay on ng stove. Ginamit ko yong rice cooker niyang nakatiwangwang. Ayan siya, mukhang nag aalala na naman sa bayarin niya. Binayaran ko na nga pero nagtitipid pa rin siya. Oo nga naman, kapag mag isa ka lang at malayo ka sa pamilya mo.

Hindi pa rin siya umaalis sa mga mesa, " Jen, umupo ka nalang nga diyan at magreview ka! " sabi ko sa kaniya at kinuha yong libro niya. " heto oh, magreview kana dahil exam mo na bukas. Gamitin mo na kasi yong pera na binigay ko sayo dahil alam kong kailangan mo ng pera ngayon. Lalo't na graduating ka saka nahihiya ka lang na galawin yon dahil ganun ka talaga. Hindi mo ginagalaw ang pera na hindi mo pinaghirapan. Pero Jen tulong ko yon sayo." paalala ko sa kaniya uli. Lagi kasi niyang iniisip na suhol yong pera na binigay ko sa kaniya. Ewan ko ba sa babaeng ito hindi talaga marunong tumanggap ng tulong.

" sir Carllex, mahilig ba kayong magluto? Mukha kasing bihasa kayo sa paghawak ng mga gamit sa kusina." puna niya sa akin. Nagpokus na lamang ako sa niluluto kong gulay baka kasi ma - over cook mahirap na. Nagluto ako ng chopsoy para sa kaniya. " Jen, pakiabot nga muna yong isang pat holder. " paki suyo ko sa kaniya. Kaagad naman siyang tumayo at kinuha sa kabilang banda. " hmm, ang bango sir Carllex. Na mis ko na talaga yong luto ni mama. " sabi niya habang takam na takam na. Nginitian ko na lamang siya sabay thank you na rin. Dahan dahan kong inilipat sa kabilang banda yong pan at kaagad na nagsaing.

" sir Carllex, magaling pala kayong magluto saka siguro ang swerte ng magiging asawa niyo." puri niya sa akin. Nako Jen, mas maswerte ka dahil ikaw ang papakasalan ko. Pero hindi pa ngayon dahil may kailangan pa akong gampanan. Kamusta na kaya yong opisina ko. Hindi pa kasi nakakatawag yong secretary ko. Wala ding tawag si papa baka busy sila sa kaarawan ni mama. " Jen, anong paborito mong ulam? " baling ko ng usapan para kasing ang dami niyang gustong sabihin pero mahiyain siya.

Isusubsob na lamang niya ang mukha niya sa mesa sabay pa cute. " adobo, " sabi niya na parang bata. Ang sarap kurutin oh, " pareho pala tayo! " ngiti kong tugon at umupo sa kaharap niyang upuan. " sir, umuwi na ho kayo baka kanina pa nag aalala ang mama at papa niyo. " ani Jen habang inililipat ang libro sa sunod na pahina. Ang cute niya oh at seryoso talaga siya. Ang future teacher kong si pangit. " Jen, uuwi kana ba sa inyo pagtapos ng graduation mo? " tanong ko sa kaniya. Gusto ko talaga ng madaldal kaya nga bagot ako sa bahay.

" oho sir, saka tutulungan ko pa si papa sa taniman niya. " tugon niya sa akin ng bigla siyang napatayo tapos tumingin sa joging pants niya. Hala, may dalaw ba siya at hindi siya mapakali.

" argh, bat ngayon pa! " takip niya sa likod niya. Tumayo na lamang ako at hinubad ang isang suot kong damit. Tinali ko ito sa baywang niya na ikinailang niya.

" diyan ka lang bibilhan kita ng panty liner! " sabi ko at saka tumakbo papalabas para bumili sa tindahan.

Her Pov's

Hala, totoo ba yong narinig ko?

Bibilhan niya ako ng panty liner? Nakakahiya ka Jen at siya mismo ang bumili.

Bat kasi ngayon pa to? " argh! " hindi talaga marunong makisama itong dalaw ko.

Dapat sa isang araw pa ito eh! Pero ayan, mukhang naligaw ng schedule niya.

" heto na, " sulpot ng binatang may dalang isang pack na panty liner. Nakakahiya talaga kay sir Carllex. " paano mo nalaman na ito ang ginagamit ko? " sabi ko sa kaniya ng makitang whisper ang binili niya.

" nagtanong ako kay Aling Celia. Sige bihis kana at maghahain na ako para makakain kana. " sabi pa niya. Wow, that was cool!

Napaalis na lamang ako sa kusina at pumunta sa comfort room para magpalit.

Grabi, ang tapang niya na bumili ng panty liner sa tindahan. Ngayon lang ako nakakita ng tulad ni sir Carllex na napaka responsible.

Pagkatapos kong magpalit at bumalik na ako sa kusina. Sakto namang naghahain siya at ang ganda ng plating niya. " upo kana Jen at mainit pa itong gulay. Oo nga pala, nakita ko kasi sa comfort room mo at doon sa kwarto mo na wala ka nang feminine wash kaya bibilhan kita bukas. Kain kana Jen, " paupo niya sa akin na pinagtaka ko. Lalaki ba talaga ito? Bat parang umasta siya parang babae daig pa ata ang mama ko.

" eh ikaw, saan ka pupunta? " tanong ko sa kaniya. Mukha kasing hindi siya sasabay sa akin.

" tatawagan ko lang si mama. " sabi niya.

Ayon na siya habang may tinatawagan sa phone niya. Kitang kita ko kung paano siya makipag usap sa phone niya. Para siyang boss sa isang company na madalang magsalita at parang secretary niya ang kausap niya. Titig na titig ako sa kaniya ng bigla siyang tumingin sa akin sabay ngiti. Hala, parang adik lang si sir Carllex. Ay naku Jen, tumigil ka nga.

Umupo na lamang ako ng maayos sa silya at paparating na siya.

" kumain kana Jen at dapat gulay ang kinakain mo para hindi maamoy ang dalaw mo. Ito pa, kapag lagi lang kumakain ng noodles or whatever na hindi healthy. Magiging abnormal yang dalaw mo. " payo pa niya. Hala, bat ang dami niyang alam tungkol sa babae. Bakla kaya ko?

" I know what are you thinking about me. Hindi ako bakla Jen saka tinuruan ako ni mama paano mag alaga ng babae just like what lola done kay papa. Sa pamilya namin, ang babae ang pinaka iingatan. Alam mo ba yong pamilya Fuentaverdes? Nanonood ka ba ng International news? " usisa pa niya akin.

Ha? Wala nga akong phone para manood ng balita. International news pa kaya.

" ok, ganito yon! Sa pamilya ng Fuentaverdes ng bayang San El Vador, Fuentavilla family ng bayang Errose at sa bayan namin. The most important is woman and never nagloloko ang mga lalaki sa bawat pamilyang binanggit ko. Sa inyo naman hindi niyo pinapahalagahan ang kababaihan kasi nga parausan lang. Ginagahasa at iba pa! Pero sa amin, ang mga babae ay pinaka tanging yaman namin. Kapag may napupusuang babae ay mayroon kaming ibinibigay sa kanila na tanda ng pagmamahal namin. " paliwanag niya sa akin. Grabi, wala akong naintindihan kahit ni isa. Naguguluhan na ako sa nirereview ko kanina tapos dadagdag pa siya.

" pwede bang kumain na tayo. Ang daldal niyo kasi sir, " sabi ko sa kaniya na parang wala lang. Wala ako sa mode ngayon at wala akong lakas para magdaldal.

" ok, heto kainin mo yan! " lagay niya ng gulay sa pinggan ko. Ha? Dinamihan niya ng gulay itong plato ko pero yong sa kaniya kunti lang.

Nagda - diet ba sir Carllex? " sus, basang basa ko yang sa isip mo, Jen. Ganito ako kumain eh. Isang takal ng kanin at isang takal ng gulay. Kumain kana para makatulog ka ng maaga. " sabi pa niya. Isa nalang pag alala sir Carllex at mahuhulog na talaga ako. Pa fall ang lalaking ito eh.

" sir, may kapatid pa ba kayo? " tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. Ang tahimik niya kasi habang hawak hawak niya yong kutsara at tinidor na parang bihasa talaga siya. Sandali siyang hihinto sa pagkain at titigan ako. Hala, may kasalanan ba ako bat ganiyan ang titig niya?

" sorry sir mukhang naisturbo ko ata kayo sa pagkain. " sabi ko at ipinukos ang mga mata sa plato ko.

Mukhang tahimik ata siya kung kumain kaya dapat ganun din ako. Parang tinititigan niya ako eh, " Jen, " tawag ni sir Carllex sa akin sabay punas ng kamay niya sa bibig ko. Bigla nalang bumilis ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. Argh, nakakahiya ka Jen.

@YhunaSibuyana


Load failed, please RETRY

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C9
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập