Kinabukasan ay nagising ako nang nakangiti. I really can't wait to see him again! 9 am na nang magising ako. Napangiti ako nang maka receive nang madaming messages at missed calls sa kanya.
To: Lex.
'Pasensya kana nakatulog na ako kagabi.'
Nag reply naman sya agad.
From: Lex.
'Good morning, beautiful.'
Napakagat labi ako bago tumili sa loob ng kwarto ko. My gosh! Ang sikat ng araw sa umaga para pakiligin nya ako ng ganitong ka aga!
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na sunduin na ako pero kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako ma excite dito! Alam ko na first date ito kaysa sa isa noon dahil friendly date lang naman iyon. Ito ang totoong date para sa akin!
Bumangon ako sa queen size bed ko suot ang silk dress ko na pang tulog. Sinuot ko ang cotton slippers ko na pink bago pumuntang cr para makaligo na ka agad. 25 minutes bago ako natapos.
Nakatapis lang akong lumabas bago ako pumasok sa loob ng walk in closet ko. What should I wear to a perfect date?
I choose to wear a white bodycon dress above my knee. It's fited and I choose to wear a shine silver heels. I don't know why I choose too but I heard him talking to his friend's na dadalhin nya ako sa Hotel. Hindi ko alam pero may kutob ako.
May gold belt sa gitna niyon at pinili ko din ilugay ang buhok ko na may half curly. I applied some concealer and a powder. And also eye liner and eye lashes before apply my red-pink lipstick.
Nakangiti ako ng humarap sa salamin. Hinayaan ko ang maliliit na bangs ko na nakikita. I even wear some earrings na hindi ko naman gawain. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito.
Habang naghihintay ng 11 am since 10:40 na ako natapos ay pinili ko munang mag selfie gamit ang stand. I can't stop myself but to smile. Ito na yata ang pinakamasaya na nangyayari sa buhay ko.
Sinent ko sa gc namin iyon. Nag comment naman bigla ang dalawa.
Irish: Aba, nag ayos si gaga sa first date nya.
Chloe: Inlove kana gurl!
May nag pop up bigla sa cellphone ko kaya natataranta kong binasa iyon.
From: Lex.
'I'm here.'
My lips parted and smiled. Nagmamadali akong bumaba ngunit sa kalagitnaan ay huminahon ako. Hawak ang cellphone, purse at handkerchief ko ay sinalubong ko nang ngiti si Lexord.
"Wow." Halos pabulong na sabi nya nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa. Umikot na ako sa harap nya kaya natawa sya sakin.
He looked formal. Naka white syang long sleeves polo suot ang jeans na kulay itim at suot ang converse shoes nyang puti. Naka ayos ang brown na buhok nya pati na parang nilagyan ng gel. Mas lalo syang gumwapo!
"Good morning." Nakangiti bati ko.
Ngumiti sya bago kunin ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. Ang corny pero napangiti ako sa ginawa nya.
"Where's your brother?" Hanap nya sa kapatid ko dahil mukhang mag isa lang ako.
"Nasa classmate, may project daw." Pagdadaldal ko pero nakatitig lang sya sa akin. Nailang naman ako bigla.
"Let's go?" Tumango naman ako. Sumunod ako sa kanya hanggang sa pagbuksan nya ako sa passenger seat. Napaka gentleman naman nya ngayon! Hindi ako sanay sa ganito at nakaka ilang.
Pinaghandaan pa talaga namin to. Nang isarado nya ang pinto ay agad naman syang pumuntang driver seat. Nakangiti na ang loko, para kaming tanga dalawa na nag ngingitian. Parehas yata kaming excited dito e.
"You look beautiful. Talagang pinaghandaan ah." Pang-aasar nya sa dulo kaya inirapan ko syam
"Hindi lang naman ako, ikaw din kaya." Hindi ko maiwasan tignan ang katawan nya. Masyado yatang fit ang suot nya at kitang kita ang laki ng braso nya. Mas na attract pa ako nang naka suot sya ng Rolex watch.
Bigla syang natawa. "Stop staring, alam ko naman na gwapo ako."
Hangin naman! Hindi ko naman magawang batukan dahil nag di drive na sya, mabangga pa kami dito. Tumingin na lang tuloy ako sa daanan namin. Ilang minuto pa ay pinili ko na lang na magpatugtog sa sasakyan, para naman hindi awkward sa pagitan namin. Ngayon pa yata kami nagkahiyaang dalawa.
"You can ask anything. Para naman may topic tayo." Sabi nya bigla kaya napaisip ako. Oo nga ano, para naman ma enjoy ko din to. Sayang e, baka hindi na maulit. Char.
Anything?
Seryoso kaya sya? Gusto ko sana mag tanong sa ibang bagay pero baka naman mabigla sya. Mukhang good mood pa naman kaya hindi ko na lang itatanong iyon. Ayoko din mabago ang mood ko dahil lang may gusto akong malaman.
"Nasaan ang mama at papa mo?" Iyon ang pumasok sa isip ko.
"They're at work. I have one sister and a cousin. We only lived at the mansion just like yours. Since, palagi naman silang wala. Parang kaming dalawa na lang ng kapatid ko ang nakatira, kasama ang ibang maids."
"Hindi ba sila umuuwi?"
Ngumiti lang sya sa akin at hindi na sinagot ang tanong ko. Baka naman sensitive sa kanya kaya sya na ang nagtanong.
"How about you? Your family?" Tanong nya na nagpatigil sa akin.
Hindi ko alam kung kaya ko nabang sabihin. Pero ang pagkakatanda ko ay nasabi ko na iyon sa kanya. O sa kapatid ko lang?
Ngayon ko na realize na nandito na kami sa ligawan situation. Pero hindi pa din pala namin alam ang background family ng isa't isa. Baka ito na yung pag asa pero handa na kaya kami mag open up sa isa't isa?
"Ok naman." Sinubukan kong mag open. "Hindi ko alam mararamdaman ko. Kasi, lumaki kami hindi namin alam itsura nung mama at papa ko. May nag regalo nga lang noong mansyon kaya may natitirahan kami ng kapatid ko e. May nagpapadala din ng sobrang allowance ko kaya nakakapag aral kami. Iyon nga lang, private yung tao at hindi namin makita kung sino ba talaga nasa likod noon. Minsan nga, naiisip ko na mag trabaho na lang pero hindi kakayanin." Hindi ko kakayanin, higit sa lahat hindi din naman normal ang buhay ko. Siguro, itong pagkakataon na to, ayon ang tadhana sakin. Pero paano na kaya sa ibang kinabukasan ko?
I don't know, I just wanted to enjoy my life. Observe other people if they're enemy or not. Sa organisasyon na pinasok ko, hindi ako pwede bastang magtiwala na lang. Kaya, kahit ako, ayoko muna madaliin ang lahat dahil baka may trumaydor lang din sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ayokong dumipende sa iba pero, may dumadating naman at sila ang lumalapit. Ang hirap din nilang tanggihan at the same time. Ako ang naiipit.
Nakatungo lang ako. Pinipigilan ang emosyon na gustong lumabas sa akin. "Siguro kung dadating man ang panahon na magkaroon ng kumplikado sa buhay natin. Handa akong isakripisyo para sa lahat." Makahulugang sabi ko at saglit na tumingin sa kanya.
Kung hindi ako magsa sakiripisyo, marami ang mawawala sa mundo, damay ang mga inosenteng tao. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko bago pa ako makasali. Kumikita din ako bilang assasin nila.
"Alright. Thanks for sharing everything with me." Nginitian nya ako pero hindi ko sya kinibo. Hindi man lang ba sya mag o open?
"Ikaw ba?" Tanong ko pabalik pero hindi sya nagsalita. Baka hindi pa sya handa para doon kaya inintindi ko iyon. "Maghihintay ako kapag handa kana." Nginitian ko sya, assuring that I'm here to understand him.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Thank you Krisha."
Hindi ko alam na nakarating na kami ng tapikin ni Lex ang pisngi ko. Nakatulog pala ako sa tagal ng byahe. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inilalayan pa ako palabas.
Halos mapanganga ako nang makitang sa five luxury hotel nya ako dinala! Totoo pala ang narinig ko. Napakaganda naman nito at parang sobra yata ito sa first date! Buti na lang pinaghandaan ko talaga ang araw na to.
May nag welcome sa amin na waiter at waitress. May naka serve nang seat sa amin. It's a VIP table for two! Hindi ko maiwasang mapangiti ulit nang lapitan nya ako at hinawakan ang bewang ko.
Gusto kong maiyak sa tuwa! Ngayon ko lang naranasan ang ganito! Ang saya at sarap pala sa pakiramdam. "Bakit mo ako dinala dito?" Hindi makapaniwalang tanong.
"First date is special. And you're special to me too." Masayang bulong nya sa akin. Sumobra yata ang tuwa ko lalo na nang alalayan nya akong maka upo.
The theme is a gold and white! Ayos na sakin ang simple lang pero masyado na yata akong na speechless.
"Liking the view?" Pang-aasar nya at tumango naman ako. Allowed kayang mag picture dito? Sobrang ganda! At ang sarap pagmasdan.
"Oo, grabe nakakagulat ka naman mang surprise. Pwede ba mag picture dito?" Tuwang tuwa na sabi ko at tumawa naman sya.
"Of course, let me." Agad kong inunlock ang cellphone ko at pinunta sa camera.
Nag side view ako kunwaring may tinitignan sa salamin na puro building ang nakikita ko. It's my favorite moment together. I really can't believe that I'm falling hard to this man.
Marami akong ginawang pose na may iba namang isinama ko sya. Naglagay nang red wine iyong waiter at appetizer habang naghihintay ng order namin.
Inutos pa ni Lex na picturan kaming dalawa. Naka tatlong shots nang pasalamatan namin sya. Sobrang taas nang floor na ito para saamin.
Nang maubos namin ang appetizer ang saktong dating ng inorder namin. It was pancake, strawberry milk shake and steak. Natakam na ka agad ako sa amoy!
"Thank you." I sincerely smiled at him. "For bringing me here. Sobrang saya ko at salamat sa effort na ginawa mo."
Sobrang mahal nito! Hindi ko na tinignan ang presyo dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko iyon. Mabilis lang natapos ang lunch date namin nang pumunta kami ng kwarto na binayaran nya. It was an elite room! Grabe na talaga itong lalaki na to.
"Sumobra ka yata sa suprises sakin, baka mamaya may regalo kang singsing." Pagdadaldal ko at tumawa naman sya.
"Not yet." Sabi nya kaya agad ko syang tinignan ng masama. So tototohanin nga nya?
Malapit na akong mag OJT pero hindi yata mangyayari iyon. May kakaiba akong kutob e. Naka receive na din ako ng mensahe kay pinsan ko at siguro ilang linggo na lang at magpaparamdam na ang mga tao sa organisasyon at magkikilos na naman sila.
Sa ngayon, mas gusto ko na lang enjoyin ang lahat habang wala pang nangyayari na kakaiba.
I choose to be happy with him.
To be continued....