Tải xuống ứng dụng
50% Ramified / Chapter 3: Chapter 2: Embarass

Chương 3: Chapter 2: Embarass

Antika's POV

Sa ilalim ng bilog na buwan. Nakatayo ako at siya. Hinila niya ako papunta sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan kahit anong mangyari. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at saka ko rin siya niyakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, bonj" bulong niya saakin na naging dahilan ng pag luha ko. Oo, umiyak ako. Umiyak ako dahil alam kong nasa isa nanamang panaginip ako. Sa panaginip na dala na lamang ng nakaraan. Sa panaginip na lang kami magkasama. Sa panaginip ko nalang makikita yung tayo na masaya sa isa't isa, na mahal na mahal natin ang isa't isa...

Idinilat ko ang aking mga mata. Pinunasan ang mga luha sa aking mata na dala rin sa realidad.Bumangon ako sa higaan ko at nag ayos ng kama. Maaga akong nagising ngayon upang paghandaan ang muli naming pagkikita. Oras na siguro para makita ko siya at para makausap ko siya ng masinsinan. Alam kong wala ng pag asa pero patuloy parin akong umaasa sa kabila ng lahat ng kanyang mga sinabi.

Walang araw, walang gabing hindi ko siya tinetext o tinatawagan. Gusto ko updated siya saakin kahit ganun. Kahit busy ako sa school works ko at business, hindi ko hinayaang mawalan ako ng oras para hindi ko siya maichat o maitext kahit na may parte sa akin na baka hindi niya na ito binabasa. Wala ring araw at wala ring gabing hindi ako umiiyak dahil sa nangyayari saamin. Naligo ako at bumyahe papunta sakanila.

Pag dating ko sakanila ay wala akong Lemuel na naabutan. Lemuel Masiquen ang pangalan ng ex ko. Yung taong minahal ko ng anim na taon at iniwan lang ako.

"Tita, si Lemuel po?" tanong ko kay tita, mama niya.

"Naku iha, hindi ko napansing umalis siya." sambit nito saakin. Minsan hindi ko rin alam kung kakampi ko si Tita o kasabwat ng magaling niyang anak. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba ito o hindi. Paanong natunugan niya ang pagpunta ko sa kanila? Samantalang ang pinagsabihan ko lang naman ng plano ko ay siya at ang mga kaibigan ko sa Manila.

Ayaw na nga sana nilang gawin ko ito pero ako itong mapilit talaga, ginawa ko parin ang gusto ko kahit na alam ko sa sarili ko na masasaktan ako. Naupo ako sa isang tabi saka ko siya tinext.

"Bonj, andito ako sainyo."

"Tigilan mo na ako.. Please"

"Ayoko bonj. Please. Mag usap tayo."

"Ayoko ng makipag usap sayo." reply nito na naging dahilan ng pagtulo nanaman ng luha ko. Bakit ba ganito na lang kabilis ha? Bakit ba ganito ako kabilis masaktan ng dahil sayo? Bakit ganito mo ako kadaling saktan samantalang nakasama mo ako ng ilang taon?

"Pupunta ako jan pag wala ka na." dagdag pa nito. Ayaw na ba talaga ako nitong makita? Bakit? Hindi ko talaga mawari kung saang lupalop siya kumukuha ng lakas ng loob sabihin yan sa taong minahal niya ng ilang taon.

"Ayaw na kitang makita."

"Di na kita mahal." dagdag pa nito. An invisible flying kick sa puso ko. Tang ina! Paanong ganun kabilis mawala yung pagmamahal mo saakin ha? May bago na ba? Lagi kitang iniistalk pero wala naman akong nakikita. Wala rin namang nag sasabi saakin na mayroon. Seryoso bang nangyayari ito sa atin ngayon, bonj?

"Nagmakakaawa ako sayo bonj ko."

"Tigilan mo na ako."

"Matagal na kitang iniwan! Alam mo kung anong maganda... Mag aral ka nalang ng mabuti at kalimutan mo lahat lahat." Ang daling sabihin sayo, anu? Paano kita kakalimutan ha? Sabihin mo nga saakin? Sobra kitang minahal, bonj. Sobra. Mas minahal pa nga ata kita kesa sa sarili ko eh.

"Hindi na talaga ako babalik sayo." dagdag pa niya sa text.

"Bonj, sorry kung inuna ko yung acads." Baka kasi dahil busy ako sa school kaya ganito.

"Paki ko"

"Please stay..." text ko sakanya pero di na siya nagreply. I will do everything for you, huwag mo lang ako iwanan, bonj. Nakita ako ni tita na naluluha kaya naman nagpaalam na muna ako na pupuntahan ko ang best friend ko na si Nicole Villaruel, I call her Nicolai for short.

"Feel ko kasalanan ko to." Pagsisimula ko dito.

"Kung hindi sana ako nagmanila edi sana masaya kami ngayon, edi sana walang ganitong nangyayari ngayon" sabi ko sakanya habang tumutulo luha ko.

"Hindi mo kasalanan yun. Asa sakanya na yun balla." sagot naman nito saakin. Alam kong marami na itong ginawang kalokohan pero ako ito eh parati kong pinapalagpas dahil mahal na mahal ko ito at ayaw kong mawala. Hinayaan ako ng kaibigan ko magdrama sakanya. Alam kong may problema rin ito pero ito ang nakakatuwa sakanya, andito siya para saakin kahit madalas wala ako para sakanya.

Siya narin ang naghatid saakin papunta sa sakayan papauwi saamin. I am so glad that I have this kind of friend.

Makalipas lamang ang ilang oras ay bumalik ako sa bayan, sa mismong town proper at saka nakipag kita sa iba pang kaibigan ko. We go to a bar as Ceejay together with Nicole invited me to have some drink. After an hour, I found myself drinking a lot of liquids from a liquor. Nagpakalasing ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Nagpakalasing ako kasama si Ceejay at Nicole. This couple look like tom and jerry but somehow nakakainggit kasi kahit away sila ng away, sila parin hanggang ngayon.

Suddenly, as Nicole comes nearer and nearer to me, all went black. Ang huli ko na lamang nadinig ay ang pagsigaw niya ng tulong.

Nagising nalang akong nasa hospital na ako. Asa harap ko siya. Asa harap ko si Lemuel. Pinilit kong tumayo para yakapin siya. Pero sobrang hirap, nanghihina yung katawan ko.

"Mahal na mahal kita, bonj" sambit ko bago ako ulit mawalan ng malay. Agad naman akong pinalabas ng hospital at pamilya mismo ni Lemuel ang naghatid sa akin papauwi saamin. It was one of my embarassing moment and a learned lesson. Nakakahiya yung ginawa ko.

Pag gising ko kinaumagahan ay agad na akong pinauwi sa Manila at hindi na nila ulit ako muling pinabalik ng probinsiya dahil natakot na silang baka sa susunod ay hindi na lamang iyon ang gagawin ko kasama ang mga tropa ko.

MANILA

Pagkauwi ko naman sa Manila. Agad naman akong pinuntahan ni Frank Xavzed together with his friend Llord Zeiver. Inaya kaagad ako nitong kumain kami sa labas kaya naman hindi na ako nakatanggi pa. Kinamusta niya ako't tinanong kung okay lang ba ako. To be honest, sobrang swerte ko na may Frank akong kaibigan.

Frank na aantayin ako sa Manila para lang mapuntahan ako at makamusta kasi nalaman niyang isinugod ako sa hospital dahil sa paghinto ng tibok ng puso ko gawa ng alak. I guess hindi ko kaya yung mga ganung brand kaya ganoon ang nangyari saakin. Bata pa si Frank pero mas mukha pa itong matured saakin. Matured sa lahat hahahaha. Kung pwede nga lang siya edi siya na.

" Erp, alam mo sobrang hirap makamove on lalo na't planado na yung future namin. Bakit ganun? Ilang years nalang oh gragraduate na ako saka makakapagtrabaho na kami pero bakit kung kelan malapit na saka nang iwan?" sabi ko sakanya sa chat as he travel on his way pauwi sa Province namin pagkatapos nila akong puntahan sa Manila.

"Alam mo erp, know your worth. Ganun naman lahat erp eh, hindi natin pwedeng isipin na yung tao mag sstay lang parati saatin. Kung hindi para saatin, hindi para saatin. Kung para saatin yan, kahit maghiwalay kayo ngayon babalik at babalik kayo sa isa't isa erp sa tamang oras." sagot naman nito saakin. This is why I admired him the most sa lahat ng lalaking kaibigan ko. Naiyak nanaman ako. Iniisip ko nanaman siya, bakit ganun? Nakakatampo minsan si Lord eh. Real quick. Hindi ko naman alam na ganun pala ako kalapit sakanya. Nadinig niya agad.

Hindi ako ready...

Hindi ako ready maiwan...

Hindi ako ready tiisin yung sakit...

Hindi ako ready sa lahat lahat...

"Please, huwag mo na siyang balikan. Naaawa na ako sayo." muli nitong chat saakin. Kung pwede nga lang na kalimutan siya agad para hindi ko na siya balik balikan eh at nang hindi na ako nasasaktan dahil sakanya, eh kaso hindi ganun eh. Mahal na mahal ko yung tao eh.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C3
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập