Zero's Pov
It's been two weeks since we've been to Zambales. Going back to the City means the reality.
After the Inter High. Everybody seems to be busy. Drew was busy in the council and we're preparing for the midterm exam.
Ally and Shane was still attending their class including Jichell. But since we've separated the classroom I always missed Salamander everyday.
I'm calling her Ally now since that's her true name. Though I don't know if Ryder was her last name too. My friends kinda shocked the first time I told them about Jack's true name. But they still called her Jack since they used to call her that.
Everything was seems to be normal for me except one.
Heart.
After Ally returned all my memories. I kinda pity and guilty about Heart. I used to be her bestfriend. I used to think that we're in a relationship back then. But now, I kinda neglected her.
She's always busy and doesn't seems to notice us at all. She didn't even having lunch with us like we used to do.
Ngunit mukhang wala ring pakialam ang mga kaibigan ko sa bagay na yun.
Not to mention that they used to tease me to wear a wedding gown on my wedding day if my bride is not Heart. Pero mukhang nakalimutan na nila iyon.
Kapag nagkikita kami ni Heart ay ngumingiti at tumatango parin naman sya sakin. Ngunit hindi na gaya ng dati at halos palagi siyang nagmamadali sa tuwing makakasalubong o makikita ko sya. Na para bang sinasadya nya na iwasan ako.
Ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang muna iyon dahil mas mabuti narin iyon upang hindi siya pagselosan ni Ally. I remembered Ally doesn't like her before.
And considering her power, I feared that she might do something with Heart na baka pagsisihan ko pa.
And knowing about her power ay ngayon ko lang arealized na kung hindi pala sya napigilan ni Shane noong nagkaharap sila ni Heart ay baka kung ano na nga ang nangyari kay Heart.
Flashback...
"Are you his girlfriend?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Jack kay Heart. At maging si Heart ay nagulat din saka bahagyang napalingon sa paligid.
Alam kong malabo ang relasyon na meron kami pero umaasa ako na sanay kahit ngayon lang. Sabihin nyang boyfriend nya na ako. Dahil kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend ko sya at mahal na mahal ko sya.
Sandaling naghari ang katahimikan.
"Why can't you answer? Are you this guy's girlfriend?" Ulit ni Jack na bahagya ng tumataas ang boses. At pansin ko rin na unti unti na namang nagiging kulay black ang purple eyes nya. Is that really a lense that change its colors everytime she's mad?
"N-No." Para akong sinaksak sa sagot ni Heart.
"B-but I'm his best friend. At madalas-!"
"Enough! If you're not his girlfriend then don't act like one. If I win the game. I want you to stay away from Natsu. Ever." Seryosong wika ni Jack na kinatahimik ng lahat.
May dalang kilabot ang boses niya na para bang kapag sinuway mo sya ay may mangyayari sayong hindi maganda.
"Jack, let's go." May pag aalalang wika ni Shane habang di alam kung hahawakan ba si Jack o hindi.
Napabuntong hininga naman si Jack saka tumalikod na samin ngunit hindi pa sila nakakalayo nang muling magtanong si Heart.
"What if I don't do that? Zeck is my friend. At may mga bagay kaming pinag uusapan na kami lang ang nakakaalam and our closeness will never change even if you won the game." I can actually clap for the braveness of my Heart but I'm scared for her for whatever reason it may caused.
Jack slowly turned to us and lock the gaze with Heart.
"If you break my rules. You're gonna face my consequences. And I am telling you. You're not gonna like it. Don't ever dare to push me on my limit lady. You don't know who you are dealing with." Matigas niyang wika bago muling tumalikod.
"Why? Sino ka ba talaga? Are you becoming a monster when you're angry? Are you going to eat me? Or you're just really a devil inside and outside." Heart exclaimed.
"Heart tama na. Let them leave." Awat ko sa kanya saka sya hinawakan sa braso ngunit ipiniksi nya lang ang kamay ko.
Huminto sa paglalakad si Jack pero hindi na sya lumingon samin.
"Yes. I am becoming monster when I'm angry. Atleast I am showing my true colors to everyone. Not like somebody here who's hiding their evilness behind their angelic face." Makahulugang wika ni Jack saka lumingon samin.
"But I know what's their secrets. Do you wanna know what that is miss Angel Heart Sison?"
End of Flashback...
I know it's kinda strange na hindi ako nag aalala o natatakot kay Ally. Ni hindi ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng ginawa nyang pagbura sa mga alaala namin. At kahit ngayon na wala paring alam ang mga kaibigan ko sa totoo niyang pagkatao.
Siguro dahil alam kong para samin din naman ang mga ginawa nya. Kahit pa ako palang ang nakakaalam ng lahat ng yun. I'm happy that she entrusted me her deepest secret. She's being open with me.
And despite of the dangers she might brought to me, I'm still proud that she's my girlfriend.
That I'm in a relationship with the devil.
At kahit hindi naman kailangan ay sinimulan ko na ring gampanan ang pagiging boyfriend ko sa kanya.
I want to pick her up to go to school together and send her home at the end of the day. Iyon naman talaga ang gawain ng isang boyfriend diba?
Iyon ang mga bagay na gusto kong gawin noon kay Heart pero palagi nya lang akong pinipigilan.
Pero ngayong kami na ni Salamander, gusto kong gawin at ibigay sa kanya ang mga bagay na matagal ko ng ninanais bilang boyfriend nya. I want to take care of her. I want her to feel my love for her.
And now, I'm here in her house waiting for her to come down.
Hindi narin naman ako iba kina Tanda and Shane. In fact, they're happy that I'm always with Salamander. Though medyo hindi sila sang-ayon noong nalaman nila na sinabi sakin ni Ally ang lahat ng tungkol sa nakaraan nya. Nalaman ko rin na silang magkapatid ang nag-alaga kay Ally nung mga panahong tumakas sila sa mga Russian Scientist. Alam kong hindi pa ganun kalaki ang tiwala nila sakin dahil bago lang kami ni Ally pero okay lang, dahil ang mahalaga ay may tiwala sakin si Ally.
"Hey Zero, una na kami. Maaga ang exam namin ngayon kaya bilisan nyo ni Jack ha?" Ani Shane habang naghahanda ng pumasok.
"Sure." Sagot ko.
"Bye Oppa." Nakangiti namang paalam sakin ni Jichell at sumunod na kay Shane.
Hindi na rin ginagamit ni Shane ang motorbike nya dahil nakakotse na sila ni Jichell pag papasok. Minsan naman ay sinasama ko ang dalawang kumag upang sila naman ang maghatid kina Shane at Jichell.
Alam kong may something din na nangyari sa apat na yun nung nasa Zambales kami dahil waring naging magkakasundo na sila ngunit hindi ko nalang yun pinansin dahil abala ako sa girlfriend ko.
Ilang sandali pa ang lumipas nang lumabas si Ally sa kwarto nya.
Napangiti ako at agad na napatayo sa sofa. Ngunit bahagya akong natigilan nang mapansing nakasuot siya ng hearing aid (headset like) ngunit di halata dahil natatabunan ng kanyang buhok at salamin sa mata.
Agad ko syang sinalubong sa hagdan at inalalayang bumaba.
Bahagya siyang natawa sa ginawa ko.
"Salamander, bakit ka nakasuot ng ganyan? Teka, inalis mo ba ang bead mo?" Nag-aalalang tanong ko.
"Yeah." Masayang sagot niya.
"Why? Panu kung mapaano ka mamaya kapag di mo na ako kasama. Baka matalisod ka o mabangga ka ng kung sino saka wala kang panlasa sa pagkain. Paano kung-!"
"Now you're sounds like Andy." Putol niya sakin.
"What? Well, at least now I understand Shane." Sagot ko saka sinapo ang mukha niya. "It's really dangerous for you to move without your bead, love." Masuyong saad ko.
Napangiti naman siya.
"Yes, I'm just a fragile girl right now. If something bad happens to me, I'll just wait for my boyfriend to come and save me." Aniyang napangisi saka mabilis na tinawid ang aming mga labi.
Hindi ako nakahuma sa sinabi niya subalit mabilis ko ring tinugon ang halik nya.
"Ehem.."
Mabilis akong napabitiw kay Ally saka tumingin sa tumikhim. Nakatayo sa pinto ng kusina si Tanda suot ang paborito nyang apron.
"Want a breakfast?" Tanong niya samin.
"Ah.." Atubiling sagot ko.
"I just had mine." Nakangising sagot ni Ally sabay hawak sa baba ko at muli akong siniil ng halik.
Alangan akong tumugon sa kanya dahil nahihiya parin akong nakikita kaming ganun ni Tanda.
"Alright, I got it." Naiiling nalang na sagot ni Tanda at muling pumasok sa kusina.
Hinapit ko sa beywang si Ally.
"Silly!" Natatawang suway ko sa kanya. Tinawanan lang nya ako.
"Tanda, we're going!" Sigaw pa niya kay James na nasa loob bago ako hinila palabas.
Pagdating sa school ay hinatid ko sya sa room nila at ilang beses na pinaalalahanan dahil sa pagkakataong ito ay ordinaryong tao lamang siya. Pinatigil ko narin ang pagsalubong at pagtitili ng mga estudyante sa tuwing darating kami dahil mahirap na, hindi ordinaryong tao ang girlfriend ko at baka magselos sya sa mga ito. Hehe.
Nang matiyak na ligtas na siya ay saka pa lamang ako umalis upang magtungo sa klase ko.
Ngunit natigilan ako nang makasalubong ko si Heart. Natigilan din siya at bahagyang tiningnan ang classroom na pinanggalingan ko.
Atubili siyang ngumiti sakin at akmang aalis.
"Heart sandali." Tawag ko sa kanya. Natigilan siya at lumingon sakin.
"W-what?" Animo'y takot na tanong niya.
What's wrong with her?
Kahit papano ay matagal din ang pinagsamahan namin at alam ko kapag natatakot siya.
"Ahmm, pwede ba tayong mag-usap mamayang lunch?" Nakangiting tanong ko.
Lumikot ang mga mata niya at nagpalinga linga sa paligid na ipinagtaka ko.
"Ah- Ano...kasi, may kasabay na kasi akong maglunch mamaya eh. Pasensya na." Aniya at nagmamadaling umalis.
Nasundan ko nalang siya ng tingin.
Something's wrong with her. Bakit parang may pinagtataguan siya?
Nagtataka man ay napailing nalang ako dahil baka masyado lang syang busy lalo pa at may exam kami.
During lunch ay kaming anim parin ang magkakasama. Hindi lingid sa kaalaman ko na halos samin nalang nakatingin ang mga estudyante. Maybe they're wondering how we get close to them gayung halos ipabugbog ko pa sila noon sa mga tauhan ko.
And speaking of my gang. Hindi ko narin sila madalas makausap dahil naging abala ako samin ni Ally.
Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal. Makakalimutan mo talaga ang iba kapag kasama mo ang taong mahal mo.
Habang kumakain ay masayang nagkukwentuhan ang apat. Habang hindi naman ako magkanda-ugaga sa pag-asikaso kay Ally dahil sa kundisyon nya.
"Grabe, akala ko OA na si Shanix noong makita natin syang tudo kung mag-alala kay Jack pero ngayon, mas malala pala itong isang 'to. Ano bang meron at mukhang inaalipin nya ang sarili sa pag-aasikaso kay Jack?" Ani Cody na hindi maipinta ang mukha ngunit hindi ko sya pinansin.
"I don't know. But he's a bit strange today. He texted Jack every minute of the day today." Nagtataka ring sagot ni Drew.
Nagkatinginan naman sina Jichell at Shane. Walang alam ang dalawang kumag sa kalagayan ni Ally ngayon dahil hindi nila alam ang dahilan.
"Love, take this one. It's my favorite." Nakangiting saad ko kay Salamander at sinubuan siya ng carbonara. Alam kong wala siyang panlasa ngayon pero mukhang sarap na sarap naman siyang kumain.
"He's fucking cheesy too." Di maipintang saad ni Cody.
"Maybe he didn't sleep well last night." Ani Jichell habang kumukuha ng pagkain sa plate ni Cody.
"Did he just drug himself?" Drew.
"No, I think he didn't take his medicine." Ani Shane at nilagyan ng putahe ang plate ni Drew.
"Do you think we should take him to the hospital." Ani Cody at binawi ang pagkaing kinuha ni Jichell sa plato nya.
"No need. Unnie is his medicine." Ani Jichell at pinigilan ang kamay ni Cody na bawiin ang pagkaing kinuha nya saka mabilis na sinubo.
"Maybe he hurt his head and he needs surgery." Ani Drew na kinain ang inilagay na pagkain ni Shane sa plate nya.
"We should let his brother knows that he-!" Cody.
Klang!!
Naputol ang pagsasalita ni Dy nang marahas kong ibagsak ang kutsara ko at tiningnan ko silang apat ng masama.
Tama bang pag-usapan nila ako na parang hindi nila ako kaharap?
Marahan silang napayuko at sabay sabay na napahagikhik.
"Stop glaring at them." Ani Ally habang natatawa rin.
"They're teasing me. I'm just worried about you." Nakapout na sumbong ko.
Napangisi siya saka marahang tinapik ang ilong ko.
"Coz you're cute." Aniya na nagpa-init sa mukha ko.
"Nagblush pa!" Lalong nalukot ang mukhang bulalas ni Cody.
"Geez!" Nakangiwing turan naman ni Drew.
"Kayo! Mga epal kayo eh! Landiin nyo nalang din yang dalawa sa tabi nyo pwede?" Asik ko sa kanila. At sukat dun ay sila naman ang pinamulahan ng mukha.
"What the... You're gross!" Nakangiwing turan ko.
"Mas malala ka!" Sabay na asik nila.
Napailing nalang ako at hindi na sila pinansin.
Matapos ang lunch break ay pinauna na namin ang mga asungot at nagtungo naman kami sa roof top kung saan ako hinalikan ni Salamander.
Makulimlim ang panahon at mukhang uulan mamayang hapon.
Niyakap ko si Ally mula sa likod habang nakatingin sa malayo. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw na tanaw namin ang malawak na grounds ng school.
"I thought that the day you kissed me here was our first kiss." Saad ko.
She chuckled.
"Why did you brought me here that time?" Tanong ko sa kanya.
"Well, to have you look at me only. And confessed." Aniya.
Napangiti ako sa narinig. She did confessed to me that day pero akala ko ay nagbibiro lamang siya noon.
"When did you fall inlove with me love?" Tanong ko.
"I don't know. I just realized it recently." Aniya.
Bahagya siyang kumalas sa yakap ko at humarap sakin.
"What about you? When did you realized that you love me?" Aniya.
Napakagat labi ako at bahagyang nag-isip.
Kelan nga ba?
"Well, I don't know. I just realized it lately." Kibit balikat na tugon ko.
Natawa siya sa sinabi ko.
"Since when did you learn that style?" Aniya.
"What style?" Kunwaring tanong ko.
"That! Copying someone's saying to strike back."
Natawa ako at hinapit ang beywang niya.
"Ow.. Ikaw kasi eh. Pauso ka." Saad ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"But thank you." Saad ko.
"For what?" Takang tanong niya.
"For coming to my life and entrusting your secret to me."
Bahagya siyang natigilan.
"But that is not a secret to be proud of. Until now I'm still wondering why you're not afraid of me."
Ginagap ko ang mga kamay niya at marahang hinalikan.
"You have no idea how precious your secret to me. Growing up, I never felt even a slightest trust of my grandma. For her, I'm always a disappointment. Even though my parents and siblings always says that they trust me. I still feel empty. Without earning grandma's trust I still feel useless." Saad ko.
Bahagya akong natahimik matapos kong sabihin iyon.
"I envy your grandma."
Takang napatingin ako sa kanya.
"What? Why?" Litong tanong ko.
"Because my Natsu was doing his best to earn her trust and love. But no matter what her reasons for ignoring you I know she's just doing her best too to earned your trust and love." Aniya at hinaplos ang pisngi ko.
Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"Humans are sensitive when they're getting old. Have you ever told her that you love her? Have you ever embrace her and kissed her cheeks or have her blessed you when you come home? Have you ever look in her eyes when she's talking to you? Or do you even know what's her look like right now? We often makes mistake. But our mistakes cannot be corrected with another mistake."
I'm speechless. I don't know what to say. I never thought that Ally was a good adviser.
Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit dahil parang muling nabuksan ang puso ko para kay grandma sa mga narinig ko. Para tuloy gusto ko syang makita at yakapin.
"You're right. I never did any of those to grandma. I always thought first that she doesn't like me. Oh God! What a shame of me. Thank you love. Thank you for reminding me these things." Saad ko at napapikit ng mariin habang yakap siya.
"You know what? Pakiramdam ko, ikaw talaga si Allyna. Yung totoong Allyna bago ka magkaroon ng bead. You're such a good talker love." Natatawang saad ko.
"Really? You think this is the real me?" Aniya.
"Yes. This is the real you. I can tell that by your looks that before everything bad happened to you. You're just a simple and sweet girl to your dad and mom. Shy type and very kind." Turan ko habang pinapasadahan siya ng tingin.
"You think so?" Natatawang turan niya.
"Uhuh! Sa itsura mo ngayon walang makakapagsabi na makakaya mong magbuhat ng upuan. Uh! You're looks can be very deceiving you know that?" Komento ko.
"So you're saying that I'm just a weakling and can be bully by anyone?" Nakataas ang kilay na sabi nya.
"What? Who the hell would like to bully you? I'll smash them and kick their ass. Nobody have the right to bully my girl." Agad na kontra ko.
Natawa syang lalo sa tinuran ko.
I love her smile. She's looks so innocent. Come to think of it. I think I saw her sweet smile before.
"I love you love." Anas ko.
"Wait...when did you start to call me love?" Takang tanong niya.
Huh?! Waring noon ko lang din iyon narealized. Ever since she became my girlfriend I kinda like to call her love. But I don't know why. We never agreed to any endearment anyway. But calling her 'love' was just naturally come out in my mouth.
"Well, I don't know. It just... I think, It just comes in my mouth naturally." Kibit balikat na sagot.
Bahagya siyang natigilan.
"Something wrong? Ayaw mo ba na tinatawag kitang love? Well, I think..Okay din naman sya. Pero kung ayaw mo-!"
"No, it's fine. I was just thinking that it's kinda sweet and caring." Nakangiting saad niya.
Napangiti rin ako at muli siyang niyakap.
"I love you love." Ulit ko.
"I love you more my love." Aniya.
Napangiti ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
God! I love her!!
Ilang saglit pa kaming nagyakap nang tumunog na ang bell.
Masaya ko syang inihatid sa room nya saka ako nagtungo sa room ko.
But along the way ay bigla akong natigilan nang biglang sumigid ang sakit sa dibdib ko.
What??...what's happening to me??! Why all of a sudden??!
Napahawak ako sa dibdib ko habang habol ko ang aking hininga.
Jesus! I can't breath!!? Why??!!
Nang halos mapaluhod na ako sa sakit nang tumigil ang pagsakit nito.
Hah! Haahh!
Hinihingal ako na parang hinabol ako ng kung ano.
Nagtaka ako sa nangyari.
Why all of a sudden ay nangyari ito?
I think I need to visit Kuya Eros.
---