"Good Morning po!" masayang bati ko Tita Kristine pagpasok ko sa bahay nila.
"Good Morning" sagot naman niya.
"Nasa kwarto po ba si Brynthx?" tanong ko kay Tita dahil hindi ko naman siya nakita sa sala at kusina nung madaan ako don.
"Nasa garahe siya kasama si Max" sagot naman nito
"Sige po Tita. Thank you"
"Always welcome"
Katulad ng sinabi ni Tita, pinuntahan ko sa gareha ng bahay nila si Brynthx. Naabutan ko siyang pinanonood kumain si Max. Bigla ko tuloy naalala yung unang beses na magkita kami dahil kay Max. Syempre hinding hindi ko makakalimutan ko muntik na akong dambahin ng aso niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi sa aking naalala.
Napansin naman agad ni Brynthx ang presensya ko kaya kinawayan ko siya sabay ngiti. Umupo ako sa tabi niya at pinanood siya sa kanyang ginagawa.
Palihim na napailing na lamang ako nang makitang hindi man lang nag abalang magsuklay o mag ayos man lang ng buhok si Brynthx. Hindi ba siya natutusok sa mata ng sarili niyang buhok?
"It's okay to be afraid. It's okay to be scared but I promise that no one can hurt you as long as I'm here and I want you to remember that you can rely on me.....because you have me."
Biglang nanlaki ang aking mga mata at pakiramdam ko ay namumula ang aking mukha dahil sa aking naalala. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko para magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya 'yon ng harap harapan.
Pakiramdam ko tuloy ay ang tapang ko na para sabihin na lang 'yon ng ganon kadali.
Wala sa sariling napadukot na lang ako ng lollipop mula sa aking bulsa ngunit napatigil din agad dahil muli kong naalaa ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa tamang pag iisip. Lahat ng tignan at maisip ko ay nagpapalala lang sakin ng mga nangyari kagabi tapos ang lakas pa ng loob ko na tabihan siya ngayon na parang walang nangyari.
Iwinaksi ko na 'yon sa aking isipan at nagbukas ng lollipop sabay subo sa candy. Liningon ko si Brynthx at nakita kong nakatingin din siya sakin.
"W-what?" nauutal na tanong ko
"Nothing" sagot nito saka muling hinarap si Max
Napatingin ako sa kanyang magulo at mahabang buhok. Hindi ko alam pero parang may natutulak sakin na hawakin 'yon.
Inangat ko ang aking kaliwang kamay at aktong hahawakan ko ito ngunit nadaan ang aking tingin sa kanyang sugat sa noo kaya mabilis na pinigilan ko ang aking sarili at nanahimik na lamang.
"It's okay"
"Huh?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Did he see that?
"If you want to touch my hair then touch it. I don't mind." sagot gaot nito saka ako nilingon.
"No. It's okay....." nahihiyang sagot ko sa kanya
Nagtaka naman ako nang narinig ko siyang bumuntong hininga.
"I'm sorry for touching you without your consent but--" nanlaki ang mata dahil sa pagkabigla nang hawakin niya kanang kamay ko at ipatong 'yon sa ulo niya. Siya na ang naghawak ng kamay ko buhok niya.
Tuluyan niyang iniharap ang sarili sakin habang hindi binibitawan ang sa pagkakahawak ang aking kamay.
Bahagya siyang yumuko para mahawakan ko nang maayos ang kanyang ulo dahil hindi naman kami pantay ng laki.
Nag alalangan pa ako nung pero mukhang wala talaga siyang balak na bitawan ang kamay ko dahan dahan ko hinawakan ang buhok.
I was amazed because his hair feels so soft and smooth. Mas maganda pa yung buhok niya kaysa sa buhok ko. Madalas kasi akong hindi nagsusuklay dahil tinatamad ako o kaya naman kapag walang makitang suklay sa bahay. Minsan naman ay nahihiga na agad ako sa kama kahit basa pa ito dahil kalalabas lang ng banyo.
Saka ko lang napansin ang aking sarili na panay ang hawak sa buhok ni Brynthx nang marinig ko siyang mahagyang tumawa. Mabilis ko namang hinila ang kamay ko nang mabalik ako nang apagtanto ang aking ginagawa.
"I-it's because your hair feels so soft and smooth....." pagdadahilan ko habang hindi siya magawang tignan.
"Wala naman akong sinasabi" wika nito habang hindi mapigilan ang kanyang ngisi
Lalo naman akong namula dahil sa sinabi nito. Myghad.
"Bahala ka na nga diyan!" kung ano na lang maisip kong sabihin sa kanya dahil sa hiya.
Tumayo ako nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Wala sa sariling pumasok ako sa loob pero masyadong napalakas ang pagsara ko ng pinto kaya lumikha ito ng inggay. Nagtataka naman akong tinignan ni Tita na nanonood lang sa sala.
"Did something happen?" nagtatakang tanong ni TIta habang nakatingin sakin
"W-wala naman--"
"Napatid siya papasok dito"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil biglang may nagsilita sa aking likuran. Nanlalaki ang matang tinignan ko si Brynthx. Hindi ko man lang naramdaman na nasa likod ko na pala siya.
"Mag iinggat ka sa susunod" bilin ni Tita sakin
Hindi ko na siya nagawang kontrahin pa at nahihiyang tumango na lamang kay Tita bilang sagot.
"Mag iinggat ka kasi sa susunod" mahinang sabi ni Brynthx pero sapat lang para marinig ko.
Naiinis na tinignan ko siya pero parang wala siyang nakita at ilang beses pang tinapik ang kaliwang balikat ko habang tatawa tawang umakyat sa hagdan at dire diretsong pumasok sa kanyang kwarto.
You little brat--