"Helia"
Nilingon ko si Tita Kristine nang tawagin niya ako.
"Pwede bang pakitawag si Brynthx? Pakisabi kakain na tayo." utos nito at tinanggal ang suot niyang apron saka inihain na sa lamesa ang pagkaing kanyang niluto.
"No problem po, Tita" sagot ko naman saka umakyat sa taas para tawagin si Brynthx
Kumatok muna ako bago buksan ang pinto at sumilip don. Katulad ng nakasanayan ay madilim na naman sa loob ng kwarto niya. Nakasarado ang mga bintana at may takip pa na kurtina. Pati ang ilaw ng kanyang kwarto ay hindi niya din binubuksan.
"Brynthx, pasok na ako" paalam ko bagong tuluyang tumuloy sa loob.
Binuksan ko muna ang ilaw ng kanyang kwato upang makakita ako ng maayos.
Nakita ko siyang nakaharap na aman sa kanyang computer at naglalaro ng online games. Panay ang tipa nito sa kanyang keyboard habang may nakalagay na headphone sa tainga nito. Kaya naman pala hindi makarinig.
Sinilip ko siya pero hindi parin niya ako napapansin dahil tutok na tutok ang atensyon nito sa kanyang computer.
Mukhang abalang abala siya sa kanyang nilalaro kaya hindi muna ako nagsalita at inintay siyang matapos. Hindi naman iyon nagtagal at natapos nadin siya sa kanyang ginagawa.
Tinanggal niya ang suot nitong headphone at isinabit sa kanyang leeg. Inabot niya ang tasa ng kape na malapit sa kanya.
"Tapos ka na?" tanong at lumapit sa kanya
Nataranta naman ako nang bigla siyang nasamid at sunod sunod na umubo. Wala sa sariling hinagod ko ang likod nito.
"Ayos ka lang?" tanong ko habang hinahagod ang likod niya
Nag ayos siya ng mukha at nanlalaki ang matang hinarap ako.
"Kanina ka pa ba nandito?" may mahinang boses na tanong niya. Nauubo ubo pa ito ng bahagya.
"Hindi naman. Para kasing busy ka sa paglalaro kaya inintay muna kitang matapos" sagot ko. "Kakain na nga pala tayo sabi ni Tita" dugtong ko pa.
Tumango siya kaya naman sabay kaming lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Nakapaghain na si Tita kaya nagsimula na kaming kumain. Halos dito na ako tumira at kulang na lang ay dito na rin ako matulog. Araw- araw akong pumupunta sa kanila dahil hindi daw maganda kung mag isa lang ako sa bahay lalo na't babae ako sabi ni Tita.
At para hindi ako masyadong mainip sa bahay ay sinunod ko na lang ang sabi ni Tita. Pinaalam ko din sa aking magulang na pumupunta ako kila Brynthx tuwing aalis sila para pumasok sa trabaho. Natawa naman si Mama dahil nagkakausap na ulit kami ni Tita matapos ang ilang taon. Mabuti raw 'yon dahil hindi na siya masyadong mag aalala kapag aalis sila dahil maiiwan akong mag isa sa bahay.
Magkatabi si Tita at Brynthx habang umupo ako sa tapat nila ako. Inabutan ko ng plato si Bynthx. Inabot naman niya ito saka nagsimula na kaming kumain.
Luminga linga ako at nahanap ng tinidor pero wala akong nakita. Nagulat pa ako ng abutan ako ni Brynthx nito.
Kinuha ko ito at nagsimula na kumain ngunit sabay din kaming napatigil agad sa pagsubo ni Brynthx nang makita namin si Tita Kristine na pinanonood kami habang nakangisi.
"Bakit po?" nahihiyang tanong ko at tinignan si Tita
"May nangyari ba habang wala ako kahapon?" tanong ni Tita habang hindi mawala ang ngisi nito sa labi.
Biglang nasamid ulit si Brynthx kaya naman hindi na napigilan ni Tita ang kanyang tawa. Nahihiyang kumain na ulit lang ako.
Hindi naman nagtagal at natapos na kaming kumain. Hindi mawala ang ngisi at kakaibang tingin sa amin ni Tita. Tingin pa lang alam mo ng may ibig sabihin.
Ako na ang naghugas ng panagkainan namin para naman kahit papano ay may pakinabang ako sa bahay na 'to. Nakakahiya naman masyado kung si Tita lahat ang gagawa ng mga gawaing bahay. Ayokong maging pabigat.
Nang matapos ako sa aking ginagawa ay naghanap ako ng pwedeng pagpunasan ng aking basang kamay.
Inabot ko yung basahan na nakasampay sa sandalan ng upuan sa kusina kaso dumulas ito sa aking kamay at nahulog. Yumuko ako upang pulutin ito at tumaya pagkatapos pero laging gulat ko nang biglang sumulpot na lang sa aking harapan si Brynthx. Nagulat ako sa biglaang niyang pagsulpot sa harap ko at nagulat naman siya sa biglaang pagtayo ko.
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Tingin ko'y nasa iilang pulgada lamang ang pagitan namin. Dahil sa gulat ay natigilan ako at ilang segundong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan at ganoon din si Brynthx.
Dali dali akong napalayo sa kanyang nang mapagtanto ang lapit namin sa isa't isa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman sunod sunod ang pag atras na ginawa ko.
Dahil sa sunod sunod na pag atras na aking ginawa ay namalayan ko na lang ang aking sarili na nawalan ng balanse at malakas na tumama ang aking likuran sa isang matagas na bagay na sa tingin ko ay ref.
"Look out!" sigaw ni Brynthx bago malaglag ang mga nakapatong na kung ano sa ibabaw ng ref.
Napatakip na lang ako ng sarili at inintay na bumagsak sakin yung mga bagay na nakapatong sa ibabaw ng ref... Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala akong naramdamang tumama sakin.
Unti unti kong idinilat ang aking mata at doon ko nakita si Brynthx nasa harap ko.
Bigla siyang napahawak sa kanyang noo at napaupo. Hindi naman ako makagalaw dahil sa gulat. A-anong nangyari?
Nang matauhan ay mabilis na dinaluhan ko si Brynthx.
"Are you okay?!" nag aalalang tanong ko kay Brynthx
Sinilip ko ang mukha at lalo akong kinabahan sa nakita ko.
H-he's bleeding!
"What happend?!" gulantang na tanong ni Tita Kristine dahil sa naabutan niya